Chapter 43

2224 Words

"Tara na," sabi ni Kiel habang hinihila ako. Yumakap naman ako sa pinto dahil ayoko talaga. "Ayoko! Pagod pa ako, e!" "Tara na," saad nito bago ako kinarga kaya pinaghahampas ko siya dahil ayoko na muna talaga. "Ayoko nga munang pumasok!" Inis kong saad bago nagpumiglas na bumaba. "Papasok ka," saad nito bago tuluyang lumabas ng bahay. Isinara niya ang pintuan, pagkatapos ay sinunod na niya ang gate. "Kiel ibaba mo ako!" Pagpupumiglas kong muli. Biglang tumigil si Kiel kaya napangiti ako. Papayag din naman pala, e. Malaya akong nakababa dahil biglang lumuwag ang pagkakahawak ni Kiel sa aking baywang. Pagkababa ko ay tiningnan ko ng masama ang Incubus, pero kaagad na nangunot ang aking noo nang makita ko siyang may tinitingnan mula sa malayo. Sinundan ko ang kaniyang mga mata at nakit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD