Kabanata 28

2128 Words
Kabanata 28             “At dahil tapos na tayo sa ating unang pagsubok, ngayon naman ay ang susukatin natin sa pagsasanay na ito ay ang angkin ninyong lakas. May sampung basket doon na may lamang mga bunga ng puno ng buhay---na galing sa akin. Alam niyo naman iyon ‘di ba?”             “Eon, ‘di ba mabigat ang mga bunga mo? Ilang piraso ba sa loob ng isang basket?” naunahan ako ni Ave na itanong iyon kay Eon.             “Lima. Tiglilima rin bawat basket, so bali may sampung bunga sa isang basket.” Mukhang may kabigatan nga ang aming gagawing pagsubok ngayon.             “Ang gagawin niyo lang ay patagalan kayo ng pagbubuhat ng mga iyan, hanggang sa isa na lang ang matira sa inyong lima. Nakuha ba?”             “Nakuha!” buong lakas naman naming sigaw. Gagawin ko ang lahat upang malaman ko kung ano baa ng kapangyarihang mayroon ako. Ano kaya ang mailalabbas naming bagong kakayahan sa pagsubok na ito?             “Magsikuha na ng dalawang basket, saka dalhin ninyo sa magkabilang parte ng inyong mga paa. Sa pagbilang ko ng tatlo, sabay-sabay kayong bubuhatin ang dalawang basket sa magkaparehong kamay. Matira ang matibay.” Pinaling-paling ko pa ang aking leeg at batok, para sadyaing patunugin ito.             “May kanya-kanyang basket na baa ng lahat? Bago tayo magsimula, iunat-unat niyo na muna ang inyong mga kamay, saka buong katawan. Para hindi kayo mabinat.” Sinunod naman namin ang payo ni Eon.             Nagkanya-kanya na nga muna kaming unat sa buo naming katawan. Ramdam na ramdam ko pa nga ang patunog ng mga buto ko sa buong katawan.             “Isa, dalawa, ihanda na ang mga kamay sa basket. Tatlo! Buhat!” Sigaw ni Eon.             Sa unang buhat pa ay magaan pa ito, kaya pa naman, hanggang sa ilang minuto pa ang lumipas. Nakaramdam na ako ng pangangalay sa aking mga daliri. Naiipit kasi sa basket na may mga maliliit na butas dahil sa basket na yari sa anong klase ng kahoy. Pero kinakaya ko pa naman. Saka kung hindi ko kakayanin, baka ako ang maunang malalaglag sa aming lima.             Nakatingala lang ako sa ibabaw, nang nakita ko ang mga nagliliparang mga ibon. Ang ganda nilang pagmasdan, may kalayaan talaga sila sa mundo. Ang ganda rin ng langit ngayon, dahil maasul. Kaya siguro may pagkaalinsangan ang panahon. Dahil walang mga ulap ang nagbabara sa sikat ng araw.             “Tanggal na si Ave!” pag-anunsiyo ni Eon. Tinignan ko ang iba. Kanya-kanyang posisyon pa rin. Si Aztar nakapikit lang. Halatang tinitigasan ang sariling katawan. Si Hamina naman, kalmado lang ang mukha, pero namumula na ang mukha. Si Kith naman, hindi ko siya masiyadong makita dahil nasa pinakadulong bahagi lang siya. Nang si Ave naman ay nakamasid na lang sa amin habang nakaupo sa kaninang inupuan namin kanina. Namumula na ang kanyang mga kamay. Iyon siguro ang dahilan kung bakit mas pinili na lang niyang sumuko na lang.             Ibinalik ko ang sarili sa pokus. Nagtaas ulit ako ng ulo, tinitignan lang ang nasa ibabaw. Nang pansin kong mas dumadami ang mga ibong nagsisiliparan. Hindi ako nagsalita, at baka maka-distruct ako ng aking mga kasama.             “Isang oras kalahati na ang itinagal ninyong apat. Bilang pandagdag sa pagsubok, magdadagdag ako ng tig-iisang bunga sa bawat basket ninyo, sa bawat isang oras na lumipas.” Nagsimula na ngang maglagay ng tig-iisang bunga sa bawat basket namin si Eon.             Kalalagay pa nga lang ng isang basket, tuluyan nan gang bumagsak si Hamina. Hindi niya na siguro nakayanan ang bigat ang anim na basket.             “Tumabi ka na kay Ave, Hamina. Huwag mong pilitin ang katawan mong magbuhat ng mabigat kung hindi mo kaya, baka hindi para ito ang kapangyarihan mo.” Payo ni Eon.             “Magpatuloy lang kayong tatlo sa pagbubuhat. Kung hindi niyo na kaya, pwede niyo namang ibaba ang inyong mga basket at umupo na lang sa tabi nina Hamina at Ave, huwag niyong itatatak sa utak niyo na mahina kayo dahil sa hindi niyo nakayanan ang pagsubok na ito. Dahil may rason kung bakit hindi kayo nagtagal sa pagbuhat ng mabibigat na bagay.” Hindi na namin nagawang tumugon pa kay Eon, tanging nagawa na lang namin ay makinig sa kanyang mga sinasabi.             Hindi na ako nakatingala ngayon, diretso na lang ang tingin ko sa unahan. Sa masukal na kagubatan. Sobrang dilim pala sa banda roon. Inaaliw ko ang aking mga mata sa mga nakikitang mga ligaw na hayop, katulad ng mga gumagapang na mga ahas sa mga sanga ng puno. Pati ang mga naglalarong kuneho sa paligid. At ang mga nagliliparang mga paru-paru.             Sa sobrang pagkaaliw ko, hindi ko namalayang kami na lang pa lang dalawa ni Aztar ang natitira. Tinignan ko siya, nakadilat na siya ngayon at diretso na lang ang tingin sa unahan. Tuwid pa rin ang kanyang tayo.             Pero ako ay namamanhid na ang aking mga kamay, pero may pagtataka pa ako kanina pa sa aking katawan. Kahit na namamanhid na ang aking mga kamay, hindi pa rin naman sumusuko ang mga paa ko sa kanina pang pagtayo. Pero itong si Aztar ngayon, kapansin-pansin ang panginginig ng kanyang mga paa.             Naalala ko tuloy iyong sinabi nila sa akin ni Ave. Na ang bilis ko raw tumakbo. Ito siguro ang rason kung bakit hindi pa rin ako tinatablan ng pagod sa paa, kahit kanina pa kami nakatayo.             Ipinikit ko ang aking mga mata, saka hindi ko na pinapansin ang nasa paligid ko. Nang nagsalita ulit si Eon.             At dahil kayo na lang dalawa ang natira. Dadagdagan namin ng tig-iisa pang mga bunga sa bawat basket ninyo.             Wala naman sa amin ang umalma. Nakapikit pa rin ang aking mga mata, nang ramdam kong nilalagyan na nga ni Eon ang basket ko ng bunga. Mas lalo pa talagang bumibigat. Ilang kilo na kaya ito, at saka pitong bunga ng puno ng buhay ay nakaya kong buhatin. Totoo ba talaga ito?             Matira matibay, naririnig ko na ang ungol ni Aztar nang nilagyan pa ang kaniyang basket. Kahit hindi niya sabihin, pero alam na alam kong kinakaya na lang niya talaga ang buhatin ang mga basket na ito. Para rin malaman na rin niya ang kanyang kakayahan. Pero siyempre, hindi ako dapat magpadaig. Kaya nga ako sumubok, para malaman ko rin kung ano ba talaga ang mahika na mayroon ako.             “Kaya pa ba? Kung hindi na ninyo kaya, huwag niyo nang pilitin. Baka hindi niyo na magawa ang kasunod na pagsubok kung sa pagsasanay nating ito ay ibinuhos niyo na lahat ang inyong lakas.” May punto si Eon.             Nakapagdesisyon na sana akong magparaya na lang, at ibaba ang aking dalawang basket. Hindi ko nagawa, dahil sa bumagsak na si Aztar sa lupa. Napaupo siya nang bitiwan niya ang dalawang basket na buhat-buhat niya kanina.             Ibinaba ko na rin ang aking daladalang basket at dinaluhan ang kaibigan. Hindi importante sa akin ngayon ang malaman kung ano ang aking kapangyarihan, ang akin lang ay mailigtas si Aztar.             “Tubig, tubig. Kailangang makainom ni Aztar ng tubig.” Angil ko. Dalidali namang binuksan ni Eon ang bunga at saka si Ave na mismo ang nagpainom kay Aztar ng tubig na galing sa bunga ni Eon.             Ang mga babae naman ang nagpapaypay kay Aztar para mawala ang kanyang kawalang-malay.             “Dalhin niyo siya sa loob ng tulugan.”             “Huh? May tulugan ba tayo rito?”             “Mayroon, naroon sa banda roon, ay teka! Hindi ko pa pala nailalabas.” Pinatunog lang ni Eon ang kanyang dalawang mga daliri, saka lumabas ang isang napakagandang kubo na may malaking silid tulugan. Yari ito sa kawayan, pero ang ganda, saka may malalambot na bagay sa loob, alam kong hindi ito kutson, parang mga balat ng hayop.             “Ihiga niyo na si Aztar. Tabi, tabi.” Kaagad naming inihiga si Aztar sa pinakadulong bahagi, saka pinaypayan pa rin ng dalawang mga babae.             “Nahimatay lang si Aztar, dahil siguro sa hindi na niya nakayanan ang init ng paligid, saka ilang oras na ring nakatayo at nagbubuhat kaya ganoon.” Pasaring ko. Nang nasa akin naman ang kanilang mga mata. Maliban kay Eon, na nasa labas at inaayos ang mga gamit na naiwan.             “Ikaw ba, Deeve. Hindi ka ba napagod? Wala bang masakit sa iyo? Saka hindi ka ba nabibigatan?” sunod-sunod na tanong ni Hamina sa akin.             “Anong hindi? Sobrang ngalay na nga ng kamay ko kanina, halos wala na nga akong maramdaman sa dalawa kong kamay.” Himas-himas ko pa sa aking dalawang kamay na ngayon ay hindi ko na ramdam ang pamamanhid na kaninang naramdaman ko. Parang ang bilis naman yatang maka-recover ng mga kaugatan ko sa kaninang pagbubuhat ng mabigat na bagay.             “Hindi ka kasi namin nakikitaan ng kapaguran kanina, saka inaaliw mo lang ang sarili mo sa ibabaw, katitingin sa mga ibon sa kalangitan. Pati ang mga paligid mo, iyo na ring pinapansin. Malihis lang ang iyong atensiyon sa binubuhat mo.” Ani Ave, iyon siguro ang napansin niya sa akin kanina.             “At saka noong nilagyan kayo ni Aztar ng tig-iisa pang bunga. Habang si Aztar ay hindi na magkamayaw ang paa niya sa panginginig, pero ikaw, wala pa ring bakas ng pagod.” Dagdag pa ni Kith.             “Kahit naman na ganoon ang nangyari, hindi pa rin naman lumalabas ang kakayahan ko.”             “Ano ka ba, Deeve. Hindi lang naman ikaw ang walang alam sa kakahayang angkin. Kami rin naman ay wala pa ring alam kung paano palalabasin ang bigay sa atin ng tagapangalaga.” Pabalang na turan ni Hamina.             Na kay Aztar na ngayon an gaming pansin nang gumalaw na ito.             “Oops. Huwag ka munang tumayo, magpahinga ka muna.” Pagpigil ni Kith sa kanya.             “Bakit? Ano ba ang nangyari? Sino baa ng natira kanina sa pagsasanay?” iyon pa rin ang iniisip ni Aztar.             “Walang natira. Kasi nang bumagsak ka, hindi na ipinagpatuloy ni Deeve ang pagsasanay, kasi tinulungan ka niya.” Tugon naman ni Ave.             “Tama ang sabi ng kaibigan mo, Aztar. Saka hindi naman importante kung sino ang natira. Ang importanteng nangyari sa pagsasanay nating ito, kung gaano kaimportante ang pagkakaibigan ninyo, kaysa sa anong uri ng kapangyarihan ang makukuha ninyo sa inyong pagsasanay. Saka isipin mo, ang lakas mo rin. Dahil pitong bunga ko ang nakayanan mong buhatin sa loob ng apat oras na pagtayo. Kaya huwag mong maliitin ang nagawa mong pagbagsak, dahil walang panalo o talo sa pagsasanay natin, dahil nagsasanay tayo at hindi tayo nagpapaligsahan.” Makabuluhang pahayag ni Eon.             Napangiti na lang si Aztar. Saka tinignan kaming lahat.             “Lalaban, pero hindi susuko.” Iyan ang mga katagang naisalita niya nang bigla na lang siyang nakatulog.             Natawa na lang kami sa kanya. Pero pinigilan namin ang aming tawa, para hindi kami makagawa ng ingay.             …             Nasa labas ako ngayon, hindi pa ako dinadatnan ng antok. Habang ang mga kasama ko, ayon sa loob at bagsak ang mga katawan, gabi na rin kasi, saka naubos ang oras namin kanina sa dalawang pagsasanay na ginawa namin sa buong araw.             “Deeve, hindi ka pa ba inaantok?” anas ni Eon, na ngayon ay nakiupo na malapit sa akin.             “Hindi pa, may iniisip lang.”             “Ano naman iyon?” tanong nito sa akin, ito na siguro ang pagkakataon kong itanong kay Eon kung bakit wala pa rin akong nakukuhang kapangyarihan, gayong nagawa ko naman ang mga pagsasanay na ipinapagawa niya sa amin.             “Eon,”             “Hmm?”             “Bakit ganoon?” inisip ko muna kung ano ang dapat na salita ang itatanong ko sa kanya.             “Anong bakit ganoon?” Diretso lang ang tingin ng kaibigan sa unahan. Habang hinihintay niya ang kasunod kong sasabihin.             “Bakit wala pa ring lumalabas sa aking kapangyarihan? Gayong nagagawa ko naman lahat ang mga ipinapagawa mo sa aming pagsasanay? Kailan ba namin malalaman kung ano talaga ang aming mga kakayahan?” nasabi ko rin sa wakas.             “Iyan pala ang dahilan kung bakit hindi ka makatulog. Hmm…ganito kasi iyan, Deeve. May mga bagay na hindi pa angkop sa katawan mo, saka may mga oras na hindi pa panahon na malaman mo. Katulad ng nasabi ko palagi sa bawat pagsasanay natin. Nagsasanay tayo, at hindi tayo nagpapaligsahan. Kaya tayo nagsasanay hindi lang para mailabas ang angkin ninyong kakayahan, kung ‘di ang malaman niyo rin ang inyong natatanging hangganan ng lakas ng inyong mga katawan. Saka lahat ng bagay na nangyayari, may kaakibat na rason. Kaya huwag kang mag-aalala, malalaman niyo rin kung ano ang inyong mga kapangyarihang taglay. Pagkatapos ng ating pagsasanay. Ayos na ba iyon?” mataman lang akong nakikinig sa kanya, ngayon ay naliwanagan na ako. Ang pagsasanay pala naming ito ay hindi para sa lumabas ang aming kapangyarihan, kung ‘di ay ang maihanda ang aming katawan sa maaaring kapangyarihan na aming makakamtan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD