Kabanata 20

1312 Words
Kabanata 20             Kaladkad ako ngayon ni Hamina, mabilis ang kanyang paglakad, habang si Aztar nama’y kay laki ng mga hakbang. Animo’y nagmamadaling makita ang mga panibago naming makasasama. Pati nga ako ay nagagalak din silang makilala. Ayon nga lang, nasa isipan ko pa rin ang kaninang nakita sa may pasukan papunta sa masukal na kagubatan. Parang may manipis na dingding na gawa sa salamin.             “Sino kayo? Nasaan ako?” bungad na tanong ng isa sa kanila, habang ang isang babae naman ay abala ang sarili sa pagkilatis sa paligid.             “Kaibigan, katulad niyo ri’y kami walang alam sa kung bakit kami nandito, at kung saang lupalop ito ng mundo. Pero iisa lang ang natatanging sumagi sa isipan ko. Kayo na ang panghuling makasasama namin sa isang misyon.” Seryosong turan ni Aztar. Nakatindig lang siyang nagsalita sa dalawa. Kaya nakapokus lang ang dalawa sa pakikinig sa mga sinasabi ng kaibigan.             “Ibig sabihin, wala rin kayong ideya kung nasaan tayo?” sabay-sabay naming tangong tatlo.             Mukhang masasabi kong ako lang yata ang naiiba sa kanila ng suot. Tanging uniporme lang ng El Federico ang nagsilbing balot sa aking katawan. Habang sila ay parang nakapaghanda sa misyong aming tatahakin. Bakit ba naman kasi hindi ako in-inform ‘di ba?             Iling-iling ko para mawala ang naiisip. Umayos na sila ng upo nang makabalik na sila sa kani-kanilang mga sarili. Tinignan ko ang kamay ko nang hindi ko man lang siya napansing binitiwan nap ala niya ang aking kamay, at nilapitan ang mga bagong dating, dala ang bunga na galing kay Eon.             “Kumain na muna kayo nito, para maibalik ang mga lakas ninyo.” Lahad naman ni Hamina pagkain.             “Salamat.” Sabay naman nilang usal.             “Magkakilala ba kayong dalawa?” nagkatinginan pa sila, nang sabay rin silang napailing, at iwas ng tingin.             “H-Hindi.” Marahan naman kaming tatlo nina Hamina at Aztar na napatango. Akala kasi namin magkakilala sila, kaya sila sabay na napunta rito.             “Hmm…ganoon ba. Pasensya na, akala kasi namin magkakilala kayo. Kasi sabay kayong napunta rito.” Patuloy lang sila sa pagkain. Nang napansin naming hindi na matamlay ang kanilang mga mukha.             “Anong klaseng prutas ba ito? Ang sarap, saka bawing-bawi talaga ang lakas ko.” Usal ng kaedad kong lalaki na nakasuot ng salamin sa kanyang mga mata. May daladala rin siya palaging libro. Saka kapansin-pansin din ang ballpen sa kanyang bulsa sa kanyang dibdib.             Itong kasama niya naman ay may suot na mahabang sayang hanggang binti, at may nakasukbit na malong sa kanyang balikat na animo’y ginawang damit pang-ibabaw. May nakatabon din sa kanyang ulohan na parang makapal na tela. Wala naman siyang dala.             Ako lang talaga yata ang hindi man lang nakapaghanda ng maisusuot. Pero sa tingin ko, binabase ang suot nila sa kanilang mga katauhan sa mundo ng mga tao.             “Maaari ba naming malaman ang inyong mga pangalan?” katulad nilang dalawa na kasama ko ngayon, ako na naman ang naunang magtanong ng kanilang mga pangalan. Ewan ko, nang napunta ako rito, gusto kong makilala ang bawat nakasasama ko.             Nasabi ko nga sa sarili na may mga ganitong mga estudyante pa pa lang nais na makipagkaibigan na walang kapalit. Naalala ko tuloy si Faye. Pati ba siya kasali sa nawawalang estudyante? Kung nasali man, sisiguraduhin kong ililigtas ko siya.             Tanging si Faye lang ang naglakas ng loob na lapitan ako, kahit na alam niyang hindi maganda ang pakikitungo sa akin ni Mikel at ng mga kaibigan nito.             Bakit kaya siya nasama sa kinuha, akala ko talaga mga bully lang ang nawawala. Hmm…katakataka.             “Lavender Dill, seventeen. Pwede niyo na lang akong tawaging Ave, para mas maikli.” Pakilala ng nakasalamin.             “Ako naman si Kith Mindy, eighteen.” Maikling pagpapakilala.             Isa-isa namin silang kinamayan, bilang tanda ng pagtanggap sa kanila. Pare-pareho lang naman din kaming salta rito. Nagpakilala na rin kami sa kanila. Nang may napansin ako sa aming mga edad.             “Pareho pala tayong tatlong mga lalaki na dise-otso na, habang ang dalawang mga binibini ay labingpito.” Usal ko.             “Oo nga ano, ang bilis mong mapansin iyon, Deeve.” Ngumisi lang ako sabay kamot ng aking ulo.             “’Di naman.”             “Kayo bang tatlo, magkakilala rin ba?” nakaupo na kami ngayon sa kagagawa pa lang ni Aztar na mataas na upuang gawa lamang sa kahoy. Ang galing naman pa lang gumawa ng mga ganitong bagay ni Aztar. Hindi maitatangging anak nga siya ng isang sundalo. Kasi alam niya kung paano maging responsable sa mga gawain.             “Hindi, sa totoo nga niyan, magkahiwalay rin kaming napunta rito. Ang nauna talagang nalagak dito ay si Deeve.” Turo pa sa akin ni Hamina. Magaling talaga makipag-usap si Hamina sa mga taong bago lang niyang nakita. Mabait naman siya, pero bakit kaya na-bu-bully pa rin siya. Dahil lang siguro sa inggit. Inggit ng mga iyon dahil nabibili ni Hamina ang gusto niya.             “Sumunod naman si Aztar, pagkatapos ako. Hmm…sa El Federico lang kami nag-aaral na tatlo. Kayo ba?” dagdag pahayag ni Hamina.             Naitaas nila ang kanilang mga kilay at kita rin ang kanilang pagbahagyang ayos ng kanilang mga upo.             “Ako rin,” sabay pa nilang usal. Kaya nagkatinginan na naman silang dalawa, pero umiwas din sa isa’t isa.             “Sigurado ba kayong hindi kayo magkakilala?”             “Hindi ba kayo nagulat nang sabihin naming sa El Federico rin kami nag-aaral?” pag-iiba sa tanong ni Ave.             “Hindi na, kasi naman…nang nalaman naming kaming tatlo ay sa pareho ring paaralan nag-aaral, itinatak na namin sa aming isipan, na kung may kasunod pang darating at papasok sa lagusan papunta rito sa kabilang mundo. Sigurado na kaming sa kapareho pa ring paaralan sila pumapasok. At ngayon nga, tama kami.” Ngiting usal ni Hamina. Tiga tango lang kaming dalawa ni Aztar.             Tumayo muna ako, saka naglakad-lakad saglit, naglabas na muna ng tawag ng kalikasan. May ginawa rin kasing palikuran si Aztar, kaya walang problema, saka may nakita kaming maliit na lawa sa malapit dito, kaya roon kami kumukuha ng tubig panghugas.             Kung hindi pa nila naisipang gumawa ng maliit na kubo, baka hindi namin malilibot ang buong paligid na pwede pa naming libutin. Hindi namin malalamang may ganitong mga anyong tubig pala.             Nang natapos akong maglabas. Naghugas na muna ako ng kamay, sabay pahangin na muna at tingin-tingin sa paligid. Sila na muna ang bahala sa dalawa. Nilingon ko sila sa banda roon nang nawala sila sa kanilang inuupuan. Sinuyod ko ang paligid nang nakita ko sila sa banda kung saan may marami pang nagkalat na mga kahoy.             Nagtulungan na pala sila ulit na tapusin ang kubo. Nakatutuwa naman, bago pa lang sila rito, pero kaagad naman silang nakikipaglapit sa amin. Pero tama lang naman iyon, kasi kami-kami lang din naman ang mga kailangang magtulongan.             Tutulong na lang siguro ako sa kanila, para naman may silbi ako. Nakahihiya naman kung nandito lang ako at nakatingin lang sa kanilang bisi sa kani-kanilang mga ginagawa.             Napatingin ako sa kalangitan, maraming mga nagliliparang mga ibon, saka maghahapon na rin pala ngayon ko lang napansin. Teka! Bakit hindi masakit sa matang tignan ang araw? Dahil ba hapon na?             Kalahating pikit ang aking mata, para malinaw na makita ang araw. Nang may nakikita akong kakaiba sa araw rito sa mundo ng mga engkanto. May mga gumagalaw sa loob nito. Saka parang buwan yata ang gumagalaw, ibig sabihin ba, nagtatago lang ang buwan at naghihintay na lulubog ang araw? Napapangiti na lang ako sa naiisip. Ang likot-likot talaga ng aking isipan. Kung ano-ano na lang talaga ang pumapasok dito.             “Deeve! Halika nga rito, tulungan mo kaming putulin ang kahoy.” Tawag ni Hamina sa akin, kaya nabalik ang aking ulirat sa reyalidad.             “Ah, oo! Papunta na.” balik-sigaw ko naman sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD