An: Hi. Dami po yatang silent reader nito. Click mo po yung VOTE or star bago mo basahin ha? Kahit offline ka pa click mo lang din. Salamat. Motivate me po through your comments or votes. Para akong natuod sa kaniyang huling sinabi. Walang salitang lumabas mula sa aking bibig. Dilat ang aking mga mata na natigalgal lang sa kaniyang isiniwalat. Mas naging marahas ang pagkabog ng aking dibdib, tanda ng magkahalong takot at pangamba. Ngunit alam kong walang katotohanan ang kaniyang isinaad. Imposible ang bagay na iyon! Kailan man ay hindi ako magiging bakla para sa kaniya! Pinilit kong itikom ang aking bibig at pinili na lang na tumahimik. Alam kong parte lang ito ng kaniyang laro. Hindi dapat ako mabahala. Malapit ng sumapit ang dilim ngunit hindi man lang humina ang ulan. Mas lalo lang i

