Halos tatlong araw lamang ang itinagal ng burol ni kuya dahil ayaw na nila Mom na patagalin pa ang burol nito.
Ngayon ay araw ng libing niti at hindi ko alam kung bakit pati ata ang kalangitan ay tila nakikiramay sa amin dahil sa tila babagsak na ang ulan.
Hanggang sa tuluyan na nga itong bumagsak ako ay nandito pa din kahit sila Mom at Dad ay nauna na sa akin.
"Hindi ko alam Kuya kung paano namin matatanggap ang pagkawala mo,pero pangako ko sa'yo na ako na ang bahala sa mga taong gumawa nito sa'yo at sisiguraduhin ko sa'yo na hindi ko hahayaan na mabuhay sa oras na makilala ko ang hayop na gumawa buti sa'yo." Wika ko pa ng pangako sa harap ng puntod ng aking kapatid.
Pinahid ko ang mga luha na kanina pa tumutulo sa mula sa aking mga mata.
Naglakad ako palabas ng sementeryo at ang mga kasamahan namin ay nagsipag-alisan na din pala.Ang libingan na ito ay sinadya para sa mga agent na namamatay sa mission o ang iba naman ay namatay sa sakit.
Pribado ang lugar na ito kaya naman alam namin na walang makakaalam ng mga tunay na identity ng bawat agent.
Nang itatag nila Dad ang organization na ito ay layunin na talaga nila ang tumulong sa mga taong walang kakayahan na alamin ang mga katotohanan kaya naman kami ay sinanay hindi lamang sa pakikipaglaban ku'ndi maging sa paggamit na din ng ibat ibang klase ng teknolohiya kaya naman kahit papaano ay may alam kaming lahat kapag nasa mga alanganin na sitwasyon katulad na lamang kapag kailangan namin na ihacked ang system ng mga kalaban lahat kami kahit paano ay may alam nito kaya lamang syempre may kan'ya kan'ya pa din kaming mga kakayahan.
Tulad na lamang ako magaling ako sa paggamit ng kahit anong patalim na magagamit ko bagama't gumagamit ako ng baril ay mas madalas pa din na patalim ang gamit ko.
Kaya naman ang aking kwarto sa headquarters ay punong-puno ng ibat ibang klase ng matatalas na mga samurai na isa sa pinakapaborito ko maliban sa maliit na knife na iniregalo mismo sa akin ni Kuya ng mag birthday ako ng aking ika sampung kaarawan noon.
Ito din ang kauna-unahang ginamit ko na sandata sa pag-eensayo.
Habang tumatagal ang organization nila Dad noon ay marami din ang galit sa kanilang mga malalaking drug lord na ang iba ay malalaking grupo ng mafia pa kaya naman mainit ang organization sa mga kalaban na hanggang ngayon ay hindi pa din alam ng mga ito kung sino ba kami sa lipunan,dahil sa galing na din ng mga scientist s***h doctor na mga agent din ay lalong naging maganda ang mga ginagamit namin ngayon na mga kinakailangan sa mga mission namin.
Naisipan ko na lamang na magpunta sa isang club at doon magpakalasing dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon ay mukhang alak ang aking kailangan.
Sumakay ako sa aking bigbike at pinaharurot ito ng mabilis.
Nakarating ako sa club kung saan ay madalas kaming tumambay ni kuya kapag natatapos namin ang mission na itinalaga sa amin.
Habang papasok ako dito ay agad ko ng sinuot ang fake face na pipindutin ko lamang ang button sa aking wrist at magbabago na ang aking mukha ito ang pinakabagong ginagamit namin sa tuwing kami ay may mission na tanging si kuya lamang ang hindi gumamit dahil wala pa ang teknolohiya na ito ng s'ya ang pumasok sa mga Mondragon na sobrang hirap na hirap itong malaman ang mga illegal na gawain ng pamilya na ito kaya naman kinailangan pa n'yang magtagal at ang mga nangyari nga nitong huli ay hindi na namin nalaman pa.
*********************************
Third person POV:
"Agent Ann sundan mo si agent Blast!" Utos ng ama ni Kiefer sa isang babaeng agent din na isa sa magagaling na agent din ng SAADO ang organization nila na ang ama mismo ng binata ang namumuno.
"Yes Tito !" Sagot ni agent Ann dito at agad ng nag-asikaso ng kan'yang sarili para sundan ang anak ng kanilang pinakapinuno.
