Napaubo ako pagkatapos ng pangalawang stick, nakatitig lang sa akin si Kuya Abel na biglang lumabas mula sa kusina. Kaya nga dito ako nagtatago sa gilid ng laundry area kasi hindi napapadpad si Tiya Flora dito e. Pero nahuli naman ako ni Kuya Abel.
Ngumiti ito na parang ngisi sa paningin ko. Nakakainis, ang gwapo-gwapo nito at ang yummy pa ng katawan. Literal na luluhuran mo talaga. Ang brusko lang e tsaka ang angas ng mukha. Ito ang mga tipo ko pero parang laging minamalas at patpatin ang mga nagiging ex kaya nga natutunaw talaga ako rito kay Kuya Abelardo.
“Alam ba ni Mama yan? You smell cigarettes.” Iiling-iling na sabi nito at binaba ang mga labahin.
Ilang na ilang ang ngiti ko at tinapon sa malayo iyong stick. Baka akalain nito gano’n na ako kahayok, gusto ko pa sanang magpaimpress kaso mukhang hindi naman siya interesado kasi nagsimula na itong maglaba. Tinutulungan ko naman siya at pareho na kaming nababasa. Pero dahil umiiral ang kalandian ko sa katawan ay hindi ko maiwasang sulyapan ang katawan nitong bumabakat. Dibdib pa lang parang ang sarap nang higaan. Nakakapanghina ng tuhod! Pucha! Ang landi mo, Yzle!
Hindi pa ako nakakaramdam ng ganitong kabigat na atraksyon sa isang lalaki. Kay Abel pa lang, uh, kay Kuya Abel pa lang.
Ang lakas talaga ng dating nito, parang nakikita ko lang sa poster. Iyong mga bomba’ng poster na kapanahunan pa ni Tiya Flora.
“Yzle? Can you help me with this?” Turo nito sa mahabang carpet ni Tiya na basang-basa. At ang gusto ni Kuya Abel ay ilatag iyon upang maayos niyang magamitan ng brush.
Bumalik ako sa tabi ng washing machine at nilingon si Kuya Abel na tumuwad at talagang mulagat ang mga mata ko nang pumorma ang pang-upo nito. Ang tigas ah? Pucha! Yzle! Ang landi mo!
Pero hindi ko maiwasang sipatin iyon, maumbok nga tsaka ang tigas titigan. Parang ang sarap kurutin pero syempre hindi ko gagawin dahil nakakahiya kay Kuya Abel.
Lumunok muna ako at sinunod sa pagkakasalansan ang bagong tumpok ng labahin. Nilagay ko sa tabi ang medyo basa pang mga kumot, kurtina at sofa cover. Sakto ding dumikit sa akin si Kuya Abel kaya talagang kumabog na naman ang puso ko nang maramdaman iyong matigas at mainit niyang braso sa likod ko.
“I’ll help you, Yz.”
Tumango ako. Barako talaga e. Pati boses buong-buo at halos nakakulong na sa lalamunan nito.
“Yz? Pwedeng magtanong?” Basag nito sa katahimikan.
Tumango ako at naghintay, pareho naming sinasampay ang mga labahin. Maya’t maya ay kukunin din namin yan dahil hindi na masyadong basa ang mga yon.
“Bakit ayaw mong mag-aral ng kolehiyo? I’ll shoulder all the expenses and even your whims.”
Nakakaengganyo, pero dahil iniisip ko ang utang na loob sa pamilyang ‘to ay hindi ko kakagatin. Maiintindihan niya naman siguro.
“Sayang, bata ka pa, Yz... Mama Flora and I talked about this. Nasasayangan kami para sa’yo, Yz.” Ulit nito.
Doon ko natanto na kahit brusko at lalaking-lalaki ang katawan ni Kuya Abel ay talagang malambot ang puso nito. Alam mo kasi yong taong interesado talaga sa taong nagpapanggap lamang. Masasabi ko ngayon, mula kay Kuya Abel.
“Nakakahiya na kasi kay Tiya Flora, sa inyo.” Totoong sagot ko sa nararamdaman.
“That’s why you decided to elope with your boyfriend?” Nagtataka ang mukha nito.
Mabilis akong umiling! Shuta! Anong tumakas para makipag live in? Ang bata-bata ko pa para gawin iyan. Mga chismosa! Kung ano-ano na lang ang binibigay na impormasyon kay Tiya.
Kung noon ito, hindi ako magdedeny ng ganitong halos mabali na ang leeg ko. Pero kasi, ngayon ‘to at nasa harapan si Kuya Abel. I’m sure kung hindi niya naman ako jina-judge, ay sigurado ring tatatak na ito sa isipan niya.
“Wala Kuya! Hindi naman ako nakipaglive in. Nagtrabaho ako sa port at sa isang restaurant. May boyfriend ako, Oo... pero hiwalay na kami.”
Ngumiti ito, halatang hindi naman siya offended sa nalamang ganoon. Siguro kasi... liberated siya?
Oo nga ‘no?! Lumaki siya sa US, doon na natuto! At siguradong dahil sa klasi ng trabaho niya ay malamang normal lang ang pakikipaglive in!
Hindi ko maiwasang ibaba ang mga mata. At lalong napataas kilay ako noong makita na sobrang bukol noon. Hindi pa gising iyan ah?! Paano na lang—
“It’s normal to have some suitors, Yz. And much more of having a boyfriend. Natututo tayo doon, we can’t defy our own feelings.”
Teka... teka lang? Bakit feelings na ang pinag-uusapan? Ngayon lang ako nakaramdam ng ilang tungkol dito. I mean, mahilig din naman ako magsyota ng kung sino-sino pero puro lang naman laro iyon o kaya’y kuryuso lang. Walang personalan.
Pero si Kuya Abel? Ang lalim ng hugot niya na pakiramdam ko puro seryosong bagay na lang ang pag-uusapan namin.
Natawa tuloy ako, ngumiti naman siya ng bahagya. Ang tipid ng ngiti nito, ni hindi ko pa nakitang natawa man lang o kaya’y nakalabas ang front teeth. Mapuputi naman ang mga ngipin niya a? Sa tuwing nagsasalita nga ‘to ay hindi ko maiwasang tumitig doon, maganda ang pagkakapantay... hindi iyong pilit at halatang natural ang sukat.
“Wala nga akong boyfriend, Kuya. Dati, meron! Pero syempre hindi ko naman siniseryoso iyon. Bata pa ako para malagay sa isang seryosong relasyon.”
“Ah? I get it now, Yz.” Tumango ito ng isang beses, “You just love the challenge and a little commitment. Ano bang gusto mo do’n, Yz?”
Napalunok ako. Ano nga ba? Wala naman, gusto ko lang maranasan.
“And you’re addicted to smoking, Yz. Sila ba ang nagturo?” Tanong pa nito.
Ngumiwi ako, tumango pa bago dinugtungan, “Tinuruan ako ng last boyfriend ko, Kuya. I-I can stop naman.” Iwas ko.
Ngumiti ito, “I’m not gonna judge you, Yzle. It’s normal... but don’t get too addicted. Masama sa’yo at bata ka pa. Too young to become a smoker.”
Tumango ako. Iniisip ko na kaagad kung paano ko itatapon ang isang kaha at lighter.
“Back to schooling...” bulong nito at hinila ang carpet. Mabigat iyon pero kayang-kaya niya kasi malaki naman siyang tao. Parang wala nga lang at tulala akong nakatitig sa kanya.
Army cut, musculine, at halatang naging tan dahil bilad sa init.
“Subukan mo lang kahit isang sem lang, Yz. If you can’t and you don’t like it... then, we’ll understand if you don’t want to study.” Ngiti niya nang lumingon sa akin.
Napasinghap ako.... ah? Kasi hindi naman ako kinabahan sa offer nito. Actually, mas kinabahan pa ako sa klasi ng ngiti niya.
Nahuhulog nga yata ako e.
Pero ang bilis!
Kaya lang sa dami ng mga naging boyfriend ko noon sigurado ako ngayong iba itong nararamdaman ko kay Kuya Abel. O baka naman masyado akong nahuhumaling sa tangkad, ganda ng katawan at gwapo niyang mukha?
Naku! Patay tayo, Yzle! Mukhang nakababatang kapatid lang talaga ang tingin niyan sa’yo.
Bumalik kami sa loob pagkatapos na magsampay. Sakto ring naghahanda si Tiya Flora ng meryenda, purong lutong pinoy. Hindi ako sigurado kung magugustuhan iyon ni Kuya Abel. Pero mukhang nasarapan naman siya at tinanong si Tiya Flora, kung anong mga pangalan noon. Gusto pa yatang magdala next month pauwi ng US.
“Lumabas kaya muna kayo?” Suhestyon ni Tiya pagkatapos ng ilang oras na nanonood kami ni Kuya Abel ng isang English na palabas.
“Tara?” Lingon nito sa akin.
Tumango ako at inunahan siya, maliligo lang ako, magbibihis at maghahanda. Halos iligo ko na iyong pasalubong niyang pabango sa buo kong katawan. Pagkatapos nagsuot din ako ng maiksing shorts na maraming tastas sa ibaba. At isang t-shirt na may disenyong tulips sa gitna. Wallet nga lang na panlalaki pa ang dala ko bago bumaba.
“You smell good,” bulong niya ng sabay pa kaming nagkita sa labas ng mga silid.
Ngumiti ako, iyong ngiting may kasamang tuwa. Syempre, inamoy niya ako... pero teka, ang assuming ko noon! Hindi niya inamoy talagang naamoy niya lang! Magkaibang bagay ang dalawang yon.
“Umuwi kayo bago gumabi.” Paalala pa ni Tiya.
Naghintay kami ng tricycle at saktong may dumaan. Gusto ko nga sanang sa likod pero hinila ako ni Kuya Abel at pinapasok sa loob. Sinubukan niya ring tumabi sa akin kaya lang nasusudsod ang tricycle. Nagkatinginan tuloy kami, natatawa na lang samantalang tipid pa rin ang ngiti niya.
“Ah Sir,” nakakamot batok na tawag ng driver, “Dito na lang po kayo sa likod ko.” Natakot din yata kaya naging maaksyon.
Di ko alam kung matatawa ba ako o ano. Ang laki niya naman kasing tao. Ang muscle noon namumutok. Siya yong tipo ng lalaking dahil sa magandang mukha at barakong katawan ay talagang makakaisip ka kaagad ng kahalayan. Iyong tititigan mo pa lang, basang-basa na ang panty mo!
Ay naku, Yzle! Baka panty ko?!
Ilang minuto lang ay nasa Poblacion na kami. Nag-abot si Kuya Abel ng isang daan na supposedly para sa amin dalawa ay trenta lang. Pero dahil generous naman siyang tao ay sinabi niya si Manong ng, “Keep the change, pasensya po sa bigat ko.” Nangingiting sabi niya sa Driver.
Muling napakamot batok si Manong at tumango bago umalis.
Tinuro ko sa kanya ang gym, maingay at halatang may naglalaro ng basketball sa loob. Hindi ako sigurado kung mahilig siya roon. Pero baka naman? Total ay lalaki siya at ganoon naman talaga?
“Let’s buy some snacks first.” Hawak niya sa kamay ko.
Nagulat ako at natulala sa malalaki niyang daliri na pahirapan pang isingit sa pagitan din ng mga daliri ko. Hindi. Ako. Makapaniwalang. Ka-holding hands ko itong crush ko. Ngayon pa talaga, ngayon pa ako kinilig ng sobra-sobra!
Pagkatapos itong mga kababaihan bulguran kung makatitig sa kasama ko. Halatang kinikilig, may isa pa akong nakita na mukhang mahiyain at napaiwas ng titig pero halatang kinikilig din. Pulang-pula ang pisngi.
Syempre, hindi naman usual sa lugar namin na may nadadayong dayuhan. Let alone na isa pang US Army at malaki ang katawan. Tapos ang gwapo pa... iyong, nakalulusaw ng panty.
“Anong gusto mo, Yz?” Tanong nito sa pagitan ng pagpasada ng titig sa buong nakadisplay.
Tinuro ko ang isang kakanin, tapioca at isang junkfoods. Kinuha niya iyon at binayaran. Lumakad na kami palabas at mas dumami ang mga nakatitig. Hindi ko sila masisisi, kahit ako nga kung sakaling hindi ko naman kilala si Kuya Abel siguro matutuliro rin ako. Pero syempre dahil kilala ko siya... ano! Ganoon pa rin pala.
Third quarter na nang nakapasok kami. Medyo mainit na rin ang labanan. Pagod na ang iba at pawisan na rin. Pero ang dami yatang nanonood ngayon? May liga ba? Hindi ko maalala at hindi naman liga ang pinupunta ko noon dito. Wala talaga akong alam.
“Hoy Yzle!!”
Napatitig ako sa kabila at nakita si Kia na kumakaway. May mga kasama siya, iyong dalawa ay naging kaklasi ko noon sa hayskol. Yong isa parang pamilyar din ako. Ang iba, sigurado akong hindi ko mga kilala.
“Okay lang bang lumapit, Kuya Abel?” Lingon ko dito.
Tumango siya at bibit ang supot at saktong change player ay nakatawid kami sa kabila.
Titig na titig ang mga kaibigan ko dito kay Kuya Abel. Parang hindi naman yata ako ang tinawag? O baka gusto lang nila matitigan ng maayos si Kuya Abel?
At hindi ko rin sila masisisi doon.
“Ang gwapo ng kasama mo, Yz!” Halakhak ni Kia.
Bigla akong nahiya dahil sa kabulguran nito. Tinitigan ko si Kuya Abel na ngumiti lang ng bahagya. Pero kahit ako naman noon ah? Harap-harapan ko ring sinasabi na gwapo ang isang lalaki kung nagagwapuhan talaga ako.
“Salamat,” sagot ni Kuya Abel. Namilog ang mga mata ni Kia at agad itong pinamuluhan.
Akala niya ba hindi nakakaintindi si Kuya Abel?! Oo nga naman, mas lamang dito ang dugong dayo kesa sa complexion ng Filipino. Kaya siguro inakala ni Kia...
Kumalabit sa akin si Kia pagkatapos naming maupo roon.
“Ang dami ko sanang gustong itanong pero nakakahiya, nakakaintindi pala iyang kasama mo.” Bulong nito,
Nagtaas ako ng kilay at nilingon si Kuya Abel na nakabuka ang mga hitang nakaupo at nanonood ng basketball. Kahit pag-upo na nga lang ang barako niyang titigan.
“Boyfriend mo ba, Yz?”
Naagaw kaagad ni Kia ang atensyon ko at hindi makapaniwalang tinititigan siya.
“Anak ni Tiya Flora, Ki...”
Napakurap ito, “So hindi kayo pwede?”
Nainis ako at mas lalong tinarayan ang mga kilay,
“Di ko naman sinabing hindi ko boyfriend, Ki. Anong sinasabi mong hindi pwede? Hindi kami magkadugo. Wag ka ngang assuming diyan!”
Patay! Bakit ba ako naha-highblood?