Kabanata 81 Gaya ng sinabi ni Eon, nagpatuloy na kami sa aming paglalakad. Wala na kaming lingon-lingon pa, dahil kapag lumingon pa kami. Baka ayaw nang humakbang pa ng aming mga paa. Kung ako lang? Hinding-hindi ako aalis sa puwesto ko kanina, pero hindi naman pupuwedeng ganoon. Kasi nga may importanteng misyon pa kaming gagawin. “Malayo-layo na rin pala ang nalakad natin.” Sambit ni Kith nang nakapasok na kami sa isang napakamasukal na kakahoyan. Puro lang siya kahoy, pero may mga iba’t iba pa kaming mga halamang nakikita. Sa pagkakaalam ko kasi, kapag ganito. May mga naninirahang mga engkanto. Kasi nga inaalagaan nila ang mga pananim nila, ang tirahan nila. Hindi katulad roon sa ibang kagubatang napuntahan namin. “Ang daming mga---.” “

