13

2114 Words
Hindi na ito simpleng pagkainis sa kanya. Talagang nagalit na ako at hindi ko na rin masikmura na makita si Kuya Abel sa bahay. Mas gugustuhin ko na lang na nasa labas. Ang kapal ng mukha niya! Afterall I’ve been through? Iyong pag-uubaya ko dahil gusto ko siya at ngayon ay parang pokpok ang tingin nito sa akin at ang gusto pa ay matuto ako ng seks sa ibang tao? Putik niya! Kainin niya iyang libog niyang iyan dahil nandidiri ako sa iniisip niya. Mabuti na lang at laging nag-aanyaya si Caren, madalas akong nasa labas habang naghihintay ng klasi. Nagdesisyon kami ngayong araw na manood ng sabong doon sa kabilang bayan. Ingat na ingat nga lang lamang kami ngayon dahil uso ang raid. Ayaw ko sana dahil ilegal, pero dahil ayaw ko rin naman sa bahay ay sumama na ako. Bumili na muna kami ng papapakin. Doon na rin kami manananghalian, ayaw kong mapagod na kailangan pa naming umuwi para makakain. Saka, isang rason kung bakit sumama ako ay para makaiwas kay Kuya Abel. Akala niya ha, kawalan siya. Pwes, dahil iniinis niya ako ay maghahanap ako ng madadagit na lalaki roon. Kailangan ko lang idispose ang mga panlalaki kong damit at ngayon nga’y magsusuot ako ng seksi. Alam kong hindi angkop ito sa pupuntahan namin ni Caren, kaso ito lang ang paraan ko para makahanap ng pamalit kay Kuya Abel. Hindi ako magiging martyr at mananatiling inlove sa manyakis na yon. Akala niya, siya lang ang pwede. Bakit ako? Hindi ba pwede? Natulala si Caren pagkakita sa akin. Ngumiti ako at sinukbit ang packbag bago sinarhan ang tarangkahan. Tumingala pa ako at tinitigan ang panahon, hindi uulan, masyadong mainit ang panahon para umulan. “Sabungan ang pupuntahan natin, Yzle. Nandoon si Kuya at sasamahan lang natin. Pero bakit ganyan ang suot mo?” Nakangiwing titig nito sa kabuuan ko. Makahulugan naman ang ngiti ko at hindi na sumagot. Makikita mo mamaya Caren. Maghahanap ako ng lalaki, iyong pwede kong pagkatiwalaan at hindi ako itutulad sa kahit sinong babae. Ha! Makikita niya! Ngunit mukhang nalipasan na ako ng panahon. Hindi ko maintindihan kung bakit walang nagpapalipad hangin sa’kin dito. Ang bango-bango ko kaya, tapos seksi pa ang suot at talagang ilang ulit kong sinuklayan itong mahaba kong buhok. Wala talaga? Mabuti pa nga yatang sa court ako tumambay. Atleast doon, may nagpapapansin, iyong nanliligaw sa akin at ang isang kaklasi. Ngayon... ah, baka hindi talaga mapapansin. Mas kaakit-akit naman kasi talaga titigan ang mga manok na panabong kesa sa babaeng nakasimangot. Si Caren kasi, nandoon sa kabila at kausap ang pinsan nitong mananabong. Ano pala ako rito? Pumikit ako nang mariin ng marinig ang umpisa ng c**k fight. Nabibingi ako. Kumakabog ang puso ko tulad ng hiyawan ng lahat. Kailangan ko yatang huminga, kaya sumenyas ako kay Caren na lalabas lang. Lalabas lang ako sandali. Huminga ako nang malalim at bumili ng candy sa isang Aleng nagbabantay. Tumikhim ako at sinipsip ang candy bago naupo sa gilid. Pinanood ko ang mga papasok, may ilang kilala at may ilang pulitiko. Wala yatang mare-raid ngayon, nandiyan ang mga kilala sa lipunan... sigurado, may pipigil sa unahan bago pa man mapasok ang Galleria’ng ‘to. Kinalkal ko ang laman ng bag at hinanap ang cellphone. Napaismid ako noong makita ang ilang chat galing kay Kuya Abel. Nag-aalala? Siguradong nagtataka iyon at bakit wala ako sa bahay. Baka nga hinahanap na ako ngayon... kaya siguro aligaga dahil hindi ako mahanap sa kahit saan. Bahala siya, kasalanan niya naman e. Paasa rin e. Ang daming pinapa-assume sa akin, na binibigyan pa ako ng mga mali-maling konklusyon. Kung diretsahan niya na lang kayang sinabi na iba naman talaga ang habol niya sa akin? Hindi iyong magbibigay siya ng mga hint na hindi naman pala totoo. Masyado na nga yatang lumalalim ang iniisi p ko. Hindi na ito tama at dapat ko na ring itigil dahil baka maaga akong mamamatay, cause of death— pinaasa. Putik! Ang korni! Hindi ako ganito kaya dapat ayusin ko na rin ang sarili para umayos na rin itong takbo ng utak ko. Tumayo ako at saktong may dumaang bodyguard nga yata, ayun sa ayos nito ngayon. At nagkagulatan pa kami dahil muntik nang magkabanggaan. “Sorry Miss, di ko—“ pinasadahan ako nito ng titig, “— sinasadya.” Saka nagmamadaling umalis. Napaawang na lang ang labi ko sa nangyari. Ngunit hindi ko napigilang mapangisi. Mukhang may itsura si Kuya... iyon naman talaga ang mga tipo ko, iyong parang mga Tito na. Kaya siguro hindi ako nagseseryoso sa mga naging ex ko noon dahil hindi naman talaga sila ang mga tipo ko. Gusto ko iyong mas matanda sa akin. Napailing ako at nagmamadaling pumasok. Sakto rin na nahanap ng mga mata ko ang muntik nang nakabanggaan kanina. Si Kuya na Bodyguard at bumubulong sa isang politician. Natigilan din ito at tumitig din sa akin. Ngumiti ako at umiwas, hinanap ko rin si Caren na bumalik na pala sa inupuan namin kanina. “Alis na tayo pagkatapos nito,” anyaya nito, obvious na hindi na nag-eenjoy sa palabas. Ngumisi ako at bumulong, “Mamaya na,” Nagulat din ito sa desisyon ko. Pilya ang ngising hindi ko ito binigyan ng sagot. Basta tutok ako sa dalawang rason, ang pagsasabong ng mga manok at yong bodyguard. Mabuti na lang hindi gaanong mainit sa loob kaya hindi pa ako nagsasawa kay Kuya na minsan nama’y nahuhuli kong nakatitig sa’kin. Interesado nga rin yata e. Pero itong si Caren kung kailan nag-eenjoy na ako ay siya namang pangungulit. Uwing-uwi na raw e, gusto na talagang umalis. Gusto ko nga sanang samaan ito ng titig dahil hindi mapirmi pero syempre, kaibigan ko pa rin ito at takot akong baka magalit ito at magkasamaan pa kaming dalawa. Kaya... sige, pero hihingiin ko muna ang number ni Kuya. Nagulat ko si Caren nang tumayo ako at lumapit nang bahagya doon sa Politician. Ngiting tipid ang binigay ko kay Kuya, tapos ay sumenyas ako. Namimilog ang mga mata nitong nakatitig sa akin. Napakagat labi pa nga bago dinukot ang cellphone mula sa bulsa at nanginginig na inabot sa akin iyon. Medyo may pagkatorpe ah? Naku, challenging naman nito. Pagkatapos ay naglakad ako pabalik at sakto rin na nahuli ko si Caren na napanganga sa akin. “Ano ‘yon?” “Wala!” Ngising-ngisi na sinilip ko ang cellphone at may nagtext, kahit hindi ko man nalaman una ang pangalan niya ay alam kong siya iyon, sa pagkakasabi pa lang na— ‘I’m Felix,’ — obvious na eh. Mas lalo tuloy naging pilya ang ngisi ko at hindi noon mabubura ang pangungulit ni Caren. “Anong wala lang? Nakita ko kayo, nagtatype ka sa cellphone niya! That means, binigay mo contact mo sa kanya?!” Nakataas kilay na silip niya sa akin. Umiiling akong ngumingisi. Mas lalo itong nangulit kaya para matigil na ay hindi na ako nakatiis at sinagot siya. “Oo na nga! Binigay ko, tipo ko eh anong magagawa ko?” “Siraulo ka! Parang Tito mo na iyon e! Yon ang tipo ng lalaking lulong sa alak at makikita mo sa mga pasugalan.” Natawa ako, hagalpak... mas lalong nangasim ang mukha nito at parang kulang na lang ay sakalin ako sa pagkainis. “Wag mong mareply-reply iyan, sinasabi ko.” Umiling pa ako lalo, nakangisi at tumipa ng reply at sinabi ko iyong pangalan ko. At nainis lalo si Caren, masama ang titig sa akin. Kahit noong sumakay kami ng bus pauwi. Hindi ito matigil-tigil sa kakapaalala sa akin. “Baka may pamilya pa iyon! Diyos ko naman, Yzle! Magiging kabit ka pa sa kagagahan mo.” Mali ka nang akala, Caren. Hindi ako ang magiging kabit ng lalaking iyon. That’s the happy side. Syempre, sino naman ang gugustuhing maging kabit. ‘Wala ring girlfriend.’ Matipid itong magreply, siguro dahil abala sa trabaho. Kating-kati na nga akong ayain itong magkita. Gusto ko lang na makilala pa siya, kung anong meron dito... at kung ano ang mga hilig nito. I just wish na hindi ito torpe tulad ng unang pagkakakilala ko rito. Mas masaya pa rin iyong lalaking malakas ang loob at walang pag-aalinlangan. Syempre, babae tayo... natural na maging behave kahit na parang ang sarap na lang na manguna. “Hindi ka na yata masyadong bumababa, Yzle? Anong pinagkakaabalahan mo sa itaas? Ha?” Napapansing puna ni Tiya sa akin. Late na akong nagising ngayong araw. Puyat na naman ako kagabi, mas mahaba kasi ang oras ni Felix sa gabi kesa umaga. Nagtatrabaho iyong tao ng weekdays tuwing umaga hanggang alas otso ng gabi, di ko naman pwedeng istorbuhin baka mawalan ng trabaho. “May tinatapos lang akong series, Tiya.” “Siguraduhin mo, dahil oras na mahuli kitang kung ano-ano ang ginagawa... lalatiguhin talaga kitang bata ka.” Nagdududang titig nito sa akin. “Grabi naman iyan, Tiya. Di naman po ako nanonood ng bōld.” Ngisi ko, sakto ang pagkagulat ni Tiya nang bumaba na rin si Kuya Abel. “Santisima! Ang bastos ng bibig mo.” Bastos daw, e ano naman ang itatawag ko sa bōld? Bomba? E ganoon pa rin naman iyon. Pa-virgin talaga itong si Tiya, pareho naman kaming hindi na. “Oo nga Yz, ba’t hindi ka na lumalabas? The last time you joined us was last week.” Kainis din ito e. Isang salita lang mula rito naiirita na ako. Parang alta presyon, bigla na lang akong naha-highblood. “Kuya, wala lang ‘yon. Naadik lang sa isang Turkish series.” simangot ko at nagsalin ng tubig bago naupo at sinamahan si Kuya Abel na tahimik na ulit na kumakain. Walang nagsasalita, of course, he’s mad... galit nga yata talaga dahil hindi na ako nito gaanong tinatapunan ng nakaw tingin. Bahala nga siya... parang kawalan. Tapos itong Trevor na ito, ubod ng pagkaarte. Napatanga ako noong sinandok nito ang tatlong kamote na pinakuluan ni Tiya, meryenda raw namin dahil aalis daw ito ngayong hapon. Pwedeng kamayan iyon, syempre may balat pa kaya hindi malagkit sa daliri. Pero ito talaga... parang nandidiri, pero noong sinamaan ng titig ni Kuya Abel at parang tupa na tumiklop sa gilid. Umismid ako at kinuha iyong para sa akin bago umalis at tumambay dito sa tapat ng bakuran. May mga dumadaang kapitbahay, na hindi ko naman kilala, nakakatamad makipagkaibigan lalo na at abala rin ako sa school. At abala rin sa pagiging bitter. Nasa kalahati na ako nang pagkagat ay bigla akong nabilaukan at namimilog ang mga matang natatanaw si Felix, nakatayo ito sa kabilang street. Nakapolong itim at pantalon na kupas, nakarayban at palingon-lingon. May sinisilip pa ito sa hawak na cellphone. Pabalik-balik ang pagtitig niya roon hanggang sa naburyo na yata at may tinawagan. At siyang gulat ko rin na ang cellphone ko pala ang tumutunog. And there, I saw his name. Biglang kumibot ang puso ko. Sa galak at antisipasyon. Ni hindi man lang nagsabi na gusto palang magkita kami ngayon. At heto, “Yz? A... ano, nandito ako sa street niyo pero hindi ko mahanap iyong bahay niyo.” Ako pala, ako pala talaga ang hinahanap niya. Ngumisi ako at tumayo bago nilapag ang maliit na platong pinaglagyan ko ng kamoteng hindi naubos. Saka ako kumapit sa tarangkahan ng gate at kumaway kahit hindi niya pa ako nakikita. “Dito! Felix, nasa labas ko... kumakaway.” Ngisi ko. Noon naman ito nagawi sa pwesto ko. Mas lalong lumawak ang ngisi ko lalo na noong namawis siya sa sobrang nerbyos. Halata ang paninigas niya habang naglalakad palapit sa akin. Gwapo naman pala talaga ito lalo na kapag hindi nakauniporme. Ang galing, parang Tito ko na nga yata talaga tulad ng sinabi ni Caren. But who cares? E syempre sanay ako sa relasyon kaya alam ko rin kung kailan titiklop. At sa tingin ko seryoso itong Felix kaya sige... papatulan ko, tutal nama’y karapatan ko ring magkaboyfriend. “A, ano nakakahiya, Yz.” Kakamot batok ba pigil nito nang pinapapasok ko siya. Ngumisi ako at tinitigan itong malalim niyang mga mata. “Wala naman si Tiya eh, dito lang naman tayo sa labas. Hindi tayo sa loob. Si Kuya Abel lang ang nandiyan, kaya sige na... pasok ka.” At napilit ko rin sa huli. Dito kami pumwesto malapit sa orchids ni Tiya. Tinitigan ko ulit ito, makapal ang kilay at makapal din ang labi... naalala ko ang isang artista sa katauhan nito. Mas lalong lumawak ang ngiti ko at tinitigan pa siyang lalo. Umiwas ito sa hiya at muling ibinalik din sa akin ang mga mata. “Yz, pwede ka kayang ligawan?” Oh my, pucha! Malakas ang loob. Nagtatalon-talon naman sa tuwa itong puso ko. Sa wakas, manliligaw na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD