Kabanata 56

2167 Words
Kabanata 56             Tinanghali na kami ng gising. ‘Di bale, wala naman kaming gagawin, saka sabi sa amin ni Eon na kaylangan na muna naming magpahinga, para naman maibalik kaagad ang aming lakas.             “Ang ganda ng tulog ko, ang lamig nang paligid nang nagmadaling araw na.” nakikinig lang ako sa kanilang usapan.             “Totoo, ang lamig nga. Kaya nga hindi agad ako bumango, sinulit ko talaga ang tulog ko.” Sina Hamina at Kith ang nag-uusap ngayon, habang ang dalawang mga lalaki ay tulog mantika pa rin. Wala sa amin ang naglakas-loob na gisingin sila, saka okay lang naman na mamaya pa sila gumising, wala rin naman kaming gagawin.             “May ipinadala na bang pagkain kanina si Eon, Deeve?” napabaling ako sa gawi nilang dalawa, ako kasi ang nauna sa kanilang nagising.             “Wala pa, eh. Saka kung mayroon na, gigisingin natin ang dalawa, para sabay-sabay na tayong mananghalian. Tanghaling tapat na kaya hindi na iyon matatawag na agahan.” Biro ko sa dalawa.             “May point.” Tanging usal ni Kith.             “Labas lang ako, kagabi ko pa kasi iniisip na maglinis sa labas. Iyong mga nagkalat na mga kahoy kagabi ay ililigpit natin. Ang dumi kasing tignan ng paligid kung hahayaan lang natin.” Nauna na nga akong lumabas, nang sa pagbukas ko pa lang ng tent, nanlaki ang mata ko sa nakita. Wala na ang mga kalat na dulot ng labanan namin kahapon.             “Tutulong na rin kami ni Kith, Deeve. Wala naman kaming ginagawa.” Lumabas na rin ang dalawa nang natigilan din sila sa kanilang nakikita.             “Oh? Nasaan na iyong mga nakakalat dito kagabi? Mukhang walang nangyaring labanan dito kahapon, ah. Ang linis-linis na ng paligid. Hindi kaya? Si Eon ang naglinis nito?” baka nga siguro si Eon ang naglinis ng mga nagkalat kahapong mga punong nagsitumbahan dahil sa pagmamanipula ng higanteng halaman na iyon sa mga kapwa nito pananim.             “Kung ganoon nga, dapat tayong magpasalamat kay Eon mamaya.” Tama si Hamina, nararapat lang talaga na magpasalamat kami.             Tinignan ko ang aking relo, nang maalala kong nabawasan pala kahapon ang dugo ko. Baka kasi hindi pa rin bumabalik sa rati. Pero nang tignan ko ito, nakahinga naman ako ng malalim dahil sa bumalik ito sa isandaang porsyento. Siguro dahil nakapagpahinga na ako.             “Tara sa may batis,” naiangat ko ang ulo ko nang sambitin iyon ni Kith.             “Baka may monster plant na naman diyan, Kith. Huwag na.” umiiral na naman ang pagiging conyo ni Hamina.             “Wala na, natalo na natin kahapon.”             “Pero naalala mo iyong may humila sa ating mga maliliit na halaman kahapon diyan? Kung wala si Deeve, baka hindi na tayo nakaahon kahapon. Kaya huwag na tayo pumunta sa batis. I’m scared.” Na-trauma na siguro si Hamina sa mga nangyari sa kanila kahapon.             “Wala iyan, saka sa gilid lang naman tayo ng batis. Hindi naman tayo lulusong sa tubig. Titignan lang naman natin kung may bakas pa ba ng higanteng halaman doon. Gusto ko lang makita.” May kung anong nag-udyok na rin sa akin na samahan si Kith. Wala naman sigurong masamang tignan kung ano na ang nangyari roon.             “Tara sasamahan ko na lang kayong dalawa. Gusto ko ring malaman kung may bakas pa ba ng higanteng halaman doon na nakalaban natin kahapon.”             “Are you serious, guys? Paano kung bigla-bigla na lang lalabas ang galamay no’n saka hambalusin tayo? Naku!” ang likot talaga ng isipan nitong si Hamina.             “Kung natatakot ka, you can stay here. Kami na lang ni Kith ang pupunta. Okay lang na iyon?” inikot niya ang kanyang ulo sa paligid.             “No, baka may mga punongkahoy rin na sumugod sa akin dito, kaya I prefer to go with you, guys. Tara na. Let’s make bilis na lang, huh? Para walang mangyari sa ating masama.” Kita ko ang pagbuntonghininga ni Kith.             “Anong trip na naman ng pagiging conyo mo, Hamina?” turan sa kanya ni Kith.             “Wala lang. Gusto ko lang. Bawal ba?” malapad na ngisi ngayon ang nababakas sa kanyang labi.             “Hindi naman, sadyang nakadudugo lang ng tainga.” Dagdag kong usal.             “Ang harsh mo talaga sa akin, Deeve. Kapag nagsasalita ako ng ganito, kayong mga boys talaga.” Nagkibit-balikat pa siya saka nakasimangot.             “Tara na nga,” ani Kith. Nauna na siyang naglakad sa amin, mukhang pursigido talaga siyang makita kung anong mayroon sa batis. Ito namang si Hamina nasa likod ko lang at panay kapit niya sa damit ko.             “Baka mapunit na iyang damit ko, Hamina. Wala na akong extra.” Biro ko sa kanya.             “Pakapitin mo na lang ako, ngayon lang naman ‘to, eh.”             Napalingon naman sa amin si Kith.             “Ano bang pinag-uusapan niyo riyan at may pakapit-kapit na kayong sinasabi? Anong kakapitan? Huh?” laglag panga akong napatingin kay Kith. Kung ano-ano tuloy ang pumapasok sa utak ko dahil sa tanong niya.             “Huh? Ano ba iyang iniisip mo, Kith? Ito kasing si Deeve, ayaw magpakapit. Eh, ngayon lang naman, eh. Saka hindi naman ako mahigpit kumapit, niluluwagan ko lang para hindi mapunit.”             “Anong niluluwagan, eh, halos matanggal na nga, eh. Sa paraan ng paghawak mo.” Mas lalong nanlaki ang mata ni Kith.             “Pwede ba, mauna na lang kayo, at baka kung ano na ang ginagawa ninyo sa likod ko.” Nagkatinginan kami ni Hamina, mukhang alam ko na ang nasa isipan niya. Kaya kaagad na lumayo sa akin si Hamina nang nakuha niya rin ang gustong ipahiwatig ni Kith.             “Ano ba, Kith, ang dumi naman ng utak mo. Nakakapit lang naman ako sa damit ni Deeve sa likod niya, pero ayaw niyang hawakan ko siya at baka raw mapunit ang damit niya dahil wala siyang extra, Ganoon iyon. Hindi katulad ng iniisip mo. Ikaw, huh? May ganyang utak ka pala.” Mahinang tampal naman ang ginawa ni Hamina sa kaibigang babae.             Sa kanya na nakalambitin si Hamina, kaya inayos ko na ang aking suot. At kanina pa ito nawala sa ayos dahil sa mahigpit na kapit ni Hamina kanina.             “Hindi, ah. Sadyang ang dudumi niyong pumili ng mga salita. Pwede namang mag-usap kayo ng diretsahan.”             “Eh, ano ba ang ginawa namin? Maayos naman ang pag-uusap namin, ah. Ikaw talaga.” Atleast ngayon nawawala na sa isipan nila ang takot na mapalapit sa mismong batis.             Ilang hakbang na lang ay malapit na kami rito. Nang napahinto naman kaagad si Kith, dahil nasa paanan na nga kami ng batis. Namangha rin kami dahil sa linis nito, wala ring bakas ng higanteng halaman. Mukhang nilinis na rin ni Eon ang bandang ito. Mamaya tatanungin namin siya kung siya baa ng naglinis ng buong lugar. Kasi naman, hindi namin alam kung saan napunta ang mga nagkalat kahapong mga puno at mga galamay ng halaman.             “Malinis na naman pala, wala naman akong nakikitang kung ano-ano sa tubig.”             “Baka nagtago lang, kaya huwag pa rin makasisiguro kung hindi natin nakikita talaga ang ilalim nito. Baka nga bigla-bigla na lang iyong magpapakita.” Ayan na naman si Hamina.             “Wala na iyon, natalo na natin ang nilalang na iyon. Kung hindi pa natin natalo, paniguradong nandiyan pa rin iyan sa kanyang tinubuan kahapon, pero wala na namang bakas. Kaya wala na iyon, inanod na iyon ng tubig.” Pagpapaliwanag ni Kith sa kaibigang nakapulupot pa rin ang mga kamay nito sa braso ni Kith.             Takot na takot sa kung anong mangyayari. Naiiling na lang talaga ako sa pinapakita ngayong kilos ni Hamina. Pero hindi ko rin naman siya masisisi, kasi nga nakatatakot naman din talagang maulit ang pangyayaring iyon kahapon. Kaya naiintindihan ko siya.             Ilang saglit pa kaming nakatitig sa batis. Hanggang sa may tumawag na sa aming mga pangalan sa banda kung saan ang aming tent.             “Deeve, Hamina, Kith, halina kayo rito. At kakain na. May pagkain nang binigay sa atin si Eon. Bumalik na kayo rito.” Boses ni Aztar ang naririnig namin.             “May pagkain na raw, tara na. Kanina pa kumakalam itong sikmura ko.” Pag-amin ko sa kanila.             “Hindi lang naman ikaw, eh. Kami rin. Inaaliw lang naman natin ang mga sarili natin kanina dahil sa hindi pa gising ang dalawa. Mabuti na lang talaga at naglalakad-lakad muna tayo, para naman magising sila at sila na ang maghintay ng pagkain natin.” Mahabang pahayag ni Kith.             Sa pagkakataong ito, hindi na nakakapit sa kanya si Hamina. Talagang takot lang talaga siya papunta sa batis, kaya siya ganoon, pero ngayon naman na pabalik na kami sa aming pinanggalingan, nawala na ang kanyang takot at siya na lang ang naglalakad, na walang kinakapitan.             “Biruin mo ‘no? Mga ordinaryong nilalang lang naman tayo sa mundo natin. Pero tayo ang napili ni Vee na makipaglaban sa mga nilalang na sa libro lang natin nababasa noon. Katulad noong higanteng halaman, ang tingin ko talaga roon ay isang seeds na tumubo sa batis, kaya ganoon kalaki ang halaman na iyon. Katulad noong nababasa nating ‘Jack and the Bean Stalk’ ba ‘yon? Ang pinagkaiba lang, kasi nasa batis. Tapos hindi naman tumataas na hanggang langit. At ang mga halamang iyon ay may buhay talaga, nagmumukha siyang giant octopus.” Tama si Hamina. Parang ganoon nga ang dating. Pero may pagkakaiba pa rin talaga.             Nakabalik na nga kami sa tent namin, kaya ang dalawa panay ang tanong kung saan daw ba kami galing tatlo.             “Saan ba kayo galing? Saka hindi niyo naman kami ginising na dalawa.” Ani Aztar.             “Ang himbing kasi ng tulog niyo. Saka nagpunta lang kaming batis. Nag-aya kasi itong si Kith na tignan ang batis kung may bakas pa ba ng nakalaban nating higanteng halaman. Pero pagtingin namin, wala naman. Saka malinis na ulit ang batis. Walang makikitang kahit na anong halaman doon. Para ngang hindi tinubuan ng kung anong halaman doon, kasi parang wala lang talagang nangyari.” Paliwanag ko sa kanila. Inihahanda naman nila ang pagkain.             “Ako kasi ang naunang gumising, tapos nagising na rin itong dalawa nang nagising ako. Nagplano na sana ako na maglilinis sa labas ng tent kanina nang hindi pa ako bumangon. Kaso nang nandito na ako sa labas, wala na namang mga nagkalat na mga sira-sirang parte ng puno, saka nawala na rin ang mga nagsibagsakan na mga puno nang natalo natin ang higanteng halaman. As in malinis na ang buong paligid.” Dagdag usal ko sa kanila.             Nagsimula na nga kaming kumain, bago nagsubo ay nag-sign of the cross muna kaming lima.             “Baka si Eon ang naglinis.” Ani Ave.             “Iyon nga rin ang naiisip ko kanina, kaya mamaya tatawagan ko si Eon, at magtatanong, kung sakaling siya man, magpapasalamat tayo sa kanya. Kasi nilinisan niya ang buong paligid, na dapat ay tayo sana ang maglilinis. Para naman may gagawin tayo ngayon buong araw. Kasi naman, pagkatapos nating kumain, ano ba ang susunod nating gagawin?” nag-isang subo pa ako.             “Matulog ulit. Sabi naman ni Eon na pahinga natin ngayon, at hanggang kailan natin gugustuhing magpahinga, para raw bumalik ang lakas natin. Mag-conserve tayo ng energy para sa laban na gagawin ulit natin kapag nandoon na tayo sa Silangan. Hindi basta-basta ang makalalaban natin, kasi nga mga engkanto na iyon, may mga kakayahang wala tayo.” Dagdag turan ni Aztar habang umiinom ng tubig.             Sa aming lima talaga, siya iyong mabilis matapos kumain. Kaya naiiling na lang talaga ako sa kanya, at namamangha. Ako nga pahirapan pa akong makalunok ng kanina. Gustuhin ko mang bilisan ang pagkain ko, pero hindi ko talaga kaya. Minsan nga nauunahan pa ako ng dalawang babae. Lalo na ngayon, naabutan na kami ng gutom, kaya sa bawat lunok ko ng pagkain, masakit ang tiyan ko, nalipasan na kasi ng gutom. Pero ayos lang ‘to, ipahinga ko na lang talaga ito. Mawawala rin naman siguro ito paggising ko mamamayang hapon.             …             Nasa ako ngayon ng tent, nagpapahinga, kanina kasi nagpasama lang ako kay Aztar na maglabas ng dumi sa liblib na kakahoyan. Mabuti na lang talaga at hindi problema ang tubig dahil may batis naman, sa tingin ko, wala na talagang bakas ng halamang iyon sa batis. Dahil wala namang pumulupot sa kamay ko nang nagsalok ako ng tubig roon para dalhin sa liblib at iyon ang gagamitin kong panlinis ng puwet.             Tinawanan pa nga nila ako dahil daw sa ginawa kong paglabas ng dumi sa kakahoyan, mabuti raw at walang nag-abang sa aking kapre roon. O nuno sa punso.             Mga baliw talaga itong mga ‘to. Humiga na lang ako ngayon, at sinimulang ipikit ang aking mga mata. Ramdam ko kasi ang antok kanina pa, dahil siguro sa maaga akong nagising kaya ganito. Ang apat naman ay nasa labas, mas pinili nilang doon sa labas mag-uusap-usap, para raw makatulog ako ng maayos. Gigisingin na lang daw nila ako kapag kakain na, o ‘di kaya ay may tawag si Eon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD