Kabanata 40
Naibalik na nga namin ang aming lakas, kaya maaga kaming nagising kanina, at ngayon naman ay kasalukuyan kaming naglalakad, mga ilang kilometro na lang siguro ay maaabot na namin ang Kanlurang bahagi ng lugar na ito. Wala namang mga kakaibang nangyayari simula nang nagpatuloy kami sa paglalakbay.
“Ang init naman ng sikat ng araw ngayon.” himas-himas pa ni Hamina sa kanyang braso.
“Naman, tanghali na kasi. Kumakalam na nga rin itong sikmura ko, eh. Pero mukhang malapit na naman tayo sa papuntahan natin. Kaya kaunting tiis pa, malay natin may mga puno ng prutas sa Kanluran, makapamitas tayo.” Kaagad na tugon naman ni Kith sa kaibigan. Itong dalawang babae lang talaga ang nagkakaintindihan, saka hindi naman namin sila masisisi kung mas marami silang iniinda kaysa sa aming mga lalaki.
“Kung ganoon, pwede naman nating bilisan ang paglalakad natin, para mas lalo tayong mapabilis.” Turan ko sa kanila, na ngayon ay palinga-linga ako sa paligid. Wala namang mga nakaharang na kung ano-ano sa daan, kaya naisipan kong kausapin sila na takbuhin namin ang pagitan ng nilalakaran namin ngayon, hanggang sa makarating kami sa Kanluran.
Sumang-ayon naman silang lahat, nauna akong tumakbo, nagamit talaga namin an gaming pagsasanay, siyempre, hindi ko binilisan masyado ang pagtakbo ko, para masundan pa rin nila ako. Nang napahinto ako dahil sa putol na tulay na natatanging madadaanan sana namin papunta sa kabilang panig ng kagubatan. Mukhang ang kabila na ang Kanluran.
“Woah! Muntikan na tayo roon, ah. Buti at napansin mo kaagad ang tulay, Deeve.” Ani Aztar.
“Kaya nga, eh. Kailangan nating mag-isip ng paraan para makaraan sa tulay nang hindi nalalalaglag.” Alam kong imposible, kasi nga nang sinubukan kong humakbang sa tulay, umuuga-uga na talaga ito at parang ang kahit anong gawing pag-iingat ay mas lalong mapuputol ang lubid ng tulay.
“Kung may kapangyarihan lang tayong lumipad, baka pwede pa. Pero wala, eh. Mukhang hahanap tayo ng paraan para makatawid.” Lingon lang kami nang lingon sa paligid, nang wala talaga kaming nakitang paraan para makapunta sa kabilang gubat, magkahiwala kasi talaga ang bundok ng Kanluran sa Timog. Kaya siguro may tulay rito, pero bakit kaya hindi na nilagyan ng tulay rito? At sinira na lang nila?
“Mga ilang metro kaya ang layo niyan sa atin?” suri ni Kith sa tulay.
“Sa tingin ko, mahaba ito. Kailangan talaga nating makapunta roon, bago tayo maabutan ng hapon, saka alam kong nagugutom na rin ang ilan sa inyo.” Pasaring ko sa kanila, nagmasid-masid ako sa buong paligid, nang may naalala ako.
“May naiisip na akong paraan, pero kailangan niyo akong tulungan.” Hindi ko muna sinabi sa kanila ang plano ko.
“Ano naman iyon?” ani Aztar. Umakyat tayo sa mga puno, saka magtunog ibon tayo, para makakuha ng atensiyon sa mga higanteng ibon kagaya nang dumukot sa aming dalawa ni Kith.
“Anong iniisip mo? Baka kainin pa tayo ng ibon na iyon.” Ani Kith. Nang nagsalita naman sa gilid ko si Aztar.
“Hindi naman siguro tayo ipapahamak ni Deeve. Kaya gawin na lang natin ang kanyang gusto. Baka ito lang ang natatanging paraan.” Nakaramdam naman ako ng pagkagalak sa pagsang-ayon ni Aztar sa gusto kong mangyari.
Nagsiakyatan na nga kami sa mga puno, iba-ibang puno ang inakyatan namin, nang nasa ibabaw na nga kami, pansin naming ang lalim pala ng bangin. Kung sakaling dumaan kami sa tulay at naputol ito ng tuluyan, siguradong mahuhulog kami at baka hindi na kami makababalik pa, kaya mas mainam itong naiisip ko. Wala mang kasiguraduhan na matutulungan kaming lima ng isang ibon. Atleast may pagpipilian kami.
“Sabay-sabay na ba tayong magtawag ng ibon?” ani Ave.
“Unahan ko na.” huminga ako ng malalim. At nag-ipon ng ng hangin para makatawag ng pansin sa ibon sa paligid.
Malakas ang pagboses ibon ko, mukha akong nagtatawag ng mga manok at magpapakain. Kung sakali mang may makarinig sa pagtawag ko, sana hindi niya ako agad na tukain.
“Sasabayan ka na namin, Deeve.” Alok naman ni Aztar.
Sa lakas ng aming mga boses, siguradong-sigurado na maririnig kami ng higanteng ibon na iyon. At sa tingin ko naman ay mabait ang ibon na iyon.
“Sigurado ka ba, Deeve na ma lalapit sa ating ibon?” kausap ni Ave sa akin.
“Ipagpatuloy lang natin. Kung pagod na ang lalamunan mo, kami na lang dito.” Hindi ko naman masisisi si Ave, lalo na at kababalik lang ng lakas niya kaninang umaga. Saka andito ulit kami ngayon sa ganitong posisyon.
“Deeve, tignan mo sa banda roon. May gumagalaw!” sigaw ni Hamina, sabay turo nito sa kabilang bukirin sa Kanluran.
“Oo nga, ano. Baka ang malaking ibon na iyan.” Galak ko ulit na turan. Pinagpatuloy lang namin ang aming ginagawa, hanggang sa kitang-kita na nga namin ang ulo ng ibon, mukha itong bagong gising.
Pinapagaspas nito ang kanyang malalapad na pakpak. Pinagpatuloy pa rin namin ang pagtutunog ibon. Hanggang sa naging successful kami sa aming plano na palapitin sa amin ang ibon. Dahil sa malakas na hangin na galing sa pagpagaspas nito sa kanyang pakpak. Napatabon kami ng aming mga mata gamit naman an gaming dalawang braso. Tinitigan pa muna niya kami bago siya pumatong sa isa pang puno.
Napalaki namin ang mata nang bigla-bigla itong nagsalita. As in nagsalita ng katulad ng isang tao. Nakikipag-usap siya sa amin ngayon.
“Anong kailangan niyo sa akin, mga bata?” napanganga talaga kami sa naririnig. Sabay kusot-kusot ko pa ng aking mga mata. Hindi talaga kasi ako makapaniwala.
“Naaalala kita, kayong dalawa, kayo pala iyong dinukot ko ‘di ba? Pasensya na kayo sa nangyari.” Paghingi nito ng paumanhin. Dahil sa kanyang ginawa noon.
“Paano ka nakakapagsalita?” ‘di makapaniwalang tanong ni Hamina sa ibon.
“May bibig naman kaming mga ibon, kaya nakakapagsalita kami.” Pambabasag ng ibon. Mukhang lalaki ang ibon na ito. Dahil marunong din mambara at palabiro.
“Seryoso ako.” May kaunting inis na si Hamina.
“Seryoso rin naman ako, bata.” Panay lang ang tawag niya sa aming bata. Kaya nagpakilala na kami sa kanya.
“Kaibigang ibon, salamat at dininig moa ng aming pagtawag sa iyo, kailangan kasi namin talaga ng tulong mo, pero bago iyon. Magpapakilala muna kami sa iyo.” Isa-isa na nga kaming nagpakilala.
“Ikinagagalak ko kayong makilala, tawagin niyo na lang akong Birdie.” Aniya. Kaya ngayon, natapos na kaming magpakilala sa bawat isa.
“Ano nga pala ang maitutulong ko sa inyo. Mga kaibigan?” nagtinginan kaming lima, at tinuro ko ang sirang tulay.
“Kailangan na kailangan naming makapunta sa kabilang ibayo ng Kanluran. Pero nang nakita naming sira na pala ang tulay, wala na kaming iba pang maisip na paraan. Tapos naalala kita. Kaya nagbabakasakali akon makita kang muli. Kaya kita tinawag, at nagagalak ako dahil nandito ka.” Walang mapagsisidlan ng tuwa ang aking puso.
“Iyon lang ba? Sige, tutulungan ko kayo, pero sa isang kondisyon.” Anang ibon.
“Ano naman iyon?” kalmado kong turan.
“Bigyan niyo ako nng makakain.” Napapalakpak ako ng aking mga kamay.
“Iyon lang ba, sige sige.” Mabuti na lang at madaling kausap ang ibon na ito. Kaya nauna ang dalawang babae na sumakay sa likod ng ibon, habang naghihintay kami rito, nang bumalik naman agad ang kaibigan naming ibon, kaming tatlo na ang sumakay sa likod ni Birdie.
“Maraming salamat talaga, kaibigan. Kung hindi dahil sa iyo, baka nandoon pa kami roon, o hindi kaya ay nalaglag na kami sa napakalalim na bangin na iyon.
Nang may nalaglag na kung ano sa ibabaw, kinuha ko ito saka tinignan. Isang balde ng mga buhay na uuod sa lupa na kinakain ng mga ibon. Mukhang sina Eon at Vee ang nagpadala nito. Maraming salamat sa kanilang dalawa at nagpadala sila ng ganito.
“Oh, ito na ang ipinangako naming pagkain mo. Magpakabusog ka, maraming salamat muli, Kaibigan. Hanggang sa uulitin.” Winagayway na namin ang aming mga kamay, at nagpaalam na ng tuluyan sa kanya.
Nagpatuloy na nga kami sa paglalakbay, sa wakas ay nasa Kanluran na kami, kakaiba ang gubat dito, dahil ang mga puno rito ay may malalaking ugat, saka kadalasang baluktot ang mga puno, pero ang ganda ng mga kulay ng mga dahon, dahil buhay na buhay ang kulay nito. Napakaberde.
Ibang-iba sa gubat ng Timog, pero sa pagpasok pa lang namin dito sa Kanluran, may kakaiba na akong naramdaman. Parang may nagmamasid sa amin sa paligid, na hindi ko alam ang mararamdaman.
“Pansin niyo ba ang napapansin ko?” anas ko sa kanila.
“Huh? Wal---.”
“Shhh…hinaan mo lang ang boses mo, Hamina.” Napalakas kasi niya ang kanyang boses, gayong gusto ko lang naman sanang sabihin kung nararamdaman din ba nila ang napapansin ko sa paligid.
Wala na sa aming umimik. Nang nakahanap kami ng punong kahoy na may bunga.
“Ayon! May bunga!” sigaw ni Ave.
“Shhh…Ave, pakihinaan ang boses mo.” Ako lang yata siguro ang nakakapansin, kasi sila, panay lang ang pagsisigaw rito.
May mga kaluskos pa akong naririnig sa paligid.
“Ano ka ba, Deeve, wala namang mga tao rito tayo lang. Saka gubat naman ito.” Aniya.
“Ayon na nga, kagubatan ito, saka nasa ibayong Kanluran na tayo, at hindi pa natin alam kung ano ang mga nilalang ang mga nandito, malay natin ‘di ba? Ang mga puno pa lang nandito ay may mga buhay. Kaya hindi dapat tayo nag-iingay.” Paliwanag ko sa kanila. Nagpalingon-lingon naman sila sa paligid. Kailangan kong sabihin sa kanila iyon, para naman itatak nila sa kanilang mga isipan na wala na kami sa Timog. Saka hindi malayong mangyari na rito namin makalalaban ang mga nilalang sa Kanluran sa pangalawang lebel ng misyon.
“May punto si Deeve, wala ba kayong napapansin? Noong tinanong tayo niyan ni Deeve, may napapansin ako, pero hindi ako umimik, dahil pinakiramdaman ko muna ito ng lubusan, nang kompirmadong may hindi tama sa mga puno.” Napatitig ako kay Aztar. Akala ko kasi ako lang ang nakapansin, siya rin naman pala.
“Kung ganoon, anong dapat nating gawin?” pasaring ni Kith, na ngayon ay aligaga na ring nagmamasid sa buong paligid.
“Ayaw ko na tuloy pumitas ng mga bunga rito. Baka kung ano pa ang makain ko.” May bakas ng takot sa boses ni Ave.
Hindi ko sila masisisi kung ganoon ang dating sa kanila. Basta ang gusto kong iparating sa kanila ay ang pag-iingat, at paghihina ng kanilang mga boses, at laging humingi ng pahintulot sa bawat gagalawin naming mga bagay rito. Dahil nasa ikalawang bahagi na kami ng aming misyon.
“Hihingi na lang siguro tayo ng makakain kay Eon, o kay Vee. Alam kong nakahihiya iyon, pero wala naman tayong choice.” Wika pa ni Ave habang nakahawak sa kanyang tiyan.
Patuloy pa rin kami sa paglalakad, nang makahanap kami ng isang lugar na katulad sa kung saan kami naglagi sa Timog. Isang patag na napapalibotan ng mga puno. Kaya roon na namin naisipang magpahinga. Dinala namin ang tent, sayang kasi kung iiwanan namin, wala namang sira.
Inilatag kaagad namin ang tent, nang biglang may nalaglag na naman sa ibabaw, buti na lang talaga nasalo ni Hamina at Kith. Hindi pa kami humihingi pero alam na nila na nagugutom na kami. Mukhang nakatingin nga sila palagi sa aming mga kilos. At binabantayan.
Matapos naming maglatag, sabay-sabay na kaming kumain, habang sumusubo, may nararamdaman ako sa paligid na parang nakatingin sa akin, sa aming lima. Parang may mga hidden camera sa bawat sulok ng kagubatan na lang nakatingin sa amin, pero imposibleng mangyari iyon, wala namang ganoong mga bagay sa lugar na ito. Maliban na lang kung ang mga puno mismo ang nakatingin sa amin at nagmamasid sa amin. Kinikilabutan tuloy ako sa aking naiisip, paano ba naman kasi kung ano-ano na lang talaga ang pumapasok sa aking utak.
“Kay bilis ng paglalakbay natin, ‘no? Nandito na tayo sa Kanluran, saka kung wala si Birdie, paano na kaya tayo kanina? Baka naroon pa rin tayo sa kabila. Naabutan na naman tayo ng umaga.” Pasaring pa ni Aztar. Na hindi rin mapakali ang mga mata habang nagsasalita.
“Oo nga, eh. Saka iniisip ko naman ngayon kung anong klaseng mga nilalang na naman kaya an gating makalalaban. Sana makayanan natin silang talunin. Habang palapit kasi tayo nang palapit sa Hilaga. Mas lalong nakakakaba. Saka pagkatapos natin ng Kanluran, pupunta pa tayong Silangan, dahil wala namang ibang daanan sa Kanluran papunta sa Hilaga. Kaya kailangan talaga nating sundin ang compass.” Pasaring ko sa kanila, natapos kaming kumain, kaya ngayon naman ay nasa loob na kami ng tent. Malamig ang paligid, kahit na mataas pa ang sikat ng araw, nagpasya kaming magpahinga na lang muna.
Nagkanya-kanyang pwesto na kami sa aming higaan, katulad pa rin ang posisyon namin sa kung paano kami natutulog tuwing gabi, kaya kami nagpasyang gumamit ng tent, kasi kapag sa labas kami matutulog, maiinitan kami, saka malalamigan. Hindi namin maintindihan ang klima sa labas ng tent. Kaya mas mainam na rito na lang muna kamimg lima.