KIEFER ILUSTRE SAAVEDRA POINT OF VIEW
Habang nasa loob ako nitong club ay panay lamang ako lagok ng aking inorder na hard drinks at halos magdadalawang oras na ako dito ay hindi pa din ako tinatablan ng alak.
Hanggang sa makarinig ako ng boses ng isang babae na kilalang-kilala ko at hindi ko maintindihan kung ano ba ang ginagawa n'ya dito dahil hindi naman ito mahilig sa ganitong lugar.
Agad akong lol lumapit sa mga ito at ang mga lalaking nambabastos dito ay walang iba ku'ndi ang anak ni Gov na ubod ng pasaway sa ama n'ya na isang mabuting alkalde sa mga mamayan nito samantalang ang anak naman nito ay puro kapasawayan ang ginagawa kaya naman noong nakaraan na nakulong ito ay hinayaan muna ng kan'yang ama para magtanda pero sadyang matigas ang isang ito ang mga barkada n'ya dahil gumagawa na naman ang mga ito ng eksena.
Nang makalapit ako sa mga ito ay ramdam ko agad ang inis n'ya sa akin maging ang mga barkada nito.
"Kung hindi kayo titigil sa mga kalokohan ay baka sa pagkakataon na ito ay hindi na kayo makalabas sa kulungan." Banta ko pa sa kanila.
"May araw ka din sa akin, tandaan mo yan!" Sigaw nito sa harapan ko pero hindi ko na lamang ito pinatulan dahil mukhang kailangan ko ng maiuwi na muna si Ann o si Ryanna sa totoong pangalan nito ang aking kababata.
"Ano ba ang ginagawa mo dito?" Tanong ko pa dito at bahagya naman itong nagmulat ng kan'yang mata inamoy ko pa ang bibig nito at hindi ko inaasahan ang ginawa n'ya na bigla akong halikan.
Agad ko naman na pinutol ang halik nito dahil ayaw ko na samantahin ang pagkalasing nito.
"Ano ba naman Ann itigil mo ito please at halika na dahil iuuwi na kita."wika ko dito na bahagyang tumaas ang boses ko.
"Ayaw mo talaga sa akin noh! Ano bang mayroon ang mga babaeng ikinakama mo na wala sa akin ah!" Tanong pa nito sa akin na hindi ko alam kung paano ko ba sasagutin ang kan'yang tanong sa akin.
"Ann lasing ka na please,at h'wag kang mag-eskandalo dito please!" Pakiusap ko dito dahil parang malakas ata ang tama dito ng kan'yang iniinom bihira kasi itong uminom kaya naman heto at lasing na at hindi na alam ang nangyayare sa kan'ya at mga sinasabi n'ya.
Hindi ko din alam kung ano ba kasi ang ginagawa nito dito,paano kung wala ako siguradong baka kung saan na s'ya nadala ng mga gagong iyon.
"Iwan muna lamang ako dito total hindi naman ako importante sa'yo di ba! Sige na umalis ka na!" Sigaw pa nito kaya naman para wala ng maabala na costumer ay agad ko na itong kinarga na parang sako ng bigas lamang, sumenyas na lamang din ako sa waiter na madalas mag-asikaso sa akin kapag nandito kami sa club maging si Kuya ay kilala na din nito.
Ito ang bahala sa mga iniinom ng babaeng ito.
Habang palabas kami ng club ay natawa pa sa akin ang bouncer na kabiruan ko na din dito.
"Ano yan Boss, hindi na kinaya?" Tanong pa nito sa akin.
"Nasobrahan ang akala kasi ay tubig ang iniinom n'ya!" Sagot ko dito at tumango naman ito.
"Ingat kayo Boss dahil baka mamaya ay inaabangan lamang kayo sa labas ng pasaway na anak ni Gov napansin ko kasi kanina na parang may hindi kayo pagkakaintindihan sa pwesto n'yan ni ganda na kanina pa nila pinag-uusapan at maging ikaw din pala." Bilin pa nito sa akin na hindi nga malabong baka nga hinihintay kami sa labas ng mga pasaway na bata na iyon.
"Kaibigan ko s'ya." Sabi ko pa dito dahil baka isipin nito ay pinagsasamtalahan ko din ang pagkalasing ng babaeng ito na tumigil na din sa paghampas sa likod ko siguro ay baka nahilo na ito.
"Wala naman akong sinasabi boss napaka defensive mo naman d'yan at isa pa ay wala naman kaming pakialam sa mga costumer lalo na at alam ko naman na matino ka Boss hindi kagaya ng mga batang iyon na mga happy go lucky." Wika pa nito sa akin na ikinatawa ko na lamang.
"Sige na sa susunod na lamang tayo mag-usap dahil baka magising na naman ang amazona na ito at ang sakit n'ya kasing manghampas." Wika ko pa dito at tuluyan ng lumabas ng club.
Sa hindi kalayuan ay natanaw ko sa parking ang bigbike nito at dahil hindi na din nito kaya ang magdrive ay ipapakuha na lamang namin ang motor n'ya.
Maingat ko naman na dinala ito sa aking bigbike at nang maayos ko ito ay may bigla naman akong narinig na boses ng anak ni Gov na si Peter na tama nga ang bouncer sa loob ng club na maaring abangan kami ng mga ito.
"Kapag sinuswerte ka nga naman,akalain mong hindi naman pala matagal ang magiging paghihintay natin na lumabas ang isang ito," sabi pa nito at aking hinarap.
"Ano ba ang problema n'yo?" Tanong ko sa mga ito ng mahinahon dahil ayaw ko ng gulo sa mga oras na ito.Ang gusto ko ay makauwi na dahil sa pakiramdam ko ngayon ay nararamdaman ko na ang pagod mula sa ilang araw na halos walang sapat na tulog at isa pa ay dapat ay rest days ko na talaga ang mga araw na ito kaya lamang dahil sa pagkawala ni kuya Rupert ay hindi ko na namalayan na halo patapos na pala ang aking bakasyon.
"Ikaw! Ikaw ang problema namin dahil sa'yo ay nakulong kami ng ilang buwan at sa loob ng kulungan ay alam mo ba na parang impyerno ang buhay namin dahil sa mga gagong mga nakakulong na iyon na ginawa ba naman akong tagalinis ng Cr kaya naman ngayon ay kailangan naman na singilin kita sa pangingialam mo sa akin at sa mga kaibigan ko at maging ngayon gabi ay gusto mo pa talaga kaming unahan d'yan kay Miss beautiful na alam naman namin na sinabi mo lamang na kaibigan mo s'ya dahil ang totoo naman siguro ay type mo din s'ya!" Sagot nito sa akin na hanggang ngayon pala ay gusto pa din nitong makaganti dahil sa ginawa lang naman namin sa kanila ni Kuya na nagawa namin silang maipakul
Mabuti nga at nakalabas na sila.
"Alam n'yo kung tutuusin naman ay kasalanan n'yo talaga kung bakit kayo mapapahamak dahil unang una ay hindi dapat kayo gumagawa ng mga ganito na nakakaya n'yo na gumawa hg masama sa mga babaeng nakukursunadahan n'yo na walang kalaban laban sa inyo." Wika ko pa sa mga ito.
Pinilit ko na gisingin si Ann dahil mukhang mapapalaban ako sa mga ito ng wala sa oras.
"Anong kaguluhan ito?" Tanong sa amin ng dumaan na patrol na sinadya na hindi patunugin ang wang wang nila kaya naman kitang kita nila ang mga hawak na baseball bat ng mga kabataan na ito at dahil kilala na ang grupo nila sa paggawa ng mga kalokohan at kaguluhan dito.
"Kayo na naman Peter,wala ka ba talagang kadalaan na bata ka,ilang ulit ka na ba na nakulong at bakit tila ayaw mong tumigil sa mga kalokohan,kapag nalaman na naman ito ng Dad mo ay siguradong sasakit na naman ang ulo n'ya." Galit na sabi sa kanila ng isang pulis na tila ba inis na inis sa grupo nila Peter.
"May ginawa ba sila sa inyo?" Baling naman nito sa akin.
"Wala pa naman Sir, pero kung hindi kayo dumating ngayon ay baka kung ano na nga ang ginawa nila sa amin." Sagot ko sa tanong nito sa akin.
"Ganoon ba Sir,sige at h'wag kayong mag-alala dahil sa presinto na namin ang mga batang ito at doon na din patutulugin dahil baka mamaya ay kung ano na naman ang gawin ng mga ito!" Paalam sa akin ng pulis at agad na silang isinakay lahat sa mobile ng mga ito.
Napapailing na lamang ako dahil sa mga ito.
Napalingon naman ako kay Ann at still ay nakapikit pa din ang mga nito.
"Iinom-inom kasi hindi naman pala kaya!" Kausap ko dito sabay pingot sa ilong n'ya ng bahagya lamang.
Alam ko na may gusto ito sa akin at hindi naman ako manhid na noon pa man ay nagpaparamdam na ito sa akin kaya lamang ay hindi ko maaring ientertain ang nararamdaman nito sa akin,dahil para sa akin ay kapatid lamang ang turing ko dito na hindi ko pa masabi sa kan'ya dahil ayaw ko din itong saktan,pero sa sinabi n'ya sa akin kanina na tuluyan na itong umamin o baka dahil dala lamang ng kan'yang kalasingan kaya ang lakas ng loob nito na umamin sa akin.
Sumakay na ako sa aking bigbike at sa tingin ko naman ay okay na ito sa aking likod.
Agad ko na pinaandar ito na bahagyang mahina lamang ang pagpapatakbo ko dahil baka mamaya ay malaglag ang isang ito.
Hanggang sa makarating kami sa hideout na hindi mo mapapansin na ang bakanteng lote na ito ang hideout namin dahil sa ilalim mismo nito nakatayo ang headquarters.
Habang papasok kami ay nakasalubong na namin ang mga magulang n'ya na naglalambingan pa.
"Agad ko na hinubad ang helmet ko at lumapit naman ang mga ito sa amin.
"KIEFER saan ka ba galing at sino yan na kasama mo?" Tanong pa ng mga ito sa akin.
Agad naman akong ngumiti sa mga ito.
"Sino pa po ba Tita ku'ndi ang anak n'yo na lasing na lasing!" Sagot ko sa mga ito at dahan-dahan na tinanggal ang helmet sa ulo ni Ann.
"My god anong nangyari sa batang ito at naglasing ng gan'yan." Sabi pa ni Tita Amalia na halata sa boses ang pag-aalala para sa kanilang anak.
"Salamat iho,kung wala ka siguro ay baka gumagapang na ang batang ito na uuwi dito sa amin." Wika naman ni Tito sa akin.
"Walang anuman Tito pakisabi na lamang sa kan'ya kapag nagising ay h'wag ng uulit na iinom pa dahil tingnan mo naman ang hitsura n'ya ngayon." Sagot ko kay Tito na natawa na lamang dahil sa hitsura ng anak n'ya.
"Ewan ko ba sa batang ito at ngayon ko lang naman s'ya nakita na ganito ka exhausted na parang may mabigat na dinadala kaya naglasing.
"Anong nangyari kay agent Ann?"tanong naman ni Dad na naglalakad papunta sa amin,galing ito sa laboratory at alam ko na hindi pa din ito nagpapahinga.
"Dad bakit gising ka pa?" Tanong ko dito ng makalapit ito sa amin.
"May inayos lamang kami sa bagong gadget na maaring magamit ng mga agent iho para makatulong lalo na kapag nailagay kayo sa alanganin." Sagot nito sa akin at napatingin naman ito kay Ann na ngayon ay karga na ni Tito Savier na halatang nabibigatan na sa kan'yang karga dahil hindi naman na sila bata ni Dad katulad ng dati na kayang kaya ang lahat bagama't hindi naman halata sa mga edad nila ang kanilang totoong edad.
"Hindi ba kayo ang magkausap kanina ni Ann?" Tanong pa ni Tito kay Dad.
"Yes dahil sinabihan ko s'ya na sundan si Kiefer dahil baka mamaya ay kung ano ang gawin ng anak ko na dahil sa alam n'yo naman ang pinagdadaanan ng pamilya namin ngayon.Hindi ko naman akalain na ganito ang nangyayare sa kan'ya na maglalasing." Napapakamot pa sa ulo na sagot ni dad kay Tito na natawa na lamang dahil imbes na Ako ang bantayan nito ay siya ang aking inuwi at inalalayan pauwi dito.
Mamaya lamang ay nandiyan na din ang bigbike nito na iniwan namin sa parking ng club.
"Ang mabuti pa ay magpahinga na tayong lahat." Sabi ni Dad kaya naman sabay sabay na kaming naglakad at kan'ya kan'ya ng pasok ng kwarto namin na pawang mga high-tech na din ang lahat.
Malaki din ang gastos nila sa pagpapagawa nitong ganito kagandang facility na halos lahat ay nandito.
May malaking battle ground dito kung saan nag-eensayo ang karamihan sa amin.
May firing area kung saan naman madalas tumambay si Ann.Kaya naman kung sa galing lamang sa barilan ay masasabing ko na isa ito sa aking hinahangaan dahil wala pa itong mission na nag failed.
Nang nasa kwarto na ako ay agad lamang ako na nahiga at ipinikit na ang aking mga mata.
Ngayon ko naramdaman ang labis na pagod dahil na din sa ilang araw na halos palagi akong nasa field at pag-uwi ko dito ay masamang balita pa ang dumating sa amin.
Habang nakapikit ang aking mga mata ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.