Pinagmamasdan ko lang si Reed habang kumakain. Naalala ko ang pinag usapan namin kahapon. Pagtapos 'nun ay iniiwasan na ako nito. Tito Charles cleared his throat kaya napunta dito ang tingin ko. "isasama ko sana ang mga bata sa orphanage na pupuntahan ko for sponsor iha.."umpisa ni tito. "ahh sige po, no problem." sagot ko. "ieenroll ko na rin sila sa kilalang school."dagdag ni tito. Napatingin ako kay Reed dahil sa pagkakaalam ko ay ito ang gagawa 'nun. "hindi maaasikaso ni Reed ang bagay na iyon iha kasi may problema sa kompanya, at siya ang hinahanap."wala na akong nagawa kung hindi ang tumango sa mga sinabi ni tito. Padabog na tumayo si tita Mayette kaya napunta dito ang pansin namin. "I'm done."she said bago umalis. Pagkatapos mag almusal ay pinili kong basahin ang m

