Kabanata 80 Naputol lang ang usapan namin nang may narinig kaming malakas na pagsabog sa unahan mismo ng aming inuupuan ngayon. “Ano iyon?” usal namin ni Aztar. Dalidali naman kaming napatayo at saka nagpunta sa kung saan ngayon ang pagsabog. Wala nan gang nangulit sa akin katulad kanina na baka sumakit na naman ang aking ulo. Patuloy lang kami sa pagtakbo at hinahanap ang parte kung saan namin narinig ang pagsabog. “Tignan niyo sa banda roon. May naghahagis ng mga pampasabog!” Turo ni Kith sa kanang bahagi mismo ng kagubatang malapit na ring makalbo. “Ano ba ang pinaplano nilang gagawin sa kagubatan at sumusobra na yata sila sa kanilang kawalahinghiyaan.” Gigil kong kuyom sa aking kamay. Gusto kong manapak at magwala. Pero

