Mga igat na 'to! Di ko alam kung maiinis ba ako o ano. O sadyang mga makakapal lang ang mga mukha at talagang pagkatapos no'ng pamamasyal namin sa plaza ay biglang dumami ang mga tambay sa katapat na bahay.
And worst, maraming naging instant sa pakikipagkaibigan sa akin. Na sigurado naman ako kung ano ang dahilan.
Nakng...
Inayos ko na lang ang pot ng mga halaman sa isang tabi at kinuha ang hose para magdilig. Pasimple ko na lang na pinapanood ang mga taong nag-aabang kay Kuya Abel, na abala sa paghuhukay ng mga lupa. Maghahalaman daw ito ngayon, naglaba kahapon at halaman na naman ngayon. Nakakatuwa na barako nga ito pero parang hindi mapakali kapag walang ginagawa.
Mas lalo ko itong nagugustuhan at sa totoo lang kahit naglalaway akong magyosi ngayon ay pinipigilan ko iyon dahil ayaw niya.
Kanina ko pa nga inuutusan itong isang batang kapitbahay na bilhan ako ng tiglilimang kendi. Iyon na lang ang paraan ko para hindi matukso.
"Do you know how to plant?" Tanong nito nang lumapit sa akin.
Muntik akong napatalon palayo. Amoy ko iyong morning fragrant niya. Mabango. Siguro pinapaligo nito ang pabango e pero parang hindi naman yata kasi parang natural mula sa wash up.
"K-konti lang Kuya, pero natutunan naman iyon." Lingon ko dito. Naiinis nga ako dahil iyong mga mata ko parang hinihila pababa. Gusto kong manilip...
Sa dibdib nito...
Pero syempre hindi ko gagawin iyon. Nakakahiyang mahuli na gano'n na lang kung pagnasaan ko siya.
"I'll teach you..." ngiti nito.
Tumango ako kahit na kumakabog ang puso ko sa sobrang nerbyos. Ang lapit-lapit ni Kuya Abel. Tatlong araw pa nga lang kaming magkasama para na akong mabubuang.
Ano ba 'tong nararamdaman ko?
Hindi naman ako ganito kabaliw sa mga naging exes ko noon ah?!
"K-kuya," tawag ko habang sinusundan ang pagtatanim niya.
"Hm?"
Nagsitindigan ang mga buhok ko sa katawan. Iyong boses pa lang parang nakakaano na...
"May girlfriend po ba kayo?" Lakasan lang talaga ng loob.
Humalakhak naman ito. Medyo nag-init ang pisngi ko at sumilip sa labas. Napansin kong nagkandahabaan na ng leeg ang mga papansin doon sa katapat.
"Wala, Yz..."
Huh? Really? Imposible naman yata. Ang gwapo nito tapos ang ganda pa ng katawan at saka US Army. Ano ba yan? Baka pihikan?
"Bakit naman Kuya?"
"There are things that I don't want to disclose, Yz. And that is one of the few things that I don't want to answer."
Supalpal! Napakapribado naman pala nito. Medyo napahiya ako ng kaunti ah? Pero dahil ayaw kong mas lumala pa ay hindi na ako nagtanong at kinausap na lang siya sa ibang bagay.
"Ang bilis mo naman palang turuan, Yz." Ngiti nito.
Tumango ako at medyo nagmayabang sa sarili. Oo naman! Kahit distracted ako sa kanya ay nakikinig naman ako nang maayos. Syempre kailangan kong magpaimpress!
Tanghalian nang tinawag kami ni Tiya Flora, kakain na raw. At dahil gutom na ako ay sumunod na ako papasok. Tiningnan ko ang mga hinanda at may sinabawan tsaka gulay kaya tuwang-tuwa ako. Magana talaga akong kumain, parang kain lalaki, pero ewan ko hindi naman ako nananaba. O dahil lahat yata napunta sa tangkad at lusog ng mga pata.
Tahimik lang akong nakikinig habang masibang kumakain. Tinititigan nga ako minsan ni Tiya Flora ngunit alam ko namang hindi siya offended doon sa ginagawa ko. Parang natutuwa lang yata na ganado ako.
"Yes Mom. We'd already talked about that. Kaso, parang ayaw pa rin niya."
Tumigil ako sa pagsubo at tinitigan ang mag-inang sabay pang tumitig din sa akin. At natanto kong ako ang pinag-uusapan. Bumuntong hininga ako at naupo nang maayos. Unang tinitigan ko ay si Tiya Flora pagkatapos noon ay si Kuya Abel. Wala naman akong pakialam noon kahit sumama pa ang loob ni Tiya tungkol sa desisyon ko ngunit mahirap din pala kung ganitong hopeful ang nakarehistro sa mukha ni Kuya Abel.
"Okay po," tungo ko.
"Anong okay?"
"Twenty na po ako at wala na talaga akong balak na mag-aral pero sige po, susubukan ko."
Sa tuwa nang dalawa nagulat ako kinabukasan ay may lechon na nakapatong sa mesa at ilang handa. Hiyang-hiya tuloy ako at sinabing hindi naman kailangan iyon. Napakasimple lang noong pagsang-ayon ko pero heto at talagang nagpahanda pa si Kuya Abel.
“Let’s enroll you next week, Yz.” Sabi ni Kuya Abel.
Napalunok ako at tinitigan ang mga mata nitong malalim ang titig sa akin. Kaya siguro hindi ako makaahon sa nararamdaman kong ito dahil sa klasi ng titig ni Kuya Abel. Parang binabasa nga ako e. Ang gwapo talaga nito, nakakainis lang dahil ramdam kong nakababatang kapatid lang talaga ang tingin nito sa akin. Wala naman akong magagawa roon kundi tanggapin iyon.
O baka naman may pag-asa pa?
Di ko alam, ang importante lang sa akin ngayon ay maimpress sa akin si Kuya Abel.
“Saan mo ba gusto? Hindi ako pamilyar sa mga kainan dito.” Nilibot nito ang mga mata. Kakatapos ko lang mag-enroll at talagang sinamahan ako nito.
Tanghali na at gutom na gutom na rin ako. Tinuro ko nga iyong kainan na nagsisilbi ng balbacua. Gusto ko ng sabaw ngayon kahit na sobrang init ng panahon. Tsaka hindi naman nagluluto nito si Tiya.
Mukhang nagugustuhan na nga iyon ni Kuya Abel. Nasasarapan siya sa klasi nang pagkakaluto, sobrang lambot pa ng karne na parang natutunaw na lang sa dila ko. Masarap naman talaga e at may libreng sabaw pa. Di na ako nahiya na kumain nang marami dahil marami rin ito kung kumain. Siguro kasi malaki siyang tao kaya ganoon. Marami rin ang in take ng pagkain.
Pinagtitinginan na naman siya, di na bago sakin ang ganito ngunit di pa rin talaga ako sanay. May isa pang Ale na pakiramdam ko e nakikipaglandian kay Kuya Abel pero tinatawanan lang ng huli.
“Kuya...” tawag ko, pauwi na kami nang napansin ko iyong naglalako ng simpleng bracelet. Wala pa nga akong sinasabi ay binili niya na iyong isang pares ng magkakapareho.
Uminit ang pisngi ko nang sinukat niya iyon sa palapulsuhan ko at isinuot. Tangina! Di ako yong tipo ng babaeng feminine na feminine talaga. Pero pagdating kay Kuya Abel nagiging malambot ako.
“Suot mo rin sa akin, Yz.”
Tumango ako at nakangusong inikot sa wrist niya itong bracelet. Saktong-sakto ang sukat at yakap na yakap ang pulso niya. Siguro kasi buo rin iyong wrist niya at halatang batak sa pisikal na gawain.
“Both are cute,” komento nito.
Tumango ako, sang-ayon, pero mas naging cute dahil pareho naming suot ang parehong desinyo.
Pagkarating sa bahay ay naglinis lang kami nang kaunti at nag-aya ulit si Kuya Abel na mamasyal sa plaza. Syempre dahil gustong-gusto ko na laging nakadikit sa kanya ay umoo na ako.
Di ko lang inasahan na makikita ko sa plaza si Kia na agad na namilog ang mga mata at kumaway sa amin. Pansin ko ngang marami ang nag-aatempt na lumapit pero mas malakas at buo ang loob ni Kia na lumapit talaga.
“Nandito po kayo ulit,” ngiti nito sa kasama ko.
Nagdidilim ang paningin ko at alam kong hindi naman dapat ako magselos. Kaya lang, pucha... bakit ba hindi ko mapigilan ang sarili? E ano kung may lumalapit? Hindi ko sila pwedeng sisihin dahil nakakahatak naman talaga ng atensyon itong kasama ko. Pero ewan ko ba, nagseselos ako kahit na hindi naman ganito ang nararamdaman ko noon sa mga naging karelasyon ko.
“Yeah,” simpleng sabi nito at nahuli kong sumulyap siya sa akin.
“A-ah... may lalakarin ba kayong dalawa ni Yzle, uhm... Kuya Abel?” Alangan na tawag nito sa ‘Kuya’. Uunahan pa ako eh.
“Wala naman... just random strolling around.” Sagot nito.
“Sakto!”
Naku! Kia! Sinasabi ko wag kang gumawa nang paraan para masolo si Kuya Abel dahil talagang kaya kong manuntok ng kaibigan. Kahit babae pa iyan.
“May event doon malapit sa Arena, motorshow daw.” Ngising-ngisi na dugtong nito.
Bumilog ang mga mata ko at sakto na lumingon si Kuya Abel. Agad na kinalma ko ang sarili dahil ayaw kong isipin nito na masyado lang akong excited kaya ganoon kaagad ang reaksyon.
“Okay, I think Yz love to watch it.”
Teka lang... oo gusto ko ng mga gano’n pero kung lalandiin ka naman ni Kia, wag na lang pa—-
Okay, wala rin akong nagawa nang hawakan ni Kuya Abel ang braso ko at sumunod kina Kia. Panay ang kuwento ni Kia na tanging tango o kaya’y Oo lang ang sinasagot ng isa. Kung may personal na tinatanong ay iniiwasan iyon ni Kuya Abel. Akala ko nga sa akin lang ito masekreto. Ganoon din pala sa iba at siguro ayaw lang talagang maungkat ang mga personal na bagay tungkol sa kanya.
Pagkarating sa venue ay nagsisimula na pala. May ilang napatitig sa amin, lalo na kay Kuya Abel. May ilan na kay Kia dahil sa kabila ay nandoon ito at seksi sa suot na skirt at sleeveless na itim na hapit na hapit sa katawan nito. Samantalang nakasuot lang ako ng simpleng t-shirt na may tatak pa ng pangalan ng isang politiko at jeans na pinaglumaan ko na.
Nanliliit ako kahit na mas matangkad naman ako kay Kia. Siguro kasi gustong-gusto ko si Kuya Abel.
“I wanna try,” bulong ni Kuya Abel. Gumilid pa ito para ibulong sa akin iyon.
Pinangilabutan ako sa init ng hininga na tumama sa tenga ko. Nakakapanindig balahibo rin ang lalim ng boses nito. Parang laging may inaarok.
“A-ang alin, Kuya?”
Ngumiti ito at tinuro ang ilang nakahilerang bigbike. Namilog ang mga mata ko. There’s a part of me who wants to see him ride that bigbike. Iniimagine ko pa lang ang hot ng titigan. Papa’no pa kaya...
At tuluyan na ngang nanghina ang mga tuhod ko nang pinanood si Kuya Abel na mabilis lang na sumakay at pinaandar kaagad ang motorbike. Nakasuot din ito ng helmet at talagang nagulat akong mas hot pala itong titigan habang sinasagupa ang alikabok.
“Oh My God! Ang hot!” Naghihisterikal na yugyog sa akin ni Kia.
Napakurap ako at mabilis na tinulis ang titig kay Kia. Naiinis ako. Ako lang dapat ang naghihisterya.
Taena!
Napatigil lang ako noong dumaan si Kuya Abel. Nagsipalakpakan pa ang mga tao at lalong-lalo na ang mga babae o binabae. Kakaiba lang kasi na siya talaga ang center of attraction dahil siguro siya lang din dito ang may ganyang katawan at mukha.
Nag-iinit nga ang pisngi ko ngunit agad ding namilog ang mga mata ko noong napansin sa kabilang espasyo iyong kapitbahay kong ex, si Nathan. Ngumisi ito sumaludo sa akin kaya nainis ako at bahagyang umirap. Sakto ring tumabi na pala sa akin si Kuya Abel.
“Kaibigan mo?” Tanong nito at hinaplos ang gilid ng ulo ko.
Nagulat ako at napaatras ngunit tumikhim din kaagad para pakalmahin ang sarili. Hindi na talaga normal na lagi akong kinakabahan sa taong ‘to. Alam ko namang gustong-gusto ko siya pero hindi pa rin ako masanay-sanay sa ganitong kalalim na pakiramdam.
“U-uhmp,”
“O ex?” Tawa nito.
Lumunok ako at tumitig sa kabila. Kumaway sa akin si Nathan, kumindat pa kaya naiinis na inirapan ko ito. Kung naiintindihan lang sana nito na ayaw ko sa ganyan.
“Ex,” sagot ni Kuya Abel.
Napaawang ang labi ko nang tumingala sa kanya. Sa katamtamang sukat ng labi niya ay nagpipigil doon ang ngiti.
“It’s normal, Yz. You were a teen, you’re curious... sa edad na yon nagsisimula ang relasyon, at physical intimacy.” Dugtong nito.
Nalaglag ang panga ko at hindi makapaniwalang dinugtungan niya iyon. Pisikal? Ano raw? Pero syempre dahil sa mga experiences ko sa mga exes ko ay gets ko na kaagad kung ano ang ibig niyang sabihin sa huling sinabi. Physical. That means... may libugan na nangyari.
Hindi ko nga maipagtanggol ang sarili dahil may lumapit. Isa yata sa staff ng event at tinanong si Kuya Abel, tungkol sa skills at kaalaman nito sa motorshow.
Lumunok ako at kinalma ang sarili. Hindi ko alam kung dapat ko ba talagang ipaliwanag ang sarili o ano.
“H-hindi pa po ako nakikipagseks, Kuya.” Kalabit ko sa kanya. Pucha! Hindi pa ako nagpapaliwanag ng ganito sa mga naging exes ko. Wala akong pakialam noon kung anong isipin nila sa akin o kung anong tingin nila sa akin. Mas natutuwa pa nga ako kapag iniisip nila eksperyinsado na ako. Pero pagdating kay Kuya Abel, tumitiklop ako e.
“Then that’s good, Yz. Preserve it to the right man.” Baliwalang ngiti nito.