bc

Wild Desire (Filipino)Complete

book_age18+
1.6K
FOLLOW
10.1K
READ
love-triangle
possessive
dominant
warrior
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

WARNING!

Rated 18

This novel strictly not suitable for minor readers.

PINILI ni Athena na magsilbi sa bayan upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng tatay niya. Tinalikuran niya ang tahimik at normal na buhay lalong-lalo na ang pakikipagrelasyon sa lalaki. Subalit lahat ng bagay na iniiwasan niya ay kusang lumalapit sa kanya nang makilala niya si David, ang isa sa mga lalaking target niya sa misyon.

Habang niyayakap niya ang misyon ay lalo siyang nabibihag ng mabangis na alindog ng binata. Nahuli nito ang kahinaan niya at ang minsang pagtanggap niya sa p*********i nito ay tila lunas sa matinding pagkauhaw ng kanyang puso.

Subalit isang propisiya ang napipintong wawasak sa kanyang pantasya. Handa ba ang puso niyang magtiis at magsakripisyo sa ngalan ng pag-ibig?

chap-preview
Free preview
Prologue
“LERIO!” nagpupumiglas na sigaw ni Elena nang makitang tinamaan ng palaso sa dibdib ang pinakamamahal niyang lalaki. Nagpuyos ang damdamin niya nang malamang ang sarili niyang ama ang nagpakawala ng palaso. Natuldukan ng kanyang ama ang tatlong buwang lihim na relasyon nila ng lobong si Lerio. Natutunton nito ang lihim nilang tagpuan sa kagubatan ng La Trinidad. Wala siyang nagawa nang nahuli ng mga tauhan ng kanyang ama si Lerio. Kahit umiyak siya nang umiyak at nagmamakaawa ay hindi siya pinakinggan ng kanyang ama, sa halip ay sinampal pa siya nito. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong makita si Lerio dahil ikinulong siya ng kanyang ama sa kanyang kuwarto. Sa paglipas ng mga buwan ay nalaman niya mula sa kanyang ama na patay na si Lerio. Gusto niyang makita ang katibayan ngunit hindi siya nito pinayagang lumabas ng bahay. Matinding depresyon ang dumapo sa kanya ngunit nang mapag-alamang nagdadalang-tao siya ay nagkaroon siya ng lakas ng loob na lumaban. “Hindi puwedeng mabuhay ang batang iyan, Elena!” hasik ng kanyang ama nang malamang buntis siya. “Wala kayong karapatang idamay ang anak ko, Ama! Wala siyang kasalanan!” palabang sagot niya. Isang malakas na sampal ang natamo niya mula sa kamay ng kanyang ama. “Lapastangan ka! Hindi mo ba naisip kung ilang inosenteng tao ang napatay ng mga lobo?” Nanatili siyang matatag sa kabila ng pananakit ng kanyang ama. “Hindi si Lerio ang pumapatay, Ama! Inosente siya!” “Tumahimik ka! Kapag binuhay mo ang bata sa sinampupunan mo, magkakaroon ng madugong digmaan sa mga lahi ng lobo at madadamay ang mga tao. Ipapalaglag mo ang bata sa ayaw mo man o sa gusto!” nanggagalaiting sabi ni Victor saka siya tinalikuran. Hindi siya sang-ayon sa desisyon nito. Kahit alam niyang walang kasiguraduhan ang desisyon niya ay naglakas-loob pa rin siyang tumakas sa puder ng kanyang ama. Dala ang ilang perasong damit at kaunting pera ay lumabas siya ng kanilang tahanan. Dumaan siya sa bintana ng kanyang kuwarto gamit ang lubid. Dahandahan siyang bumaba. Paglapag niya sa lupa ay maingat siyang naglakad patungo sa kuwadra ng mga kabayo. Nagtataka siya bakit balisa ang mga kabayo. Pagtingin niya sa labas ng kural ay namataan niya ang lobong si Arch, na isa sa kaanak ni Lerio. Ngunit hinahabol ito ng mga tauhan ng kanyang ama. Maaring nabatid na ng kanyang ama ang kanyang pagtakas sa mga sandaling iyon. Patungo siya sa kinaroroonan ng kanyang kabayo nang may kamay na pumigil sa balikat niya. Pagpihit niya sa kanyang likuran ay namataan niya si Mario, ang kanang kamay ng kanyang ama. Bigla siyang inalipin ng takot. Ngunit nang may paparating na mga guwardiya ay bigla siya nitong hinila patago sa poste. Nagtataka siya sa ginagawa nito. “Mario, ano’ng ginagawa mo?” nababahalang tanong niya. “Gusto mong tumakas, ‘di ba? Tutulungan kita,” anito. “Oo pero baka mahuli ka ni Ama. Siguradong papatayin ka niya.” “Hindi niya malalaman kung walang magsusumbong. Hindi mo kailangang magdusa sa piling niya, Elena.” Nalulungkot siya. Sa kabila ng pagtanggi niya sa panunuyo sa kanya ni Mario ay nagawa pa siya nitong pagmalasakitan. “Salamat, Mario. Babawi ako sa ‘yo kapag maayos na ang buhay ko,” aniya. “Huwag mo na akong intindihin, Elena. Pagtuunan mo ng pansin ang anak mo. Alagaan mo siyang mabuti.” Tumango siya. “Sumakay ka na sa kabayo. Ililigaw ko ang mga bantay,” sabi nito. Nang umalis na ito ay sumampa na siya sa likod ng kanyang kabayo. Nang makita niyang nag-iba ng direksiyon ang mga bantay ay pinatakbo na niya ang kabayo. Nakarating na siya sa tarangkahan nang harangin siya ng guwardiya at sana’y babarin ngunit sinalakay ng lobong si Arch ang guwardiya. Malaya siyang nakalabas. Hindi niya pinahinto ang kabayo. Nang nasa kalagitnaan na siya ng kagubatan ay biglang tumayo ang kabayo. Hinarang sila ng mga itim na lobo. Babalik sana siya ngunit napaligiran na sila ng mga lobo. Maaring alam na rin ng mga ito na dinadala niya sa kanyang sinampupunan ang anak ni Lerio. Hindi niya malaman ang kanyang gagawin, hanggang sa dumating ang mga puti at abuhing lobo. Sinalakay ng mga ito ang mga itim na lobo. Nagkaroon siya ng pagkakataong tumakas. Pagdating niya sa bayan ay naghanap kaagad siya ng pansamantalang tirahan. Iniwan niya sa bukana ng kagubatan ang kabayo para hindi siya kaagad masundan ng mga humahabol sa kanya. Nagpalipas siya ng magdamag sa isang Inn. Kinabukasan ay bumiyahe si Elena patungong siyudad. Nakahanap siya ng apartment na pag-aari ng isang doktor. Doon siya nanatili. Binago niya ang kanyang pagkakilanlan at hitsura. Sa paglipas ng panahon, patuloy siyang sinusundan ni Arch at pinuprotektahan laban sa mga gustong pumatay sa kanya at maging sa mga tauhan ng kanyang ama. Naibenta na niya lahat ng alahas niya na namana pa niya sa yumao niyang ina para pantustos sa kanyang sarili. Sa pagsapit ng full moon, humilab ang kanyang tiyan. Binulabog niya ang clinic ni Dr. Del Rosario, na nasa ibaba lamang ng apartment. Naabutan niya na magsasara na sana ang clinic. Sa kabutihang palad, inasikaso siya ni Dr. Del Rosario. Subalit hindi naging madali ang kanyang pagluwal sa sanggol. Bigla siyang nanghina nang matagumpay niyang nailuwal ang sanggol. Pakiramdam niya’y malalagutan na siya ng hininga. “Lalaki ang anak mo, Elena!” narinig niyang sabi ni Dr. Del Rosario, sa himig na nasasabik ngunit hindi na niya maaninag ang mukha nito. Hindi man lang niya nasilayan ang mukha ng kanyang anak. Narinig lang niya itong umiyak. “D-Doc, k-kayo na po ang bahala sa anak ko. A-Alagaan n’yo siyang m-mabuti,” huling nasabi niya at tuluyan nang bumigay ang kanyang katawan.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dirty Little Secret (R18 Tagalog)

read
408.2K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.6K
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
535.3K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
454.3K
bc

My Husband's Mistress

read
297.8K
bc

My Favorite Subject

read
217.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook