PROLOGUE

2026 Words
DANICA'S POV.... "Mommy where are we going?" Sinulyapan ko ang tatlong taong gulang na anak na katabi sa likod ng taxi na sinasakyan namin. Palinga-linga ito sa paligid at tila naninibago sa nakikita. "We're going to your dad, baby!" Nakangiti kong sabi sa anak na ikinalaki ng bilugang mata nito. "R-realy mommy? Makikita kona ang daddy ko?" Masayang tanong nito na ikinatawa ko. "Yes Ace, you're finally met your dad soon " ngiti ko saka ginulo ang buhok ng anak. "Yes!" Sabi pa nito. Sa kabila ng kasiyahan ko na sa wakas ay makikilala na rin ng anak ko ang ama nyang matagal na nyang kinukulit sa akin ay sya ring kabog ng dibdib ko sa nalalapit na muling pagkikita namin ni Azzerdon. Three years..at lampas pa nga ng tatlong taon mula ng iwan ko ang Mondejar University para lumayo sa asawa. I leave to mend my broken heart that time.. Azzerdon is a playboy, i should know that by then, dapat handa na ako sa sakit diba dahil nagpakasal ako sa lalaking nagbibilang ng babae sa kamay nya. Pero di ko pa rin pala kaya.. Kung kelan mahal ko na sya,kung kelan limot kona si Travis .kung kelan buo na si Ace non ay saka ko pa sya nakita sa kandungan ng ibang babae at kaibigan kopa. Dapat di ko nalang nakita non. Tutal alam kona naman ang gawain nya eh. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa playboy na katulad nya. Kaya lang nakita ng dalawa kong mata eh.. Sa mismong kitchen kopa sila ... Pumikit ako at inalala ang nakita ko. Naglilihi na ako non kay Ace kaya laging mainit ang ulo ko kay Azzerdon. Napapangitan ako sa mukha nya at ayoko din ng amoy nya.ewan pero ganon ang dating nya sakin nung naglilihi ako. Balak ko sanang sabihin sa kanya pero gusto kong sya mismo ang makahalata. Nahihiya akong unang magsabi. Tuwing inaangkin nya ako sa gabi ay inaasahan kong mapapansin nya ang umbok sa tiyan ko.pero wala eh, manyak lang talaga sya at yun nasa gitna lang ng hita ko ang pinagtutuunan nya ng pansin.gago kase sya. Pinalabas ko sya sa kwarto ko at itinaboy para di don matulog. Pero ilang saglit ay naawa ako sa kanya.nakita ko kase na pagod ang mukha nya kaya nagdesisyon akong hanapin sya para pabalikin sa kwarto sa dorm. Kung san- san ako naghanap.pero naalala kong madalas nga pala syang sa personal kitchen ko natutulog pag inaaway ko sya.kaya sinundan ko sya don. At saka ko sya nakita. Nasa ibabaw nya ang kaibigan ko at inaangkin nya. Halos diko na nakita ang daan non paalis dahil sa luha. Sobrang sakit ng naramdaman ko at kung di lang dahil sa dinadala kong bata sa sinapupunan ko ng oras na yon ay baka nagpakamatay na ako. Saka ko pinuntahan si Jarred sa ospital. Nagulat ito ng makita akong luhaan. "Jarred please tulungan mo ako!" Hikbi ko sa kapatid. He looked at allaina na walang malay sa bed bago ako hinila sa labas. "W-hat happen?" Nag-aalalang tanong nya. Kahit malayo ang loob sakin ng kapatid ay alam kong ito lang ang makakatulong sakin. "Ilayo mo ako dito" sabi ko. "Ano? May problema ba?" "Ayoko ng makita si Azzerdon, please Jarred tulungan mo ako, " "Danica kung simpleng problema lang yan ay pagusapan nyong magasawa.i can't help you, ang dami kong problemang inaasikaso Dani!" Tila pagod nyang sabi. Don na talaga bumuhos ang emosyon ko. Why? I have two brothers pero bakit pakiramdam ko wala manlang akong masandigan sa kanila? I also have a two father pero never kong naramdaman na mahal ako at tanggap nila. Bakit laging si Ellaina ang inuuna nito. Mahalaga paba ako kay Jarred bilang kapatid nya. "J-jarred, ngayon lang ako humingi ng favor sayo, i just want to leave, hindi naman mawawala ang Ellaina na yan eh, iparamdam mo naman sakin na kakampi din kita kahit minsan lang, lagi nalang si Ellaina.." Hagulgol ko. "D-danica?" Niyakap ako ng kapatid kaya lalo akong napaiyak. "Gusto kong lumayo ngayon din araw na to" anas ko. "San ka pupunta?" "Sa California, i have friends there, wag mong sasabihin kay Azzer please!" Iyak kopa. "Danica ano ba kaseng nangyari,ipaliwanag mo kase sakin. Mababaliw si Azzer kapag umalis ka!" "I can't, tulungan mo ako kung hindi ay kay daddy Eleazar ako hihingi ng tulong!" Sabi kopa. "No, you can't do that, masama ang taong yon" galit nyang sabi. "Then help me, and dont ever tell Azzer about my where about, i hate that man!" Mariin kong sabi. Napilitan itong tumango saka umalis kasama ko . Kinaumagahan din ay lumipad ako patungong california. Sa tulong ng best friend kong si Shelly ay nakakuha ako ng apartment don. May pera namang binigay sakin si Jarred kaya don ko itinuloy ang pagaaral ng HRM. Natigil lang ako ng malapit na akong manganak. Kumuha ako ng maid para may makatulong don. Maayos naman ang buhay ko sa california. Kahit pinutol ko ang contact sa lahat .ayokong magkaroon ng balita tungkol kay Azzerdon. Kahit palagi ko syang nami-miss. Nanabik ako sa kanya, sa mga joke nya sakin ,sa mga banat nya na minsan ay green. I miss everything about him .but then i also throw the idea of missing him. Baka nga nag-asawa na itong muli. Pero imposible dahil kasal sya sakin. Tiyak na kung sino-sino na naman ang babae nito pag alis ko sa pinas. After kong nanganak at may naka discover sakin na isang modeling agency. Inalok nila ako ng modeling carrer..pero sinabi kong may anak ako at diko kaya ang mga shoot sa ibat-ibang lugar. Don ako nag freelance modeling habang nagaaral. Si Ace naman ay mabait ang pinay na tagapagalaga nya eh. Akala ko okey na ako..masaya ang trabaho at pag-aaral ko. Kasama ko pa ang gwapo kong anak na kamukang kamuka ng playboy nyang tatay. Pero ng makita ko si Azzerdon ay biglang bumalik sa akin ang sakit. Nasa L.A. ako non at may fashion show kami. Don sa hotel na tinutuluyan namin ay aksidente ko syang nakita. Kumunot ang noo ko. Bakit nandito sya sa L.A. ? Hinahanap kaya nya ako? Bigla ay nakadama ako ng tuwa. Kung hinahanap nya ako ibig sabihin mahalaga ako sa kanya. Na kahit papano ay mahal na rin nya ako. Pero lahat ng yon ay ilusyon ko lang pala. Dahil nakita ko si Ellaina na kasama nya. What? Bakit sila magkasama ng babaeng yon? Ano naakit na rin sya don kagaya ni Travis at Jarred? Don ako labis na nasaktan. Bakit lahat ng taong mahalaga sakin ay inaagaw ni Ellaina. Una si Jarred pangalawa si daddy Eleazar at Travis.tapos ngayon pati si Azzerdon?? Nagtanan siguro sila para di makita ni Jarred. Tiyak na papatayin sya ni Jarred pag naabutan sya. Mula non ay tumamlay na ang buhay ko. Pinilit kong magpakatatag para sa anak ko pero habang tumatagal ay lalo ko lang pinananabikan ang asawa.lalo na at lagi itong hinahanap ni Ace. Kaya nagdesisyon akong bumalik. Bahala na kung may iba na sya.may laban naman ako dahil kasal sya sakin at may anak pa kami. Siguro naman mas pipiliin nya ako kesa kay Ellaina o sa iba pang babae nya. Nagtaka pa ako ng huminto ang sinasakyan namin sa isang napakalaking bahay. May kalayuan yon sa Mondejar University. "Manong sigurado kayo na dito yun adress na binigay ko sa inyo?" I asked the driver. Nakuha ko kase ang address ni Azzerdon kay Imarie na nakaka chat ko lagi sa social media. Naging kaibigan ko na rin sya dahil sa namatay kong kapatid na si Joven na boyfriend yata nya non. Pero wala akong binabanggit tungkol sa hiwalayan namin ni Azzer maging sa anak ko.hindi rin naman sya nagtatanong. Basta kamustahan lang kami.at yun nga.bigla kong hiningi ang adress ni Azzer para makabalik sa kanya. "Dito po yan Miss beautiful, di ko kayo lolokohin.." Nagtataka man ay napilitan akong bumaba. Buti at di nakatulog sa byahe si Ace.kundi ay bubuhatin kopa ito eh kabigat. Manang mana ang laki sa tatay nya. Nagsimula akong kabahan ng ilapag na ng driver ang mga maleta namin.anong sasabihin ko kay Azzerdon? Magisa lang kaya sya sa mansyon na to? Baka naman may asawa't anak na syang iba ah. Tsskkk nanghihina ang tuhod ko sa kaba. Naramdaman kong hinila ni Ace ang laylayan ng bistidang suot ko. "Let's go na mommy, baka hinihintay na ako ni Daddy eh" sabi ng anak. Pinilit kong ngumiti sa kanya kahit kabang-kaba ako. Nanginginig ang tuhod na pinindot ko ang doorbell ng bahay. Lumabas mula don ang isang katulong. "Sino po sila?" Tanong nito. Lalo akong kinabahan.anong sasabihin ko? Ay naku.... "N-nandyan ba si Azzerdon Villegas, Dito ba sya nakatira?" Kinakabahang tanong ko. "Dito nga po pero wala sya, Nasa school pa po eh." Aniya. "H-ha? Pwedeng pakitawagan " nahihiya kong sabi. "Sino po ba sila? " "Asawa nya ako, ako si Danica at anak namin si Ace" sabi ko. Pero tiningnan lang ako ng maid na parang di naniniwala sakin.anong problema nito? Muka ba akong sinungaling? "Pasensya na po kayo Maam, pero sa dami ng babaeng pumupunta dito at nagpapakilalang asawa sya ni Sir ay pinagbawalan na kami na tumanggap basta basta ng bisita lalo na daw po kung babae, wag daw po kaming magpapapasok ng di nya alam" diretsong sabi nito na ikinabigla ko. "Mommy asan na si daddy?" Ungot ng anak ko. Napatingin ako sa langit.muka pa namang uulan.kailangan kong makapasok sa bahay kasama ang anak bago pa bumuhos yon. "Miss asawa talaga ako ng sir nyo, kung pwede ay papasukin mo na kami at malayo ang pinanggalingan namin!" Pilit ko sa kanya saka hinaplos ang buhok ng anak na naiinip na. "Kulit nyo naman maam, kami ang mapapagalitan nito eh, tatawagan ko nalang po si Sir pero hindi ko kayo pwedeng papasukin basta." Yun lang at sinaraduhan na kami ng gate ng mahaderang katulong ni Azzerdon. Namula ako sa inis. Di ba nya nakita na may kasama akong bata? Pero wala akong nagawa kundi akayin ang anak sa shed na malapit don dala ang mga maleta namin. Sobrang tagal ni Azzerdon. Hinihintay ko din na lumabas ang katulong na sabi ay tatawagan sya. Isang oras na kami ni Ace sa waiting shed na malapit don , nakatulog nalang ang bata ay wala parin si Azzer. Then nagsimulang umulan na may kasamang hangin. Kumuha ako ng Jacket sa maleta at ikinumot sa tulog na anak saka ko sya niyakap. Hindi naman kase kami basta makakaalis don dahil walang nadaan na taxi. Natakot ako para sa kalusugan ng anak. Baka malamigan ng ulan. Niyakap kong maigi si Ace. Nakakainis lang dahil di kami makapasok sa bahay ni Azzer.ano bang batas yun.? Bawal magpapasok ng babae? If i know gustong -gusto nya na may bumibisitang babae sa kanya. Baka naman sa hotel nya to dinadala.tskkk... Nang mas lumakas pa ang ulan at hangin ay nabasa na ako.si Ace ay tulog parin habang kalong ko. Kinuha ko ang cellphone sa bag at tinawagan si Imarie. "H-hello Imarie, andyan ba si Azzer?" Tanong ko sa babae. "Ha? Wala eh nasa MU yun lagi, bakit?" "Kanina pa kase kami dito sa shed basang basa na ako ng ulan ayaw akong papasukin ng maid nya eh, baka magkasakit----" "Wait ka lang dyan,tawagan ko si Azzer " putol nya saka agad nawala sa linya.nakahinga ako ng maluwag. Naiiyak na kase ako. ngayon ko lang naranasang di papasukin ng bahay ha. Lumakas ang ulan na parang bagyo.nababasa na rin ang anak ko pero pinilit kong isangga ang katawan kahit papano. Magkasakit na ako wag lang si Ace. Maya- maya ay isang itim na kotse ang humaharurot na tumigil sa harap ng waiting shed na kinaroroonan namin.saka bumaba ang isang matipunong lalaki na may mahabang buhok.naka itim na hoody ito at pantalong maong .may dala itong payong na kulay black. Azzerdon??? Nagkatitigan kami ni Azzer habang matiim ang mata nyang nakatitig sa akin. Ang laki ng ipinagbago ng hitsura nito. Lalong gwumapo of course ..pero may something dito ang parang nagiba. At habang magkahugpong ang mga mata namin ay saka tila flash back na dinala ako sa nakaraan naming dalawa... When he first called me His Señorita..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD