Kabanata 24

2208 Words
Kabanata 24             Ang kaninang kabang naramdaman kanina ay unti-inting napapalitan ng kagalakan, lalo na sa isipan ko’y nakatatak ang isang panibagong simula ng aking pagiging isang kabataan na may maituturing na mga kaibigan. Sa aming lima, ako lang siguro ang ikinulong ang sarili sa mundo kung saan ay walang nakaiintindi sa akin. Puro lang kasi ako sulat. Sinusulat ko ang mga bagay na wala ako, idinadaan ko sa pagsusulat ang mga bagay na nakapagpapalungkot, nakapagpapasaya o nakapagbibigay ng kung ano pang emosyon sa akin.             Kaya ngayon, ibang-iba ang Deeve na makasasama nila, ako ang Deeve ngayon na ikinulong ko sa sariling katawan sa napakahabang panahong nag-aaral ako sa El Federico Academy.             May kakaiba sa paaralang iyon, biruin mo’y may mga katulad namin na nakararanas pala ng mga ganitong pang-aapi. Pero hindi man lang nabibigyang aksiyon ng kung sino man ang mga nakatataas sa mismong paaralan. Hindi ko nga kilala kung sino ang principal ng buong El Federico, o ano ang pagkatao nito.             “Deeve, ito na baa ng sinasabi mong lawa? Tama nga ang sinabi ni Eon, maliit nga lang ito.” Naagaw ni Aztar ang pansin ko sa pagtawag niya sa aking pangalan.             “Ah, oo. Iyan nga. Saka sabi naman ni Eon na hindi iyan lawa.” Kaagad kong sagot, para hindi nila mahalatang kababalik ko lang sa aking sarili.             “Tara na, gusto ko nang maligo!” sigaw pa ni Ave. Kaagad itong nagtanggal ng kaniyang mga saplot, tanging itinira lang niya ay ang panloob nitong shorts at undergarment. Samantalang ang mga babae naman ang mga suot lang nila ay ang mga iilang damit na suot, hindi sila gumaya sa aming mga lalaki na halos kalahating nakahubad.             “Paunahan na lang tayong pumunta sa lawa.” Sigaw ni Hamina.             “Sshh…sabi ni Eon sa atin kanina na bawal tayong mag-ingay.” Pare-pareho pa silang nagtakip ng kanilang mga bibig. Habang ako naman ay unti-unting inaapak ang paa sa butas ng lawa, nang bigla na lang akong bumagsak dito.             “Deeve!” rinig ko pa bago nahulog nang tuluyan sa tubig ang kanilang mga sigaw na pagtawag sa akin. Pati ako ay kinabahan, dahil sa akala kong malulunod na ako, todo patid pa ako ng aking mga paa, para lang maiangat ko pabalik ang aking sarili sa butas na pinagbagsakan ko. Kinakaway-kaway ko na ang aking mga kamay sa tubig, pero hindi na nga ako makaangat dahil sa sobrang panic.             Nasa isip kong baka mawalan na ako ng hangin dahil sa tagal kong mananatili sa tubig nang iilang saglit lang ay hindi ko na kayang magpigil ng hininga.             Masakit mang isiping hindi ko man lang maitutuloy ang dapat sanang misyon na aming tatahakin, pero wala na akong magagawa, hanggang dito na lang talaga ang aking buhay. Wala na akong laban. Pinakawalan ko na ang mga bula sa aking bibig. Saka may mga iilang tubig na rin ang pumapasok sa aking ilong.             Nagpalunod na lang ako, hinayaan ang sariling makapusan ng hininga, sa isip ko, inaalala ko ang aking mga bagong kaibigang nakilala, pati ang aking pamilya. Ngayon pa sa akin nangyari ito na mayroon na sanang panibagong yugto ang aking buhay.             “Ang galing! Nakahihinga ako sa tubig!”             “Astig talaga! Akala ko talaga power na, kayo rin pala?”             “Oo, nakahihinga rin ako sa tubig,”             “Ako rin! Teka, nasaan si Deeve?”             Naririnig ko ang mga boses ng apat na palapit nang palapit sa pwesto ko, teka, kung naririnig ko sila, ibig bang sabihin nito ay buhay pa ako? At saka anong sinasasabi nilang nakahihinga sila sa tubig? Ako nga rito nagpalutang-lutang na lang nang dahil sa nawawalan ng hininga. Tapos sila nagdadaldalan sa ilalim ng tubig?             Hala! So, kung nakahihinga sila sa ilalim ng tubig, hindi kaya ako rin? At kung hindi pa ako nakahihinga, kanina pa sana ako nawalan ng malay, saka bakit nakapag-usap pa ako sa aking sarili?             Bigla akong sinagi ng isa sa kanila, kaya napadilat ako’t nagbalik sa sariling malay.             “Anong trip mo riyan, Deeve? At animo’y patay ka riyan na nagpalutang-lutang sa tubig?” puna sa akin ni Hamina na nakalapit na sa banda ko.             Sumunod naman ang ibang nagsilapitan na rin sa pwesto ko. Ayaw kong sabihin ang totoong akala ko kaninang namamatay na ako dahil sa nalalagutan na ako ng hininga. Baka kasi pagkatuwaan pa nila ako. Kaya nag-isip ako ng maaari kong idahilan.             “Ang sarap kasi ng tubig, saka hindi ko akalaing ang linaw-linaw, para tayong mga sireno’t sirena, nakahihinga sa tubig.” Nagkamot ako ng aking leegan, nang may makapa akong parang kaliskis.             “Teka, ano ‘to?” sabay anas ko, nang tignan nila ang gilid ng aking leegan, saka nanlaki ang kanilang mga mata nang may makita sila sa akin.             Nagsikapaan din sila sa kanilang mga leeg, nang pare-pareho pala kaming may mga kaliskis sa leegan.             “Kalma, guys. Maybe rito dumadaan ang hangin na nagsisilbing gamit natin sa paghinga, just like sa mga isda.” Pagpapaliwanag pa ni Kith.             “Yeah, tama, tama!” segunda pa ni Ave.             Napatango na lang ako, pati ang iba. Ipinagpatuloy na lang namin ang paglangoy sa ilalim, nang wala kaming napapansing mga isda. O kahit anong lamang tubig sa binagsakan naming lawa. Anon klaseng anyong tubig ba ito? Wala man lang kahit na anong isda o yamang tubig na makikita.             “Guys! Look. May liwanag doon. Tara puntahan natin.”             “Teka, huwag. Baka mas malayo tayo sa pinaggalingan natin.” Pigil ko sa pagtatangkang pagpunta ni Hamina sa butas na may maliit na liwanag.             “Subukan lang naman nating puntahan.” Dagdag pamimilit ng dalaga.             Hindi ako umimik. Pati ang iba ay napapaisip din kung susundin si Hamina o hindi.             “Sasamahan na lang kita, Hamina.” Si Aztar ang nagpresentang samahan si Hamina sa nakita nitong butas. Nang nagpaiwan kaming tatlo rito sa aming pwesto.             Sinundan lang namin sila ng tingin, habang sila naman ay papunta sa dako kung saan mas lalong nagliwanag ang butas.             “Sa tingin mo, Deeve. Ano ang mayroon sa butas na iyon?”             “Hindi ko rin alam, Ave. Sana walang kahit na anong magpapahamak sa atin.” Iyon lang ang naging tugon ko kay Ave. Mukhang pati siya ay kinabahan sa aking sinabi.             “Kumalma nga kayong dalawa, baka naman isang perlas lang iyan, o baka isang isda na may ilaw sa kanyang ulohan.” Nag-isip naman ako ng isang klase ng isda na may ilaw sa kanyang ulohan.             Oh sh*t!             “Anglerfish!” sigaw ko. Ang kaninang kaba ko, napalitan ng kagustuhang mailigtas ang mga kaibigan ko.             “Deeve!” sigaw ng dalawa na nasa aking likuran.             “Kailangan nating mapigilan sina Hamina at Aztar na pumasok sa butas. Malaki ang tiyansang anglerfish ang nasa loob ng butas na iyan. Hindi birong isda ang Anglerfish!” naiwanan ko na silang dalawa, panay na ang pagpatid ko sa dalawa kong mga paa, para lang maabutan sila.             Pikit-mata kong nilangoy ang pagitan ko at pagitan nila, hanggang sa nabangga ko na ang likuran nila.             “Deeve, bakit ka sumunod? Akala ko ba hindi ka susunod?”             “Shhh…” pagpapatahimik ko kay Hamina, masiyado kasing malakas ang boses niya. Baka kasi magising namin ang isdang tinatawag ng karamihan na diyablong isda. Dahil sa hitsura nitong nakatatakot. Malaking bibig na may mahahaba at matutulis na ngipin. Dagdagan pa na mabilis itong kumilos sa ilalim ng tubig. Kaya kung maaari. Bawal kaming gumawa ng ingay o komusyon dito sa ilalim. Lalo na at ilang metro na lang ay nasa butas na kami.             “Paano ka nakasisigurong ang ilaw na iyan ay galing sa isang isda?”             “Basta, Aztar. Tara na, at baka iyan pa ang magpapahamak sa atin dito.”             “Teka, Deeve. Siguraduhin muna natin.” Napakamot ako ng aking ulo, sabay kuyom ko ng aking mga kamao. Dahil sa katigasan ng ulo ng kaibigan.             “Aztar, tara na.” mahinang pigil na boses kong pagtawag sa kanya.             Nagsenyas lang siya sa akin ng kamay. Nang nasa bukana na siya ng butas. Bigla siyang napaatras sa nakita.             “A-Aztar.” Utal kong sambit, nang unti-unting lumalabas ang ilaw na kanina ko pang naiisip na isang anglerfish talaga ang nasa butas. Kung sana ay nakinig sila sa akin, sana ay hindi na kami nakita ng isda!             “Langoy!” sigaw ni Aztar sa amin. Nang wala sa amin ang kumikilos.             “Sabing lumangoy na kayo! Ako na ang bahala rito!” dagdag sigaw niya, nang papunta na sana sa direksiyon namin ang Anglerfish, bigla nitong pinatid ni Aztar, kaya naagaw niya ang pansin ng isda. Labag man sa loob naming iwanan ang kaibigan doon. At ipahamak ang sarili sa pagpapahabol sa delikadong isdang iyon.             Sinunod na lang namin ang nais ng kaibigan, nang nasa butas na nga kami ng lawa kanina. Naunang umahon si Ave, kasunod si Kith, tinulungan naman ni Ave si Hamina na makaahon, at ako ang panghuli.             Ngayon ramdam ko pa rin ang pag-aalala, sinabayan pa ng pag-ihip ng hangin. Kinakabahan akong nakatingin sa butas ng lawa. Ang mga pares ng aming mga mata ay nasa tubig lang. Hinihintay ang kaibigang umahon, pero wala talaga.             “Kung sana nakinig na lang kami sa iyo, Deeve. Ako ang may kasalanan nito. Kung sana hindi ako namilit na puntahan ang butas na iyon, sana kasama pa nating umahon si Aztar ngayon.” hikbing iyak ni Hamina. Hagod-hagod naman ni Kith ang likod ng dalaga. Habang kami ni Ave ay panay tingin lang sa lawa.             “Walang may kasalanan, Hamina, saka pati naman ako, may pagkukulang. Dahil hindi ako sumunod sa inyong dalawa. At saka hinayaan ko si Aztar ngayon na mag-isa.” Bagsak ang tuhod ko sa lupa. Naiinis ako sa sarili dahil hanggang ngayon, wala pa rin ang kaibigan namin. Wala man lang akong nagawa, tapos hinayaan ko pa siya roon na mag-isa.             Nakayuko lang ako, nang nagpasya muna ang tatlo na babalik ng kubo para makapagbihis. Nagpaiwan lang muna ako rito, para hintayin ang kaibigan. Nang saktong pagtalikod ng tatlo, hindi pa nga nakahahakbang. Kita ko ang ulo ni Aztar, inabot ko sa kanya ang aking kamay, para matulungan ko siya. Nang sa paghila ko ay nakasunod pa rin pala sa kanya ang isda!             Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko’t itinuro ko sa lawa ang aking isang kamay na hindi nakahawak kay Aztar at inisip lang na may lalabas na yelo sa aking kamay. Nang biglang naging nanigas ang tubig sa lawa, kaya hindi na nagawang lumusot ang ulo ng Anglerfish.             “Deeve? Paano mo iyon nagawa?” pati si Aztar ay nagulat sa nagawa kong hindi kapani-paniwalang mahika.             “Ewan, hindi ko alam, inisip ko lang na takpan ang lawa, para hindi makalusot ang isda. Pero iyon ang lumabas sa mga kamay ko. Posible kayang may kapangyarihan ako?” naiiling ako.             “Oh baka nananaginip na naman ako.” Dagdag kong usal.             “Hindi ka nananaginip, Deeve, totoong nagawa mo iyon. Baka iyon ang kapangyarihang mayroon ka sa mundong ito. At baka tayong lahat ay may kanya-kanyang mahika na ipinagkaloob, para mailigtas natin ang mga kailangan nating iligtas sa mundong ito.” Napatitig ako kay Aztar. Binalingan ko rin ang tatlo na nakatitig na rin sa akin. At sa kamay ko.             Hindi talaga ako makapaniwalang nagawa ko ang bagay na iyon. Paano ko ba ulit iyon napalabas?             …             “Ang astig ng kapangyarihang mayroon ka, Deeve. Nagyeyelo ang kamay mo. Kaya mo bang palabasin ulit iyon?” umiling ako, ayaw ko kasing madismaya sila. Paano kong oo-o ako, tapos hindi kop ala magawa? Mas mainam na sabihin ko munang hindi, para hindi sila mag-expect.             “Sabagay, baka may pagsasanay pa tayong gagawin, para magawa natin ang kapangyarihan nating kontrolin, saka hindi naman siguro tayo basta-bastang sasabak sa misyon kung wala tayong pagsubok na gagawin.” Mahabang litanya ni Kith.             “Tama, katulad nang napapanood kong anime.” Dagdag pa ni Hamina.             “Ngayon, nagawang maipalabas ni Deeve ang kapangyarihan niya dahil sa kanyang dedikasyong iligtas ako, maraming salamat, Deeve.” Madamdaming pasasalamat ni Aztar.             “Ang totoo nga niyan, ako itong hihingi sa iyo ng patawad, kasi hindi kita sinamahan kanina sa ilalim ng tubig. Ano pala ang nangyari sa inyo roon sa ilalim?” inayos ko ang sarili, pati ang iba, at mukhang gusto rin nilang malaman ang nangyari kay Aztar at ng isdang iyon.             “Ayon, pinaikot-ikot ko lang ang Anglerfish, hanggang sa matakasan ko siya. Mabuti na lang at hindi ako hiningal sa kalalangoy, nakatulong ang paghinga natin sa tubig. Dahil kung hindi pa tayo nakahihinga kanina roon, siguradong wala na ako. Kung sana nakinig kami sa iyo, sana hindi nangyari sa atin iyon.” Pinigilan ko siya sa kanyang idadagdag pa sanang sasabihin. Tinapik ko siya sa balikat.             “Kung hindi natin ginawa iyon, hindi natin malalamang may mga mahika pa tayong maaari nating ipalabas.” Tango nilang apat. Nang pati si Eon ay nakisali na rin sa usapan.             Pero wala siyang binanggit na kung ano patungkol sa kapangyarihang natuklasan ko. Ang napag-usapan lang namin ay ang tungkol sa anglerfish, na nakalimutan niya rawng sabihin sa ating mayroong nagpapahingang ganoong klase ng isda sa pinakailalim ng tubig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD