bc

X Files (R18) (On Hold)

book_age18+
432
FOLLOW
5.7K
READ
forced
war
like
intro-logo
Blurb

Kung kailan ka naman nagseseryoso at totoong nagkakagusto na sa lalaki ay para namang buang si Tadhana at pinaglaruan ka ng bonggang-bongga. Ang mahirap pa ay hindi lang kapalaran ang kalaban, kundi ang kasarian ng isang lalaking hinahangaan. Paano ka kaya makakamove on? Kung ang kalaban mo naman ay ang sariling puso at sariling pagmamahal?For Yzle, she’s willing to do everything. Be it being his bestfriend, be it being his fubu, be it being his slave. Kaso kulang pa yata at hindi buong-buo na binigay ni Abelardo ang pagmamahal sa dalagang mapaghanap.Warning! Contains explicit scenes. R18- Carcross 06-19-2023

chap-preview
Free preview
1
Alam niyo yong pakiramdam na wala na kayong magawa kundi sundin kung ano ang itinadhana? Na kahit anong pilit mo para makalayo lang ay may mga dahilan kung bakit kailangan mong bumalik? Kasi kung ako ang papipiliin mas gusto kong nasa malayo at nagagawa ang gusto. Hindi naman sa strikta si Tiya Flora, kaso nakakahiyang nakikitira pa rin ako sa kanya gayong ilang taon din akong naging palamunin sa kanya. Gusto ko ring makaganti man lang sa kabutihan nito. Iyon bang mababayaran ko man lang lahat ng naging gastos niya. Kaso, tanginang buhay! Sa dinami-dami ng pwedeng mawalan ng trabaho ay isa pa ako roon. Hindi dahil sa hindi ako nakapagtapos ng kolehiyo kundi dahil kailangan nga raw magbawas ng tao. Sino bang niloko nila? Syempre alam kong mapapasama ako roon kasi tinanggihan ko iyong Manager. Parang kasalanan ko pa kaya mawawalan na ako ng trabaho ngayon. Pagkababa ng bus terminal ay bitbit ko na kaagad ang packbag na ilang damit lang naman ang laman. Nasa kamay ko iyong supot ng pasalubong para kay Tiya. Sure akong matutuwa iyon. “Miss, saan galing? Dayo ka ba?” Ngising tanong ng guard. Sumimangot ako at hindi sinagot iyong tanong niya. May narinig pa nga ako e pero dahil nagmamadali na ako ay hindi ko na pinatulan. Diretso ang pasok ko sa loob ng tricycle at tinuro kay Manong ang Maunlad. “Sinong anak ka, Ineng? Hindi ako pamilyar sa’yo e. Sa dinami-dami ng mga kabataan diyan sa Maunlad ay hindi pa talaga kita nakita kahit na kailan.” Simpleng ngiti lang ang sinagot ko. Hindi naman ako makapagdahilan dahil hindi ako nag-aral diyan sa Maunlad. Sabi kasi ni Tiya kailangan daw may matutunan ako kay inenroll ako sa isang Catholic School. Boarding ako roon at araw-araw ba namang may nobina! E hindi ko naman inaapply sa totoong buhay, anak nga yata ako ni Lucifer dahil kahit anong pilit kong magpakatino talagang sumisilip iyong sungay ko. “Ah, Tiya mo ba si Flora?” Kunot noong tanong nito habang nakatitig sa harap ng bahay. “Opo... heto po bayad.” Inabot ko kaagad sa kanya para wala na siyang maitanong pa. Pagkababa ay tinulak ko lang ang tarangkahan. Hindi masyadong kalakihan ang bahay ni Tiya Flora. Sakto lang iyon, ang totoo binalak na nitong iparenovate last 2 years ago pagkatapos kong gumraduate sa Hayskul kaso parang nagdadalawang isip ito kasi maganda pa naman ang pundasyon ng bahay. Malaki rin ang magagastos at parang gumawa na rin ng bagong bahay kung natuloy nga. Tsaka sabi niya nahihiya na rin siya sa nag-iisang anak. Baka lalo lang daw hindi umuwi dahil hindi makakaipon. Nilibot ko ang mga mata at nakitang nakasabit na sa patay na punong kahoy ang mga hanging plants niya, nando’n ang ilang orchids. Pagkatapos lumawak yata ang buong bakuran. Puro bermuda grass na lang ang nasa gitna kaya umaliwalas at nagmukhang enchanted kasi yong mga bulaklak nakakumpol sa linya ng bakod. Kaya lang nagtataka akong parang wala yatang tao. At tama nga ako! Walang sumagot noong kumatok ako, tinatamad na naupo na lang ako sa gilid at hinintay na makauwi si Tiya. Sure akong magtatalon iyon sa tuwa. Payat si Tiya at maliit pa! Kaya magaan ang katawan noon. Nilabas ko nga ang sigarilyo at sinindahan. Kasalanan ni Julius kaya naaadik ako ngayon sa paninigarilyo. Sabi niya mas nakakarelaks daw ang ganito. Totoo naman pero lagi namang butas ang bulsa sa sobrang mahal ng kaha. Ilang hithit pa e naubo na ako kaya tinapon ko sa gilid. Nagspray lang ako ng pabango at lumingon sa kabilang bahay. Nandoon si Nathan na kumaway sa akin, ngising-ngisi pa na makitang nandoon ako. Sumenyas pa itong naninigarilyo raw ako. Oo naman! Naninigarilyo nga! Alam ko yon. Inirapan ko nga ito at pinagkrus ang mga binti. Tumitig lang ako sa tapat at binaliwala ang pang-iinis ng kapitbahay na... ex ko nga pala. “Umalis si Ante kaninang umaga,” sabi nito, di na yata nakatiis kaya nilapitan ako rito malapit sa bakod. “Hihintayin ko,” sabi ko at tinaasan siya ng kilay habang halata na pinapasadahan ako ng tingin. Partikyular sa nakalabas kong legs. Patay na patay iyan sa mga hita ko e! Sabi niya malambot nga raw tsaka ang lusog-lusog. Which is totoo naman kung pagbabasehan ang balingkinitan kong katawan. Noong highschool laging pinagdidiskitahan ng mga kaklasi, mapababae man o lalaki, itong bewang ko kasi talagang umabot ng 22 iyon noon. Syempre nene pa at payat kaya maliit. Ngayon medyo nagkakalaman na kaya malusog at saktong 24 na ang sukat. Atleast naman tumaba ng kaunti. “Ilang buwan kang nawala, Yzle? Akala namin nag-asawa ka na.” Hindi makapaniwalang tinitigan ko siya. Nag-asawa kaagad? Ang bata-bata ko pa para doon. “Ang wild mo kaya,” sabi nito, na parang pinaglalaban ang haka-haka niya. Medyo naoffend ako sa sinabi niyang yon. Oo nga, bata pa ako noon! Hayskul! Minsan lang nakakalabas sa eskwelahan. Kaya marami akong kuryusong bagay na hindi ko naranasan sa loob. E halik tsaka kaunting haplos lang iyon ah?! Wild kaagad? “Tumigil ka nga, hindi alam ni Tiya na naging mag-on tayo noon.” Dipensa ko. “Oo, wala rin akong balak na sabihin.” Ngisi nito. Akala mo naman ikingwapo niya iyang pagngisi-ngisi niyang yan. Hindi ko naman siya tunay na nagustuhan. Nadala lang ako sa mga sweet nitong mga texts at chat noon. Iyon bang masasabi mong puro bastusan na lang. E bata, madaling maapektuhan. Mas agresibo pa nga ako noon kesa doon sa huling naging boyfriend. Si Julius. Pero ang isang yon naman marami ring bisyo ang itinuro sa akin. Mabuti na lang hindi ko naman kinaadikan maliban sa paninigarilyo. “Alam mo, Yz... single pa rin ako ngayon.” Kumunot ang noo ko at napapantastikuhang tinitigan siya. Pakialam ko naman kung ganoon pa rin siya? Hindi naman ako interesado. Kuryuso lang ako no’n kaya pumatol ako. “Single ka pa rin ba, Yz?” Natatawa ako, dumadamoves e! E wala nga akong gusto sa kanya. “Kakabreak lang namin ni Julius noong isang Linggo.” Mukhang naturn off kasi umatras. Natatawa naman ako sa kaloob-looban ko. “E di binigay mo Yz?” Tang’na? Unang buka pa lang sa tanong niyang yan naintindihan ko na kaagad. At natanto ko ring pinagloloko lang ako nito. Iba ang habol. Alam ko yon at hindi ako tangang natuto lang sa mga nangyari sa buhay ko para hindi maintindihan itong basic na tanong nito. “E ano?” Naiinis na pang-aasar ko sa kanya. Hilaw ang naging ngiti nito. Umismid ako at inirapan siya. Sinadya kong makita niya iyon, dahil maldita naman talaga ako. Kaya nga ito ang inuungot niya dati kasi hindi niya masakyan ang pagiging masama ng ugali ko. “Wala, nevermind Yz... ah, sige, alis na muna ako.” Mas lalong tumayog ang angat ng isa kong kilay habang nakasunod ang mga mata ko sa likod niya. Asyumero! Akala mo naman kagwapuhan para maoffend ng ganyan. Kukuha pa sana ako ng isa pang stick kung hindi lang may pumaradang tricycle sa harap ng bahay ni Tiya. Tumayo ako at naglakad papunta doon. Huli ko pa napansin na may nakaangkas palang malaking MAMA doon sa likod ni Manong. Sa tanang lalaki na nakasalamuha ko e ngayon lang ako nagulat. Shocks! Ang laki niyang tao. Si Kuya Abelardo. “Yzle!!” Napatalon ako sa gulat at napatitig kay Tiya na parang batang napatalon papunta sa akin. Inalalayan ko pa siya kasi ang liit talaga ni Tiya. Kaya ngayon nagtataka ako kung paano niya nailabas itong malaking tao na nasa harapan namin? Ngumiti ako sa kanya. Iyong totoong ngiti na walang halong plastik. Tipid nga lang ang ngiti nito, siguro ganoon talaga. Lalo na at ang huling balita ko ay nasa US Army ito. Shocks! Nakakachic naman iyong katotohanan na government servant siya sa US. Tapos nakahilera pa sa mga hot na katulad din niya. “Mabuti umuwi ka na!” Kung akala niyo ay sweet na tao si Tiya, do’n kayo nagkakamali. Dahil sunod-sunod na palo ang natanggap ko mula rito. Nag-iinit tuloy ang pisngi ko sa sobrang kahihiyan. Napapasulyap ako kay Kuya Abel na seryosong nakatitig sa ginagawa ng sariling ina. Masyado siyang pormal. Pero sabagay, trained by US Troops iyan. Baka nakasanayan na kaya hirap na hirap ngumiti. Bumaba nga ang mga mata ko sa dibdib niya at shocks ulit! Ang lapad at umuumbok paharap. Ah?! Kinikilig ako. “Ano ba kasing sinabi ko sa’yo, Yzle?! Mag-aral ka muna bago magtrabaho!” Nanggagalaiting sabi nito. Nabingi yata ako pero mas nakakabulag si Kuya Abel. Ang gwapo-gwapo nito! Tang’na! Siguro kasi namana din naman niya sa totoong ama ang features ng mukha. Rinig ko sa mga kuwento ni Tiya Flora nakilala niya lang daw ng bumisita sa Zambales iyong troops na kinabibilangan ng Tatay ni Kuya Abel. Nagkainlove’an daw, nagkaanak, kaso nalaman ni Tiya na kasal pala sa US! Kaya hiniwalayan niya at pagkalipas ng ilang taon binalikan sila pero ayaw na kasi ni Tiya. Na-trauma yata... naku kung ako yon, sasama ako. Pero dahil si Tiya iyon ay nagdesisyon itong ibigay si Kuya Abel pero syempre ang kapalit ay kalayaan para sa dalawa. Mukhang pinalaki naman ng maayos si Kuya Abel at pagkagraduate sa Kolehiyo e binalikan nga raw si Tiya at nangako ito ng sustento. Ayaw nga sana ni Tiya dahil hindi naman iyon ang kailangan niya pero mapilit si Kuya Abel. Saktong bumalik ito ng pumasok ako sa buhay ng mag-ina. “O? Abel, si Yzle nga pala... yong inampon ko noon.” Pakilala ni Tiya Flora. Ngumiti ako at inabot ang kamay. Mabilis niya lang na tinanggap yon at tipid ulit ang ngiti. “You’ve grown.” Simple lang yon pero yawa buong-buo ang boses. Iyong maririnig mo pa lang ang unang word e mapapaihi ka na. Totoong kinikilig na ako. “A-ah, medyo nga Kuya.” Nahihiyang sabi ko. At totoong inampon ako ni Tiya. Kakilala siya ni Mama at naging kasamahan pa yata sa simbahan. Hindi ko na kasi maalala kaya yon lang ang pagkakaalam ko. Bago ako naghayskul ay nagkasakit si Mama, namatay... dahil wala naman kaming pera para tustusan ang sakit niya. Naging ulila ako, tinanggap ng ilang kamag-anak pero dahil mahihirap din ay natuto ako magkatulong sa ilang kakilala. Hanggang sa nahanap ako ni Tiya at pinatira dito. Binihisan, pinakain, inalagaan at pinaaral sa isang private na eskwelahan. Mabait si Tiya. Sa sobrang bait inabuso ko. Hindi ko alam kung alam ba nito lahat ng kalokohan ko noong hayskul. Natuto akong uminom sa loob ng CR kasama ang mga barkadang suwail at natuto ring magbulakbol. Ewan ko nga kung paanong sa loob ng anim na taon ay walang nakapansin noon. Kahit ang mga quizzes ko ay hindi rin bagsak. May ilang pasang-awa pero kalimitan ay matataas naman ang kuha. Siguro nga yon ang pinagbasihan ni Tiya kaya hindi nagduda. “Marami kang ikukuwento sa akin, Yzle! At ano itong nababalitaan kong nakikipaglive in ka, ha?” Kurot na naman sa tenga ang natanggap ko. Natatawa na lang ako kahit na masakit. Hila-hila niya ako papasok sa bahay. At nakasunod si Kuya Abelardo sa amin mula sa likod. Sinukbit ko ang packbag at kinuha ang supot bago nilingon si Kuya Abel na kabi-kabila ang dalang mga supot. Napansin ko ngang nakababa ang mga mata niya ngunit dahil siguro napansin niyang nakapihit ako ay diniretso niya na lang sa mga mata ko ang mga titig. Lihim tuloy akong napangiti at binaliwala ang sinasabi ni Tiya habang binubuksan nito ang pintuan. Umayos pa ako ng tayo at mas kinlaro sa likod itong hugis ng katawan ko. Sakto lang ang tangkad ko, hindi rin ako kaputian... pero bawing-bawi sa umbok at hugis ng katawan. Kaya nga... maraming nagpapansin kahit hindi ko naman pinapansin. Parang mga hangal na naglalaway sa katawan ko kahit hindi naman pagpapaseksi ang intensyon ko. Pero kung si Kuya Abel lang naman, why not? Kaso tangina! May natuklasan akong nagpaguho sa akin. At ilang araw akong naging brokenhearted. Hindi ko matanggap! Tang’nang buhay! Kung kailan nagseseryoso na ako doon pa minalas. Kahit si Tiya ay nagulat nang malamang hindi totoong lalaki si Kuya Abel, at lalo na ng madatnang may dala itong lalaki pagkatapos ng dalawang taong pagtatrabaho sa US. Pareho kaming tulala at walang magawa kundi tanggapin kung anuman ang kasarian ni Kuya Abel. Naiiyak nga ako, nanghihinayang sa kapogian nito at malaking katawan. Tapos kapwa lang pala ang makikinabang.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Cousins' Obsession

read
189.2K
bc

Daddy Granpa

read
278.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.1K
bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
40.0K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
51.9K
bc

LOVE ME AGAIN, MY SELAH (SPG)

read
66.6K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
248.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook