CHAPTER 3

2350 Words
Danica's POV.... Mula ng mangyari ang aksidenteng yon ay naging maiinitin na lalo ang ulo ko kay Azzerdon. Dahil nahihiya ako sa nangyari. Pag nakikita ko ang pagmumukha nya ay naaalala ko ang kahihiyan kong yon nung makita nya ang lahat sa akin. Naiirita ako kahit wala naman syang ginagawa sakin. Twing titingnan ko ang mukha nyang pilyo ay tila ba nakangisi yon at iniisip kong tinutudyo nya ako kahit hindi naman. Yun ang simula ng pagiwas ko sa lalaki. Hanggang matapos ang bakasyon at sinundo ako ni Mommy sa La vista. Hindi kona muli pang sinulyapan manlang si Azzerdon. Tuyo na ang sugat ko non pero ang nakakahiyang alaala ay nanatili sa utak ko. Kasalanan nya yon. Kung di nya ako inakit mamasyal sa gubat, kung di nya ako tinuruang umakyat sa puno.. Sanay di yon nangyari. I started to hate that boy. Then nagsimula akong magtatahimik, naging paranoid ako na tila ba biglang may manloloko sa kin sa school. Na may nakakita na ng ano ko, may nakasaling.. Mabuti nalang at malayo ang Azzerdon na yon. Hanggang magasawa ngang muli ang mommy namin, dinala kami nito sa Hacienda Mondejar , where i met my first ever crush . Na hindi ko akalaing mamahalin ko ng sobra, si TRAVIS CABRERA. Pero kasabay non ay ang pagdating din ni Ellaina sa buhay namin. Ang spoiled brat na tagapagmana ni daddy Eleazar. Noon lang ako nagkagusto sa isang tao, at kay Travis pa , noon lang din ako nainggit sa isang tao at si Ellaina yon. Because that little girl own his full atention. Habang tumatagal ang pananatili namin sa hacienda ay lalo kong nagugustuhan si Travis kahit di nya ako pinapansin. Lagi akong nakasilip sa kanila ni Ellaina twing naglalaro sila, naghahabulan. Naggigitara sa parang, twing nireregaluhan nya ng barbie doll ang babae ay naiinggit ako. Kahit di na ako naglalaro non ay umaasa akong sana bigyan din nya ako non. Na sana ituring din nya akong special like Ellaina. But Travis only look at her. At mukang inosente pa naman si Ellaina sa ganon , tingin ko hindi pa nauunawaan ng batang si Ellaina ang ibig sabihin ng ginagawa ni Travis at lalo akong nasasaktan. "Jarred,Danica sa susunod na pasukan ay dito na kayo sa malapit papasok, sa school ni Ellaina kita ie-enroll danica" balita samin ni mommy . "Mom gusto kopo sa school ni Travis" di ko napigilang sabihin. Nakita kong matiim akong tinitigan ni Jarred pero tumungo lang ako. " malayo ang school ni Travis. Pero wag kang magalala, tiyak na pag naghigh school ka Danica ay makakasama mo na sa iisang school si Travis. Sa ngayon ay si Jarred muna ang doon magenroll, ikaw ay sa school ni Ellaina okey?" Tila nakakaintinding sabi ng ina. "Okey mom.." Masaya kong sabi. Diko na lang pinansin ang titig ng kapatid. Pinanabikan ko ang pagdating ng high school life ko. Tiyak na lagi ko nang makikita si Travis. Pero kasabay non ang paga-announce ni daddy Eleazar sa hapunan na nakatakdang ikasal sila Travis at Ellaina pag malaki na sila. And it gives me so damn fear.natakot ako na kung hindi ako kikilos ay mawawala ng tuluyan sakin ang lalaking minamahal. Baliw na nga akong talaga sa lalaki. Minsan nakita ko sya sa kwadra at nagkataon na may sakit si Ellaina at hindi makakasama sa pamamasyal nya. "Pwede ba akong sumama ?" Nahihiya kong tanong sa kanya. Tiningnan ako ni Travis na tila nagiisip pa kung pagbibigyan ako o hindi.lihim akong nasaktan pero umaasa akong papayag sya. At halos maglulundag ako sa tuwa ng tumango si Travis. Iyon na yata ang pinakamasayang sandali ng buhay ko. Im with the boy i love. I only 10 years old but my heart fell so deeply in love already. Si Travis ang kabuuan ng lahat ng pangarap ko, he is so gentle, so kind and sweet to Ellaina. Kakaiba sya sa mga lalaking nakilala ko. My father was cold like Joven ang Jarred. Kaya nakakapanibago sakin ang makakilala ng lalaking parang di kayang magalit. Ang mga mata ni Travis ay laging tila nakangiti at malamlam yon lalo na pag kaharap si Ellaina. He is the first reason why im so Jealous of that girl. Isa pang ikinainggit ko kay Ellaina ay ang relasyon nilang magama, daddy Eleazar is so sweet to her. Me ganon palang ama. Samantalang si Julio laging blangko ang mukha. Nasabi ko sa sarili na mas naging masaya ako sa hacienda kesa sa mansyon ng tunay kong ama. Namingwit ng isda si Travis sa maliit na ilog don sa hacienda nila Ellaina. Di na yata nawala ang ngiti sa labi ko habang magkatabi kami sa malaking bato na naroon . Kahit tahimik ang lalaki ay kontento na ako basta kasama ko sya. Doon ko nasabi sa sarili kong mahal ko talaga si Travis, nagmahal ako sa ganoong edad at wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Ipinangako ko sa sarili na gagawin ko ang lahat para makuha ang puso nito. "Hmm Danica pwedeng magtanong?" Pagkuway baling sakin ng lalaki. Ang gwapo talaga nito. "A-ano yon?" Kinakabahang tanong ko. "Ilang taon na ang kuya mo?" "Hmm kasing edad mo yun,maglalabing dalawa, bakit?" Nagtataka kong tanong. Bakit nabaling kay Jarred ang tanong nya? Ang alam ko kase ay di sila close. Ni hindi nga sila naguusap manlang ng kapatid ko. Bumuntong hininga ito, ngayon ko lang sya nakitang ganon ka-seryoso. Lagi kase itong naka-smile kapag kasama si Ellaina. "W-wala. Pwede mo ba akong tulungan?" Biglang tanong nito. kinilig ako ng konti. Ang sinabi nya ay langit na sa akin. Ang mapansin ni Travis Cabrera ay isang pangarap na buong buhay kong nanaising makamtan. "Saan naman?" Nakangiti kong tanong. Ibinalik nya ang tingin sa ilog. "Pwede mo bang ilayo ang kapatid mo kay Ellaina?" "Ha??" Nabigla ako sa narinig. Anong ibig sabihin nito? Kelan pa lumapit si Jarred sa babaeng yon? Ang alam ko ay labag sa loob ng kapatid ang pagtira namin sa hacienda kaya nga lagi itong tahimik at ako lang ang laging kausap. "I know how he looked at my Ellaina. Alam kong may gusto sya sa kaibigan ko pero diba para na kayong magkakapatid? Isa pa ako ang pakakasalan ni Ellaina balang araw.. Kaya ilayo mo ang kapatid mo kay Ellaina please?" Pakiusap pa ni Travis. So that's it.. Isinama nya ako don hindi dahil gusto nya kundi dahil kay Ellaina. Si Ellaina na naman.. Sa batang puso ko ay nagtanim ako ng inggit at poot sa batang yon na anak ni Daddy Eleazar. Hanggat nandyan si Ellaina ay imposibleng makuha ko ang puso ni Travis. Isang desisyon ang nabuo sa utak ko. I will take everything na meron si Ellaina. Kaya ng ipabago ang apelyedo ko at gawing Mondejar ay pumayag ako. I want to have her surname. I tried to be a sweet and obedient daughter sa ama nya so i can have his heart. Na madali lang nangyari. Itinuring akong anak ng daddy nya. Kahit nanatiling Evañez si Jarred ay bahala na sya. Basta mondejar na ako. Kahit lantaran ang pagtanggi ni Ellaina na maging kaapelyedo ako ay napangisi ako. Mas gusto ko ngang mainis sya. Hindi naman pwedeng lagi nalang ito ang bida. Na lahat ng magagandang bagay ay nasa kanya. But Jarred was different. He knew me.. He always starring at me na parang inaalam ang mga plano ko. "Danica i warned you, stop being a brat, dahil lang sa Travis na yon!" Madilim ang mukang banta ng kapatid. Lihim akong kinabahan. Im always scared of Jarred. Si Julio kase ang nakikita ko sa kanya kapag seryoso ang mukha nya. "J-jarred di kita maintindihan," kunwari ay sabi ko pero umismid sya. "Kilala kita, you have feelings kay Travis and you are Jealous of Ellaina, pero binabalaan kita, dont ever do something na magpapahamak sayo at kay Ellaina. Lagot ka sakin!" Banta pa. Lalo tuloy akong kinabahan. Pero ng mga oras na yon. Si Travis nalang ang mahalaga sa akin. Na sa sobrang pagibig ko ay nahalata na pala ng lahat maging ni Chairman na lolo ni Ellaina. "Gusto mo si travis diba?" Tila tiyak na sabi ni Chairman Luis. "Ho?" "Kaya kong ibigay sya sayo Danica,basta sumunod ka lang sakin at lahat ng nakay Ellaina ngayon ay mapupunta sayo!" "A-ano pong ibig nyong sabihin?" "Tulungan mo akong mawala ang Ellaina na yan at ipinapangako kong sayo ikakasal si Travis balang araw." Aniya. Nagulat ako nung una.. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya. Pero isa lang ang tiyak ko . Kailangang mawala ni Ellaina so i can be close to Travis. Thats what i thought then. Azzerdon's POV..... Ilang araw na akong pilit pinageensayong maigi ni tatay ng paggamit ng palaso.at pagtalon ng mataas. Yun daw ang isang magiging advantage ko sa mga kalaban.. Pero kakaiba ng araw na yon. Malungkot si tatay at tila laging nakatingin sa akin. "Tay ibig mo bang sabihin kay Master Jarred ako titira? Andon din si Señorita Danica diba?" Masigla kong tanong. Pagkatapos kase ng bakasyon ay wala na akong balita sa dalagita. Hindi naman kase ito nagagawi sa mansyon ni Don Julio. "Oo kasama nya ang ina at kapatid nya.." Sagot nito at matiim akong tinitigan. Nakain na kami non ng hapunan sa kubo namin. Nailang ako sa titig nya. "T-tay,?" Bumuntong hininga sya. "Mula ng magbakasyon ka sa La vista Azzerdon, parang ang sigla mo ah, lagi mong bukang bibig ang anak na babae ni Julio.. May pagtingin kaba sa señorita Azzerdon?" Nananantiyang tanong ni Tatay. Natigilan ako saglit saka ngumisi. "Wala naman masama kung magka-crush ako sa kanya diba tay?" Sabi ko. Seryoso parin ang mukha ni tatay. Parang naaawa sya sakin na diko maintindihan. "Azzer di masamang magkagusto sa isang tao, natural lang yon dahil maganda si Señorita.. Pero anak pigilan mo ang sarili mong tuluyang mahulog sa kanya." Napatigil ako sa pagsubo ng kanin. At napasulyap kay tatay. "Magkaiba kayo anak. Langit yon at nasa lupa tayo. Mahirap magmahal ng laking mayaman.. Kahit mahalin ka nya ay darating ang araw na iiwan ka rin nya dahil di mo maibigay ang kinalakhan nyang buhay. trust me Son..masasaktan ka lang!" Aniya. Nawalan tuloy ako ng ganang kumain. Ilang saglit akong nanahimik.bago magsalita. "Nagmahal kana rin ba ng mayaman tay? Kaya mo sinasabi yan?" Tanong ko. Gusto ko sanang itanong kung mayaman ba ang tunay kong ina? Lumaki akong si Tatay lang ang tanging kasama, hindi namin napapagusapan ang tungkol sa nanay ko. "Oo Anak at masyadong masakit ang nangyari..minsan akong nagmahal ng Mayaman at maganda..bukod sa pamilya nya at ang daming lalaking naging kaagaw ko.. Sa huli ako ang naiwang bigo.. Kaya Azzer.. Wag mo sana akong gayahin!" Sabi nya. Napailing ako sa ama. "Iba naman ako tay, kaya ko ang sarili ko tay...wag kang magaalala. Hindi ako iiyak dahil lang sa isang babae." Ngisi ko pa. "Mabuti kung ganon, walang lalaki ang naiyak, sayang lang ang IQ mo kung magpapakatanga ka sa babae" aniya. Pinilit ko nalang tumawa. Sa isip ay nasabi kong sa ngayon malayo ang agwat namin ni Danica. Pero darating ang araw na magiging pantay kami . Ilang araw ang lumipas ay bumalik si tatay ng tila balisa. Mabilis itong naggayak ng gamit nya at saka ako kinausap ng masinsinan. "Azzer kapag dina ako nakabalik, pumunta ka kay Master Jarred, alam na nya ang tungkol sayo!" "H-ho, bakit tay? Pasaan kaba? Akala ko sa mansyon ka lang ni Don Julio?" Nagtatakang tanong ko. "Azzer makinig ka, nanganganib ang buhay ko. At ayokong madamay ka, walang nakakaalam na may anak ako maliban sa mga Evañez kaya sigurado akong dika nila mahahanap." "Tay ano bang problema?" "May iniutos sakin si Master Jarred at nalaman yon ng mga kalaban nya. Azzer mangako ka na pupunta ka kay Master pag nawala ako, tutulungan mo sya sa misyon nya na iligtas si Ellaina.. " "W-what? Sino naman yon?" Kunot ang noong tanong ko na naguguluhan. Saka bakit ganon? Ang alam ko ay kasing edad ko lang ang Jarred na yon bakit parang ang tanda na nito kung banggitin ni Tatay. " si Master na ang magpapaliwanag sayo. Anak mangako ka na gagawin mo ang lahat para maligtas si Ellaina.. Azzer mangako ka please!" Matiim nyang sabi. Tumango ako kahit diko maintindihan ang mga nangyayari. Sino si Ellaina at bakit kailangan namin syang iligtas? "Kailangan ko ng umalis Azzer, kayanin mo na wala ako, you are a strong person anak, may tiwala ako sayo,.. Kasangga si Master Jarred ,Azzer. Be his bestfriend Azzerdon para sa kaligtasan ni Ellaina.. Okey??" "Opo tay!" Sagot ko. Niyakap nya ako ng mahigpit . Nanikip ang dibdib ko. Para kasing yun na ang huli naming pagkikita ni Tatay. "Azzer im sorry, hindi mo deserve ang buhay na ganito,im sorry kung naging mahirap ang tatay mo Anak.. Si Master Jarred ang tutulong sayo para mabago ang buhay mo.. Trust him.. And help him to protect Ellaina... Treat her like the most important girl in your life.." What? But i dont even know her. And beside.. I like someone else.. Pero tumango ako kay tatay. Bilang pangako ko. At ang pangako ng isang Azzerdon Quinto ay tumatagal ng walang hanggan. Danica's POV... Binalaan ako ni Jarred ng marinig namin ang balak nila Chairman at mommy kay Ellaina.sa 10th birthday ni Ellaina ay masusunog ang hacienda.kasama ng bata. "Danica alam mo na ang gagawin diba?" Akbay sakin ni Chairman ng pumunta sya sa mansyon. Kinabahan ako dahil nakita kong mahalaga si Ellaina kay Jarred. Tiyak na kakamuhian ako ng kapatid. "P-pero chairman--" tatanggi sana ako . " ikukulong mo lang sya sa guess room, sisirain natin ang mukha nya para dina sya magustuhan ni Travis," panghahalina nya sakin. I was so young then na akala ko ay simple lang yon. Nang marinig ang pangalan ng lalaking iniibig ay nabuhay muli ang pagnanais kong mawala si Ellaina. "Can't you see Danica? Pag nasira ang mukha ni Ellaina tiyak na di na sya magugustuhan ni Travis,"dagdag pa. "O-opo" tango ko. "After that kayo ang ikakasal ni Travis pag nasa hustong gulang na kayo" "S-sige po" umaasang sagot ko. Travis, This is all for you to make you mine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD