Kabanata 26

2160 Words
Kabanata 26             “Kumusta ang tulog ninyo? Nakapagpahinga ba kayo ng maayos?” bungad sa amin ni Eon. Nang kompleto na kami ngayong nakaupo sa harap ng lilim ng kanyang mga sanga.             “Hindi naman lingid sa inyong kaalaman na ngayon ang simula ng ating pagsasanay, ‘di ba?” sabay-sabay naman naming tango.             “Mabuti kung ganoon. Pero hindi niyo ba tatanungin kung sino ang tutulong sa inyo sa pagsasanay natin ngayon?” iling-iling na tugon namin.             “Teka nga pala muna, bakit puro lang kayo tango at iling ngayong umaga. Hindi ba maganda ang pakiramdam niyo?” iling ulit namin.             Napabuntonghininga naman si Eon. Nagtinginan kaming lima, nang hindi namin mapigilang hindi tugunin si Eon.             “Kasi naman, Kaibigan. Sineseryoso namin ang gagawin nating pagsasanay ngayon, kaya kung ano man ang sasabihin mo, iyon lang din ang susundin namin. At isa pa, wala kaming problema sa kung sino man ang magtuturo namin sa pakikipaglaban. Ang mahalaga ay ang matututo kami sa kanya.” Mahabang pasaring ko. Nakabibinging katahimikan ang sumakop sa amin.             Nang nagsipalakpakan naman sila. Mga ewan talaga ang mga ‘to.             “Tama si Deeve, Eon. Kaya ipakilala mo na kami sa kung sino man iyang magtuturo sa amin.” Dagdag pa ni Aztar.             “Oh, sige. Pero bago iyon, takpan niyo muna ang inyong mga mata,”             “May paganito pa talaga?”             “Siyempre naman, para masorpresa kayo kapag nakita niyo siya na iba ang anyo.” Sa sinabing iyon ni Eon, mukhang na-excite tuloy akong malaman kung sino ito. Ibig sabihin, anyong tao siya. Kaya hindi imposibleng lalaki rin ito.             “Magbibilang ako ng lima hanggang isa. Kapag narinig niyo na ang isa, maaari niyo nang hawiin ang mga kamay na nakatakip sa inyong mga paningin. Nakuha ba?”             “Opo!” galak na sigaw naming lima.             Nag-unahan na kami ngayong magtakip ng aming mga mata. Wala sa amin ang nagtangkang manilip. Gusto ko man iyong gawin, baka masira ang excitement ko. Mas mainam na ganito.             Nagsimula nang magbilang si Eon. Ramdam namin na may maliwanag na bagay sa paligid, dahil sa nailawan ang mga mata namin sa liwanag na pumasok sa mga siwang ng aming mga kamay.             “Dalawa!”             Mabagal ang bilang ni Eon, hanggang sa---.             “Isa!”             Sabay-sabay naming baba ng aming mga kamay na nakatakip sa aming mga mata, hindi namin malinaw na makita ang paligid, dahil nga sa madilim ang paningin nang takpan namin an gaming mga mata. Hanggang sa unti-unti na itong bumabalik sa kanyang malinaw na paningin.             “Bulaga!” panggugulat sa amin ng isang lalaki na may suot na hindi ko alam kung paano ko mailalarawan, kasi nga mukha siyang mangangaso sa kanyang suot, may baril pa ito sa kanyang likod. At sa kanyang ulo naman, may nakapatong na sombrero. Ang kanyang pampaa naman ay sapatos na pangangabayo.             Sino ba nga siya?             “Ikinagagalak po naming makilala ang tagapagsanay namin ngayon, at saka maligayang pagdating.” Mainit kong pagbati. Tinignan ko ang iba nang wala naman silang ginawa kung ‘di ang tumayo. Laglag panga sila na nakatingin lang ng diretso. Ano ba ang nangyayari sa mga ito?             “Hoy, guys. Anong nangyari sa inyo? Saka saan ba kayo nakatingin? Nandito lang ang bisita, oh.” Turo ko sa panauhin.             Tinignan ko ang kanilang tinititigan. Pero wala talaga akong makita---Teka, nasaan ang puno ng buhay? Nasaan si Eon?             “Aztar, nawawala si Eon.” Nagsisimula na nga akong makaramdam ng kaba. Hindi mawari kung ano ang aking gagawin. Kasi nga nakatulala lang naman ang mga kasamahan ko.             “Kumalma ka lang, kaibigan.” Tapik sa akin ng panauhin sa balikat.             “Hindi mo kasi ako naiintindihan, nawawala ang kaibigan naming puno. Turan ko, hindi na alintana na iniwanan ko ang bisita.             “Eon! Eon!” tawag ko sa kaibigan.             Habang ako ay aligaga rito kahahanap sa kaibigan, napansin kong may mga masasayang nag-uusap sa banda namin kanina.             Ayon nga at nasaksihan kong masaya pa silang nagtatawanan na nag-uusap kasama ang panauhin. Paano nila naaatim na baliwalain ang kaibigan namin, ngayong nawawala ito. Tapos nandito lang sila at masayang nakikipagtsikahan sa bisita.             “Guys, hindi niyo ba hahanapin si Eon? Ano ba kayo!” maktol ko na sa kanila. Babalik na sana ako sa kaninang aking hinahanapan, nang hilahin ako sa aking damit.             “Kumalma ka nga, halika rito at magsisimula na tayo sa ating gagawing pagsasanay.” Ani Aztar.             “Paano nga ako kakalma kung nawawala si Eon.” Nabitiwan ni Aztar ang hawak niya sa aking damit, nang sa akin na sila nakatitig. Ilang sandali lang ay sabay-sabay pa silang nagtatawanan. Anong nakatatawa sa sinabi ko? Si Eon ang pinag-uusapan namin dito. At importante si Eon sa akin, sa amin.             “Kaya nga kumalma ka, hindi naman nawawala si Eon, eh.” ani Hamina.             “Anong hindi nawawala, may nakikita ba kayong puno na nakatayo riyan sa rating tinatayuan ni Eon, huh?” iling-iling pa nila.             “Oh, wala. Tapos papakalmahin ninyo ako.”             Sabay ulit silang napakamot ng kanilang ulo.             “Pakipaliwanag nga kay Deeve ang pangyayari, mukhang hindi niya talaga nakuha ang nais nating sabihin.” Lukot-mukha kong pasaring sa kanila.             Unti-unting lumapit ang panauhin sa gawi ko, habang papalapit ito, may kung anong tumutubong maliliit na sanga at dahon sa kanyang tainga. Pati ang kanyang buhok ay naging berde at naging dahon. Ang balat nito’y mistulang puno ng kahoy. Nagpapasikat ba sa akin ang lalaking ito?             “Anong ginagawa mo?” singhal nilang sabay, nagsipag-upo sa lupa.             “Nag-anyong tao lang ako, kaibigan. Hindi mo na agad ako nakilala.” Nagsitayuan na an gaming mga kasamahan, saka lapit sa aming pwesto.             “I-Ikaw si Eon? P-Paano? P-Paanong naging anyong tao ka?” ‘di makapaniwala kong turan. Kasi naman, wala sa isipan kong si Eon na puno na kaibigan namin, ay siya pa lang maging tagapagsanay namin.             Niyakap ko siya ng mahigpit. Sa sobrang higpit ay maliit na boses na ang kanyang naiusal.             “Hindi ako makahinga, Kaibigan.”             Agaran ko siyang binitiwan. “Pasensya na, Eon. Nagagalak lang akong makita kang ganiyan. Saka may hitsura ka pala kung naging tao ka.”             “Tama, tama si Deeve, Eon. Ang pogi mo. Para kang isa sa anime character sa pinapanood ko. Napaka-charming.” Namumula pa ang mga pisngi ni Hamina na usal niya.             “Pagpasensyahan mo na ang pagka-slow nitong si Deeve, Eon. Saka itong si Hamina rin, kinain na kasi ng tuluyan ng anime ang sistema nito.” Si Ave naman ngayon ang nagsalita. Sa likod nitong si Kith ay napakatahimik. Kaya pala tahimik dahil sa kanina pa pala namumuso ang mga mata nito katitingin kay Eon.             Ano ba ang nangyayari sa mga babaeng ito. Nagtabi pa ang dalawa, panay lang ang titig ang ginawa. Si Eon naman natatawa na lang sa aming lima.             “Ang mabuti pa, magsimula na lang tayo sa ating pagsasanay, para mataas ang oras natin.” Buti na lang dahil sa sinabi ni Aztar, bumalik sa ayos ang dalawa. At hindi na rin naglalaway katitingin kay Eon.             …             “Warm up pa nga lang, pero napapagod na ako. Paano pa kaya kung magsisimula na tayo sa unang pagsasanay natin.” Ani Ave.             “Huwag kayong mag-aalala, sabi sa akin ng tagapangalaga, na hindi na muna kayo magsasanay sa ngayon, ang gagawin niyo lang muna sa araw na ito ay ang mga basic na warm up. Katulad ng pagpapagapang ko sa inyo sa lupa. Pag-eehersisyo. Pagpapatakbo ko sa inyo sa buong paligid. At push-ups.” Ngarag na ang mga kalamnan namin, nang napaupo na kaming lahat.             “Sige magpahinga na muna kayo ng ilang minuto.”             “Yes!” sabay naming sigaw.             “Grabe ‘no? Sa totoo lang, hindi ako sumasali ng mga activities sa Academy. Kasi nga may pagkalampa kasi ako.” Amin ni Ave.             “Hindi ka naman nag-iisa, Ave. Pati rin naman ako.” Nahihiya kong pag-amin.             Dati kasi sinubukan kong sumali sa mga ganoong mga aktibidad, nang pasadya akong pinatid ng isa sa mga kasamahan ni Mikel. Kaya ako natumba at namudmod ang katawan sa lupa. Tawanan ang natamo ko, kaya simula no’n nahihiya na akong sumali.             “Ang importante, magkasama tayo ngayon, para masanay natin ang ating lakas, saka sama-sama nating haharapin ang mga takot natin sa buhay. Kung duwag tayo rati, dito natin sasanayin ang sariling maging malakas sa kahit ano mang pang-aapi.” Nabuhayan ang dugo ko sa sinabi ni Aztar. Tama siya. May punto ang lahat ng mga sinabi niya. Kahit papaano, kasama ko sila, at alam kong hindi ako nag-iisa.             “Tayo na! Tapos na ang oras niyong magpahinga.”             “Ang bilis naman, Eon.” Maktol pa ni Hamina.             “Kailangan nating sulitin ang oras, kasi kapag matagal naipapahinga ang mga katawan niyo galing sa warm-up. Babalik iyan sa rati. Saka mahihirapan na kayong gumalaw.” Kaagad na nagsitayuan ang lahat. Halatang nadala sa sinabi ni Eon. Totoo naman kasi ang sinabi ni Eon.             “Simulan natin ang warm-up, gaya ng sinabi ko kanina, patatakbuhin ko kayo paikot-ikot dito. Hanggang sa sinabi kong huminto kayo. Nakuha ba?”             “Opo!”             “Sige, simulan na!”             Isang ikot na ang nagagawa namin, para lang kaming nag-jo-jogging na paikot-ikot. Samantalang si Hamina at Kith ay panay pa rin talaga pagpapa-cute kay Eon kapag napapadaan sila sa gawi nito. Mga babae nga naman talaga.             “Ang bilis mo naman yatang tumakbo. Hindi ka pa ba hinihingal? Katabi ko na ngayon si Aztar, pansin ko rin na nasa likod rin namin si Ave.             “Hindi pa naman, ilang ikot pa lang ba natin?” tanong ko habang tumatakbo.             “Pangatlo pa namin, pero ikaw, mga lima na yata.” Napanganga ako sa sinabi ni Ave.             “Palabiro ka naman pala, Ave.”             “Totoo ang sinabi ni Ave, Deeve. Mukhang isa rin sa kakayahan mo ang tumakbo ng mabilis.” Ani Aztar. Pero hindi ko talaga ramdam na tumatakbo ako kanina, para nga lang akong naglalakad-takbo, eh. Sinasabayan ko lang ang iba.             “Sige mauna na ako, Deeve, baka may matuklasan akong kakayahan kapag ginagawa ko ang warm up.” Tinanguan ko lang siya, at pati si Ave ay sumunod na rin.             Napapaisip ako sa kanilang mga sinabi. Totoo ba? Talaga bang ang bilis kong tumakbo? Masubukan nga.             Huminga ako ng malalim at sinimulan na ngang ihakbang ang aking mga paa nang kahahakbang ko pa nga lang ay sumigaw na kaagad si Eon ng huminto na.             Todo pigil ako sa aking mga paa, umuusok na ito dahil sa pagpapatigil ko sa aking mga paa. Nang muntikan ko pang mabangga si Kith.             “Kith, tabi!” buong lakas kong sigaw sa kaibigan, mabuti na lang at nailagan niya ako, nabigla ako nan gang bilis niyang makailag, kaunti na lang kasi ang distansya ko sa kanya nang parang nawala siya bigla at nag-teleport na lang ng basta-basta.             Natigil ko na ang mga paa ko, kaagad kong nilapitan si Kith na ngayon ay tulala pa rin.             “Paano mo nagawa iyon?” iling-iling niya.             “Nakita mo rin ba?”             “Oo, kaya nga nandito ako. May nasanay ka na sa iyong katawan kung ganoon, o baka mabilis lang talaga ang isip mong mag-isip at naiwasan mo kaagad ako.” Tinapik ko siya sa balikat.             “Pagbutihin pa natin.” Pagpapalakas ko sa kanya ng loob. At para maniwala na rin siya na nagawa niya iyon. Kasi nga ganoon din ang reaksiyon ko nang unang beses na may lumabas na yelo sa kamay ko. Pati iyong sinabi kanina ni Aztar at Ave sa akin, na ang bilis ko raw tumakbo. Samantalang sila ay nakapangatlo pa ng ikot.             “Kitang-kita ko kung sino-sino na sa inyo ang nakapagpapalabas ng kani-kanilang mga kakayahan, ang totoo niyan, hindi pa iyan ang mga totoo niyong abilidad, iyan lang ang mga basic na nasasanay natin ngayon dahil sa salitang warm up. Nagpapainit pa lang tayo ng katawan natin, bali pinupukaw pa natin ang mga natutulog niyong mga kaugatan, pinapakulo pa natin ang inyong mga dugo. Huwag mag-alala sa mga hindi pa alam kung paano gawin ang pag-teleport, at ang tumakbo ng mabilis, dahil iba-iba kayo ng katawan, at paraan para maipalalabas ninyo ang mga basic na kakayahan. Matututunan niyo rin ang mga iyan, at isa pa, sa pagsasanay pa natin malalaman ang inyong mga totoong kapangyarihan." Nagliwanag naman ang kanilang mga mukha.             Ngayon, naiintindihan ko na, ang mga nangyayari sa amin ngayong araw ni Kith ay magagawa rin ng iba sa amin. Mabuti naman kung ganoon, para hindi kami mahirapang tumakbo o iwasan ang mga kalaban, kaming lahat ay may angking kakayahan, na-e-excite na tuloy ako sa susunod na matutuklasan naming kakayahan, sa susunod naming gagawin na warm up.             Kahit papaano, gumaan ang aking pakiramdam, dahil sa ginagawa naming pagsasanay. Kung may tiwala ang tagapangalaga sa amin, dapat magkaroon din kami ng tiwala sa aming mga sariling kakayahan, dahil hindi namin makakaya, kung iisipin naming hindi namin kaya. Kaya laban lang!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD