Kabanata 54

1198 Words
Kabanata 54             Pahirapan pa kaming sumusubo sa aming pagkain, habang kumakain ay napag-usapan namin ang nangyaring labanan kanina.             “Masakit pa rin ba ang buong katawan niyo?”             “Oo, eh.”             “Talagang sasakit buong katawan natin, buong araw nating kinalaban ang mga iyon, kung hindi lang talaga dahil kay Deeve, hindi natin malalaman na roon pala dapat ang titirahin. Kung saan-saan na lang kasi namin pinapatamaan ni Ave ang mga punongkahoy na iyon, hindi namin alam, may mga parang maliit na bato rin  pala iyon.” Baling ba sa akin ni Kith na kasalukuyang kumakain.             “Ang daming ginawa ni Deeve ngayon, muntikan pang maubos ang dugo niya para lang mabawasan ang kalaban natin.” Dagdag pa ni Aztar.             “Totoo. Kaya nga kanina noong nakita ko siyang hirap sa pagkilos dahil sa pagpulupot sa kanya noong nasa ilalim siya ng tubig. Ang kanyang paa puno ng marka na sanhi ng mahigpit na pagkapit ng mga nilalang na iyon sa kaibigan natin. Pero kahit na ganoon, tayo pa rin talaga ang iniisip ni Deeve.” Mahabang pahayag naman ni Kith.             “Totoo, kasi nga noong nakikipaglaban kami ni Hamina sa mga punong iyon, wala kaming kaalam-alam, until nag-reach out sa ating lahat si Deeve, through our minds. Kinausap niya tayo para hindi malaman ng kalaban an gating mga galaw. Ang talino lang talaga!” manghang-mangha naman ngayong nakanganga si Ave nang sabihin niya ang mga salitang iyon.             Nagkamot pa ako ng batok, nahihiya kasi ako sa mga naiusal nila.             “Natalo naman natin ang mga nilalang na iyon dahil ang totoong rason naman talaga ay ang nagtulungan tayo, hindi tayo nagpabaya sa isa’t isa. May tiwala tayong lahat sa mga kakayahan ng bawat isa. Ganoon, at iyon ang totoong dahilan ng lahat sa bawat misyong ating napapanalo.” Nag-approve sign naman ako para makuha nila ang punto ko. Nag-approve sign na lang din sila. Ipinagpatuloy ko na lang ang aking pagkain. Ganoon din sila.             “So, we can’t change the fact pa rin na may kalaban pa tayo paglabas natin ng Kanluran. So, we better stick always to our plans, iyong partner thingy. ‘Di ba?” pag-iiba ni Hamina sa usapan.             “Oo nga pala, tungkol diyan, hindi madali ang gagawin natin diyan, kailangan buo ang loob natin at malakas na tayo kapag babalik tayo sa paglalakbay. Kung hindi madali ang naging laban natin kanina, paano pa kaya roon sa Silangan ‘di ba? Akala kasi natin kanina na tapos na ang pangalawang misyon natin, dahil nga sa natalo na natin ang mga gumagalaw na halamang iyon. Nawala sa isipan natin na may kasama pa lang mga engkanto sana an gating makalalaban, pero ayon nga’t hiwalay pala iyon.” Nilapag ko sa baba ang aking walang laman na lagayan kanina ng pagkain. Saka nag-angat ulit ng uli para makinig sa mga susunod na magsasalita.             “Mainam na rin iyong magkahiwalay na makalaban natin ang dalawang mga klaseng nilalang na iyon, para hindi tayo lalong mahirapan, kasi kung sakali mang kanina ay nakalaban din natin sila, paniguradong mahihirapan tayo. Baka hindi lang ang dugo ni Deeve ang mababawasan, kung ‘di sa ating lahat din.” Dagdag pa ni Aztar sa usapan.             May punto si Aztar doon. Nagkibit-balikat naman ako, nag-isip ng mga nilalang o engkanto na maaari naming makasalamuha pagdating namin sa Silangan. Habang nag-iisip ako, kanya-kanya na rin silang nagsitayuan para magligpit ng mga kalat, at ang iba naman ay nagpaalam na na papasok na sila sa tent para magpahinga, maghihintay na lang kung kailan sila aantukin. Kasi nga busog pa naman sila sa mga oras na ito. Kaya maghihintay na lang na mawawala na ang kanilang pagkabusog, at pwede na rin silang matulog.             “Ikaw, Deeve? Hindi ka pa ba papasok sa tent?” seryosong tanong sa akin ni Aztar. Iniabot niya sa akin ang kanyang kanang kamay, kaya tinanggap ko naman ito, dahil nga sa hirap pa naman akong makatayo. Pero hindi na naman gaanong masakit ang paa ko, pero baka kasi bigla na lang akong matumba dahil sa may kung ano pang natirang pangangalay. Mas mainam na maging maingat na lang tayo. Wala naman sigurong masama kung maging maingat lang.             Inalalayan lang ako ni Aztar na makapasok ng tent. Nang nakalapag na ako sa loob ng tent, ako na ang nag-usog sa aking sarili papunta sa pwesto ko. Nasa loob na rin ang lahat. Kaya isinarado na ni Aztar ang tent. Busog pa ang lahat kaya wala pa niisa sa amin ang nahiga. Nakaupo lang muna kaming naghihintay ng tamang oras na pwede na ngang humiga.             Kung ako lang, ang sarap-sarap na talagang humiga, pero ayon nga hindi pa pupuwede, kaya upon a lang muna.             “Siyanga pala, Deeve, kanina. Bago kita inalok na pumasok dito, pansin ko lang. Malalim yata ang iniisip mo.” Napansin niya pala ako kaninang nakatulala.             “Ahh, oo. May naiisip lang.”             “Mind if you share with us?” nasa mood na naman itong si Kith na mag-Ingles.             “Hai, dību. Sokode kyōyū shimasu.” Dumagdag pa itong si Hamina. Nanti-trip na naman talaga siya.             “Dumudugo na naman ang ulo at ilong ko sa iyo, Hamina.” Ani Ave.             “Sinabi mo pa, hindi man lang i-Tagalog. Para naman maintindihan natin kaagad. Ano ba kasi iyang pinagsasabi mo? Subtitle naman.” Birong tugon ni Aztar.             Natatawa ako na naiiling sa kanilang kakulitan. Kasi naman itong si Hamina, panay na naman ang tawa niya, dahil hindi na naman namin siya naiintindihan.             “Kasi naman, kay Deeve naman kasi iyong sinabi ko, hindi naman iyon para sa inyo.” Naatutop naman sa kanya ang aking mga mata.             “Hindi siguro para sa akin iyong sinabi mo, Hamina. Hindi ko rin kasi maintindihan, eh.” pasaring ko. Nang siya naman ngayon ang nakasimangot.             “Eh! Sumang-ayon lang kasi ako kanina sa sinabi ni Kith na pwede mong i-share sa amin ang nasa isip mo kanina. Kainis naman, aralin niyo sa susunod ang Japanese, para kung may sasabihin ako sa inyo using that language ay maiintindihan niyo na ako.” Nagtampu-tampuhan pa siya.             Pero tinawana lang namin siya, ganoon kasi talaga si Hamina, kung trip niyang mag-Japanese, hindi namin siya naiintindihan. Hanggang siya na mismo ang naiinis sa huli dahil nga sa trip niyang hindi kami makasabay.             “Ahh, ayon pala, naiisip ko lang kanina kung anong klaseng mga engkanto kaya ang makalalaban natin paglabas natin ng Kanluran. Baka kasi iba’t ibang uri. Tapos hindi natin alam kung ano-ano sila. Baka hindi natin  makayanan. Lima lang tayo, sila marami, saka may mga kapangyarihan pa sila, baka hindi na natin makikita ang isa’t isa dahil sa may nililigaw na tayo. O, baka may dinala na tayo sa kanilang kaharian, mga ganoon ba. Iyon ang mga nasa isip ko kanina.”             Nang dahil sa sinabi ko, namayani ang nakabibinging-katahimikan. Ina-absorb nila siguro ang pinagsasabi ko. O, baka naman ay nag-i-imagine na rin sila ng sitwasyon namin sa kanilang kanya-kanyang isipan. Kung ano ang maaaring mangyari sa amin o mga iba pang pangyayari.             Basta ako, ang sa akin lang. Sana lang talaga ay matalo namin ang mga nilalang na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD