Malalim na ang gabi. Gusto ng diwa ko na matulog na dahil sa pagod na pumupuno sa akin sa sandaling ito, ngunit sa kabila ng kagustuhan kong ipikit ang aking mga mata, bigo akong makatulog. Pagod na rin ako sa pagmumuni ng mga bagay bagay na wala rin namang kabuluhan. Kailan ba hihinto itong puso ko sa kakatibok para kay Senyorito Pancho? Alam ko naman na sa sandaling iyon noong ipinakilala ni Senyor Flavio si Senyorita bilang magiging asawa ni Senyorito ay kailangan ko nang umatras. Higit sa lahat, kung sakali man rin na hindi pumasok sa mga landas namin si Senyorita Amanda, alam kong tutulan ni Senyor Flavio ang pag-iibigan namin ni Senyorito Pancho. Malupit ang pag-iibigang ito! Kusang kumawala ang buntong hininga sa aking dibdib. Umaasa ako na sa ginawa kong iyon ay maibsan kahit kau

