Nandito na ako ngayon sa classroom, hindi ko na kasama si Daniel dahil magkaiba kami ng strand na kinuha. Ako ay HUMSS at siya naman ay STEM kaya nasa kabilang building siya. Habang si Kiel naman ay hindi ko na mahagilap, sigurado akong abala na naman ito sa panghihipon--- panghihipo ng mga hipon. Absent ang first period teacher namin kaya nilibang ko nalang ang aking sarili sa pakikipag-chat kina Mama at Abigail. Haay, miss na miss ko na ang dalawang babaeng pinaka-mamahal ko. Si Abigail ay ibinida sa akin ang bagong boyfriend niya na talaga nang nag-uumapaw sa kapogian. Iba talaga ang dating ng mga foreigner sa mga pilipino, pero kahit ganoon ka-guwapo ang boyfriend ni Abi, hindi parin nito napantayan ang ka-guwapuhan at kakisigan ni Kiel at Lyo. Umabot rin ng kalahating oras ang pagka

