CHAPTER 4

2065 Words
Danica's POV.... Ang pagmamahal ko kay Travis ay ang uri ng pagmamahal na kayang gawin ang lahat para makamit yon. In her 10th birthday... I pushed Ellaina in the guess room . "D-danica..." Tawag sakin ni Ellaina pero ini-locked kona ang pinto at inismidan sya. Saka ako lumayo don at di pinansin ang tawag ng bata. I was 11 years old at nakaya kong gawin ang ganoong bagay para kay Travis. Ngunit ng pababa na ako ay nakasalubong ko si Travis. Kinabahan ako.. "Nakita mo ba si Ellaina? Asan kaya sya ? Ipapakita ko sana tong regalo ko sa kanya" sabi ni Travis na nakangiti. Kinabahan ako at di malaman ang gagawin ng bigla ay marinig namin ang pagtawag at pagkalampag ni Ellaina sa pinto. Nanginig ako sa takot. Hindi ko masalubong ang tingin ng lalaki. "Anong ginawa mo sa kanya?" Noon ko lang nakita ang poot na yon sa mata ni Travis. Nang tangka nyang puntahan si Ellaina ay pinigil ko sya.niyakap ko si Travis. Oh how i love this boy. "Travis, wag mo na syang puntahan..nandito naman ako eh" sabi ko. "Ano bang sinasabi mo?" Naguguluhang tanong nya. Nasaktan ako sa tingin nya sakin. "M-mahal kita Travis," sabi ko. Nabigla ito at inalis ang kamay ko sa katawan nya. "Hindi kita mahal, si Ellaina ang mahal ko at kahit kelan di kita mamahalin..you're horible!" Galit pang dagdag. Napaiyak ako sa sinabi nya. Ang sakit grabe.. Pinuntahan na nya ang dulo ng guest room kung nasaan si Ellaina. Nang bigla ay makarinig ako ng mga pagsabog at ilang putok ng baril. Nanlaki ang mga mata ko.si Travis at Ellaina? Nandon sila.. Akma na sana akong babalik don Pero may humila sa braso ko . "C-chairman?" "Run Danica.. Walang dapat makaalam ng ginawa mo,makukulong ka" sabi nito . "H-ho? Pero si Travis at Ellaina--" Pero hinila na nya ako palabas ng mansyon habang tinatanaw ko ang itaas . May sumalubong samin na lalaki. "Chairman si president di namin makita." Sabi nito sa lolo ni Ellaina. "Hanapin nyo, hindi pwedeng mabuhay ang mag-ama." Nagimbal ako sa narinig. Napatulala ako doon hanggang umalis na sila Chairman. Napahagulgol ako don lalo na at nakikita ko ang unti-unting paglamon ng apoy sa buong mansyon. Anong ginawa ko? "Danica?" Hindi pa ako nakaka move on ay nandon naman si Jarred at galit na hinawakan ako sa balikat . "Asan si Ellaina?" Tulala ako at umiiyak habang inaalog ni Jarred. "Saang kwarto Danica?" Sigaw na tanong ni Jarred na ikinatulig ko. "S-sa guest room sa dulo" pikit mata kong sabi. At nakita ko ulit ang poot na yon na una kong nakita kay Travis. "I will never forgive you!" Tiim ang bagang na sabi saka iniwan ako. "Jarred!!" Sigaw ko sa kanya. Muli akong napahagulgol ng iyak.. I was wrong.. I did wrong.. I cried myself to die that night.. At gusto kong mamatay na ng mga oras na yon. I stand up at sa nanlalabo kong mga mata ay humakbang ako pabalik ng nasusunog na mansyon. Gusto kong mamatay na rin. Kung mamamatay si Travis at Ellaina ay dahil sa akin kaya dapat na rin akong mamatay. Inihakbang ko ang mga paa. Pero bago ko magawa yon ay may humawak ng braso ko at hinila ako palayo don. "A-azzerdon,?" Nabigla ako ng makita ang lalaki. Bakit sya nandon? Naka itim itong kasuotan at may palaso sa balikat. "Wag mo ng dagdagan ang katangahang nagawa mo Señorita!" Seryosong sabi nito. Napaiyak na naman ako sa sinabi nya. I saw his face .. Yong mukha nila Travis at jarred ay poot ang nakita ko pero ang nababasa ko sa mata ni Azzerdon ay awa at pangunawa... Na para bang sinasabi nya na naiintindihan nya ako. Na hindi nya ako huhusgahan. And i cried to that thought. Bigla akong yumakap sa lalaki.. At doon umiyak ng umiyak. I need someone na makakaintindi sa akin at ng mga oras na yon ay si Azzerdon ang taong yon. "I was wrong...i was wrong" iyak ko sa dibdib nya. Hindi sya nagsalita at di rin nya ginanti ang yakap ko.Hinaplos lang nya ang likod ko. Ang lalaking kina-aasaran ko ay syang karamay ko ng mga sandaling yon. Pagkatapos ng aksidente na yon. Namatay si Ellaina.. Naging magulo ang imbestigasyon. Si Daddy Eleazar ay na comatose sa ospital and i feel guilty. Ang pangako ni Chairman ay wala palang katotohanan. Dahil pagkalibing ni Ellaina ay umalis ng bansa ang pamilya ni Travis. I was so broken.. Jarred hate me, he became cold to me..sa amin ni Mommy..parang naging ibang tao sya. At si Azzerdon ay diko na muling nakita matapos ng gabing yon. Labis ang aking pagsisisi. Namatay si Ellaina dahil sakin. Matagal akong natulala.. Palagi akong nagkukulong sa kwarto. Gabi-gabi akong dinadalaw ng masamang panaginip. Sa panaginip ko ay tinatawag ako ni Ellaina. Sa panaginip ko ay nagmamakaawa syang buksan ko ang pinto.. "Danica anak?" Pumasok si Mommy sa kwarto ko. Pawisan ako ng mga sandaling yon sa bago naming bahay na binili ni mommy matapos matupok ang buong mansyon ng hacienda. "M-mom.. Im guilty.. Dahil sakin namatay si Ellaina" umiiyak kong sabi. Pinahid ni mommy ang luha ko. Saka ako niyakap. "Wala kang kasalanan anak, please dont be like that.. Natatakot na ako sa nangyayari sayo. " sabi nya. "I deserved it mom,masama akong tao" umiiyak kong sabi. "Shhh hindi yan totoo Danica..you're just young ang innocent.. Nadala ka lang ng sitwasyon.but you're not bad " "Mom palagi kong napapanaginipan si Ellaina" sabi ko. "Makakalimutan mo din sya Danica" sabi ng ina. "I dont think i can forget her" iling ko habang umiiyak. "Danica move on, sinisiguro ko sayo na wala kang ginawang masama...and Travis .. Diba gusto mo sya,?" "Yes mom but he left" lalo akong napaiyak. "Babalik din agad sya. So you better prepare yourself, wala na si Ellaina and you have all the chance in the world to have him." "M-mom?" Malungkot itong tumango. Pinahid ang luha ko. "Gawin mo ang dapat mong gawin to win his heart. Para di masayang ang kamaliang nagawa mo," Napatango ako.. Tama si Mommy.. Wala na si Ellaina. At babalik si Travis. Kaya dapat kong paghandaan yon. Azzerdon's POV.. "Heto na ang bago mong pagkatao, ikaw na si Azzerdon Villegas, ang apo ni Arturo Villegas," Yon ang sabi ni Master Jarred ng kausapin ako sa tagong lugar. Tiningnan ko ang envelop. Yun na ang bago kong pangalan. "Salamat Master" sabi ko.. Tinapik nya ang balikat ko. "I'm sorry for your father, but i will still do anything para mahanap sya, i think buhay pa si Agustin." Sabi nito na ikinalungkot ko. "Wag na master, kung buhay man si Tatay ay tiyak na babalikan nya ako, mag- focus nalang tayo sa misyon mo kay Ellaina" i said. Tumango ito matapos bumuntong hininga. Ang seryoso masyado ng lalaki. Naiilang ako dahil di ako sanay. "Magtatayo ako ng college school at don tayo magtatatag ng samahan. Sa ngayon magsanay muna tayo sa kampo. Don lang tayo magkikita, walang dapat makaalam na anak ka ni Agustin. Tumango ulit ako. "I want you to memorize my moves. Be my shadow. Pag nag college ka ay doon tayo magiging magkasangga. Lahat ng alam ko sa pakikipaglaban, dapat alam mo rin, ituturo ko sayo ang galaw ni daddy na itinuro nya sakin. Tinitigan ko si Jarred. "M-master..hindi kaba natatakot na baka dumating ang araw na traydurin kita? Kung ituturo mo sakin lahat.?" Nananantiya kong takong sa lalaki. "No, bukod sa pinagkakatiwalaan ko ang ama mo ay sigurado akong hindi mo ako tatraydurin" seryoso nyang sabi na ikinataas ng kilay ko. "Paano ka nakakasiguro?" Bigla syang may kinuha sa wallet nya. At inilapag sa mesang nasa gitna namin . "Because of her!" Sabi ni Jarred. Lihim akong kinabahan ng makita ang larawan ni Danica. Gulat akong napatingin sa kanya.nagtatanong ang mga mata kong binalingan sya. "M-master??" "I know everything Azzerdon.. Naroon ako sa La Vista ng bakasyon na yon. Sa tingin mo ba hahayaan kong magbakasyong mag-isa ang kapatid ko sa gubatang yon kasama ka? I know how you looked at my sister. But i warned you.. Tigilan mo sya.. She's broken and guilty of what she thought that happened to Ellaina. Don't ever get close to her" banta pa nito na ikinatiim bagang ko. "I'll help you to protect Ellaina. I'l be your shadow, lahat ay gagawin ko to help you but .... Ipangako mo na di mo hahayaang ikasal sa iba ang kapatid mo" "Binibigyan mo ba ako ng kondisyon?" Tiim ang bagang na tanong ni Jarred. "Gusto kong mangako ka, hindi ko lalapitan si Danica habang tinutulungan kita kay Ellaina, basta ipangako mong hindi mo sya hahayaang makasal sa iba!" Diin ko.gusto kong mangako si Jarred. So i can breath . "Okey!" Tipid nyang sabi. Saka kami nagkamay. I will be his shadow, kasangga nya ako at hindi ko sya iiwan sa laban. So i can have her sister pagkatapos ng misyon na yon. At kontento na ako sa kaalamang yon sa ngayon . Danica... Danica's POV... MONDEJAR UNIVERSITY.. Excitted akong pumasok sa paaralang yon ng kapatid ko. Malapit lang yon sa mansyon namin pero malawak yon. Ito lang naman ang dating hacienda nila Ellaina non. Sa wakas makakasama kong muli si Travis sa school na yon. Second year high school na kase syang nakabalik galing america. Akala ko madali na akong mapapalapit sa kanya. Na pwede kaming maging magkaibigan pero mas lumamig ang trato sakin ni Travis. Ako ang sinisisi nya kung bakit namatay si Ellaina. Pero di ako sumuko. Nang malaman kong sa MU din sya pumasok ay sumunod ako. "Miss bago ka dito?" Napalingon ako sa isang estudyante na nakasandal sa pader. May dalawa pa itong kasama na kapwa nakangisi sa akin. Kumunot ang noo ko. "Sino kayo?" Blangko ang mukang tanong ko. Tumawa ang mga lalaki. Kinabahan ako ng lumapit sila sa akin. "Maganda ka, halika miss, kakausapin ka ni boss Noylan" anito na ikinataka ko. Kahapon lang ako dumating sa MU at first day kong papasok ngayon. Sino naman kaya ang boss Noylan na sinasabi ng mga ito. "Let's go" hinawakan pa ako ng mga ito sa braso pero pumiksi ako. "I can walk at di nyo na ako kailangang hawakan." Taas ang noong sabi ko. "Oh okey.. Buti naman" ngisi ng isa saka nila ako pinaggitnaan . Nagtataka man ay sumunod ako sa kanila. Nang makalayo na kami ay nagtaka ako dahil madalang na ang nagagawi sa lugar na yon ng school. Hindi ko pa naman masyadong gamay ang lugar na yon dahil bago palang ako.pero tahimik lang akong naglakad pasunod sa kanila. Nang bigla ay mapatigil ang mga lalaki sa paglalakad. Napatingin ako sa kanila. Larawan sila ng mga takot habang nakatingin sa harapan. Taas ang kilay na sinundan ko ang tinitingnan nila. Isang matangkad at matipunong lalaki na naka jacket na itim ang nakapamulsang nakatingin sa amin. That face was so Familiar... Nakangisi ito habang may nginunguyang bubble gum. "Azzer??" Bakas ang takot na bigkas ng lalaki. Azzer? Sinupla nya ang kinakaing gum at saka nagsalita. " San nyo dadalhin yan?" Turo nito sa akin. Ito ba si Azzer na kakilala ko? Imposible.. Ang laki ng ipinagbago ng hitsura nito eh. "A-azzer kakausapin lang sya ni Boss Noylan" nauutal na sagot ng isa. "Really? Anong kailangan nya sa kapatid ni Jarred?" Matalim ang matang tanong nya sa mga lalaki. "K-kapatid?? Sino?" Tila lalong natakot na tanong ng isa.. "Yes, si Danica Mondejar yan eh, kapatid ni Master Jarred. So pakitanong sa pangit nyong boss kung anong kailangan nya sa kapatid ni Jarred?" "Ha?naku wala--im sorry Ms. Mondejar, mali pala ang natawag namin" ang sabi saka nagmamadaling umalis. Muntik pang madapa ang isa. Nagtaka ako sa ikinilos ng mga lalaki. Naiwan kami ni Azzer. Nagkatitigan kami. Kinabahan ako ng matitigan ang mata nyang parang laging may kapilyuhang iniisip. "A-azzer,? Ikaw naba yan?" I asked . "Azzerdon Villegas Miss Danica..Your brother's bestfriend" pakilala nito. Villegas? Ibang tao pala ito. Pero yung mukah nya. Kamukhang -kamuka sya ng lalaking nakilala ko sa LA vista. Ang anak ni Mang Agustin. " akala ko ikaw ang anak ni Mang Agustin" sabi ko pa. "Hindi ko kilala ang taong sinasabi mo, una na ko, " sabi nya saka humakbang palayo pero may pahabol pa ito. "Mag-ingat ka dito, wag kang basta sasama sa dimo kilala.. Tatanga-tanga ka pa naman!" What? Nahabol ko nalang sya ng tingin.anong sabi nito? Kainis!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD