Nagising ako na puti ang namulatan ko. Puting kisame, puting ilaw, puting dingding at puting kumot. Maging ang damit ko ay kulay puti. Patay na ba ako? "ayos na daw ba siya?"nilingon ko ang nagsalita. Stephen. Steve? Pati si Wheng ay naroon din. Paglingon ko sa kanan ko ay naroon si Reed, nakasandal sa pader at pinagmamasdan ako. I closed my eyes. "mama.."may humawak sa kamay ko. Pagdilat kong muli ay naroon si Al umiiyak ito. "where is your sister?"nanghihinang tanong ko dito. Tinignan nito sila Steve bago umiling sa akin. "bakit?"napabangon ako sa kaba pero pinigilan ako ni Reed. "she's fine, inatake lang ng asthma nang makita ka."wika nito. "gusto kong makita ang anak ko!"pilit akong bumabangon pero malakas ang pagpigil ni Reed sa akin. "pupunta siya dito kapag gising na

