Nang magising ako ay wala na si Reed sa tabi ko. Medyo nahirapan pa akong bumangon pero ng makita ko ang white rose sa side table at may sulat na kasama ay napangiti ako. (I don't have the heart to wake you up baby, I have urgent meeting for coming auction, see you later.) Nag inat ako at napansing gabi na pala, siguro ay kanina pa ito nakaalis na hapon. Nagpasya ako na magluto ng hapunan para pagdating nito ay may maipagyayabang akong nailuto ko. Habang naghahanap ako ng pwedeng lutuin sa ref ay tumunog ang doorbell. Lumabas ako ng kusina at binuksan ang pinto. Natigilan ako ng makita si Charlotte, nakapink na lipstick ito at light na eyeshadow maging ang suot nito na floral dress ay kulay baby pink not to mention the stiletto with pink and gold combined. "yes?"hindi ko na pinagkaaba

