Kabanata 27

2190 Words
Kabanata 27 “Mga kaibigan, magsilapit kayo rito.” Dali-dali kaming lumapit kay Eon, nang tinawag niya kaming lima. Pansin namin ang dala niyang nakalukot na papel. “Ngayong araw na magsisimula an gating pagsasanay. At kailangan nating pumunta sa ibang lokasyon, kung saan ay roon natin mahahasa ang inyong galing. Pero siyempre, bago ang lahat. Kailangan niyo munang magpalit ng inyong mga kasuotan.” “Eon, paano iyon? Wala naman kaming dalang damit nang napunta kami rito?” angil ni Kith. “Oo nga naman, kaibigan.” Pasaring namang dagdag ni Ave. Habang ako, sina Hamina at Aztar ay mataman lang na nakikinig sa iba pang sasabihin ni Eon, wala na naman kasi kaming tanong, kasi naitanong na nang dalawa. “Huwag kayong mag-alala, ako ang bahala sa inyo.” Umiikot ng mabilis si Eon. Halos mahilo na nga kami sa kanyang pag-ikot, nang sa paghinto naman niya ay may bitbit na siyang mga kasuotan na ipapasuot siguro niya sa aming lima. “Tada! Ito na ang inyong mga kasuotan, ilalagay ko lang itong mga damit niyo rito, at kayo na ang bahalang kumuha. May mga pangalang nakalagay naman sa bandang dibdib. Kaya madali niyo lang mahahanap ang inyong mga isusuot. “Sa wakas! Makapagbihis na rin kami.” Ang totoo kasi niyan, ilang araw na kaming hindi nakapagbihis, ang tanging saplot lang na suot namin ay ang mga suot namin nang dumating kami rito. Kapag naliligo kami, ay nilalabhan lang din namin kaagad. Kapag natuyo na. Isinusuot namin ulit. Gayundin sa mga babae. At siyempre, nangunguha ang mga babae ng mga malalaking dahon para iyon ang gawing pantakip sa kanilang mga katawan. Katulad na lang nang naligo kami sa may lawa, mga suot lang namin no’n ay mga undergarments namin. “Wow! Ang ganda naman nito, Eon!” bulalas na sigaw ni Hamina. “Ang astig rin ng sa akin. Ito na baa ng susuotin namin sa misyon, Eon?” “Hindi pa, iyan lang ang susuotin niyo sa pagsasanay natin. Iba ang isusuot niyo sa darating na misyon.” “Yes!” Sobrang saya ko sa nakuhang mga damit. Simple lang ito, pero kahit papaano ay hindi na uniporme. Parang ako lang din ang kasuotang hindi pinag-isipan. Pero mas okay lang din naman ito, isang kulay gray na hooded jacket ang nakuha kong pang-itaas at isang jogger pants na itim naman ang pang-ibaba. Samantalang sila, ang kay Hamina, isang damit na parang pang ninja. Fitted black suit. May gloves pa siyang suot. Kay Kith naman, hindi rin nalalayo sa una niyang suot, ang pinagkaiba lang, hindi na siya masiyadong balot na balot. Naka-short lang siya na hanggang tuhod, saka iyong kasuotan na yari sa balat ng oso. May gloves din siya na ganoon din ang kulay. Kay Aztar naman ay pang-sundalo pa rin ang damitan, pero parang pang type B lang, kasi pang-army pants lang saka t-shirt ang suot niya, wala siyang dalang armas. Si Ave naman ang suot niya ay naka-white polo na pinaibabawan ng sleeveless tuxedo na kulay abo. Saka may suot pa ring salamin sa mata at daladalang libro. “At dahil sa tingin ko’y tapos na kayong magbihis, handa na ba kayong simulan an gating pagsasanay?” Nagtaas naman ako ng kamay. “Teka lang, Eon. Akala ko ba sa ibang lugar tayo magsasanay?” “Oo nga, tinatanong ko lang naman muna kung handa na kayo.” Walang paligoy-ligoy naman kaming sumigaw. “Handa na!” Pinaikot lang ni Eon ang kanyang kamay, at kaagad na nag-iba ang hitsura ng paligid. Napanganga na lang kaming lahat sa aming mga nakikita. Para kaming nasa isang napakalawak na patag. Na napapalibutan pa rin ng mga kahoy. Ang pinagkaiba lang sa rati naming lugar. Ay ang mga nakikita naming mga ibang nilalang. “E-Eon, s-sigurado ka ba talagang dito tayo magsasanay?” ngumisi naman si Eon. “Oo, Hamina, bakit?” nagtago sa likod ni Eon si Hamina. Kahit kailan talaga, tsansing pa rin, sumunod na pati si Kith. Kaya nagpasya na lang akong lumapit sa dalawang mga lalaking panay lang ang suri sa paligid. “Anong masasabi niyo sa lokasyon?” “Nakapapanibago, kanina lang kasi nandoon tayo sa nakasanayan nating lugar. Tapos ngayon naman, biglang sa isang pitik lang ng kamay ni Eon. Nandito na tayo rito. Saka ang nakagagalak din, may nakikita na tayong mga bago sa paningin natin.” Mahabang pahayag ni Aztar. “Tama, saka maganda naman dito, malawak. Mukhang patatakbuhin siguro ulit tayo ni Eon dito.” Ani Ave. Binubusog ko ang aking mga mata sa bawat bagay na nakikita, may mga hayop na ritong mga gala, katulad ng mga kuneho, ibon, saka may mga paru-paru rin. At iba pa. Wala namang mga ligaw na hayop. “Sa nakikita niyo ngayon, ito ay sakop pa rin ng Timog. Ang totoo niyan, hindi naman talaga tayo lumabas sa mismong lokasyon, iniba lang natin ang hitsura ng paligid. Sa makatuwid, kung saan tayo kanina nakatayo, ay naroon pa rin tayo. Naiintindihan niyo baa ng nais kong sabihin?” napalingon ako sa iba, na mukhang hindi nakuha ang nais sabihin ni Eon. “Ang pagsasanay natin ngayon, ay ang pagsukat kung gaano katalas ang inyong memorya. Kung gaano ninyo napamilyar ang lugar kung saan kayo nasanay. Kailangan niyong alalahanin ang mga bagay kung saan nakalagay ang inyong ginawang kubo, at iyong lawa na sinasabi ninyo, saka ang tinayuan ko noon.” Ngayon, nakuha na namin ang ibig sabihin ni Eon. Kaya nagtipon na kaming lima, para mag-usap-usap sana patungkol sa mga bagay-bagay. Nang pigilan kami ni Eon. “Teka lang, nakalimutan kong sabihin sa inyo. Ang grading ng pagsasanay natin ay individual. Kaya ang mauunang sasabak sa pagsasanay ay si Deeve. Siya ang mauuna dahil siya naman ang naunang dumating sa inyo ‘di ba? Wala namang masama roon, ano?” nag-approve sign naman silang apat. Kinakabahan ako, hinawakan lang nila ang kamay ko ng mahigpit. Pero siyempre, para fair ang lahat. Kailangan ding piringan ng apat. Ako lang ang hindi pipiringan at sa susunod na sasalang. Malakas ang t***k ng aking dibdib. Unang beses na sasalang sa ganitong klase ng pagsubok. At sana magawa koi to ng tama. Tiwala naman ako sa sarili kong madali kong naaalala ang mga bagay-bagay na aking nakikita. Dahil nga sa isa akong manunulat, ugali ko na talagang memoryahin ang mga tauhan at mga lokasyon sa aking kwentong isinusulat. “Handa ka na ba, Deeve?” “Handa na.” pinagdampi ko ang dalawang palad, para kalmahin ang sarili. “Simulan mo nang lagyan ng mga ekis ang parte kung saan nakapwesto ang mga mabubunot mong mga nakasulat sa papel. Malinawag ba? Andoon ang isang lagayan ng mga pinaglukot-lukot na papel. Nakasulat sa bawat piraso ng papel ang mga kailangan mong ekisan, paramihan kayo ng makukuhang tama. Kasi kung sino ang makakukuha ng tama, ay katumbas nito ang malaman ang isa sa kanilang mga kapangyarihan.” Malakas ang boses ni Eon, kaya alam kung rinig din ng iba ang mga pinagsasabi ng kaibigan. “Maliwanag.” Maikling sagot ko. “Simulan na.” iyon na ang hinihintay kong signal kay Eon. Kaya kaagad akong nagpunta sa lalagayan ng mga papel, kailangang bilisan ko ang aking kilos, kasi nga may nakalagay na malaking hourglass. Mabilisan na nga ang kilos ko. Pikit-mata kong inaalala ang bawat mga makukuha kong mga nakasulat sa papel. Mabuti na lang at naalala ko ang halos lahat ng mga bagay na nakukuha ko, nang iisang papel na lang ang natitira. Nahihirapan akong alalahanin kung saan ito nakalagay, kasi nga nalito ako, kung saan ba nakapwesto, nakaramdam tuloy ako ng pagdadalawang-isip sa huling minuto ng pagdedesisyon ko. Kasi naman, bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa ako nalito sa kung saan nakalagay ang portal, ang lagusan kung saan kami dumaan papunta sa lugar na ito. Wala na akong nagawa, sinunod ko na lang talaga kung paano ko nakikita sa isipan ko ang pagkakaayos ng lahat. “Itaas ang kamay. Ubos na ang iyong oras. Deeve.” Kaagad na sigaw ni Eon. Nagtaas na nga ako ng kamay. At umupo na ako sa bakanteng upuan kanina. Sana tama ang mga nakuha kong posisyon. Saka pa kasi malalaman kung tama ba ang mga nakuhang puntos, kung tapos na ang lahat. Mas lalo pa tuloy akong kinabahan dahil sa kanyang anunsiyo. Kasunod na ngang tinanggalan ng piring si Aztar. Tinapik ko ang kanyang likod para mawala ang kanyang kaba. Tinanguan lang niya ako. Akala ko kanina ay makikita ko ang gagawing pagsasanay ni Aztar, piniringan din kasi ako ni Eon. Kaya hindi ko na rin nakikita ang kanyang mga ginagawa. Nakikinig na lang ako sa mga kaluskos ng kanyang mga paa. Mabilisan ding tumatakbo pabalik-balik siguro si Aztar, binabase ko lang din naman sa mga naririnig ko sa paligid. Nang natapos na rin sa wakas si Aztar. Hanggang sa sumunod na rin ang iba pa naming kasamahan. Naghintay na lang talaga ako na matapos na ang lahat, para malaman na namin kung ilang puntos ba ang aming nakuha. … “At ngayon, nakita ko ang inyong mga kakayahan at dedikasyon na matapos ang inyong unang pagsasanay. Ang hinuhubog sa pagsasanay nating ito ay ang masukat kung gaano katalas ang inyong memorya. Kung gaano ninyo kakilala ang mga nakikita ninyo sa inyong paligid. Hindi lang ninyo pinagsawalang bahala ang mga bagay na inyong nakikita.” May kinuha muna siya sa kanyang bulsa. Isa itong itim na bagay na parang may pagkahalintulad sa remote control ng TV na ginagamit ng mga tao kapag nanood ng palabas. “Hawak ko ngayon ang isang bagay kung saan ay sa pamamagitan nito, malalaman natin ang pangyayari kanina, kung ano-ano nga ba ang inyong ginagawa kanina.” “Ang techy mo yata, Eon.” Tukso pa ni Hamina. “Hindi naman, sa katunayan niyan, hindi naman ito ang dapat kong gamitin, dahil pwede namang sa isang hampas ko lang ng aking kamay ay maibabalik na ang pangyayari kanina. Pero dahil gusto nating parang nanonood tayo ng palabas sa isang malaking screen. Kaya gagawin ko na lang ito.” May pinindot siya kaya biglang nagliwanag sa harapan namin, parang malaking parihabang screen ngayon ang aming nakikita. “Una nating mapapanood ay si Deeve.” Kitang-kita ko kung paano ko nalalagyan ng ekis ang sa tingin ko’y mga tamang posisyon ng mga nakukuha kong nakasulat sa papel. Todo daop na talaga ako ng aking mga palad, sabayan ng pagdarasal. Kasi nga iniisip ko talaga kung ano pa ang mga natatangi kong kakayahang mayroon ako sa lugar na ito. Kung ang paglalabas ba ng yelo ay isa sa mga kakayahan ko o ano. Ilang saglit lang din ay natapos na ang oras ng aking pagsasanay. Kaya ngayon, inihanda ko na ang aking sarili para malaman kung ano-ano ang nakukuha kong tamang puntos. “Lawa, tama.” “Kubo, tama.” “Palikuran na ginawa rin ninyo. Tama.” “Ang tanging lagusan papasok ng kagubatan. Tama.” “Kung saan ako nakapwesto, noong puno pa ako. Tama rin.” “Ang mga matalahib na damo. Na may mga maraming alitaptap. Mali ka rito. Nasa unahan pa iyon, Deeve.” “Oo nga pala, hindi ko kasi iyon napupuntahan masiyado.” “Oo nga, pansin ko rin ‘yan. Pero sa huli naman, nakuha mo ang tamang pwesto kung saan ang lagusan papasok at palabas ng mundong ito. Kahit na kitang-kita ko kanina kung gaano ka rin nahihirapan sa pagpili ay nakuha mo pa rin ang tama. May mali ka lang isa. Pero congratulations pa rin.” Pinalakpakan ako nilang lima. Kaya nahiya ako ng bahagya. Sunod naman ang iba, mukhang pare-pareho lang kaming nakuhang mga mali, saka mga tama. Kaya all in all ay pantay lang kami ng puntos. “At dahil pareho lang ang inyong mga nakuhang tama at mali. Ay hindi pa ninyo malalaman ang isa sa inyong mga natatanging kapangyarihan. Baka sa susunod na pagsasanay ay magagawa niyo na iyong malaman o baka ay mapalabas niyo na ito ng wala sa oras. Sa ngayon, ang lugar na inyong nakikita ay ang bagong lokasyon na talaga natin para sa ating pagsasanay, wala na talaga tayo sa mismong lokasyon nating nauna.” Nagtatalon pa kami sa tuwa. Saka dahil sa pagsasanay ngayon. May bago na naman akong kaalaman, na may matalas pala akong memorya kahit papaano. Simula talaga nang napunta ako rito, marami-rami na rin talaga ang nabago sa akin. Hindi na ako takot sumubok ng mga bagong gawain. Saka may kung anong pwersang umiikot sa aking sistema na naghihintay lang ng tamang panahon na kumawala sa aking katawan. Baka ito na ang aming mga lakas, na sinasabi ni Eon na kailangan naming maipalabas, sa paggawa ng mga kasunod pang pagsasanay. Natutuwa akong nakatanaw sa mga kasamahan kong malalapad ang ngiti. Sa panibagong kaalaman nila na kanilang natuklasan sa kanilang sarili. Ngayon naman, iniisip ko kung ano kaya ang kasunod na pagsasanay na aming gagawin, ano kaya ang susukatin ni Eon sa amin, lakas ba? O tatag ng loob? O baka ang harapin ang kinatatakutan namin sa buhay? Paano kung iyon nga? Mahaharap ko kaya ang pagsubok na iyon? Susmaryosep!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD