PROLOGUE
Kung mayroon mang isang bagay tungkol sa aking sarili na siguradong sigurado talaga ako, iyon ay LALAKI AKO!
Mahigpit ang paniniwala ko sa kung ano ang itinuturo ng relihiyon at kung ano ang idinidikta ng lipunan, ang siyang tama.
Ang lalaki ay para sa babae lang.
Ngunit ang lahat ng iyon ay akala ko lang pala nang magkrus ang aming mga landas ni Senyorito Pancho.
Akala ko, sigurado na ako sa katauhan ko.
Akala ko, alam ko na kung ano talaga ang tunay na ako.
Ako si Sabio.
Tuwid ang pagkatao ko.
Hindi ako bakla, kaya kailanman ay hindi dapat ako titigasan tuwing maghuhubad si Seniorito Pancho sa mismong harapan ko.
Kailan man ay hindi ako dapat bibigay sa malikot na dila niya tuwing papaliguan niya ng laway ang aking katawan.
Hindi dapat ako uungol tuwing hahaplusin niya ang aking pag-aari sa gitna ng madilim na gabi kung saan mahimbing akong natutulog sa aking pang-aliping silid.
Hindi dapat titibok ng marahas ang aking puso tuwing sasalubungin ko ang mga titig niyang puno ng pagnanasa sa akin.
Ang mahulog sa kaniya ay isang malaking pagkakamali.
Pagkakamali!
Maninindigan ako na hindi tamang umibig sa parehong kasarian.
Patunayan ko sa kanya na tama ang idinidikta ng lipunan.
Patutunayan ko sa kaniya na hindi ako bakla.
At higit sa lahat, patutunayan ko sa kaniya na...
HINDI KO SIYA MAHAL!