Kabanata 21

1444 Words
Kabanata 21             Lavender’s POV             “Hoo! Sa wakas, natapos na rin natin ang ginagawang kubo.” Unat ko ng kamay, sabay lingon sa banda kung nasaan ang iba ko pang mga bagong kasama.             Inayos ko ang aking salamin sa mata nang pansin kong hindi maayos ang pagkapwesto. Rinig hanggang dito sa pwesto ko ang ginagawa nilang tawanan, lalo na sina Hamina, Deeve, at Aztar. Ramdam ko rin ang isa pa naming kasama na nakikiayon din muna siya sa bagong mga mukha na kasama namin ngayon.             Masasabi kong, hindi masama ang paglagak ko sa mundong ito. Dahil isa naman ito sa lihim kong hiniling, bago ako tuluyang nakatulog sa harap ng aking desktop computer, kung saan ay abala ako sa pag-se-search sa aming takdang aralin tungkol sa pagkakaibigan.             Nakatatawang isipin, may ganito kaming assignment, kaso hindi ko naman ramdam kung may kaibigan ba akong maituturing sa loob ng klase. Kasi naman, puro panunukso, kaplastikan lang naman ang aking nararamdaman.             Nakayuko ako nang biglang nagbalik sa akin ang mga pangyayari bago ako napadpad sa lugar na ito na malayo sa totoong mundo.             “Our first honor of this grading is…Lavender Dill.” Ang tahimik ng paligid, wala man lang akong naririnig na palakpakan, ‘di ba nga kapag ina-announce ang isang bagay na ganito. Dapat may maririnig kang mga masigabong palakpakan, at sigawan? Bakit parang nakabibingi naman yata ng sobrang katahimikan?             “Class, let’s give a round of applause for Lavender.” Kung hindi pa nagsalita ang guro namin, baka wala pa ring papalakpak. Pero parang may mali rin sa kanilang palakpak. Ang tamlay, nahiya ako sa aking sarili. Bakit ko pa ba kailangan ng palakpak nila. Kung ayaw nila, okay. Hindi naman kawalan iyon. Ang importante ay nagawa ko ulit na makatungtong sa hinahangad ko palaging pwesto sa honor roll.             Kasalukuyan akong nagliligpit ng aking mga gamit, nang may nagsilapitan sa aking mga kaklase. Bibigyang pugay ba nila ang pagka-top ko? Lihim akong natawa sa aking naiisip. Nalimutan ko na siguro iyong pangyayari nang ganito rin ang eksena.             “Ang galing mo talaga, Ave. Saka ang tali-talino mo pa. Hindi maitatangging ikaw ang nasa pinaka-top.” Tapik-tapik pa ng likod ko habang hinahagod. Napatigil lang ako sa pagliligpit. Ang bastos ko naman yata kung ipagpapatuloy ko ang ginagawa ko habang kinakausap pa nila ako.             “Oo nga, Ave. Keep it up, bro!” malakas rin na tapik sa akin sa balikat nitong isang kaklase ko rin na hindi ko alam kung saan nilalagay ang utak sa sobrang---ayaw ko na lang magsalita.             Hindi ko na maatim na hindi magsalita sa mga kaplastikang kanilang ipinapakita.             “Sabihin niyo na ang mga kailangan niyo, uuwi na ako.” Pagkasabi ko no’n. Pabagsak nilang nilagay ang mga notebook nila sa aking armchairs. Kaya ang iba sa mga ito ay nagsilaglagan na dahil sa rami. Kanina lang, dalawa lang ang nakipag-usap sa akin. Pero mukhang kalahati ng klase ay nakikisali na sa kaplastikang hatid nina Vizente at Glam.             Magkasintahang puro landi lang naman ang alam, hindi man lang nilulugar ang paglalandi sa pag-aaral.             Naitaas ko ang aking ulo, pero kita ko naman ang mga mukha nilang hindi ko maatim na tignan, dahil sa peke lang naman ang ngiting nasa kanilang mga labi.             “Alam mo na ang kailangang gawin diyan sa mga kwaderno namin, Ave. Saka oo nga pala, congratulations---.” Nakatayo lang ako ng tuwid nang may naramdaman akong malamig sa aking ulo. Hanggang sa napunta ito sa aking mukha, amoy na amoy ko ang bango ng orange juice na binuhos nila sa akin.             “---pasensya na, wala kaming confeitti. Bye! Ayusin moa ng pagsagot, para naman mas lalong tumaas grade namin.” Umalingawngaw ang tawa sa loob ng silid. Ganito na lang palagi kapag i-a-announce na kung sino ang top one ng klase.             Ako na lang palagi ang nakikitaan nila ng target sign. Na ako na lang din palagi ang kanilang pinatatamaan ng mga nonsense na mga bagay at napagtitripan.             “Ito panyo.” Tumayo ako, kaagad na sinuot ang bag, saka lumabas ng silid.             Puro pagpapakitang-tao lang naman ang alam nila. Saka kung concern siya, bakit niya pa hinahayaang ma-bully ako, bago pa niya ako lapitan ‘di ba? Ganoon na ba ang trip nila?             Nag-iinit ang gilid sa aking mga mata, sumisikip ang aking dibdib dahil sa pagpipigil ko ng hininga. Nang tuluyan na nga akong nakapasok sa pinakasulok nitong aming librarya. Walang ibang estudyante sa banda rito, kung ‘di ako lang.             Maingat kong nialapag sa mesa ang aking dalang bag. Saka kumuha ng libro na maaari kong basahin para naman mahimasmasan ako sa kaninang inis.             Kuyom ang kamao ko, may panggigigil ang pagkahawak ko ng libro. Malaki ang libro kaya alam kung hindi ako nakikita sa likod nitong makapal na aklat na tahimik na pinapalandas ang kanina pang nagbabadyang mga luha. Nakakagat labi akong umiiyak, nakatingin sa bawat salita na nakasulat sa aklat. Hanggang sa nailabas ko na ang dapat na ilabas. Kinuha ko ang panyo na lagi kong dala sa aking bulsa.             Marahan kong pinahid ang basa kong mukha, at ikinalma na ang sarili.             Palagi na lang ganito ang nangyayari. Nakasasawa na. Hanggang kailan ba itong ganito sa buhay ko? Hanggang sa mawala na ako sa mundo?             Nakaramdam ako ng antok, kaya ginawa kong unan ang makapal na libro. Kaya doon ako sumandal saka umidlip na muna.             Ilang saglit lang nang may insektong lumilipad-lipad sa tainga ko, kaya ako nagising. Nang sa pagmulat ng mata ko, nalaglag ako sa upuan nang makita kong nasa bahay na ako. Dala ko pa rin ang libro na lagi kong kinukuha sa library kapag umiiyak ako.             “Patay! Hindi ko naalalang humingi ako ng borrowing slip sa librarian. ‘Di bale bukas, isasauli ko na lang, hindi na lang ako magpapahalata.” Dahilan ko sa sarili. Pero bigla kong naikunot ang aking noo, saka taas ng isa kong kilay.             “Teka nga muna, ang naalala ko talaga, naidlip ako sa library, eh. Bakit ba ako nandito?” Nilibot ko ang aking mata sa aking silid-tulugan nang makita ko ang nagkalat na mga kwaderno ng mga kaklase ko sa paligid ng aking desktop.             Ibig sabihin, nakatulog pala ako sa kasasagot ng kanilang mga notes na dapat ay sila sana ang nagsasagot. Tsk!             Hinakbang ko ang aking mga paa palapit sa aking study table. Nang may kumatok sa aking pintuan.             “Pasok!” sigaw ko para marinig ng tao sa labas. Alam kong si mama iyon, dahil kami lang naman ang nandito sa bahay. Dahil nga sa iniwanan na kami ni papa, at may sarili na itong pamilya.             “Oh, anak. Gising ka na pala. Ito at dinalhan kita sa silid mo ng meryenda. Kanin aka pa kasi riyan sa harap ng computer mo kanina, saka nakatulog ka na rin sa kasasagot mo riyan sa mga kwaderno. Ano baa ng mga---.”             “Wala, ma.” Mabilis pa sa alas kwatro ang pagligpit ko ng mga libro at ipinatong-patong koi to para hind nito makita ang mga pangalan.             “Oh, siya sige. Mag-snack ka muna. Saka congratulations ulit, anak. Ang galing mo talaga! Mana ka sa akin.” Bahagyang gulo ni mama sa buhok ko, at hinalikan niya ako sa aking noo.             “Ginagawa koi to para sa iyo, ma. Magsusumikap ako para mas maiahon pa ang buhay nating dalawa. At pagsisisihan ng mga taong nang-iwan sa atin ang mga kanilang pagkukulang.” Pangako ko kay mama.             Matamis na ngiti ang nakikita ko sa kanyang labi. Pero hindi pa rin maipagkakailang malungkot siya, dahil sa nangungusap ang kanyang mga mata.             “Salamat, anak.” Maikling sambit nito.             Nakalabas na nga si mama ng silid ko, nang nakaharap na naman ako sa aking computer. nang binasa ko ang kaninang aking na-search.             “How to have friends?” nang basahin ko iyon, biglang nagliwanag ang buong screen ng aking desktop. Anong nangyayari?             Hinihigop ako ng anong enerhiya na bumabalot sa buong screen, nang hindi ko na kaya ang lakas ng paghila ng liwanag. Naghanap ang kamay ko ng makakapitan, pero imbes na ang mesa ang aking hahawakan, ang libro pa talaga ang nakuha kong mahawakan. Kaya tuluyan na nga akong nilamon ng liwanag.             “Iyon ang rason kung bakit may dala akng libro, saka itong ballpen sa bulsa ko, ganito talaga ako, rito ko nilalagay para madali sa aking magsulat. At iwas wala ng ballpen.             “Oo nga naman!” ani Deeve na nakangisi.             Masaya akong nakatingin sa kanila, na focus talaga sa pakikinig sa kwento ko. Ngayon lang kasi nangyari na may nakikinig sa aking nagkukwento. Maliban sa mama ko.             Sana maging kaibigan ko sila. Kahit dito man lang sa mundong ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD