Kabanata 41

2681 Words
Kabanata 41 ‘Di na namin namalayan ang oras, napasarap ang tulog namin kanina, kaya nang nagising kami ay gabi na pala, malalim na malalim na ang gabi, saka maliwanag ang buwan, kaya hindi na kami nag-abalang magpaapoy. Nagising ako dahil sa mga maliliit na liwanag na nanggagaling sa labas ng aming tent. Nakiramdam na muna ako sa paligid, kung may mga kaluskos ba akong maririnig. Pero wala namang kakaiba, kaya minabuti ko na lang na manatili sa tent. Pero namamangha talaga ako sa mga maliliit na liwanag na nagliliparan malapit sa aming tinutulugan. Ano nga kaya ang mga ito? “Deeve, ba’t gising ka pa?” naiangat ko ang aking mga balikat saka diretsong lumingon sa likod ko. Ngayon ko lang napansin na palapit na pala ako nang palapit sa mismong bukana ng tent. Para kasi akong hinihipnotismo ng mga liwanag na ito. “Ikaw lang pala, Ave. Nagulat naman ako sa iyo. Pabigla-bigla ka lang kasing nagsasalita riyan.” Iniatras ko ang sarili pabalik sa aking pwesto. “Akala ko kasi kung sino ang nakaupo sa may paanan ni Aztar. Ikaw pala, kaya nanghula na lang ako ng tawag, sumakto naman ang hula ko na ikaw iyan. Ano pala ang ginagawa mo riyan, huh?” sunod-sunod na turan nito, na kay Ave na ngayon ang buong atensiyon ko. “Wala, naalimpungatan lang kasi ako, saka tignan mo nga sa labas, gabi na pala.” Nanlaki ang mga mata niya saka laglag ang panga, aakto sana siyang gigisingin ang iba nang pinigilan ko kaagad ang kamay niya. “Huwag mo na lang silang gisingin, maganda na kasi ang tulog nila. Bukas na lang. Saka sa tingin ko rin naman malalim na ang gabi.” Paliwanag ko sa kaniya. Naintindihan naman niya ang nais ko. Kaya ayon, binitiwan ko na ang kanyang palapulsuhan kanina na ginamit niyang panyugyog sana sa mga kasamahan namin. “Tama ka. Hmm…ano pala iyong tinitignan mo sa labas?” nilibot niya ang paningin sa labas, pero mukhang wala siyang nakikita. Ako lang ba ang may nakikita ngayon na mga maliliit na ilaw na mistulang lumilipad-lipad sa labas? “W-Wala, nilalamig lang. Saka babalik na rin ako sa pagtulog. Kaya ikaw matulog ka na rin.” Pagsisinungaling ko sa kanya sa parte na nilalamig lang ako kaya ako nagising. Pero ang totoo talaga ay dahil sa mga ilaw sa labas. Sa tingin ko ay mga insekto ito na may ilaw. Humiga ako, sabay tagilid taliwas sa banda ni Aztar. Ilang saglit lang, nakatulog na sana ako nang may mga yumuyugyog sa banda ko. Kung saan ay parang hindi sila mapakali. Kaya sa labis na pagtataka, napabalikwas ako ng gising na wala sa aking ulirat. “Ano ba? Kitang natutulog iyong tao. Ito’t ginugulo niyo? Ano ba?” bangag kong turan sa kanila. Wala pa talaga ako sa aking sarili sa mga oras na ito. Kinusot-kusot ko pa ang aking mga mata para luminaw ang aking paningin. Nang pansin kong lumiwanag ang loob ng aming tulugan. “Umaga na pala. Hindi niyo naman sinabi kaagad, kailangan niyo pa talaga akong yugyugin, pwede niyo naman akong bulungan o ‘di kaya ay marahang gisingin.” Wala akong naririnig na nagsasalita. Kaya nagbaling ako sa kanila ng aking pansin. Nang na sa labas lang ang kanilang mga mata. “Ano ba kayo? Para kayong mga timang diyan nakatingin sa bukana ng tent natin. Lumabas na kaya kayo at maglakbay na tayo. Baka maabutan pa tayo ng tanghali. Ang init pa nam---.” “Ang ganda talaga, grabe! Saka ang liwa-liwanag nila.” Anas ni Hamina. “Huwag lang tayong lumabas, dito lang tayo. Kasi ang nalalaman ko kapag may ganyang mga alitaptap. May mga hindi katulad nating mga tao ang nasa paligid. In short mga engkanto.” Nag-igting ang aking dalawang tainga sa naririnig. Naibalik na sa sarili ko ang aking sistema. “Teka, hindi pa umaga?” sabay-sabay nilang lingon sa akin at umiiling-iling. “Tignan mo, Deeve, sa labas. Ang tent natin, napalilibutan ng alitaptap.” So, mga alitaptap pala ang tawag sa mga