Segundo lang iyon nang natulala siya at natawa rin kalaunan. Napahiya ako! Natahimik tuloy ako at unti-unting ibinaba ang mga mata. Gusto kong magsabing biro lang iyon pero alam ko naman sa sariling hindi.
Kaya bakit ako matatawa tulad ng kanya?
Siguro napansin nitong bigla akong natahimik kaya natahimik na rin siya.
"So, Yz? You're serious?" Tanong nito kalaunan.
Idinikit ko nang mabuti ang labi ko para hindi makapagsalita. Nakakahiya na ngang totoo iyon, sasagutin ko pa ba?
"Seryoso ka nga," sabi ni sabay pisil sa baba ko. Na siyang sobrang ikinagulat ko. Parang may kiliting dumaloy mula sa leeg ko hanggang puso.
"I don't kiss, but... I’ll gladly grant whatever you’ll ask from me, Yz." Haplos nito sa labi ko.
Pinangilabutan na ako, nanaginip ba ako? O sadyang lumalala na itong nararamdaman ko kaya kung saan-saan na lumilipad?
"I have a confession," sabi nito,
Tumigil ako sa paghinga, anong aaminin niya?! Teka! Hindi ako handa!
Itong imahinasyon ko, nag-iisip nang sobra pa sa kaya ng brain ko kaya parang nawawala na naman. I couldn't breath, I can't think straight! Kaya siguro napapaenglish, kumakabog itong puso ko at nangingilabot habang iniisip kung ano ang maaaring sasabihin ni Kuya Abel.
"I... don’t kiss... girls, Yz.” Kagat labing titig nito sa akin.
Suminghap ako, “H-hindi na naman ako bata, Kuya Abel.” Mapupurnada pa!
Ano na?!
Tumawa ito ng kaunti, “I’m not attracted to girls or women, Yz.” Bulong nito.
Kumunot ang noo ko, kinakabahan pa rin, binubuka ko pa lang iyong labi ko e napasigaw talaga ako.
“Whaaaaattttt?!!”
Nanlulumong bumigay iyong balikat ko. Nalilito ako, paanong nangyari iyon?
“I’ve never kissed girls, Yz. Even when I was still confused.”
Puta! Tumigil ka na Kuya Abel! Pleaseee! Putangina!
Humihigpit na iyong daloy ng dugo sa puso ko. Paanong hindi? Kung ganito naman ang maririnig ko?!
Pucha! Lahat na yata ng mura naisaulo na ng isipan ko! Hindi ko matanggap! Talagang nanghihina ako!
“I have a boyfriend left in the US... and waiting for me... Yzle”
Fuck! Napahawak na ako ng mahigpit sa braso niya. Nanunubig na rin ang mga mata ko. Hindi kayang tanggapin ng isipan ko iyong naririnig. Paanong nangyari?! Hindi ko matanggap.
“Yz? Do you still want me to kiss you?” Gagap nito sa akin.
Tinitigan ko siya, awang ang labi ko at tulala sa kanya. Hindi ko direktang masabi na hindi ko tanggap na ganito pala ang pagkatao ni Kuya Abel. Hindi ko napansin, walang hint, at ngayon lang siya umamin? Anong gusto niyang mangyari? Na tanggapin ko siya kahit na alam ko sa sariling hindi ko kaya dahil sa lahat ng lalaking dumaan sa buhay ko ay sa kanya lang ako nahulog ng tuluyan?
Pucha! Ang saklap ng buhay!
“Matutulog po muna ako,”
Hindi ito umimik, talagang... hinayaan niya akong matulog. Yon nga lang, sa halip na magpahinga, ay umiyak ako roon. Unang beses na umiyak ako sa isang lalaki... sa anak pa ng taong kumupkop sa akin, sa isang gay pa. Pucha! Masaklap nga talaga ang buhay. Sinalo ko na yata lahat ng kamalasan.
Hindi na nga ako nakapagdinner dahil talagang nilagnat ako pagkatapos noon. Kaunting sopas lang at muli akong natulog. Tiniis ko na lang iyong presensya ni Kuya Abel. Ayaw kong isipin din nito na ayaw ko sa kanya dahil kabaliktaran noon ang nararamdaman ko.
Gusto ko pa rin siya, shocks! Gusto ko pa rin siya kahit ganoon siya!
Kaya kahit nanlulumo ay gumising ako kinabukasan at kinondisyon ang sarili. Wala akong mapapala kung iiyak lang ako, o iiyakan lang siya. Talagang maaga akong naligo, nagpapresko at nagsuot ng napakaiksing boyleg, iyong bakat na ang hugis ng pang-upo at hita ko. Wala akong pakialam kung mapapansin iyon sa labas. Susubukan ko lang naman... baka sakaling magbago pa ang isipan ni Kuya Abel.
Gustong-gusto ko siya eh.
“Anong nangyari sa’yo?” Iyon kaagad ang bungad sa akin ni Tiya, nakita ko itong nagkakape habang may mga supot ng tinapay doon sa gitna. Si Kuya Abel nga e kalalabas lang galing CR at may nakasampay na tuwalya. Hubad na ang pang-itaas at talagang ang laki ng body built. Puro muscle pa.
“W-wala Tiya, sumama lang talaga iyong pakiramdam ko.” Atubili ako sa pagsisinungaling. Umupo nga ako roon sa tapat at kumuha ng tasa para makapagkape na rin.
“Namamaga iyang mga mata mo, may problema ka ba Yz?” Halata sa tono ni Tiya ang sobrang pag-aalala.
Tumingala ako at tinitigan si Kuya Abel na nakatitig din pala pabalik sa akin. Ngumiti ako at nagdagdag pa ng isang tasa para malagyan din ng kape si Kuya Abel. Kailangan ko ng good points para makuha ang loob ni Kuya Abel, baka nga sakaling magbago pa.
“Salamat Yz,” tinanggap naman nito.
Tumango ako, “Namimiss ko lang si Mama,”
Napamaang si Tiya at napapantastikuhang tumitig sa akin. Ngunit di naman namilit pa.
“Ma, labas lang kami ni Yzle mamaya,” paalam ni Kuya.
Muntik akong napaso sa iniinom kong kape. Sukat ba naman nag-iisip pa ako ng plano pero heto at siya na ang gumawa ng paraan para magkasama kaming, kami lang.
“Saan ba kayo?”
Hindi naman mausisa noon si Tiya Flora, kaya lang ngayon... parang gusto nitong malaman lahat.
“Diyan lang Ma,”
Tumango ang huli at nagpatuloy na lang kami sa pagkakape. Alas siete ng si Kuya Abel ang tumuka sa kusina at nagluto para sa almusal. Umakyat lang ako sandali at tinitigan ang sarili sa salamin. Ang laki ko palang bulas, akala nga ng iba ay nasa late 20s na ako kahit na kakatuntong ko pa lang ng 20. Ang liit-liit ng katawan ko pero itong hita at pang-upo, namumutok naman sa lusog. Kamanyak-kamanyak nga raw sabi ni Julius, pero kasi, hindi naman iyong interesado sa physical touching. Puro kaadikan lang alam noon e.
Naghanap kaagad ako ng maisusuot mamaya. Syempre, kung mang-aakit na man lang ako e bakit hindi iyong mga seksing regalo ni Tiya sa’kin noon? Di ako mahilig sa dress at lalong sa maiiksi. Pero dahil espesyal sa akin ang mga gagawin ay iyon ang pinili ko. Puff Dress, kulang pula, iyong pula na blood red... tingnan ko lang kung di pa lumuwa iyong mga mata ni Kuya Abelardo dito. Kaunting yuko lang, kita na kaagad itong guhit na nasa gitna ng dibdib ko. At kunting yuko lang din, makikita ng wala akong suot na shorts maliban sa manipis na panty.
“Ibang klasi ka, Ice,” tawag ko sa sarili sa tuwing may kabalbalan akong ginagawa, “kulang na lang maghubad ka,” natatawang kausap ko sa salamin. Tinatali ko na lang itong itim na lace, dito sa tapat ng tiyan ko. Ang haba nga ng naiwan, pakiramdam ko nangangayat na ulit ako dahil biglang umimpis itong sukat ng tiyan ko.
Pagkababa nga e naghahanda na para sa almusal. Paalis na noon si Kuya Abel at mukhang tatawagin ako ngunti natigilan noong nakita ako roon.
“Kakain na Yz,” sabi nito at naupo malapit kay Tiya.
Bumuntong hininga ako at tumapat kay Tiya na nakataas kilay ng bahagya sa akin. Di na ito nagkomento at basta na lang nakipagkuwentuhan tungkol sa kung anong bagay-bagay. Minsan nga ay naisasali nito ang mga kapitbahay.
“I’ll have a refresher first, Yz...” tapik ni Kuya Abel sa likod ko.
Tumango ako at tumayo, ako na nga sana ang maghuhugas ng mga pinagkainan kaso...
“Sa suot mong yan, maghuhugas ka?” Nakataas kilay pa na saway sa akin ni Tiya.
Ngumuso na lang ako at umalis. Naghanap muna ako ng sapatos, pero mas okay yata iyong sandal na kahit 2 inches lang ang heels?
Titingnan ko, babagay naman siguro iyon. Tsaka para na rin mapansin iyon ni Kuya Abel.
Sinundan ko pa ng titig si Kuya Abel na umikot patungong kusina para doon maligo. Mabilis nga lang tapos na kaagad ito. Mabilis din siyang nakapagbihis. Ni hindi man lang nag-init itong pwet ko sa sofa.
“Nagmukha kang dalaga diyan sa suot mo, Yz.” Ngiti nito habang nagpapabango doon sa tapat ng tukador malapit sa pintuan.
Medyo nag-init ang pisngi ko noon. Napansin din pala niya itong suot ko. Kahit papa’no may achievement naman.
“Saan ba tayo, Kuya?” Tanong ko habang naglalakad kami sa lubak-lubak na daan, medyo nadudulas ako sa mga naapakang bato-bato. Napansin din iyon ni Kuya Abel kaya hinawakan ako sa kamay. Medyo nag-init na naman ang pisngi ko.
“Magmamall tayo, bibili ng mga supplies mo. Then we’ll go with the views and foods.” Sabi nito.
Mukhang date na parang hindi. Ibibili niya ako ng mga gamit para sa pasukan! Kakain kami at mamamasyal. Syempre, sino ba naman ako para humindi?
Buti na lang mula roon sa kanto ay may dumaang tricycle. Tumitig pa sa akin si Kuya Abel noong nakapasok na ako ng tuluyan sa loob. Alangan pa ito noong una hanggang sa sumiksik na rin sa loob. Masikip talaga kapag si Kuya Abel ang katabi. Hindi ako makakilos.
Napansin din iyon ni Kuya Abel kaya pinatigil niya muna ang Tricycle at gumilid kami. Pinalipat niya ako dito sa maliit na upuan, kaya magkaharapan na kaming dalawa. Nag-uumpugan itong dulo ng mga tuhod namin dahil sa haba ng biyas naming pareho. Nilapat nga kaagad ni Kuya Abel itong magaspan at malapad niyang kamay dito sa ibabaw ng dalawa kong tuhod at tiniklop. Kinapa niya pa sa gilid kung umaangat ba iyong dress ko o ano.
Kumakabog na ng sobra-sobra iyong puso ko. Hindi ko na alam. Basta nakatulala lang ako sa kanya. Titig na titig kami sa isa’t-isa. Inabante ko nga ng bahagya ang mukha at inabot ang labi niya.
Syet! Ang lambot. Amoy cherry pa! Ang bango niya! Pagkatapos parang ang init-init ng labi niya. Gusto ko pa ng isa.
Humiwalay ako at diniinan ang labi ko sa labi niya. Hinayaan niya naman ako, lalo na noong bumuka itong labi ko....
“Ooooyyyyy! Naghahalikan si Kuya at Ate!”
Namimilog ang mga mata kong napahiwalay tumitig sa kabilang lane. Nakatigil pala kami, at nasa gilid iyong topdown na kitang-kita ang dalawang batang babae at nakatitig sa amin at tinutukso kami. Ang pipilya ng mga ngisi!
“s**t!” Mura ko at umiwas.
Natatawa naman si Kuya Abel at hinaplos iyong tuhod ko at tinikom ulit.
Ang init-init ng pisngi ko.
“So, that was how it felt when kissed by a girl, huh?” Nangingising tukso nito. Sumilip pa sa akin. Hinuhuli iyong mga mata ko.
Namimilog lalo tuloy ang mga mata ko at umiwas pa sa kanya.
“Maganda ka naman, Yz...” haplos nito sa pisngi ko.
“And I know that you like me,”
Wala na yatang pagsisidlan ng kahihiya ko itong pinag-uusapan namin ni Kuya Abel.
“But... please, stop liking me. Yzle, importante ka sa akin, you’re like my younger sister that I never had.”
Lumubog na lahat ng pag-asang iniisip ko. Bigla akong nanlumo. Malakas pa ang loob ko kanina at sinabi ko sa sariling gagawin ko ang lahat makuha lang si Kuya Abel. Kahit pa magpakababae at maging matino. Kaya ko iyon, kakayanin ko, ganoon ko siya kagusto.
Ngunit ngayon na marinig mula mismo sa kanya na tumigil na ako sa pagkakagusto sa kanya, para akong binagsakan. Ganito pala ang pakiramdam, na wala pa nga, ay basted na ako.
Napaisip ako sa lahat ng mga lalaking pinaglaruan ko noon. Iyong feelings nila na hindi ko sineryoso. Naaawa ako, disappointed din sa sarili. Ganito pala talaga ang pakiramdam. Na kahit naiiyak ako e kailangan kong magpakatatag dahil hindi naman kasalanan ni Kuya Abel kung nagkagusto man ako sa kanya.
Kaya... kahit... ayaw ko, natuto akong tanggapin na wala na akong magagawa kahit ipilit ko pa. Kahit sabihing baka may pag-asa pa... imposible.
Lalo na noong nasilip ko iyong boyfriend na sinasabi niyang naghihintay sa US.
Ang gwapo-gwapo. Mas gwapo pa kay Kuya Abel. Siguro kasi ibang lahi, british accent, at talagang ang gaganda ng mga mata.
“She’s my adopted sister, Zirck.” Ipinakilala niya kami, nasa loob ako ng silid ni Kuya Abel at nakahiga sa kama niya habang nakaupo naman siya sa dulo at nakikipag-usap sa boyfriend.
Doon ko napatunayan, na talagang hindi tunay na lalaki si Kuya Abel. Iba ang trato nito sa kasintahan kesa noong hinalikan at tinukso niya ako.
“He wanna meet you next year, Yz.” Bulong ni Kuya Abel.
Ni wala na sa akin kung maghubad siya riyan at mag-umpisa ng mag ehersisyo. Tinanggap ko na kasi.