Kabanata 25

2173 Words
Kabanata 25             Malalim na tunog na hindi ko alam kung saan galing ang nagpagising sa aming lima. Parang ungol ng isang kampanang pinatunog sa ilalim ng tubig. Ganoong klaseng tunog ang maririnig.             “Ano ‘yon? Ang ingay.” Angil ni Aztar. Nakatakip lang ako ng aking mga tainga. Ganoon din ang kanilang ginagawa. Kahit naman kasi hindi matinis ang musikang naririnig namin, pero nakabibingi sa tainga. Isang mahaba at malalim na ugong.             “Tignan niyo!” sigaw ni Kith. Kaya napalingon kami sa banda kung saan siya nakaturo. Sinundan namin kung saan siya nakatingin. Kay Eon.             Nakabilog ang parang butas ng puno ni Eon, na nagsisilbing bibig nito. Kung papansinin talaga ang kanyang ginagawang kilos, parang may kausap siyang hindi namin nakikita. Panay lang ugong ang kanyang ginagawa. Napapansin naming kami lang ang naiingayan, pero ang mga ibong nagsipatong sa kanyang mga sanga ay hindi man lang nagsiliparan.             “Anong ginagawa ni Eon?” alalang anas ni Hamina.             Hindi namin siya gaanong marinig, kasi nga sa hina ng kanyang boses. At saka nakatakip pa rin kami ng aming mga tainga. Pero nabasa ko ang sinabi niya gamit ang kanyang bibig.             “Hindi ko alam.” Balik senyas ko sa kanya. Nakuha naman niya ang tugon ko. Dahil sa labi ko rin siya mismo nakatingin.             Lumipas ang ilang oras ng ganoong pangyayari. Huminto na rin sa wakas si Eon sa pag-ugong. Ngayon nakabibinging katahimikan naman ang sumakop sa buong paligid. Hindi namin nilapitan si Eon.             Sa tingin ko kasi, may kinakausap talaga siyang hindi namin alam kung sino. At sana malaman namin mamaya kung may sasabihin man sa amin ang kaibigan. Nagsitayuan na kami at nagsipuntahan sa mismong pabalik ng kubo. Kumain muna kami matapos ay naghilamos. Saka naisipan naming silipin ang kahapong pangyayari na akala naming mawawalan kami agad ng isang kasamahan.             Napatingin naman ako sa aking kamay, nang maalalang may lumabas na yelo sa aking mga palad. Paano ko kaya ulit mailalabas ang mga iyon? Sinubukan kong ituon ang aking mga palad sa patag na lupa, iniisip at pinukos ang sariling isipan para palabasin ang bagong tuklas na kapangyarihan. Pero ilang minuto na akong nakaganoon ang pwesto, pero wala talaga.             “Bakit ganoon?” tanong ko sa sarili.             May naglagay ng kamay sa aking balikat. Nilingon ko ito’t si Aztar pala.             “Kanina ka pa riyan.” Aniya.             “Nagbabakasakali lang na maipalabas ko ulit iyong napakaimposibleng mahika na nagawa ko kagabi. Talaga bang nagawa ko ang yelo na iyon?” napatingin ako sa lawa, na ngayon ay hindi pa rin natutunaw ang ginawa kong pantakip sa butas.             “Oo, Deeve, at kung hindi dahil sa ginawa mo, baka naabutan na ako ng hinayupak na isdang iyon. Pinagod pa ako sa kalalangoy. Hindi madaling mailigaw ang isda, para kasing may radar ang kanyang ilawan sa ibabaw ng kanyang ulo. Saka ang ilaw pa lang iyon ay isang kuryente. Kung mahahawakan o malalapat man lang ang balat mo roon, siguradong bolta-boltaheng elektrisidad ang gagapang sa buong katawan.” Iyon nga ang napag-aralan namin noon sa Biology.             “Yeah, naalala ko. Iyan ang isa sa na-discuss sa amin ni Mrs. Ortez, subject teacher namin sa Biology.”             “Oo, tama, tama, siya nga rin ang subject teacher namin sa Biology. Kaya naalala ko noon ang mga na-discuss niya tungkol sa Anglerfish. Kung ano ang dapat gawin para mailigaw sila.” Oo nga pala, kahit hindi kami magkaklase. May posibilidad na pare-pareho pa rin ang iilang subject teacher namin.             “Bakit kaya hindi natin nakikita ang mga sarili natin sa Academy ano?” ‘di namin namalayang nasa likod na rin pala namin ang iba.             “Paano ba naman kasi, hindi naman tayo nakikisalamuha sa ibang mga estudyante. Lalo na at may kanya-kanya tayong mga kahinaan doon. At panay pa may mga nam-bu-bully sa atin doon. Kaya wala na tayong pagkakataong kumilala ng ibang tao. Kasi nga may takot na tayong baka ganoon din ang isipin at gawin nila sa atin.” Sabad ni Hamina.             “Ikaw, Aztar? Anong pakiramdam na may mga kaibigang laging kasama?” seryosong tanong ni Ave.             “Okay lang naman, kung hindi siguro ako nilapitan ng dalawang iyon, na sina Melly at Dina. Baka wala akong mga kaibigan. Kasi nga hindi naman ako iyong tipo na mahilig makipaghalubilo. At sa tingin kong kinakaibigan lang ako dahil ama ko ang isang respetadong sundalo. Ayaw ko ng ganoon, pero siyempre, sa tagal kong kilala silang dalawa, masasabi kong totoo ang ipinapakita nilang pakikipagkaibigan sa akin. Kaya nga ang laging nasasabi nila sa akin, bakla raw ako. Dahil nga kung inaaya ako ng mga lalaki naming mga kaklaseng maglaro ng basketball, lagi kong hinihindian. Malay ko ba? Baka kung ano pa ang gawin nila sa akin, o baka pagtulungan pa nila akong bugbugin. Makagawa pa ako ng ikapag-alala ni dad.” Hinga niyang malalim, matapos niyang magsalita ng walang tigil.             “Iyon din talaga ang nasa isipan ko palagi. Kaya kung gusto ko mang makipagkaibigan, ayaw ko sa mga may kailangan lang. Gusto ko iyong totoo talaga.” Dagdag pa ni Ave.             Nakikinig lang ako sa kanilang mga pasaring. Dahil pati ako ay ganoon din naman ang gusto.             “That’s why, I found new home with you, guys.” May pagkamaarteng angil ni Hamina.             “Mabuti naman at hindi ka nag-japanese.” Tukso ko sa kanya.             “Bakit? Gusto mo?” sabay naming tinakpan ni Aztar ang bibig ni Hamina. At sina Kith naman saka Ave ay tawa lang nang tawa.             Napawi ang aming tawanan nang biglang nawala ang liwanag na nanggagaling sa sinag ng araw. Napalitan ito ng makulimlim na kalangitan. Muli kaming bumalik sa kubo. Tinakbo namin ang pagitan ng lawa hanggang kubo. Sakto namang bumuhos ang malakas na ulan.             Pumasok kami sa kubo. Nang may liwanag na lumitaw sa kung saan nagbukas ang lagusan. Nagsitakip kami ng aming mga bibig nang makita namin ang mga elementong nagsisulputan dito. Saan ba sila nanggaling? Tanong ko sa aking isipan. Hindi kaya nanggugulo sila sa mundo ng mga tao?             “Sin--.”             “Sshh…” saway ko kay Hamina. Nang balak nitong magtanong. Baka kasi may makarinig sa amin, lalo na at baka mapansing may nakatukod na kubo rito. Panay lang ang masid namin sa paligid. Nang may isang nakapulang isang diwata na may kulay putting buhok. Diwata ba iyon? Maganda ito. Pero ‘di ba ang diwata puti ang suot? Bakit sa kanya pula? Hindi kaya isa siyang mangkukulam? Siya nga kaya si Lucinda? Pero akala ko ba matanda na ito? Bopols ka talaga, Deeve! Siyempre! Magiging ganoon kaganda ang isang mangkukulam kung nasa kanyang kaharian na siya uuwi.             Senyas lang ang ginagawa namin, takot kaming baka may maagaw kaming mga mata. At puntahan pa kami sa banda kung nasaan kami ngayon. Lalo na at wala pa kaming alam na mga bago naming mahika. At saka iyong natuklasan ko’y hindi ko pa naman gamay kung paano ko ulit iyon mapapalabas.             Ilang saglit lang, may sumunod pang lumabas sa lagusan, may dala silang mga bihag. Nalaman naming mga bihag dahil sa mga suot nitong umiporme ng El Federico Academy. Puno na ng pagtataka ang aking utak. Bakit sa lahat ng dudukuting mga estudyante, sa El Federico pa? Parang may mali yata.             “Melly? Dina?” anas ni Aztar.             “Adonis?” pahabol din na bulong ni Kith.             “Sshh…” saway ko ulit sa kanila.             Kita ko ang pagkuyom ng kamao ni Aztar. Naalala ko ang mga pangalang kanyang binanggit. Mukhang ang mga kaibigang kaninang pinag-uuusapan namin ang ilan sa mga nadukot. Sh*t!             Nawala na lang bigla ang mga ito nang may kung anong sinaboy na buhangin ang nakapulang damit na mangkukulam.             Tahimik na ang buong paligid. Kaya nagpasya na kaming lumabas sa kubo matapos kaming nakabalik sa aming mahabang pagkatulala. Paano ba naman kasi, ngayon, nakita namin ang sinasabing si Lucinda. Ang maaari naming makalalaban sa aming misyon. May laban kaya kami?             “Walang hiyang mangkukulam na iyon! Pati mga kaibigan ko, nasali pa sa mga dinala at dinukot. Ano ba ang balak niyang gawin sa mga ito?” walang nagawa si Aztar, kung ‘di ang magsisigaw at suntok-suntokin ang hangin.             “Kumalma ka lang muna, Aztar. Gagawin natin ang lahat para mailigtas natin sila.” Pagpapakalma namin sa kanya ni Ave.             Pati si Kith ay kapansin-pansin na rin ang pananahimik. Naalala kong may nabanggit din pala siyang pangalan kanina.             “Kith, sino si Adonis?” naunahan ako ni Hamina na tanungin si Kith.             “Siya ang lalaki na kinukwento ko sa inyong family friend ng pamilya namin.”             “So, he’s the guy who makes bastos you?” seryoso na akong nakikinig kay Hamina nang umiiral na naman ang kanyang pagka-conyo.             “Yeah.”                       Pinapakalma lang sila ng iilan naming mga kasama. Nang biglang nagsalita si Eon.             “Mga kaibigan.” Napatingin naman kami sa gawi niya. Saka kaagad na nagsilapitan.             “Buong araw akong abala sa pakikipag-usap sa aming tagapangalaga. Pasensya na kayo at hindi ko man kayo nabantayan. Kumusta kayo rito?” ang ibig niya bajng sabihin, hindi niya kanina nakita ang mga pangyayari? Saka iyong muntikan na naming pagkapahamak kahapon, hindi niya rin nasaksihan iyon? Kaya pala hindi niya kami pinatawag at nagtanong sa kung ano ang nangyari.             Mukhang wala namang balak silang magsalita patungkol kagabi, Pero ang nangyari kanina, si Aztar na mismo ang nagbukas ng usapin.             “Eon, kanina lang, nagbukas ulit ang lagusan. At nakita namin si Lucinda, na may mga dala na namang mga tauhang may dalang mga estudyante sa El Federico Academy. Bakit ba sa dinami-rami ng paaralan, sa Academy pa namin sila nangunguha? Anong mayroon?” seryosong turan ni Aztar.             Iyon din kanina ang bumabagabag sa akin.             “Ang buong katotohanan diyan, si Lucinda ang may-ari ng El Federico Academy. At ipinatayo niya ang akademya, dahil sa gusto niyang makita ang kanyang pinsan na isa ring mangkukulam. Mabait na mangkukulam. Nakuwento ko na sa inyo ito noon. Na may pinsan siyang laging kontra sa kanyang mga kilos. At ang tagapangalaga namin, ang pinsan ni Lucinda. Ang isa rin sa dahilan kung bakit ipinatayo niya ang paaralan, ay para mandukot ng mga estudyanteng walang mga puso, laging nang-aapi. Saka ginagawa niya itong mga alipin.” Kaya pala, kaya pala nawala na lang bigla sina Mikel at ang mga kaibigan nitong laging bumu-bully sa akin. Saka iyong mga nang-api rin sa apat kong mga kasama ngayon.             “Pero, Eon. Bakit may mga nasasaling mga inosenteng mga estudyante? May mga iilan doon na kilala namin, at mga mababait sila. Bakit?” dagdag pa ni Aztar.             “Para magpakita ang pinsan ni Lucinda, at ililigtas nito ang mga estudyante. Pero lingid sa kanyang kaalaman na mayroong itinipong mga estudyante ang aming tagapangalaga. At kayong lima iyon.” Dagdag kaalaman pa ni Eon.             “Teka, Eon. Kailan ba namin makikilala ang tagapangalaga ninyo? At nais din namin siyang makilala.” Ani Ave.             “Sa takdang panahon. Sa ngayon, may habilin siyang mensahe para sa inyong lima.” May kung anong nagliwanag na sa mga dahon ni Eon, nagsilabasan ang mga alitaptap at may nagsimulang nagsalitang boses babae na sa tingin ko ay nasa mga mid-thirties ang gulang.             Una sa lahat, nais kong humingi ng dispensa, sa ginawa kong pagdadala sa inyo sa lugar na ito. Na wala man lang kayong alam kung saan, o paano kayo napunta rito. Pero nais ko lang ipaabot sa inyo na lahat ng bagay na nangyayari sa inyo ngayon ay may kaakibat na rason. Kayo ang kinikilalang mahihinang nilalang sa mundo ng mga tao, lalo na sa paaralan ng El Federico. Lihim kong sinusubaybayan ang inyong mga buhay sa bawat araw na nagdaan. Kaya kayo ang napili kong maging parte ng misyon na ito. Nais ko lang din makatulong sa inyo. Na ang inyong mga kinatatakutang bagay, ay maaari niyo nang malabanan. Sa mga bagay na noon ay naduduwag kayong harapin ang mga iyon. Sa misyong ito, huwag kayong mag-alala, dahil nandito lang naman ako kasama ninyo. Ako ang magsisilbing mga mata ninyo, sa kung ano mang kapahamakang mangyayari sa inyo. Naniniwala ako sa inyong mga kakayahan, aking mga tagapagligtas.             Kasabay ng pagtatapos ng mensahe, ang unti-unting pagbalik ng lahat sa rati. Nawala na ang mga alitaptap na nagbigay ng liwanag.             “Sanay magsilbing lakas ninyo ang maikling mensahe ng tagapangalaga, malaki ang tiwala niya sa inyong kakayahan, kaya kayo ang napili niyang gumawa ng misyon. Ako ma’y may tiwala rin sa inyong lima. Kaya bukas na bukas din, magsisimula na tayo sa ating pag-eensayo.”             “Pag-eensayo?” sabay-sabay naming bungad.             “Oo.” Iyon ang huling mga kataga na sinabi sa amin ni Eon.             Kami ay walang imikan, iniisip ang mga bagay-bagay na aming kailangang timbangin. Hindi madali sa amin, pero kailangan naming harapin ang mga takot namin. Lalo na ako, alam kong takot ako sa maraming bagay. Pero kagaya nga ng sabi ng tagapangalaga, kailangan naming maging malakas, upang magawa namin an gaming misyon. May tiwala ang sila sa amin, kaya hinding-hindi namin iyon sisirain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD