Chapter 35

1119 Words

Nanlaki ang aking mga mata nang maalala ko kung saan ko nakita ang markang 'yon. Kahit sandali ko lang nakita 'yon, tandang-tanda ko pa! Ang markang 'yon ay nakita ko sa katawan ko mismo! Hindi ko na halos napakinggan ang mga sinasabi ni Ma'am Russell, hanggang sa tumunog ang bell at matapos na ang klase. Hindi ko rin nahagilap si Kiel sa buong araw na 'yon, baka abala pa siya sa pangmamanyak sa mga kababaihang nakikita niya. Bwisit, kailangan ko ngayong makita ang Incubus na 'yon, pero ang tanong, saan ko siya hahanapin?! "Hannah!" Napalingon ako sa aking likuran at nakita si Daniel na may malaking ngiti sa kaniyang mga labi. Nagmadali itong tumakbo palapit sa akin. "Uuwi kana ba?" Tanong nito, base sa mga napapanood ko, kapag sinabi kong uuwi na ako, sasabihin niyang 'sabayan na kita'.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD