Alfonso De Jesus ang pangalan nito kaya paanong kapatid ito ni Reed when Reed's family name is Samaniego?
Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Reed nang lapitan ako ng kapatid nito at basta nalang akbayan.
"when I heard that my bro will bring his girl here nagtaka na ako, hindi kasi 'yan nagpapakilala ng alam mo na mga naging jowa niya but I am more surprised na malamang ikaw pala' yon!"masiglang wika nito kaya napasimangot nalang ako.
He pinched my cheeks kaya napairap ako dito, nagtama ang tingin namin ni Reed at kitang kita ko kung paanong salubong na ang kilay nito at hindi na maipinta ang mukha habang nakatingin ito sa amin ng kapatid niya.
"Alfy take off your hands off of her.."itinaas agad ni Alfonso ang dalawang kamay dito na para bang sumusuko na habang nakangisi.
"kilala mo ang bunso kong anak iha?"napabaling ako sa mama nila.
"opo, kaibigan po ako ng girlfriend niya dati."paliwanag ko.
"sinong ex mo ang kaibigan ng magaling kong kapatid?"simangot na singit sa amin ni Reed.
Kung wala lang kami sa harapan ng magulang nito ay tinawanan ko na ito dahil sa itsura nito na hindi maipinta.
"si Wheng Ramos--"
"ang pinsan ni Engr. Ramos ba iha?"singit na sa amin ng ama nila.
Tumango na lamang ako sa kanila dahil ayoko ng mag explain pa ng detalyado.
Iniwan kami ng mga magulang nila dahil aasikasuhin ang paghahanda ng pagkain habang si Reed naman ay umakyat sandali sa kwarto nito para magpalit ng mas komportableng damit.
Pareho kaming tahimik ni Alfonso sa sala at nakaupo ng mag umpisa itong magsalita.
"I heard about Ian and you.."nilingon ko ito dahil sa sinabi nito.
Hinarap ako nito at malungkot na ngumiti.
"kaibigan kita hindi dahil kaibigan ka ng dating naugnay na babae sa akin, kaibigan na kita nanliligaw palang ako sa kanya, suportado mo ako noon I know I failed you because I hurt your friend."mahabang litanya nito.
"bakit nga ba? Sorry kung itatanong ko pa ang dahilan but I think after all this time I deserve to know your reason for leaving her."yumuko ito sa sinabi ko.
Habang nakikita ko itong ganito ay parang bumabalik ang lahat sa akin sa dati. He used to be like this kapag may tampuhan sila noon, magtatanong siya sa akin ng pwedeng gawin para magkabati na sila ni Wheng, akala ko okay na ang lahat na masaya ang pagsasama nila hanggang sa malaman ko nalang na umalis ito at nagpunta na nang ibang bansa.
"iba ang apelyido ko sa kanila, hindi ka ba nagtataka?"pagak na tumawa ito bago sumandal.
"after my mom died may lumapit sa akin, saying that I'm his son, ayokong tanggapin Isay, ayokong tanggapin na bastardo ako ang buong akala ko ay anak ako ng kinilala kong ama, magulo ang naging pag iisip ko at hindi ko magawang gampanan ang pagiging nobyo ni Wheng noon, lagi kaming nag aaway dahil sa init ng ulo ko, sa stress sa family hanggang sa mas pinili ko nalang na umalis."umiwas ako ng tingin dito nang makita ko ang kumikislap na mga mata nito dahil sa luhang pinipigilang pumatak.
"mali ako doon, alam ko 'yon, kaya nang maging maayos na ang lahat at natanggap din ako sa pamilyang ito ay hindi ko na sinubukang bumalik sa kanya."ngumiti ito sa akin ng mapait.
"pero sana pinaalam mo sa kanya o kaya sa akin hindi yung sinarili mo' yang problema."komento ko.
Umiling ito sa akin.
"mas mag aalala lang siya sa akin at ikaw kilala kita, alam ko na tutulungan mo ako pero ayokong mandamay ng iba, this is my life, my family my blood, ako lang ang dapat humarap dito."sabi nito.
"kung iyan ang gusto mo, but somehow masaya na rin ako at nakahanap ka ng bagong pamilya.."this time ay ako naman ang nalungkot.
Wala na ang parents ko at pati ang kompanya ay hindi ko maharap.
Ginulo nito ang buhok.
"pamilya mo na rin ako ngayon Isay, knowing Reed alam kong magtitino 'yun sa iyo."nakangiting wika nito.
Napanguso ako sa sinabi nito.
"dapat lang! Subukan niyang magloko at puputulan ko siya."ingos ko na ikinatawa nito.
"mukhang nagkakatuwaan kayong pag usapan ang kung ano mang mapuputol sa akin."napalingon kami pareho sa bumababang si Reed.
"sorry Reed, kinamusta ko lang si Isay medyo matagal din ako sa Canada at wala pa akong isang buwan dito, I'm just happy to see a familiar face and a friend."napangiti kami sa isat isa.
Hindi na nagsalita pa si Reed at naupo nalang sa tabi ko. Habang si Alfonso ay nakamasid sa amin at halatang nagpipigil ng tawa.
"hoy Onsoy umayos ka!"nanlaki ang mga mata nito sa tinawag ko dito.
"aba! Namiss ko ang tawag mong iyan sa akin ah!"nag apir kaming dalawa at pansamantalang nakalimutan kong kasama ko nga pala si Reed at narito kami sa bahay nila.
Kung hindi lang tumikhim si Reed ay baka nadala na ako sa mga kwento ni Alfonso. Nag reminisce kasi ito nang mga nangyari noon na kasama ako kaya tawa kami ng tawa. Tumigil lang kami dahil sa tikhim ni Reed.
"okay lang, kalimutan mong kasama mo ako."dahil sa sinabi nito ay natawa kami lalo ni Alfonso.
"Reed, napakaseloso mo naman pala."pang aasar nito sa kapatid.
"no I'm not."
"anong tawag mo sa kinikilos mo? Ah! Possessive."tumatango tangong dagdag ni Alfonso.
Nang makita kong mapipikon na si Reed ay nagpaalam na ako kay Alfonso at hinatak ko si Reed palabas ng bahay nila.
"hey.."hinawakan ko ang pisngi nito pero iniwas nito ang mukha sa akin.
"don't you want my kiss anymore?"sa sinabi ko ay humarap ito sa akin at sinalubong ang tingin ko.
"you are here as my girlfriend not as my brothersl's long lost friend."hindi ko mapigilang mangiti sa itsura nito na parang bata.
"oo na po, girlfriend mo ako."hinalikan ko ito sa labi ng smack medyo kumalma na ang itsura nito ngayon.
"anak pinapatawag ka ng papa mo.."pareho kaming napalingon sa mama nila.
"ngayon na ba mom?"tanong ni Reed.
"don't worry ako muna ang kakausap kay Alissandra."nag aatubiling tumingin sa akin si Reed kaya tinanguan ko nalang ito para sumunod sa mama nito.
"I will be back."bulong nito bago umalis.
Nang kami nalang ng mama nila ay nagulat ako ng hawakan nito ang kamay ko.
"I'm sorry for your lost iha.."agad nangilid ang luha ko sa sinambit nito.
"alam ko kung gaano kahirap ang mawalan ng magulang, teenager ako noon at nauumpisang matutunan ang mga kalokohan nang mawalan ako ng magulang iha, nakaya noon kaya alam kong makakaya mo rin ito."ngumiti ako sa kanya pero ang luha ko ay tumulo na.
"wipe your tears iha baka sabihin ng anak ko ay pinapaiyak kita.."natatawang wika nito kaya pati ako ay natawa na rin.
"do you know Charlotte?"umiling ako sa tanong nito.
Ngumiti ito at inayos ang buhok ko.
"mas maganda nga sigurong hindi mo siya kilala."napuno ako ng kuryosidad sa sinabi nito.
"I'm sorry po, but who is she?"umiling sa akin ang mama ni Reed.
"mas mabuting sa anak ko manggaling ang ano mang tungkol sa kanya."hindi na ako nangulit dahil baka mamaya ma turn off pa sila sa akin.
Kumain lang kami at nagkwentuhan sandali tapos ay nagpaalam na kami sa kanila. Habang nasa sasakyan ay hindi mabura bura ang ngiti ni Reed sa labi.
"kanina halos magsalubong ang kilay mo ngayon ay wagas ka kung makangiti."komento ko.
Nilingon ako nito sandali bago nagsalita at nagbalik sa pagmamaneho.
"masaya lang ako na natanggap ka nila agad at close na agad kayo ni dad."napairap ako sa sinabi nito.
Puro kasi business ang usapan nila mabuti nalang at iyon ang course ko kaya medyo may alam ko.
"Reed may itatanong pala ako."kinakabahang tinignan ko ito.
"what is it?"
Pumipito pa ito habang nagmamaneho kaya siguro ay nasa mood itong sumagot ng mga katanungan ko.
"w-who is Charlotte?"napahawak ako sa dashboard mabuti nalang at nakaseatbelt din ako kung hindi ay tumilapon na ako sa lakas ng preno nito.
"paano mo nalaman ang pangalang iyan?"Napansin ko ang saglit na pag igting ng panga nito.
"ah, nabanggit ng mama mo sa akin kanina--"
"what else? Ano pang sinabi niya sa iyo?!"nagulat ako ng bulyawan ako nito.
"w-wala naman sabi niya lang sa iyo ako magtanong kung sino 'yun."sagot ko na may halong pagtataka.
"I'm sorry.."mukhang huminahon na ito.
Niyakap ako nito nang sobrang higpit na para bang ayaw na ako nitong bitiwan.
"Reed?"
Lumayo ito at hinalikan na ako sa noo bago muling nagmaneho.
"kababata ko lang iyon baby.."sagot nito.
May hinihintay pa akong susunod na sasabihin nito pero hanggang doon lang ang sinabi nito.
Hindi na ako nagtanong pa pero desidido akong alamin kung sino ang babaeng 'yun. If she's a childhood's friend then it's fine pero gusto ko paring malaman kung gaano sila kaclose noon.
I can't ask Alfonso dahil alam kong hindi niya ito kilala. I need to find out who's that girl is in his life.
Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nalalaman.