As far as I can remember this is the 4th week since the day that I dream something. And as a conclusion about sa lahat ng nangyayari I already figure it out na panaginip nga sya. Kasi whenever I sleep when I wake up yung nangyari mangyayari sya the other day when I wake up in the same scene pero different yung pangyayari. And to sum it up, this is so ridiculous. Gets? haha
Kasi who would have thought na mananaginip ako about what's going to happen the next day, pero yung kakaiba nga is hindi sya totally yun yung nangyayari. Magulo ba? Oo, kasi maski ako hindi ko maintindihan. Writing in this notebook is tiring and frustrating.
After ko magsulat humiga ako sa kama. Hindi naman araw-araw may ganung ganap sa buhay ko pero sa loob ng 1 week 3 times ako nananaginip. And the worst is minsan hindi ko maintindihan yung panaginip at yung hindi.
Kaya I seek for solution and titingnan ko kung gagana. I put a sticky note on may alarm clock written the date today. So pag gising ko dapat andoon yun which I can know na wala ako sa panaginip.
10:45 na makatulog na......
Kriiiinnnnng Kriiinnnnggg ⏰⏰
"Hmmm" pinatay ko yung alarm ko. Hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon. Sobrang sakit ng ulo ko, nilalagnat pa ako.
"Ah, ang sakit ng katawan ko." Umupo ako at kinuha yung phone ko. Nagchat ako kay Yve at Georgia na hindi ako makakapasok at may sakit ako. Pagkatapos nun humiga na ulit ako at muling natulog.
Knock knock
Meroong kumakatok sa pinto ng room ni Noelle, ngunit hindi nya iyon napapasin dahil sa lagnat nya.
After a few minutes may tumawag sa cellphone nya. After a few missed call Noelle get her phone and answer it without knowing who's caller is.
"Hmmm" nilagay nya ang phone nya sa tabi nya.
"Hello Venice, Nandito ako sa labas ng room mo." Sabi sa kabilang linya.
"Huh?" Umupo si Noelle sa kama nya.
"Sino ito? *cough *cough " umayos sya ng pakakaupo at nagtsinelas bago pumunta sa pinto.
"Gio, si Gio ito. I heard na may lagnat ka kaya pumunta ako para bumisita." Nang matapos ito sa pagsasalita nagbukas ang pinto. At bumungad si Noelle na nakakumot pa.
"Sorry? Sino?" Sabi ko ng buksan ko yung pinto. At bumungad sa akin ang isang lalaki na nakaputi.
"Hi, may dala akong gamot at pagkain." Sabi nya na nagpakunot sa noo ko. 'Wait, sino dw? Teka nasa panaginip ba ako?'
"Ah, Salamat?" 'gaa bobo bakit patanong' "sorry, pano mo nalaman na dito ako nakatira?" Tanong ko ng mapansin ko yung mga dala nya.
"Sinabi mo sa akin before, diba?"
'hahaha sinabi ko, kuya hindi ako yun ibang ako yun. Bakit ba naman kasi...'
"Ah, pasok ka muna." Pumasok ako sa loob.
*cough *cough
Tumalikod ako habang umuubo.
"Ah, magcr lang ako ha." Mapaos-paos kong sabi.
"Ok, edi ayusin ko na itong food mo. Mangingialam muna ako dito ha." Pagpapaalam nya. Tumango na lang ako.
Nilagay ko yung kumot sa kama ko at kinuha yung cellphone ko at pumasok sa cr. Tinakloban ko yung toilet bowl umupo doon at tiningnan yung phone ko.
"Tama ang date ngayon, pero bakit kilala ko sya dito? Ano nga bang pangalan?" Tiningnan ko yung call logs at nakalagay Gio.
'Tae ni hindi ko nga sya kilala? Wait... Doon sa mga nakaraang panaginip ko hindi naman sya kasali. At bakit Venice tawag nya sa akin. Wala talaga di ko alam....' napatigil ako ng bigla na lang may kita akong alala. When I first meet him. That was 4 weeks ago nung nasa fast food restaurant kami.
Naghilamos ako at nagtoothbrush, nakakawala ng sama ng pakiramdam yung nangyayari sa totoo lang.
Ayoko ko ngang lumabas ng Cr eh, 'Ahhhh bakit ba kasi... Ahhh'
Huminga ako ng malalim bago lumabas.
"Venice oh, kain ka muna." Nakalagay yung pagkain sa maliit kong lamesa.
"Ah, naku salamat." Umupo ako sa upuan, hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Kumain ka ba kanina? Yan lang kasi ang dala ko. Gusto mo ba ng tinapay ibibili kita. O kaya pagkain mo mamayang gabi." Hindi ko sya matingnan sa mata, hindi ko alam kung ano hitsura nya. Sulyap lang talaga ginawa ko kanina, pero kasi nakakahiya eh. Bakit pati ang bait nya?
"Naku wag na, ok na ito kaya ko na naman magluto para mamaya. Salamat ulit." Sabi ko ng walang tingin-tingin sa kanya at sumubo ng lugaw.
Napansin ni Gio na naiilang si Venice sa kanya.
"Sorry kung bigla akong pumunta. Dapat talaga kasama ko si Yve at Georgia dito kaso ako na lang daw. Kasi nga nanliligaw ako sayo." Nagulat sya ng biglang masamid si Venice. Dali-dali itong kumuha ng tubig at binigay sa dalaga.
'Bwisit, ano daw nanliligaw. Sya? sa akin? OMGee totoo ka kuya?' hindi ako makapaniwala. Papaanong? Nakakahiya nasamid pa ako..
"You okay? Here" pagaabot nya ng panyo. Kinuha ko ito at tumalikod sa kanya.
"Salamat at pasensya." Sabi ko habang nakatalikod.
Napaharap ako sa kanya ng makarinig ako ng mahinang tawa.
'Aba at tinatawanan ako ah.'
"Hahaha, sorry. Ang weird mo lang ngayon. Ganyan ka ba pag may sakit." Natatawa pa rin nitong sabi. Natatawa rin naman akong humarap.
"Grabe ka sa may sakit, kuya ha." Sabi habang inaayos yung panyo.
"Ah, Kuya mo na ako ngayon?" Nakataas ang parehong kilay na tanong nya.
"Hindi, nasabi ko lang kasi yun yung tawag ko sa di ko pa gaanong kakilala." Umiling ako at nagwave ng kamay, pagkontra sa sinabi sa kanya.
"Well, pwede naman, mas matanda naman ako. Pero hindi ibig sabihin non friendzone na." Nakangiti nyang sabi.
Kriiiinnnnng Kriiinnnnggg ⏰⏰
Mumukat-mukat akong bumangon at pumasok sa Cr. Naghilamos ako at tumitig sa salamin.
"s**t, may part sa panaginip ko na di ko maalala." Tumungo ako at pumikit.
'Itsura, pati boses hindi ko maalala.'
"Ganun din yung sa iba kong panaginip. Gio lang naalala ko." 'pangalan nya lang.' Huminga ako ng malalim.
"Nakakainis, bakit ganun yung panaginip ko?" Tiningnan ko yung sarili ko sa salamin.
"Panaginip lang yun hwag ka ano." Sabi ko sa sarili ko. Sana nakalimutan ko na lang lahat-lahat.
"Hindi yun totoo, panaginip yun. This your reality. Don't concern yourself about that." Huminga ulit ako ng malalim bago lumabas ng Cr.
TBC
Thank you for reading Dream Vs. Reality