"Namatay? Paano?" Tanong ko. "Mamaya ko na sasagutin ang katanungan mo. Kailangan mo pang malaman ang lahat ng dapat mong malaman nang sa gano'n ay masagip kita sa sakit at hinagpis." Saad nito kaya tumango nalang ako. "Balik tayo sa Incubus na dumalaw sa aking Ina. Ang Incubus na 'yon ay binigyan ni Ina ng pangalan, at ang pangalan niya ay Carlos. At ang Incubus na 'yon ay ang aking ama." Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang aking bibig. Hindi maaari--- anak si Ma'am ng isang Incubus at isang tao?! Then tatanungin ko sana siya pero napansin kong marami pa siyang sasabihin. "Ngunit ang akala ng Ina ko na magiging masaya na siya sa piling ng aking ama, ay hindi pala mangyayari. Dahil sa walang basbas ang pagtawid ni ama sa mundo ng mga mortal, unti-unting nawala ang kaniyang pagiging

