Kinabukasan ay excited akong gumising. Wala na si Reed at may panibagong letter nanaman ako.
"goodmorning baby medyo busy ako today so no more surprise visit okay? Don't skip your meal and take your vitamins! Love you! See you later."
Bumaba ako at nag almusal pagkatapos ay naligo at nanuod nalang muna ng t.v.
Sa wakas ay makakapanuod na ako ng Demon Slayer!
Nawiwili na ako sa panunuod nang anime nang may mag doorbell. Tumingin ako sa paligid at nang makita kong walang katulong na lumalabas ay ako na ang tumayo at pumunta sa gate.
Nang maaninag ko ang bulto ng isang lalaki ay kumunot agad ang mata ko. Kung si Reed iyon ay may susi ito at kung ang mga kaibigan ko naman ay natatawag iyon.
Nang silipin ko ang naroon ay agad ko itong nakilala.
"Ian?"
Binuksan ko ang gate at nagtatakang pinapasok ko ito. He has this serious face na para bang importante ang sadya niya sa akin.
"can we talk?"tumango ako dito kahit na medyo nagtataka ako sa inaasal nito.
"kailan ka pa nakauwi?"tanong ko dito habang nakasunod papasok sa mansion.
"kanina lang, dito ako dumiretso."sagot nito.
"ganoon ba kahalaga ang sasabihin mo at hindi ka muna nagpahinga?"natatawang usal ko pero hindi nito iyon pinansin.
Nang nakaupo na kami pareho at nagpaserve na din ako sa katulong ng kape para dito ay nag umpisa na itong magsalita.
"I heard na ikakasal ka na.."simula nito.
"don't tell me kaya ka umuwi dahil doon.."pagak na tumawa ako dito.
"yes."
Nabura ang ngisi ko sa sinabi nito. I sighed bago ko sinandal ang likod ko sa upuan at pinakatitigan ito.
"what is this all about?"seryoso na rin ang tono ko.
He heave a sigh before he search for my eyes.
"I don't know how to say this."umpisa nito.
"just say it."balewalang sabi ko.
He swallowed, he looked nervous for some unknown reasons.
"I'm one of the engineers of SRL, we're about to launch this cements that has scents and marmols that are from South East."
"okay,so?"natatawang tanong ko.
"I learned that those deals and plans are not ours but your parents."natigilan ako sa narinig.
"what do you mean?"baling ko dito.
"I'm sorry to say this Alissandra--"
"just f*****g get straight to the point.."nanginginig na ang boses ko.
Gusto kong marinig pa ang mga sasabihin nito pero natatakot ako. I'm starting to freak out dahil magulang ko ang involved.
"on the day of the accident your parents dealt with the same company, nakuha nila ang deal at may contract signing nalang but we all know that didn't happen because of the tragedy, meanwhile nalaman ko na napunta sa SRL ang kontrata I don't know how and when but somehow they manage to get the deal."
"so what are you implying? Anong silbi ng mga sinasabi mong ito?"kunot ang noong tanong ko.
He gave me an envelope.
"read it, it's confidential dahil sa akin iyan at sa ibang engineers but I want you to know what I know and then you can decide after."wika nito habang binubuksan ko ang envelope.
Some documents huh?
Binasa ko ang mga iyon mula sa statements of accounts hanggang sa marketing strategy.
Nanlamig ang mga kamay ko sa nabasa.
"w-what is this?"tinignan ko ito.
"just read it.."ani nito.
Lahat nang nandoon ay ang mga plano of how to get that deal. Kung paanong makukuha nila ang kontrata bago pa mapunta sa company namin.
"what happened to these deals?"tanong ko uli.
"nasa SRL na ang deal na iyan, they have the contract at sinimulan na kagabi, that's why umuwi ako bilang engineer nila dahil nagmeeting na sila nung nakaraan for this."hindi makapaniwalang binasa ko ang gumawa ng strategy.
REED ALFONSO SAMANIEGO
"This has something to do with your parents accident. Alam ko na iyon din ang naiisip mo but I want you to clear your mind--"
"clear my mind?! After you presented these files to me? After you polluted my dreams to be with him now you're asking me that?!"bulalas ko.
"I'm sorry Alissandra.."wika nito sa mababang tinig.
"you're not really sorry, kasi kung talagang gusto mong malaman ko ito ay noon pa! Noon pa nang wala pa ako sa sitwasyong ito!"asik ko.
"paano ko sasabihin when he told me that you're going out with him! You two are dating! That I need to back off!"
"he t-told you that?"hindi makapaniwalang tanong ko.
Nanghihinang nabitawan ko ang mga dokumento at napapikit nalang.
"Ali--"
"leave, I need to calm myself bago ko tignan uli ito, leave me alone."narinig ko ang pagbuntong hininga nito bago nagsalita.
"okay.."
Nang sumara na ang pinto ay tsaka palang ako dumilat. Nangilid ang luha sa mga mata ko nang pagmasdan ko ang mga papeles na nasa kamay ko.
Reed won't and can never do this to me. Hindi niya kayang pumatay, nakakatawa how I'm convincing myself to not believe in all of this.
Not the father of my child.
But I know that deep down there's a doubt. I hate myself for doubting him.
Para malaman kung ano ang totoo ay napilitan akong magbihis at pumunta sa company ko. To look for the cancelled deals dahil sa pagkamatay ng parents ko.
"Chichi, I need the documents regarding the cancellation of deals with the company in South East."nagulat pa ito sa pagpasok ko pero agad ding tumango.
Naupo ako sa swivel chair ko at hinilot ang ulo ko. Nang bumukas ang pinto ay tinignan ko itong nilapag sa mesa ko ang mga folders.
"these are the extra copies ma'am."wika nito na dahilan ng pagkunot ng noo ko.
"copies?"
"yes ma'am, Mr. Samaniego already checked these files and asked me to copy the files for his company."nanlambot ako sa narinig.
"o-okay.."naiiyak sa wika ko.
"are you alright ma'am?"nag aalalang tanong nito sa akin.
"y-yeah, leave me please."tumango ito kahit na nag aalangan ay iniwan na ako nito.
Bumulalas ako ng iyak nang tignan ko ang mga documents na ginawa nila mom and dad.
"no.."
"not you Reed.."
"why.."
Huminga ako ng malalim at tinawagan ang police station na nag imbestiga sa pagkamatay ng magulang ko.
"I know it's been so long pero gusto ko lang malaman if there's a foul play about the accident kung paanong nabangga ang sinasakyan nila."tanong ko sa pulis na humawak sa kaso ng magulang ko.
"nasabi ko na po lahat ng result kay Mr. Samaniego, he agreed on the result kaya naisara na ang imbestigasyon."nanginig ang labi ko sa nalaman.
I mumbled my thanks bago ko ibinaba ang tawag.
Napatingin ako sa maliit ko pang tyan.
Nag umpisa na akong humagulgol. How could he!
Murderer!
Natagpuan ko ang sarili ko sa bar. Gusto kong uminom at maglasing pero naiisip ko ang bata sa tyan ko.
I smiled bitterly on that thought bago ko nilagok ang sunod sunod ang tequila.
Nahihilo na ako kaya tumigil na ako sa pag inom. Napangisi ako ng mag ring phone ng tinatawagan ko.
"I need you.."
"huh? Where are you? Nasaan si Reed?"nang marinig kong binanggit nito ang pangalan ng lalaking dahilan kung bakit ako nagkakaganito ay nag umpisa akong humikbi.
"damn! Where are you?" sinabi ko dito ang lugar.
Galit na galit itong ibinaba ang tawag at sinabing hintayin ko siya.
Nakalugmok na ako sa lamesa nang maramdaman kong may tumapik sa balikat ko.
"what happened?"tanong nito agad bago ako inalalayan.
"ayokong umuwi.."umiiling ako dito.
Kumunot ang noo nito at inamoy ako.
"uminom ka?!" sigaw nito bago pumalatak.
"let's go."isinakay ako nito sa kotse.
"please.. Ayokong umuwi.. Not now.."nakikiusap na wika ko kay Onsoy.
Tinignan ako nito ng ilang segundo at parang nag iisip.
"don't tell him where I am.. Just don't please.."
"Isay ano bang nangyari? Ikakasal na kayo--"
"I don't wanna marry him! Ayoko sa kanya! Nandidiri ako sa kanya!"kumunot ang noo nito sa mga sinabi ko.
Pumikit ito at sandaling nag isip bago inistart ang sasakyan.
"let's go somewhere where you can rest."
Akala ko ay sa hotel ako nito dadalhin. Nagulat ako ng alalayan ako nito palabas ng sasakyan. Natatanaw ko ang dagat kaya nilingon ko ito pero nahilo ako kaya napasandal ako dito mabuti at nahawakan ako nito agad.
Mabuhangin kaya lumulubog ang heels ko. Binuhat ako nito dahil sa kalasingan ko.
A private resort.
Napangiti ako kay Onsoy. He does not want scandal on his name. Maingat ang loko.
Nang makahiga na ako sa malambot na kama ay agad akong nakatulog.