"Sundan mo s'ya sa lahat ng lugar na kan'yang pupuntahan at h'wag mo hahayaan na mawala s'ya sa paningin mo,dahil alam mo naman ang anak ko na iyan napakalakas ng kan'yang pakiramdam dahil na sa trabaho natin kaya naman sa'yo ko ipapaubaya ang kaligtasan n'ya sa ngayon dahil baka kung ano ang gawin ng batang iyan dahil sa galit sa mga taong gumawa nito sa panganay ko." Pagbibigay nito ng instructions sa dalaga na mataman naman nakikinig sa sinasabi nito.
"Copy Tito Cris but alam mo naman po na hindi nakikinig sa akin ang anak muna iyon!" Sagot pa ni agent Ann.
"Ang mahalaga lang naman agent Ann ay masundan mo s'ya at siguraduhin na hindi s'ya gagawa ng kan'yang ikapahamak dahil alam mo naman din na sobrang malapit ang Bunso ko sa kan'yang Kuya Rupert at hindi ko naman s'ya maaring sundan dahil walang mag-aasikaso sa Tita Mariz n'yo na hanggang ngayon ay hindi matanggap ang pagkawala ng anak namin na maging ako ay ganoon din pero anong magagawa ko kung hanggang dito na lamang ang anak ko at isa pa ay hindi din naman ako papayag na hindi malaman ang nangyari sa kan'ya sa kamay ng mga Mondragon, kailangan lamang na bago ako pumasok sa kanilang lungga ay kailangan naayos ko na muna ang aking mag-ina." Paliwanag pa nito sa dalaga na nabigla sa sinabi ng Tito Crisanto n'ya na ito ang papasok sa mga Mondragon para alamin ang nangyari sa anak n'ya
"What! Anong ibig mong sabihin Tito na ikaw ang papasok sa lungga ng mga kalaban,Tito naman hindi naman sa minamaliit ko ang kakayahan mo pero alam mo naman na hindi muna din kakayanin ang mga kalaban.Dahil maging ang inyong anak nga na isa sa pinakamagaling na agent ng ating organization ay nagawa nilang maisahan. I'm sorry Tito but hindi ako makakapayag sa gusto n'yo this time at alam ko na maging si Dad ay hindi gugustuhin na pumasok ka sa lungga ng mga kalaban." Tanong dito ng dalaga na agad na tinutulan ang kagustuhan ng kan'yang Tito.
Sigurado din ang dalaga na kapag nalaman ni Kiefer ang gusto ng kanyang ama na gawin ay ito na mismo ang pipigil sa ama nito.
"Ang mabuti pa Tito ay susundan ko na muna si Kiefer at baka umalis na s'ya na at hindi ko na maabutan." Paalam nito bagama't nag-alala pa din para sa kan'yang Tito na s'yang naging trainor din nila ng mga panahon na nag-uumpisa pa lamang sila sa trabahong ito na pinili nila dahil isa din ang ama ni Ann sa nagtatag ng organization na ito na halos tatlong dekada na ang lumipas mula ng itatag ito ng kan'yang Tito Crisanto at ng kan'yang Dad na dahil nga sa trabaho nito bilang isang agent noon ay nalagay pa sa peligro ang buhay nila hanggang sa mawala ang Ate na hanggang ngayon ay hindi pa din nila alam kung nasaan na ba nga ba ito.
Sumakay ang dalaga sa kan'yang motor at pinaharurot ito alam n'yang maaring makaramdam si Kiefer na sinusundan s'ya nito kaya bahagya s'yang lumalayo dito at nagkukubli sa mga ibang motorista mabuti na lamang at hindi s'ya nito napapansin hanggang sa huminto ito sa isang club na madalas nilang puntahan ng kan'yang Kuya Rupert.
Nang bumaba ito sa motor at magtanggal ng helmet ay napansin n'yang gumamit ito ng bagong cameo ang teknolohiya na nagawa ng mga magagaling na scientist sa organization na mga kaibigan din nila Tito Crisanto lima silang magkakaibigan na nagtulong tulong na mabuo ang organization at maging ang mga kabiyak ay tumutulong din dito at ang mga ito nga ay naging agent na din kaya naman lalong lumakas ang organization dahil sa mga bagong agent na mga anak din nila at ang iba nga ay mga apo na.
Naging maingat ang dalaga na hindi s'ya mapansin ng binata na lihim nitong minamahal na kahit pa nga nagpaparamdam na s'ya dito ay tila balewala ito para sa binata,pero dahil wala pa naman itong ipinapakilala na kasintahan sa mga magulang nito ay umaasa pa din s'ya na sana ay magkaroon s'ya ng puwang sa puso nito.
Nang makapasok ito sa loob ay sinundan n'ya na lamang ito at mabuti na lamang ay may vip past s'ya sa club na ito na ibinigay sa kan'ya ng namayapa na kapatid nito.
Nang makapasok ay agad s'yang umupo sa medyo malayo sa pwesto nito at agad itong nag order ng kan'yang inumin.
"Mukhang maglalasing pa ata ang isang ito,mukhang ang ending ko ngayon ay maghahatid ng lasing sa headquarters mamaya!" Sabi pa nito sa kan'yang sarili.
Nang may dumaan na waiter ay agad s'yang nag-order din ng ladies drink,dahil hindi s'ya maaring malasing sa ngayon dahil baka mamaya ay kung ano nga ang maisipan na gawin ng lalaking ito kapag nalasing na.
Halos dalawang oras na sila dito at nabubusog na s'ya sa mga nacho at chicharon bulaklak na inorder n'ya ay parang hindi pa din nalalasing ang lalaking binabantayan n'ya.
Nakakailang baso na din s'ya ng ladies drink na inorder n'ya at medyo tipsy na din.
Hanggang sa hindi n'ya namamalayan na nalalasing na din pala s'ya at nang may lumapit dito na lalaki para isayaw s'ya ay agad itong humindi at dahil sa makulit ang lalaking ito na nangungulit sa kan'ya at bigla pa s'yang hinipuan ay nag-init ang ulo ng dalaga dahil walang maaring humawak sa kan'ya maliban na lamang kung si Kiefer ito ay willing na willing s'ya na hawakan nito sa kahit saan pa nito gustuhin kaya lamang ay hindi sya makakapayag na basta na lamang mabastos ng ganito kaya agad na umigkas ang kamao nito at sapul sa mukha ang lalaki na nambastos dito at agad naman na lumapit ang mga kasamahan nito.
"Wow,pare palaban si Miss beautiful ito ang maganda sa kama may thrill!" Sabi pa ng isa na kasamahan nito.
"Pwede ba layuan n'yo ako kung ayaw n'yo na manghiram ng mukha sa aso!" Matapang na pagbabanta dito ni Ann na dahil na din sa tama ng iniinom nito kanina ay medyo napapalakas na ang boses nito ng hindi n'ya namamalayan.
Mula naman sa pwesto ni Kiefer ay nabaling ang pansin nito sa isang babae na kilalang-kilala n'ya bagama't madilim sa parte ng kinaroroonan nito ay kilala n'ya din maging ang boses nito at tila napapatrouble ang dalaga sa mga anak ng mga nakaupo na mga alkalde ng bayan.
Kaya naman malalakas ang loob ng mga ito na gumawa ng gulo at mangtrip ng mga babaeng magugustuhan ng mga ito.
Ang isa sa mga ito ay alam n'yang kalalabas lamang ng kulungan at mukhang hindi pa nakuntento sa kulungan dahil gumagawa na naman ulit ito ng kan'yang ikapapahamak.
Kahit kanina pa kasi s'ya umiinom ay tila hindi naman nalalasing si Kiefer dahil na din siguro sa mataas ang alcohol tolerance nito sa katawan na maging ang kuya n'ya ay bilib din dito kapag umiinom sila na magkasama.
Agad s'yang lumapit sa mga nagkakagulo at kita n'ya ay gulat sa mga mata ni Ann ang kan'yang kababata at isa din sa magagaling na agent ng kanilang organization at marami na din itong mission na napagtagumpayan kaya naman masasabi ko na isa itong kakaibang babae dahil sa galing naman nito sa paggamit ng baril at maging sa pag-iwas sa mga lumilipad na bala na balewala lamang sa dalaga.
"Anong kaguluhan ito?" Tanong n'ya sa mga ito at tila namukhaan naman s'ya ng isa sa mga bumabastos sa dalaga dahil sila ng kuya n'ya ang nagpakulong dito.
"Ikaw na naman!" Tila inis na sabi pa nito na halata sa boses nito ang galit kay Kiefer na mataman lamang itong tinititigan.
"Oo ako nga at bakit gumagawa na naman kayo ng kalokohan, hindi ka ba talaga napapagod na maglabas masok sa kulungan at mabuti na lamang at inilabas ka na ng Dad mo na alam naman natin na galit na galit sa mga ganitong gawain ng grupo n'yo,pero sadyang pasaway ka dahil muli muna naman na inulit ang kalokohan mo at dito pa talaga ninyo ginawa sa kaibigan ko!" Sagot ni Kiefer sa mga ito na tumingin pa kay Ann na bahagyang nakasandal na sa balikat n'ya ang ulo na tila may tama na ata ito ng alak.