Chapter 1
"Isda! Gulay!Bili bili na mga suki!
"Murang mura lang!"-
Pucha!kanina pa ako lakad ng lakad wala man lang bumibili.
"Hoy Rere ,sino ba naman bibili niyang isda mo eh parang bampira na iyan sobrang pula ng mata!"-
Tumingin ako sa isang nilalang kasing pula ng atswete ang labi, parang sinampal naman ng isang daan beses ang kanyang mukha na sobrang pula din ito at nangingitim ang palibot ng kanyang mata.
Lalo tuloy nasira ang umaga ko.Siya lang naman si Leonardo o aka Narda,ang aking best friend.
Inirapan ko lang ito.
"Tumigil kang bakla ka!"-pagtataray ko dito.
"Gaga,sumama ka na kasi sa akin sa Manila!"-Matagal na ako niyaya ni Narda na pumunta ng Manila.
"Ano naman ang gagawin ko doon?!"-
"Syempre maghahanap tayo ng trabaho!"-
"Putcha ka Narda!baka naman ibugaw mo ako,bwesit ka sasabunutan kita!"-
"Gaga ito,Hindi ah!magpaalam kana kasi kay Aling Rosing at Mang ambo"-
"Pag isipan ko muna, tulungan mo ako mag binta wala pa kaming bigas"-
"Ay putcha ka!sino ba naman bibili niyan eh labas na ang lamang loob,ewwww!"-maarteng sabi niya,sinapak ko ito.
"Aray!ang brutal mo Rere!"-
"Dali na tulungan mo ako!"-
"Oo na!"-
Kahit papaano may bumili naman ng mga gulay na paninda ko at ang mga isda ko.
"Rere sige na ,magpaalam kana sa mga magulang mo,sa isang araw luluwas na kami"-pangungulit ni Narda sa akin.
"Oo na! mamaya pag uwi nila!"-
"Ay,aasahan ko iyan!"-
"Umuwi kana,at puwedi ba pakibura ng make up mo parang binugbog ka ng mga tambay sa kanto!"-
"Pulaera ka talagang lukaret ka!"-tumalikod na ito ,parang pato itong maglakad,ang sama talaga!
Naglakad na ako pauwi,dumaan muna ako saglit sa tindahan para bumili ng bigas at sardinas.May isda pa namang ulam sa bahay kaso pang mamayang gabi na ulam namin iyon.
Pagdating sa bahay wala sila Nanay at Tatay,baka sa bukid na naman ang mga ito.
Nagsaing na ako at kumuha ng dahon ng kamote para igisa ko mamaya sa sardinas.
Sobrang hirap ng buhay namin dito sa probinsya.Marami akong plano para kay Nanay at Tatay.May kapatid akong lalaki,pitong taon na siya, siya si Lukas.Nag aaral ito ng grade one.Second year college na sana ako,pero hindi ko na itinuloy dahil sobrang hirap ng buhay namin.
"Ate!!!"-
Narinig ko na ang boses ng aking bunsong kapatid.
Sinalubong ko na ito.Tamang tama kakaluto ko lang ng tanghalian namin.
"Magpalit ka ng damit at maghugas ng kamay at kakain na tayo"-
Kinuha ko ang mga saging at kamote na dala dala ni Nanay at Tatay .
"Ibinta ko na lang ito mamaya ,Tay"-ani ko.
"Bahala ka anak"-
"Lukas kakain na!"-
Naghain na ako sa lamesa.
"Ate isang linggo na dahon ng kamote ulam natin"-nakasimangot na sabi ni Lukas.
"Huwag magreklamo Lukas,kung ano ang inihain ,magpasalamat tayo kahit papaano hindi tayo nagugutom"-
Naaawa ako sa kapatid ko.
"Tay,Nay?"-
Tumingin si Tatay at Nanay sa akin.
"Gusto ko po makipagsapalaran sa Manila"-
"Wala tayong kamag anak doon,Rere"-ani ni Nanay.
"Nay kasama ko naman si Narda"-
Narinig kong Napabuntonghininga si Tatay.
"Malaki kana Rere,alam mo naman ang tama at mali,basta mag ingat ka lang doon"-
Napangiti naman ako.
"Oo naman Tay"-
"Basta anak huwag kang gagawa ng kalokohan doon"-
"Nay naman,bente dos na ako!"-
"Ate bili mo ako ng bola kapag may trabaho kana"-sabi naman ni Lukas na tuwang tuwa ito.
"Oo Lukas maghahanap si ate ng Foreigner,aasawahin ko na para bongga at yayaman tayo"-nakangising saad ko.
Napapailing lang si Nanay at Tatay.
"Basta anak,ingatan mo ang iyong sarili,sa Manila maraming loko loko doon!"-
"Naku Nay, magaling ang anak niyo sa sabunutan, at bugbogan"-nakangising sabi ko dito.
"Kailan ang alis ninyo?"-
"Sa Isang araw po"-
"Sige binta ko muna ang isang kambing natin para naman may pambaon ka pamanila"-
"Salamat Tay,"-
First time ko mapalayo sa mga magulang ko at kay Lukas, pero alang alang sa kanila makikipagsapalaran ako.
Baka Maka Jockpot ako ng Milyonaryo.Di ba ayahay, Huwag lang matandang Milyonaryo!sayang ang virgin kong tilapia kapag matanda ang papapak nito.
Saan ka pa ,Sariwa na,batang bata pa.Wala kasi akong manliligaw ,natatakot sila sa akin.Mga mukhang adik naman ang mga lalaki dito,hindi ko type,si Narda lang naman mahilig sa mga mukhang Addict.
Excited na ako pupunta ng Manila.First time ko at Syempre medyo curious rin ako kung ano ang itsura ng Manila.
Ihahanda ko pa pala ang maleta ko.At pupuntahan ko na rin si Narda.