insekto na ito? Tama! Iyon nga, bakit ko naman nakalimutan iyon? Eh, nakakita na naman ako noong nandoon ako sa lugar ni Eon. Kinatok ko pa ang tuktok ng aking ulo. “Ano naman ang ating gagawin? Hindi naman tayo pwedeng lumabas ng ganito. Baka may makita tayong mga hindi natin dapat makita. Saka isa pa, hindi natin oras ngayon na magliwaliw sa labas. Kailangan talaga nating manatili rito sa loob.” Pasaring ko. May punto kasi ang sinasabi sa amin kanina ni Aztar. Panay lang talaga kami tingin sa labas, nang may malaking anino ang dumaan sa mismong harap namin. “Ano iyon? Nakita niyo rin ba iyon, huh?” nagsitinginan kaming lahat. Na para bang nakikiramdam sa bawat nararamdaman namin ngayon-ngayon lang. “Oo naman, sino ba naman ang hindi mapapansin ang ganoong kalaking anino.” Bulong pa ni Hamina. Mahihinang bulungan na ngayon an gaming boses. Takot na may makarinig sa amin. Hindi naman sa takot kami, pero kinakabahan pa rin naman kami. Hindi namin alam na baka pinalilibutan na kami ng kung ano-anong nilalang sa labas. At may plano pang buksan an gaming tent. Hindi pa namin alam ang gagawin kung makakakita kami ng ganoon. “Kung sakali mang guluhin tayo ng mga iyan, lalabanan natin sila.” Ani Aztar. Habang sila ay nakatingin ng maigi kay Aztar sa kanyang naisalita. Ako naman ay nasa mga nakadapong alitaptap ngayon sa aming tent nakatitig. Napakarami nila, ibig sabihin lang, maraming mga engkanto ang nasa labas, mga ganitong oras talaga siguro sila nagsisilabasan. At baka itong parte na ito ay ang kanilang tambayan. Kaya pala paiba-iba ang klima sa pook na ito. Minsan kahit na sobrang sikat ng araw, ang lamig-lamig naman ng paligid kahit na tanghaling tapat. Saka umiinit din ng hindi namin alam kung ano ang dahilan, kagaya ngayon, sa loob ngayon ng aming tent. Sobrang init. “Pansin niyo rin siguro ngayon ang pag-init ng paligid. Ito kasi ang palatandaan na maraming umaaligid sa paligid na mga engkanto.” Mas lalong nalilinawan ang mga kaalaman ko sa mga pinagsasabi ngayon ni Aztar, hindi ko talaga lubusang maisip na ang isang anak ng sundalo ay alam ang mga ganitong bagay. “Ang galing mo naman sa mga ganitong bagay. Aztar. Tama ka, nababasa ko rin kasi iyan sa mga librong tungkol sa mga Mythodology. Kung saan ay isinusulat doon ang mga bagay na katulad ng mga nangyayari sa atin ngayon. Ikaw ba, Deeve. Bilang isang Fantasy writer, alam kong may alam ka rin sa mga ganitong bagay.” Marahan akong napatango. Tama si Ave. Actually alam ko naman ang iilang mga bagay na ganito, kasi nga kapag nagsusulat ako ng mga kwento ko, hindi mawawala sa akin ang gumamit ng internet para magsaliksik ng mga bagay na tungkol doon. Mahirap na kasing sumulat ng mga myth lalo na kung hindi naman talaga totoo ang mga tungkol doon, karamihan sa iba, hindi naniniwala sa ganoon. Pero kami na mismo ang makapagsasabing totoo sila. Totoo ang mga engkanto. “Ano na ang gagawin natin?” pag-iiba ng usapan ni Kith. Matagal na katahimikan ang namayani. Ano nga ba ang dapat naming gawin ngayon? Wala naman yata kaming dapat na gawin kung ‘di ang manatili rito sa loob ng tent. “Wala.” Maikling tugon ko sa kanila. Iniangat ko ang aking ulo saka naghanda na ulit na humiga. “Matulog na lang tayo. Saka hintayin na lang natin na mag-umaga. Aalis na rin naman iyan kapag nagpakita na ang haring araw.” Nakahiga na nga ako, saka tumagilid, taliwas sa kanilang pwesto. Nakiramdam ako sa kanila habang mataman kong pinikit ang aking mga mata. Kung susunod ba sila sa akin, o, mag-aabang sa maaaring kasunod na mangyari. Pero pansin ko naman na nagsikilos na sila, at gumagalaw na rin sa gilid ko si Aztar. Kaya nagbaling ako sa kanila. Mabuti naman at nakinig sila sa akin, akala ko talaga ay lalabas sila para makita ang mga nilalang na hindi pa namin nakikita sa mundo ng mga tao. Napanatag na naman ako, kaya ipinikit ko na ang aking mga mata. Nang sakto sa pagpikit ko, biglang umalog ang lupa. “Kalma lang kayo.” Bulong ko sa kanila. Nang nag-init ang compass ng aking kwentas. Umupo ako ng maayos saka kinuha ito. Kapag kasi ganitong umiinit ang kwentas ay may nais na gustong iparating si Vee o si Eon sa amin. Kaya ngayon naman ay hinubad ko ang compass sa leeg ko, nilagay ko sa gitna namin. Pabilog kaming nakaupo ngayon sa aming tent. Nang sa wakas ay nagpakita sa amin si Eon. “Mga kaibigan, pinapaalam sa akin ni Vee na may nagaganap sa inyo riyan, Ayo slang ba kayo?” may pag-aalala sa kanyang boses. “Maayos naman ang kalagayan namin, Eon. Kaso nga lang, napaliligiran kami ngayon ng mga hindi namin alam na mga nilalang. Ayaw rin naman naming lumabas, at baka kung ano ang mangyari sa amin.” Si Aztar na mismo ang nagsalita. “Mainam na ganoon, sa loob lang kayo ng tent.” Ani Eon. “Bakit nga ba sila nandiyan sa labas, Eon? Lugar ba nila talaga itong natulugan namin? Sana pala kung alam namin, hindi na lang kami rito nagpahinga kanina.” Dagdag pasaring ni Kith. “Hindi naman sa tambayan nila ang lugar na iyan ngayon, naninibago lang sila na may ganyang bagay na nakikita sila ngayon, iyang tent na tinutulugan ninyo. Kaya kung maaari ay huwag na huwag kayong lumabas, at baka kung malaman nila na may ibang nilalang na nakapasok sa mundo nila ay ipaalam nila kay Lucinda ang tungkol doon. Masira pa ang plano nating mailigtas ang mga bihag nito.” Seryoso ang pagkasabi no’n ni Eon kaya nga nakikinig kami sa kaniya. Napatingin na lang kami ngayon sa labas. Na walang tigil pa rin ang pag-alog ng lupa. “Siyanga pala, Eon. Bakit umaalog-alog ngayon ang lupa?” ako na ang nagbukas ng tanong na iyon. Gusto ko rin kasing malaman kung ano ang rason. “Teka, ipapakita ko sa inyo ang mga nangyayari riyan sa labas ng tent niyo, para hindi niyo na tangkaing sumilip at tignan ang labas.” Nawala sa screen ang mukha ni Eon. Ngayon ay kitang-kita namin ang kabuoan ng labas, kitang-kita rin namin ang tent namin na napalilibutan ng nakadapong mga alitaptap. Napansin ko rin ang kabilugan ng buwan. Sa sobrang liwanag ng buwan, ay kitang-kita talaga ang buong paligid. “Ano iyan? Anong klaseng nilalang iyang nasa puno ng kahoy? May umiilaw-ilaw pang kulay pula, at umuusok?” pansin ko sa katapat na puno kung saan ay parang nakalagay ang camera ni Eon para makita namin ang buong lugar. Kahit na alam ko namang wala namang ganoong bagay si Eon. Ginagawa ko lang halimbawa iyon. “K-Kapre iyan!” napalakas bahagya ni Hamin ang kanyang boses. Kaya dalidaling tinakpan ni Kith ang bibig ng kaibigan. “Shhh…huwag kang sumigaw, Hamina. Baka marinig nila tayo rito sa loob.” Kita ko rin na parang natigilan ang mga engkanto sa pagsigaw siguro ni Hamina. Pero sa tingin ko ay hindi na nila binigyang pansin iyon, mabuti na lang talaga at naagapan iyon ni Kith. “Sorry, guys. Nataranta lang kasi ako nang nakita ko ang sinasabing nilalang ni Deeve, kapre kasi iyon, saka ang laki niyang kapre. At-at nakatatakot ang mukha niya, ang taas-taas ba ng buhok at balbas.” Mariing napayakap ang dalaga kay Kith saka matamang nakapikit. Kitang-kita sa kanya ang labis na takot. Kaya inaalo ito ni Kith at pinapakalma. “Tignan niyo. May kabayo namang may kalahating tao ang katawan. Ano naman iyan?” tanong naman ni Kith. “Iyana ng Tikbalang, Kith. Sila ang kadalasang may dala niyang mga alitaptap, saka sila siguro ang dahilan kanina na bakit umaalog-alog ang lupa. Dahil sa kanilang pagtakbo. Kalahating kabayo, saka kalahating tao ang kanilang hitsura.” Pagkukwento ko sa kanya. Sa lahat ng mga nababasa kong mga nilalang, itong tikbalang lang ang gusto kong makita sa personal. Kasi nga gusto kong makita ang ginto nitong buhok. May nabasa ako sa libro noon na kapag nakuha raw ang gintong buhok ng tikbalang ay napasusunod niyo na ito sa kung ano ang iuutos sa kanila. “Saka ang gintong buhok nila ang natatanging paraan para mapasunod natin sila sa lahat ng ipag-uutos sa atin, pero sana totoo nga iyon.” Dagdag pasaring ko. May nakikita rin kaming maliliit na nilalang iyon siguro ang nuno sa punso. Buti na lang talaga at hindi sila pumasok sa loob ng tent namin. Nalipat na kay Eon ang mukha niya sa screen.             “Huwag na kayong mangamba, kinabukasan ay mawawala na rin sila. At napagsabihan na rin sila ni Vee na huwag na huwag kayong gambalain. Dahil wala naman kayong ginagawa sa kanila. Mabuti na lang at ang mga umaaligid sa inyong mga nilalang ay ang mga mabubuting engkanto. Hindi pa iyan ang mga utos ni Lucinda na mga may itim na mahika. Kaya maaari na kayong matulog, pinalagyan na rin namin ng proteksyon ang inyong tulugan para hindi nila mapasukan, napapansin niyo naman sigurong nawawala na rin ang kaninang nakadapong mga alitaptap.” Mahabang imporma sa amin ni Eon. Nagpaalam na rin sa amin ang kaibigan matapos niya iyong sabihin sa amin.             Isinuot ko na muli sa leeg ko ang kwentas. Saka ngayon ay napatingin sa mismong labas, wala na nga talaga ang mga alitaptap. Pero may umaalog-alog pa rin na parte ng lupa. Pero hindi na iyon masyadong malakas.             “Mabuti na lang talaga at hindi tayo pinababayaan ni Eon at Vee.” Turan ni Ave. Na ngayon ay naghahanda na ring humiga.             Ang kaninang takot na takot na si Hamina ay nakatulog na sa balikat ni Kith. Kaya marahan na ring inalalayan ni Kith ang dalaga na mahiga ng maayos sa tabi niya, bumangon na muna si Ave para tulungan si Kith dahil nga siya iyong malapit.             “Kawawa naman si Hamina, nakatulog na lang dahil sa takot niya kanina nang makita niya ang kapre. Kahit naman din ako, nakaramdam din ng takot. Ikaw ba naman makakita ng ganoon.” Anas ni Kith.             “Matulog na lang tayo, at huwag nang dalhin sa panaginip ang mga pangyayari sa gabing ito. Mawawala rin iyan bukas. Kagaya ng sabi ni Eon sa atin kanina.” Naghanda na rin si Aztar na humiga. Nang nakahiga na ang lahat, ako naman ngayon ang kahuli-hulihang nahiga, nakaharap ako ngayon kay Aztar na ngayon ay mahimbing nan gang natutulog.             Masasabi kong kahit na sa mundo namin noon, mga duwag kami, pero sa lugar na ito na may mga nilalang na alam naming mas mapanakit pa kaysa sa mga nam-bully sa amin noon, pero hindi na kami masyadong naduduwag. Kinakalma na rin namin ang aming mga sarili at iniisip na lang ang natatanging paraan para lang hindi kami kainin ng aming mga takot.             Kahit anong gawin kong pagpikit ng aking mga mata, hindi pa rin ako sinasapian ng antok, kaya nakatihaya muna ako ngayong nakahiga, ang dalawang kamay ay nakalagay sa aking tiyan. Nakatingin lang ako sa itaas na para bang naghihintay kung kailan ako dadalawin ng pagkaantok.             “Hindi ka ba makatulog, Deeve?” mahinang sambit ni Aztar. Akala ko ako lang ang hindi pa nakatulog. Kasi ang tatlo ay naririnig na namin ang kanilang mga hilik.             Tumango lang ako.             “Ano ba ang bumabagabag diyan sa isipan mo?” tanong niya sa akin.             “Wala naman, sadyang hindi pa ako dinadapuan ng antok.” Pagsasabi ko sa kanya ng totoo.             “Ikaw ba? Bakit hindi ka pa natutulog?” nilagay niya ang kanyang isang kamay sa kanyang noo.             “Inaantok na sana ako, pero mukhang kailangan mo ng kasama. Hihintayin na lang kita kung kai---.” Wala na, bagsak na ang katabi ko, akala ko ba hihintayin niya ako. Naiiling na lang ako sa mga pasaring ni Aztar. Kaya ngayon, pinilit ko na lang ang aking sarili na ipikit ang aking mga mata, baka sakaling makatulog na rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD