4

1940 Words
Wala na yata akong ginawa kinabukasan kundi ang sulyapan si Kuya Abel na wala na ring ginawa kundi maging batak sa trabaho. Nakakainis lang na kailangan kong magpaliwanag ng maayos. Where in, klaro na iyong sinabi ko. Ayaw kong isipin niya na ganon akong babae. Pero teka! Bakit kailangan kong mag effort para doon? Sinabi niya na! I have to save it for... him? Pucha! Ang lala mo na Yzle! Kaya sa halip na tumunganga ay nagbuhat ako ng mga hollowblock at nilipat sa kabilang espasyo. Nagulat na lang ako noong lumapit si Kuya Abel at kinuha ang trabaho ko. "You should do light weight, Yz." Sabi nito. Nanghihina na lang akong gumilid at sinundan ang mga braso nitong tumitigas sa tuwing nagbubuhat. Napapabuntong hininga na lang ako at nagbent pagilid ang ulo para mas lalo siyang matitigan. "Yz!!" Napatalon ako sa gulat at napalingon-lingon. Hanggang sa nakita ko si Caren na kumakaway sa akin. Namimilog ang mga mata kong lumapit para matitigan siyang mabuti. Ang dating parang tomboy na kaibigan ko e nakabihis babae na ngayon, ang dating maiksing buhok ay hanggang bewang na ang haba ngayon. Ang puti-puti na nito at parang sa gatas ang balat, sa malayo pa lang parang ang lambot-lambot niyang titigan. Tinging mabango. "Kailan ka pa nakauwi?!" Natatarantang yakap niya sa akin. Naiilang ako pero niyakap ko rin siya pabalik at napakuwento ng wala sa oras. Pagkalingon ay napansin kong patapos na si Kuya Abel. "May ipapakilala ako, Car... anak ni Tiya Flora." "Oh?" Nagpahila naman ito sa akin. "Kuya, kaibigan ko nga pala... si Caren." Nagkamayan ang dalawa. Nagtataka nga ako sa kadaldalan ni Caren, noon, napakatimid nito at kilos lalaki pa. Ngayon parag gusto niyang kainin ng buhay si Kuya Abel. Panay ang tanong na alam ko naman yata lahat. Pakiramdam ko interesado ito sa Kuya Abel ko. Sino ba namang hindi? Kung ganyang katawan at mukha ang ihaharap, siguradong kahit bakal ay mababali. Isang titig lang ay malaswa na kaagad ang maiisip. Iyon bang mananaginip ka ng gising. Iyong... mapapaisip ka kung ano ang itsura nito kapag... bumabayo. Tang'na. Ang lala mo na talaga Yzle! "Yeah," sang-ayon nito at sumulyap sa akin. Tipid naman ang ngiti ko at hindi makapagsalita. Ano naman ang sasabihin ko ano? Alangan namang sabihin kong bahagya na akong nagseselos? Hindi na ako iyon... "Siguro nga, iyon ang plano namin ni Mama. I already convinced her about College." Ngiti nito at tinuunan si Caren. Sa sobrang pag-iisip ko e ngayon lang pumasok sa isipan ko ang pinag-uusapan ng dalawa. Halata kay Kuya Abel na nagiging interesado lang ito kapag pag-aaral ko na ang pinag-uusapan. Hindi ko maiwasang makinig nang bahagya. Siguro nga kahit ano basta pagdating kay Kuya ay automatic na makikinig ang tenga ko. Siguro nga hulog na hulog na ako. Sa ilang araw lang na pagsasama, ganito na kalala ang pakiramdam ko. "Oo enrolled na," ngiti nito, ibinaba pa ang mga mata at muling sumulyap sa akin. "Gano'n po ba! Naku, maswerte sa inyo si Yzle. Ewan ko nga ba diyan, ayaw mag-aral e may magpapaaral naman!" Ngiting-ngiti na komento ni Caren, nanlalaki pa ang mga mata nito. Sumimangot ako at nahuli iyon ni Kuya Abel. Ngumiti ito, parang ina-assure akong okay lang iyon, normal na bagay. Pero ewan ko ba siguro dahil lamang sa akin ang pagkapahiya, na hindi ko naman nararamdaman kahit kanino noon, ay mas lalo akong sumimangot. Ngumisi ito na siyang ikinagulat ko. Nanlalamig ang aking palad at talagang nanginginig pati ang tuhod. Iyong ngisi niya kasi... nakakainis, nakakabasa ng panty. "I will support her until then. Uuwi na ako next month pero ichecheck ko pa rin si Yzle." Kumikislap ang mga mata nitong tumitig ulit sa akin. "Ang swerte ni Yzle sa'yo, Kuya." Oo naman! Nababaliw na nga yata ako. Nagpapaypay si Tiya Flora nang pumasok kami sa loob. Tumigil sandali si Kuya Abel at nilibot ang mga mata hanggang sa tumigil iyon sa itaas, kung saan nakalagay ang aircon. Totoong maalinsangan ang panahon kaya lang nagtataka rin ako kay Tiya kung bakit nagtitiis ito sa kakapaypay. E pwede naman siyang mag-aircon. "Nagtitipid ako anak," Nagpipigil naman si Kuya Abel na magsabi. Umiiling itong binuksan ang split type na aircon kaya medyo lumipad na sa paligid ang malamig na hangin. "I'll pay the bills, Mama. Just make yourself comfortable." Hindi na nakapagsalita si Tiya, nakasunod na lang ang mga mata namin dito na pumasok sa sariling silid. Ngumuso ako at pumasok sa kusina para ilagay sa ilalim ang isang piraso ng tools na ginamit namin kanina. Tsaka ako naghugas at naglakad. Nilingon ko muna si Tiya na tumigil na sa kakapaypay at nanonood na lang ng tv. Maliligo nga muna ako, masyadong mainit ang panahon at kailangan ko ng malamig na tubig. Tinitigan ko muna ng isang beses ang silid ni Kuya Abel bago pumasok nang tuluyan sa sariling silid. Ilang minuto rin yata akong naligo bago nakontento at muling bumalik sa sariling silid. Pinulupot ko lang ang tuwalya sa sariling ulo at naglotion. Tsaka lumabas. Nakatulog na si Tiya, maantukin kasi ito kaya di na ako nagulat. Nilingon ko nga ulit iyong pintuan at naglakas loob na kumatok. Dalawang katok lang iyon at nagulat akong binuksan kaagad ni Kuya Abel. Halos mamilog ang mga mata ko nang makita siyang pinagpapawisan at hubad! Tanging boxer lang ang suot nito. Shocks! Nanginig talaga hindi lang kalamnan ko kundi buong pagkatao. Ang ganda-ganda ng katawan ni Kuya Abel! Pucha! Ganito pala kapag nasa malapitan. Iyong n*****s niya light brown, namimintog ang dibdib nitong halata na gawa ng physical na trabaho at gym. Tapos... ang abs... bakit ganito kapintog at walo?! "Yz?" Napakurap ako at mabilis na inangat ang mga mata. Nandoon na! Kunting baba pa mapapansin ko na naman iyong bukol sa tapat ng boxer niya. "Need anything? Si Mama?" "N-n-nakatulog ho, a-ano... magtatanong lang po sana Kuya kung gutom na kayo?" Wala sa sarili na tanong ko dito. Halatang-halata sa panginginig ng boses ko ang kaba, paano ba naman? Kahit sino manginginig kung ganito naman ang ihahain sa harap. "Gutom ka na? Do you want me to cook?" Umatras ito at binuksan nang malaki ang pintuan. Doon ko napansin ang mga gym tools na nakalatag sa sahig. Nag-eexercise yata. Lumunok ako at muntik pang nadulas ang dila sa pagsasabi ng 'sa kanya pa lang', solb na ako at busog na busog na. Pero bilang respeto, hindi iyon ang sasabihin ko. "A-ah, hindi naman po iyong Kuya. Nag-aalala lang ako na baka gutom na kayo." Ngumiti ito at umatras. Hinayaan niyang bukas iyong pintuan para mapanood ko siyang nagliligpit ng mga gym equipment niya. Di ko tuloy maiwasang pakatitigan ang pang-upo at muscle nito sa hita. Ano ba itong pinapanood ko? Para akong kakatayin anytime dahil sobrang lakas na nang tahip ng dibdib ko. "Let's eat outside. Gisingin mo si Mama, sabihin mo aalis tayo." Lingon nitong nagpakurap sa akin. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili. Para akong sabaw na alam naman ang nangyayari sa paligid. Ganito na ba talaga ako kalala? Ewan, Kaya sa halip na malunod sa nakikita ay umalis ako doon at kinalabit si Tiya Flora. Nakatitig lang ito sa akin, waring tulala kaya agad na nag-init ang pisngi ko at umiwas. "Bakit, Yz?" Oh My God! Pucha! Kumalma ka nga Yzle, pati ba naman sa Nanay ganyan ang magiging reaksyon mo? Hilaw ang naging ngiti ko, “Tiya, sa labas daw tayo kakain. Nag-aaya si Kuya Abel.” Nakakaintindi naman itong tumayo at naghanda, nauna pang humaba si Kuya Abel at naupo sa tabi ko. Naging tahimik ako the whole time dahil sa sobrang pangingilabot. Amoy na amoy ko ang preskong amoy nito, iyon bang masculine. Medyo may perfume nga pero ang bango-bango pa rin ng bagong ligo nitong amoy. Inaantok nga ako, namamawis ang palad. Nakalatag lang naman iyon sa ibabaw ng tuhod ko pero may gustong gawin. Pucha! Hindi talaga ako ganito kahit sa mga exes ko noon. Behave naman ako ah, oo nga may nagsasabing masyado akong agresibo... pero syempre, ganoon lang naman ako dahil sila itong nangunguna. E curious lang din naman ako. Ngunit, itong kay Kuya Abel? Nakng, mapapamura na lang ako sa kagagahan ko eh. “Are you okay, Yz?” Nagtatakang silip sa akin ni Kuya Abel. Agad na nag-init ang pisngi ko at namimilog ang mga matang nalagak sa isa kong kamay na ngayon nga’y nakadantay sa tuhod niya. Puta! Napapamura na lang ako sa kagagahan ko e. “Nanlalamig ka, pinagpapawisan din ang kamay mo. Okay ka lang ba?” Tanong nito at pinunasan ang nanlalamig kong pawis sa leeg. Napalunok ako at nanginginig ang daliring kinuha ang kamay. Hindi ikaw ‘to, Yzle! Hindi ikaw iyan! Diyos ko! Kung may katinuan ka pa, umayos ka ah! Oo nginitian ko si Kuya Abel at sinabing, “O-okay lang ako, Kuya...” Na pinanindigan ko kahit noong kumakain na kami sa labas. Panay nga ang check ni Kuya Abel sa akin kaya pati si Tiya Flora ay nag-aalala na rin. Hindi ko masabi ang dahilan, ayaw ko ring malaman nila. Napauwi kami ng wala sa oras, agad akong pumasok sa sariling silid at hinayaan naman nila ako noon. Alas tres yata nang nakarinig ako ng katok, si Kuya Abel na may dalang mainit na tsaa at pumasok dito. Mas lalong sumama ang pakiramdam ko. Nanginginig na nga ang mga hita ko na para akong nagwiwithdrawal. Kaya siguro iniisip ni Kuya Abel na dahil sa addiction ko ito sa sigarilyo. Partly oo, natitrigger ako dahil sa nararamdaman ko rin sa kanya. “Candy,” binuksan nito ang isa at diniretso sa bibig ko. Lumunok ako at natutulala sa labi nitong gumagalaw. Gusto ko siyang halikan... tang’na! Ano ba ‘to? Para akong nabubuang sa nararamdaman kong ito. “M-matutulog lang po ako,” paalam ko. Nakakaintindi itong nagligpit ng mga dinala dito sa kwarto ko at lumabas. Mariing pikit naman ang ginawa ko at napahaplos sa puson. Nalilibugan ako. Ewan ko ba, hindi naman talaga ako ganito sa mga naging exes ako. Oo nga nagpapahawak ako, medyo may epekto pero hindi ganito kalala. Ayaw ko ring gawin dahil mawawalan ako noon ng respeto sa sarili. Ayaw kong gawin dahil natatakot akong magiging malaswa na lang lahat ng iisipin ko tungkol kay Kuya Abel. Napabuntong hininga ako at naupo sa kama. Kinapa ko pa ang lalagyan mula sa ibaba at tiningnan kung nandoon pa ang dalawang stick ng sigarilyo. Kailangan kong kumalma. Hindi na talaga tama. Nangamoy sigarilyo tuloy ang buong silid. Binuksan ko nga iyong bintana para kahit papa’no mabawasan man lang ang amoy. Medyo kumalma na ako noon at tumambay na lang malapit sa bintana. Saktong kakaupo ko lang nang bumukas iyong pintuan at niluwa si Kuya Abel na may dalang panibagong inumin, I bet tsaa na naman iyon at umuusok pa. May meryenda rin siyang dala. Napatigil pa ito sandali at lumingon sa paligid bago tumitig sa akin. Lumapit ito, napaawang na lang ang labi ko dahil sa iniisip. Na maaaring naamoy nito ang bakas ng paninigarilyo ko. “I thought you stopped smoking,” sabi nito. Nanlalamig na naman ako, hindi ko alam kung anong sasabihin dahil totoong hindi ako tumigil. Ito na siguro ang pinakamatagal na hindi ako nakatikim. Natitrigger ako, kaya siguro... “You should really stop smoking, Yz.” Iginilid nito ang hiblang nakatakip sa mukha ko. “Sayang itong labi mo kong lagi kang maninigarilyo. Hindi na magiging pula iyan.” Pilyong ngiti nito. Napasinghap ako, siya naman itong nakatitig sa labi ko pero ako itong nakatulala sa labi niya. “Kuya Abel...” tawag ko, “Hm?” “Pwedeng pahalik?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD