CHAPTER 31

1438 Words
Sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang mukha ko. Kapag sa kanan naroon si Reed at ang pamilya nito minus Onsoy, kapag naman sa kaliwa ay naroon naman ang nanunudyong mga mata ni Stephen. Ang kasal na ito ng kaibigan ko ay torture para sa akin. Kaya naman nang matapos na ang kasal at sa reception na magkikita uli ay nagmadali akong umalis. Tatambay muna ako sa ibang cafe tsaka nalang ako susunod doon kapag medyo hapon na. Iyon nga ang plano ko sana kaso napailing ako ng makitang flat ang gulong ng sasakyan ko. "hey need a ride?"nilingon ko si Stephen na nakangisi at nakadungaw sa driver's seat. Kulang nalang ay sabihin niyang siya ang gumawa ng paraan para mabutas ang gulong ko. Tss. "no thanks kaya ko--" "oh bes! Flat?"tinignan nila Steve ang gulong ko. "may spare pa naman akong gulong--" "alam mo ba kung paano magpalit?"putol ni Wheng sa akin. Umiling ako. "that's why I'm offering her a ride kaso mukhang ayaw."singit ng kapatid ni Steve. I heard Steve sighed. "sumabay ka na sa kapatid ko Ali, don't worry he knows you're pregnant kaya dahan dahan lang iyan sa pagmamaneho."ngumiti ako kay Steve kahit pa salungat ang gusto ko sa sinabi niya. "oo nga bes, mas safe kung sasabay ka sa kanya bago ka pa maabutan dito ng pamilya ng ex mo!" "hey babe that's rude.."saway ni Steve kay Wheng na ngumuso lang. Natawa ako sa kanila bago ako bumaling kay Stephen. "so?"taas ang kilay na tanong nito sa akin. Wala na akong nagawa kung hindi ang sumakay doon. Dahan dahan nga ang pagdadrive nito pero naiilang ako dahil panay ang lingon nito sa akin. "may gusto ka bang sabihin?"tanong ko. Ngumisi ito sa akin bago sumipol. "you're something, hindi ko alam na may anak kayo ni Samaniego, pero sino sa dalawang Samaniego?"napatiim ang labi ko sa sinabi nito. "none of your business." "I get it, gusto ko lang malaman para hindi na ako magugulat kung sino man ang sumuntok sa akin dahil kasama kita ngayon."he sounded so amused. Naiinis na binalingan ko ito ng tingin. "don't kid yourself."sabi ko nalang. "I am not, gusto ko lang mag ingat."he shrugged his shoulders na para bang napakatotoo nang sinasabi nito. Nang tumigil ang sasakyan sa lugar ng reception at nakita ko ang pamilya ng Samaniego ay hindi ko napigilang mapabuntong hininga. "wanna go somewhere?"napatingin ako dito. Tinitigan ko lang ito at hindi sinagot. "you looked stressed bawal sa iyo 'yan, if there's a way that I can at least ease your negative feeling I can uhm.. comfort you?"dagdag pa nito. Umiling ako dito at nauna nang bumaba ng sasakyan, dahilan kaya naagaw ko ang pansin ng mga naroon. Great! I was about to smile nang may umakbay sa akin. "hey.. Don't be too hot headed.."Stephen grinned at me. "don't touch me."irap na sabi ko dito bago ako lumayo. "wait up!" Hinabol pa talaga ako ng mokong. Ano bang klaseng ugali mayroon ang kambal ni Steve? "Hi Ali.."lalong kumunot ang noo ko nang batiin ako ni Ian. Ang kapal ng mukha! "do I know you?"halata ang gulat sa mukha nito dahil sa inasta ko. Mukhang may sasabihin ito kaso naunahan na ng kakambal ni Steve. "I'm sorry bro medyo mainit ulo, you know, preggy.."nagtataka man si Ian kung bakit ang kapatid ni Steve ang nag explain ay mas pinili nalang nitong tumahimik. I sighed at iniwan sila doon. Naupo ako sa nakareserve na table para sa akin. I smiled nang makita na ang bagong kasal. My best friend is glowing. Halatang masaya siya at inlove sa kanyang napangasawa. I envy her. Buti pa siya. "the right one for you will come.."nilingon ko si Oliver katabi nito si Lea. Hindi ko namalayan na dumating na pala sila. "halata sa mukha mo Ali, don't get offended."nahihiyang singit ni Lea. "don't worry I'm not."maikling sagot ko. Ang atensyon ng lahat ay nasa bagong kasal kaya nagtataka ako kung bakit kanina pa tanong ng tanong sa akin ang kambal ni Steve kung bakit hindi daw ako sa table ng mga Samaniego nakaupo. Nasagot ang tanong niya nang lumapit sa amin ang mother ni Reed. She winced ng makitang katabi ko si Stephen. "my son Alfy is not here kaya ganyan ka kung makadikit sa mga lalaki? Social climber."she grinned at me. I didn't try to defend myself anymore, nang nilingon ko si Reed sa table nila ay busy itong kausap ang fiancee niya. "tita stop it that's very offensive."naagaw ni Stephen ang pansin ko nang magsalita ito. "I'm stating the fact iho, that lady is a social climber palibhasa ay naghihirap na at--" "I said stop it!"kung nagulat ang mama ni Reed ay mas nagulat ako. "what? Iho don't shout on me! I'm giving you a head up since you just got here at hindi mo pa kilala ang babae na iyan."nakita ko na lumapit na rin sila Reed sa amin dahil siguro sa sigaw ng kapatid ni Steve. Tinignan ko ang bagong kasal, nabasa ko kaagad sa mata ni Wheng ang takot at pag aalala para sa akin. Ngumiti ako dito to assure her that I'm fine. "are you trying ruin her name to me? Seems to me that it's still not enough until you see her cry!" "no I'm not! I'm just concerned."Reed's mom hissed. "you are badmouthing her in front of me!"napahawak ako sa braso ni Stephen para sana pigilan ito pero hinawakan din nito ang kamay ko at hinila ako patayo. "mom stop, don't make a scene here."narinig kong sabi ni Reed. "that girl! Hindi man lang ako ginalang kahit pa sabihin na step mom lang ako ni Alfy!" I bit my lower lip, now I want to defend my name. Ayoko sana na madagdagan pa ang dahilan ni Reed para kamuhian ako. But the gripped of Stephen's hand is too much for me kaya wala na akong nagawa nang hatakin ako nito palabas ng reception. "aray!"daing ko nang isandal ako nito sa pader malapit sa hallway palabas ng hotel. "what was that? Sa akin ka lang mataray? Where's your courage? Bakit hindi ka lumaban?"kung kilala ko ito ay matatouch ako sa mga sinasabi nito at sa pinapakita pero bago ang lahat ng nakikita ko dito. I don't even know if he's sincere but I know that his anger is legit. "damn it! Who got you pregnant tapos ay iniwan ka? Yung nasa ibang bansa ba?!"napaiwas ako ng tingin dito dahil sa mga sinasabi nito. "sorry.." Natigilan ito sa mga sermon nito nang marinig ang sinabi ko. He sighed. Kinalma nito ang sarili bago muling bumaling sa akin. "look Alissandra, don't let your baby see you in that state, don't let the baby feel your pain, dapat lagi kang masaya."wika nito. "I know.. It's just that h-hindi ko alam kung p-paano kasi.. kasi tuwing nakikita ko ang ama niya nasasaktan ako.. ang sakit sakit at nagsisisi ako.."bumulaslas ako ng iyak sa harap nito. Nagulat ito at hindi malaman ang gagawin kung hindi ang yakapin nalang ako. My body is shaking from pain. Sa mga araw na nagsisisi ako na hindi ako nagtiwala sa kanya. Sa mga araw na mas pinili kong saktan siya kaysa ang alamin ang side niya. I regret it all! At masakit dahil naiwala ko ang pagmamahal niya sa akin. "you can cry on me, but babe don't let them think that I'm the bad one here, let's go somewhere."nag angat ako ng tingin at nakita kong may mga staff nang nakatingin sa amin. "sorry.."sumisinghot na usal ko. "puro ka sorry, let's go."nagpahatak na ako dito nilingon ko ang hallway kung saan ang pinto ng reception nila Steve nang manlaki ang mga mata ko nang makita ko doon si Reed. Nakasandal siya sa pader at tiim ang mukha habang nakatingin sa akin. Sa tabi nito ay nagsasalita si Charlotte habang nasa amin din ang mga mata. Nasaktan ko nanaman ba siya? But this is what good for us, iyong malayo siya, dahil baka magkasakitan lang kaming dalawa kung magiging malapit kami sa isat isa. Napaiwas ako ng tingin ng makitang hahalikan ni Charlotte si Reed. I gasp at mas lalong humigpit ang hawak ko sa kamay ni Stephen. Nilingon ako nito bago ngumiti. "makakalimutan mo ang lungkot at sakit kapag nakita mo ang pupuntahan natin."he gladly said. Makakalimutan ko din ba ang nakita ko kanikanina lang? I doubt it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD