Kabanata 55

1094 Words
Kabanata 55             Patuloy lang ang gabi namin, wala pa ni isa sa amin ang inaantok. Dahil siguro sa wala kaming paglalakbay na gagawin bukas, kaya walang nakaramdam sa amin ng antok ngayon. Nagsitakutan pa sa mga kwento-kwentong sa libro lang namin nababasa noon, pero ‘di namin lubusang maisip ngayon na makalalaban namin ito ng harap-harapan.             Kahit na kilala kaming mga duwag. Pero sa mundong ito ay may silbi kami sa lugar na ito. May silbi rin naman kami sa mundo ng mga tao. Pero hindi nga lang nabibigyan ng pagkakataong ipakita ito kasi nga natatabunan ang kaalaman namin sa takot at maaaring makuha naming pangungutya sa bawat ipinapakita namin sa lahat.             Kaya mas minabuti na lang ng lahat na hindi na lang umimik at magpakitang gilas sa lahat. Ayon nga lang, hindi magandang paraan iyon, dahil mali pala ang magpaiwan na maging tahimik na lang at hindi kikibo sa kung anong mga bagay na sa tingin mo ay kung saan ka sasaya.             Ang kasayahan kasi namin, ay ang ikinaiinis ng iba. At ang kasayahan naman nila ay ang hinanakit naming mga mahihina ang loob. Kaya imbes na ang gusto lang naman namin ay ang simpleng buhay na matuto sa paaralan, hindi namin nagagawa kasi nga mas ginugulo kami ng kapwa estudyante na ang tanging nakikita lang ay ang aming pagbagsak.             Araw-araw na nangyayari, paulit-ulit na eksena, nakauumay na rin talaga. Gustong lumaban, pero ayaw naman makisama ng katawan. Saan na lang kaya kami lulugar sa mga katulad naming wala namang kalaban-laban?             “Na-mi-miss niyo ba ang mga magulang ninyo? Sa tingin niyo ba nag-aalala na rin sila sa atin? Ano na kaya ang ginagawa nila roon na wala tayo sa tabi nila? Hinahanap ba nila tayo?” sunod-sunod na tanong ni Ave.             Sa pagkakaalala ko, si Ave ang isa sa matalinong estudyante sa section nila. Laging top one sa klase. Kaya hindi malabong mas binibigyan niya ng importanteng bagay ang pag-aaral para maging masaya ang magulang niya. Saka mukhang kami naman sigurong lahat ganoon ang gusto. Ito ngang si Aztar, kahit na ang daming mga pangungutyang natatanggap tungkol sa seksuwalidad niya. Pero binalewala lang niya dahil ayaw niyang malaman ng ama niyang sundalo na nirerespito ng lahat na ganoon ang tingin ng mga kaklase niya sa kanya. Kahit na ang tanging gusto lang naman ni Aztar ay ang makatapos siya at maibigay ang diploma sa daddy niya. Wala siyang pakialam, kasi nga hindi naman totoo ang mga sabi-sabing binibitiwan nila kay Aztar.             “Siyempre na-mi-miss, sino ba namang hindi. Saka sabi naman ni Vee sa atin na siya na ang bahala sa mga magulang natin. Kaya huwag na tayong mag-alala.” Sagot naman kaagad ni Aztar. Sasagot na rin sana ako nang naunahan ako ng dalawa.             “Paniguradong hahanapin tayo ng mga magulang natin kung hindi man pinaalam ni Vee kung nasaan tayo. Pero kung sakali mang pinaalam ni Vee sa mga magulang natin.”             “Teka, kung pinaalam ni Vee kung nasaan tayo. Paniniwalaan ba nila si Vee? O, baka isipin ng mga magulang natin na nababaliw na si Vee sa pinagsasabi niya sa mga magulang natin kung ganoon nga ang ginawa ni Vee sa mga magulang natin.” Napapaisip din ako sa naiusal ni Kith.             Ano nga kaya ang sinabi ni Vee sa mga magulang namin kung ganoon ‘no?             “Sana talaga matalo natin ang susunod nating makalalaban. Para naman mas mapabilis ang pagpunta natin sa Hilaga at makalalaban na natin si Lucinda.” Ngayon ko lang nakitang seryoso ulit si Hamina. Minsan kasi napakakulit nito.             “Iyon naman talaga ang lagi nating ipinagdarasal na sana ay matalo natin ang lahat ng makalalaban natin, para walang maging problema at mapabibilis an gating misyon. Pero handa na ba tayong harapin ang mangkukulam na iyon?” paglilinaw ko sa kanila. Hindi naman kasi madaling gawin iyon, madali lang isipin, pero napakahirap gawin.             Kailangan namin ng pagsasanay para naman hindi kami mahirapang kalabanin ang magkukulam na sinasabi ni Vee sa amin na pinsan niya. Na ang kapangyarihan nito ay itim na mahika, siya siguro ang nagpadala ng mga nakalalaban naming mga nilalang sa bawat madadaanan naming parte ng kagubatan. Sa kagubatan kung saan ay katulad lang din pala ng Illustrado.             Naalala ko kasi ang kubong nakita namin nang naglakbay kami, naalala ko ang probinsya namin. Kaya pala pamilyar ang lugar na iyon sa akin. Ngayon lang sumagi sa isipan kong ginaya lang pala ng mundong ito ang mundo sa Siyudad ng Illustrado. Hindi nga malayo na ang sinasabing palasyo ng itim na mangkukulam ay ang paaralan mismo ng El Federico. Pero nasa siyudad rin naman kasi iyon, kaya mukhang imposible ngang ang paaralan ng El Federico ang maging palasyo niya.             “Ano ba ang iniisip mo ngayon, Deeve?” napalingon ako sa gawi ni Aztar.             “Ngayon ko lang kasi naalala na ang lugar pala na itong nilalakbayan natin ay katulad pa rin ng Illustrado, parang sinunod lang din ang buong lugar. O, ‘di kaya ay may ganitong mundo talaga na katulad sa mundo natin, na tirahan talaga ng mga nilalang na kagaya nina Eon at Vee. Saka nilalang na hindi natin alam na nag-e-exist sa totoong mundo. At sa libro lang natin nakikita.” Paliwanag ko naman sa kanya.             Ngayon ko lang napansin na natutulog na pala ang iba, dahil sa nakita ko silang tulog na, nakaramdam na rin ako ng antok.             “Ibig mo bang sabihin, nasa Illustrado tayo, pero nasa ibang mundo? At paano mo naman nalaman?”             “Tiga probinsya kasi kami, kaya alam ko ang pamumuhay at lugar sa amin doon. Saka nang una nating naglakbay, may nakita akong kaparehong tanawin sa nadaanan natin, hindi ko na lang sinabi sa inyo dahil nga sa nag-obserba pa ako, hanggang sa ngayon ko lang napagtanto na ito talaga iyon.” Seryoso kong usal sa kanya, naghahanda na rin akong mahiga nang siya rin ay nahiga na rin.             “Matutulog ka na ba?”             “Hinihintay lang kita, saka tulog na rin ang iba. Bakit? Hindi ka pa ba inaantok?”             “Mahihiga na rin, hindi pa kasi nawawala ang pangangalay ng buong katawan ko. Saka inaantok na rin ako.”             “Mainam na nga na magpahinga na muna tayo.” Aniya. Kaya sumunod na rin ako sa kanya sa paghiga, nakatihaya lang ako at saka ipinikit na rin ang aking mga mata.             Mabilis naman akong dinapuan ng antok, kaya madilim na paligid na ang nabungaran ko at wala na akong iban alam sa iba pang mga nangyayari dahil nga sa tuluyang nanaig sa akin ang kagustuhang magpahinga at matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD