Chapter One

1997 Words
“NAKITA ko na siya,” sagot ni Athena sa kausap niya sa pamamagitan ng earphone. Lumabas kaagad siya ng kotse at sinundan ang lalaking target nila. Kalalabas lang ng ospital ang lalaki. May bitbit itong itim na maleta. Kailangan lang niyang makakuha ng blood sample nito. Lumapit ang lalaki sa nakaparadang itim na kotse sa tapat ng ospital. Nilakihan pa niya ang paghakbang. Kung kailan abot kamay na niya ito ay bigla namang may lalaking patakbong dumaan sa harapan niya. Nasagi nito ang balikat niya. Sa lakas ng pagkakabangga ay nabitawan niya ang hawak niyang syringe. “s**t!” bulalas niya. Sinundan niya ng tingin ang lalaking dumaan. Bigla din itong huminto at nag-abala pang lingunin siya. Sinuklay nito palikod ng kamay ang ilang hibla ng may isang dangkal na haba ng buhok na tumakip sa mukha nito. Natigilan siya nang sandaling magtama ang mga paningin nila. Guwapo ang lalaki, matangkad, maputi at matipuno ang pangangatawan. May isang dangkal ang haba ng abuhin nitong buhok na aalon-alon. Nakasuot ito ng bughaw na pantalong maong at itim na hapit na T-shirt. May puting coat na nakasabit sa kanang braso nito. May dalawang dipa lamang ang layo nito sa kanya. “Oh, sorry,” pilyo ang ngiting sabi nito sa buo pero malamig na tinig. Nanatili siyang walang kibo hanggang sa tuluyang pumasok sa entrada ng ospital ang lalaki. “Athena! Ano’ng status d’yan?” Nahimasmasan si Athena nang marinig ang tinig ng partner niya sa kabilang linya. “Damn!” bulalas niya nang napansing kakaalis lang ng sasakyan ng target nila. “Athena!” “Hindi ko siya naabutan!” sagot niya. Naka-record naman sa spy contact lenses niya ang plate number ng kotse ng target. “f**k! Lagot tayo kay Boss!” sabi ni Glenn. “I’ll fallow him. Relax ka lang diyan,” sabi niya saka binalikan ang kanyang kotse. Pinaharurot niya ang sasakyan. Traffic sa main road kaya naabutan niya ang target. Tatlong sasakyan ang nakapagitan sa kanila. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi mawaglit sa isip niya ang lalaking bumangga sa kanya. “Nasaan ka na, Athena?” tanong ni Glenn. “Sinusundan ko ang target,” iritableng sagot niya. “Ang sabi mo kanina abot kamay mo na siya. Anong nangyari?” “May bumangga sa akin. Nabitawan ko ang syringe.” “So, na-distract ka ng bumangga sa ‘yo kaya nawala sa sight mo ang target, tama?” Damn, but yes, maktol ng isip niya. Malaking distraction ang ginawang pagbangga sa kanya ng lalaking iyon. “Puwede ba, limitahan mo ang pagsasalita riyan. Isa ka pang nakaka-distract. Hindi ako makapag-focus,” naiinis na sabi niya. “Fine. Malalaman ko rin kung ano ang nangyari bakit hindi mo nahuli ang target,” sabi nito. Lalo siyang nainis. “Wala kang malalaman,” aniya. “Let’s see.” Hindi na siya nagsalita nang umusad na ang mga sasakyan. Nang lumuwag ang traffic ay nakahabol siya sa target. Nakabuntot na siya rito. Nang huminto ito sa tapat ng dalawang palapag na gusali ay inihinto din niya ang sasakyan sa kabilang kalsada. Medyo madilim na sa bahaging iyon dahil sarado na ang ibang establishment. Tumawid kaagad siya at inilabas ang reserba niyang syringe. Isinuot niya ang kanyang face mask at gloves Nagtago siya sa likod ng poste nang lumabas ang guwardiya ng gusali. May dala itong shotgun at humakbang palapit sa kinaroroonan niya. Nang abot kamay na niya ito ay hinila niya ang baril nito saka tinurukan ng pampatulog. Pinaupo niya ito sa sahig habang nakasandal sa poste. Nakita niya ang CCTV footage na nakatapat sa harap ng gusali. Dumukot siya ng isang star blade saka inihagis sa CCTV footage. Nabasag iyon. May isa pa siyang nakita. Binasag din iyon ng star blade niya. Nang makitang bumaba na ng sasakyan ng target ay dagli niya itong nilapitan. Ipinulupot niya ang kaliwang braso niya sa leeg nito buhat sa likuran saka dagling itinurok ang walang laman na syringe sa braso nito. Nagpumiglas ito kaya hinigpitan pa niya ang paggapos dito. Nang sapat na ang dugong nakuha niya ay tinurukan naman niya ito ng pampatulog saka ipinasok sa loob ng kotse. Pagkuwan ay umalis na siya. “I got it,” report niya kay Glenn nang nagmamaneho na siya pabalik sa station nila. “Very good! Ang galing mo talaga!” sabi nito. “Pero hindi pa tayo puwedeng magdiwang. Hindi pa sigurado kung tama ang target natin,” aniya. “At least we did our part. Kung mali, maghanap ng iba.” “Paano kung nasa labas na ng bansa ang totoong target? Maraming tao ang may apilyedong Del Rosario sa mundo.” “Kung para talaga sa atin ang target, kusa siyang lalapit. Huwag kang sumuko kaagad.” “Hindi lang sampu ang lalaking nakuhaan natin ng dugo pero negative pa rin.” “Malay mo, ito na ang huli. Makakapagbakasyon na tayo sa Korea, Athena! Magandang lugar iyon para mag-date.” “Mag-date kang mag-isa mo!” “Come on, kailan ka ba tatanggap ng lalaki sa buhay mo? Ikaw lang ang babaeng nire-reject ang appeal ko,” anito. “I hate guys. Sakit lang kayo sa ulo.” Tumawa si Glenn. “Ganyan ka naman, eh. Bakit ba hindi ka marunong mag-appreciate ng effort ng lalaki? Sayang ang gandang ibinigay sa iyo ng Diyos kung uod lang ang makinabang sa ‘yo.” “Shut up! Magtrabaho ka na! Nagpapalaki ka lang ng bayag diyan kakaupo.” Tumawa ulit si Glenn. “I like you, Athena. Take care, darling.” Hindi na siya nagsalita. Pagdating sa istasyon nila ay sinalubong kaagad siya ni Glenn. Ibinigay niya rito ang dugong nakuha niya. Pumasok kaagad siya sa banyo at naligo sa maligamgam na tubig. Habang nakatutok ang hubad niyang katawan sa shower ay hindi niya inaasahang muling dadapo sa balintataw niya ang lalaking bumangga sa kanya sa tapat ng ospital. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. Pagkatapos maligo ay binalot lamang niya ng tuwalya ang hubad niyang katawan. Pagkuwan ay pumasok siya sa opisina. Silang dalawa lang ni Glenn ang naroon. Kausap na nito ang boss nila habang nakaupo ito sa swivel chair at nakataas sa mesa ang mga paa. Titig na titig ito sa kanya. “Okay, boss, dideretso kami ngayon d’yan,” sabi ni Glenn sa kausap. Ibinaba na nito ang telepono. Tumayo ito at humakbang palapit sa kanya. Akmang hahawakan siya nito sa balikat ngunit dagli niyang tinadyakan ang tuhod nito. “Ouch!” daing nito. Kinuha lang niya ang kanyang bag saka siya pumasok sa kuwarto at nagbihis. Gusto pa sana niyang manatili roon magdamag pero pinapa-report na sila ng boss sa headquarter nila sa La Trinidad. Diyes oras ng gabi ay bumiyahe sila ni Glenn. Kailangan ma-examine kaagad ang nakuha nilang dugo. Pagdating sa malawak na lupaing kinatatayuan ng headquarter nila ay dumeretso kaagad sila sa laboratory. Nai-examine kaagad ng Chemist na si Dr. Ruben Rosel ang blood sample. Hinintay nila ang result. Nakaabang din ang boss nila. “Siya na ba ang latest subject natin, Athena?” tanong sa kanya ni Don Victor, ang kanilang boss. Tinutukoy nito ang pinagkuhaan niya ng dugo. Si Don Victor ang presidente at may-ari ng Dark Shadow Organization na may layong puksain ang mga lobo at panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa kagubatan. Binuo nito ang espesyal na grupo na tinatawag na wolves hunter, na siya ring kinabibilangan ni Athena. Lumaki siya sa puder ni Don Victor at itinuring na anak nito. “Yes, boss,” tipid niyang sagot. Nakita niyang umiling si Dr. Rosel. Palpak na naman sila malamang. “Negative,” kompirma ng doktor. Napakamot ng ulo si Don Victor. Lumabas ito ng laboratory. Sinundan kaagad ito ni Athena sa tanggapan nito. “Pasensiya na po. Maghahanap po kami ng ibang target,” sabi niya. Hinarap naman siya nito. “Alam kong hindi madaling mahanap ang lobong iyon pero kailangan natin siyang makita bago tayo maunahan ng mga lobo. Manganganib ang sangkatauhan kapag tuluyan siyang nakuha ng mga lobo. Lalong hindi mo mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang mo sa kamay ng mga lobo,” nababahalang sabi ng ginoo. “Naiintindihan ko po. Magre-research pa po ako tungkol sa mga Del Rosario. Pero mas madali po sana kung alam natin mismo kung saan talagang lugar nakatira ang mga kumupkop sa target,” aniya. “Ayon sa source ko dati, pinatay ng mga lobo ang mga kumupkop sa bata. May kumuha sa bata at iniwan sa bahay-ampunan. Doon lumaki ang bata hanggang sa lusubin ng mga lobo ang bahay ampunan at pinatay lahat ng tao roon. Pero walang nakakita sa bangkay ng bata. Ibig-sabihin, buhay siya. Hindi rin siya nakuha ng mga lobo dahil hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin nila ito. Walang nakakaalam kung saan nagpunta ang bata hanggang ngayon. Pero may kutob ako na naririto lang siya sa Baguio. Na-check n’yo na ba lahat ng university dito?” “Opo. May tatlong Del Rosario na lalaki na nagtapos sa pinakamalaking university rito sa siyudad. Lahat sila nakuhaan na namin ng blood sample pero negative pa rin. Kung papahintulutan n’yo po kami, maghahanap po kami ng target sa ibang panig ng bansa.” “Magandang mongkahe iyan. Bibigyan ko kayo ng allowance para riyan.” “Salamat po.” Pagkuwan ay nagpaalam na siya sa ginoo. Dumeretso siya sa kuwartong inuukupa niya sa loob mismo ng headquarter. Humiga kaagad siya sa kama. Doon lamang niya dinamdam ang matinding pagod. Ginugupo na siya ng antok nang bigla na namang namayani sa isip niya ang lalaking bumangga sa kanya. Bumalikwas siya ng bangon. Kinuha niya sa kanyang bag ang hinubad niyang spy contact lenses. Pagkuwan ay nagtungo siya sa researching office. Wala nang naka-duty roon. Binuksan niya ang automated computer kung saan ini-scan ang mga spy devices na ginagamit sa research. Nai-scan niya ang kanyang contact lenses. Pinanood niya lahat ng nai-record na pangyayari sa buong araw. Nai-focus niya ang video sa lalaking bumangga sa kanya. Kinopya niya ang mukha nito saka inilipat sa research system. In-scan ang mukha ng lalaki at isa-isang naglalabasan ang detalye sa pagkatao nito. Name: Dr. David Del Rosario Occupation: Surgeon Age: 30 years old Status: Single Address: Unit 87, Green Valley condominium, Baguio City Matured tingnan ang lalaki sa litrato pero malakas ang appeal. Matanda lang ito ng tatlong taon sa kanya. Sa edad na trenta anyos ay mukhang nakikilala na ito bilang surgeon. Kinopya niya lahat ng impormasyon. Doon lang niya napagtanto bakit hindi maalis sa isip niya ang lalaki. Iginigiit niya sa sarili na dathana iyon dahil isa pala ito sa target nila at walang kinalaman ang damdamin niya sa pag-iisip dito. Nag-match lahat ng impormasyon tungkol dito ang target identity nila. Isang thirty years old na lalaking may apilyedong ‘Del Rosario’. Hindi naka-distract sa kanya ang propesyon ng lalaki o maging ang mukha nito. Mas importante sa kanya ang misyon. Hindi muna pinaalam ni Athena sa mga kasama ang impormasyong nakuha niya. Wala siyang pinagsabihan kahit kay Glenn. Gusto niyang surpresahin si Don Victor bilang kabayaran sa utang na loob niya rito at pasasalamat dahil inalagaan siya nito at pinaaral hanggang makapagtapos siya ng college. Limang taon lang siya noong pinatay umano ng mga lobo ang papa niya. Napatay din umano ng mga lobo ang kanyang ina. Nakapagtapos siya sa Philippine Military Academy pero mas pinili niyang maglingkod kay Don Victor bilang private army nito at hunter ng mga lobo. Katunayan, siya ang nangunguna sa batch nila noon. Hindi man niya nagamit ang first lieutenant niyang ranggo, sinasalubo pa rin siya ng mga kasamahan niyang nasa serbisyo. Hindi na siya nakatulog. Nagpakaabala siya sa pagbuo ng plano kung paano niya papasukin ang tirahan ng kanyang bagong target. Ngunit may pagkakataon na bigla na lang pumapasok sa imahinasyon niya ang imahe ng lalaki. Pilit niya itong iwinawaglit ngunit tila sumpa na hindi niya maiwasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD