Kabanata 19

1235 Words
Kabanata 19 “Ilang araw na ba kayong nanditong dalawa?” bungad na tanong ni Hamina, nagpalilim kasi muna ki ngayon sa malabong na punong si Eon. Hindi pa namin naipakilala si Hamina sa kaibigan naming punongkahoy. Panigurado, magugulat din siya kapag nakita niya ito. “Mga tatlong araw na ako rito, si Aztar naman pangalawang araw na niya.” wala sa amin ang focus ng mata ni Hamina. Sa palagay ko pinapamilyar niya ang paligid kung saan siya ngayon. “Tatlong araw niyo na, pero hindi ba kayo nagugutom o nauuhaw? Saka napansin ko ring napapagitnaan pala tayo ng mga kakahuyan, saka iisa lang ang daan papasok ng kagubatan. Nasubukan niyo na bang pumunta roon?” sabay naming iling ni Aztar. "Hindi pa." Inabala lang namin ang mga sarili sa pagtatanggal ng mga mahahabang damo. Nakakikiliti kasi ito kapag natutulog na kami sa gabi. Napatingala na lang kami nang biglang tumayo si Hamina. Saka nagpagpag pa ng kanyang pang-upo. “Tara pasukin natin, hahanap tayo ng makak---” "Huwag!" Mabilisan naming hinili ang magkabilaang braso ni Hamina, para pigilan siya sa kanyang pagtatangkang pumasok sa gubat. Walang imik kaming tatlo, nang nagsalita si Eon. “Kung sino man ang papasok ng kagubatan, hinding-hindi na muling pagbubuksan ng lagusan.” hinarap namin si Eon, habang si Hamina naman ay tahimik sa bandang sulok. Mukhang tama nga ako ng naiisip kanina, nagulat siguro siya dahil sa nagsasalita ang puno. “Kore wa hontōdesuka?” nakikinita ngayon ang pangingislap ng kanyang mga mata, nang sabihin niya naman ang lingguwahe na hind talaga namin maintindihan. Alam naming Japanese iyon, pero hindi naman namin alam ang ibig sabihin. Nasa kanya na ang pares ng aming mga mata, napansin siguro niya ang aming pananahimik. “I am sorry, na-amaze lang ako sa nakita ko ngayon, isang puno na nagsasalita ang kumakausap sa atin ngayon, and by the way, aren't you shocked?” tinginan namin ni Aztar sabay iiling-iling. “Huh? All this time, you didn't told me that you have a tree friend that can speak?” lukot mukhang pasaring niya. “Well, that's not the problem anyway. Hi, friend.” she waved her hand to Eon. “Eon ang pangalan niya, Hamina.” usal ko. “Wow, you already gave him a name, Eon is such a wonderful name, it suits him a lot.” she run towards Eon, and give him a wide hug. “I am happy to be your friend too.” nagulat lang ako sa naging ugali ngayon ni Hamina. She's genuine, and pure. Tumikhim si Aztar. Kaya naagaw nito ang aking atensiyon. Kanina ko pa kasi napapansin si Aztar na habang si Hamina ay magiliw na niyayakap si Eon, mukhang malalim naman ang kanyang iniisip. “Eon, ano ang ibig mong sabihin na kapag papasok kami sa nag-iisang daan papunta sa masukal na kagubatan, ay hindi na kami makababalik pa. Pwede bang mas maipaliwanag mo pa sa amin iyon?” nagbitiw naman ng yakap si  Hamina kay Eon. Na ngayon ay bumalik sa amin para makinig na rin sa maaaring paliwanag ng kaibigan. “Ito ang natatanging labasan at pasukan ng mga nagpupunta rito, sa totoo lang, ngayon lang ulit dumami ang mga iilang kagaya ninyong tagalupa na nakapasok sa labasang matagal na naming ipinasara. Dahil sa isang itim na mahika na nanggagaling sa itim din na mangkukulam na nagngangalang Lucinda." Unti-unti kong itinatak ang mga iilang impormasyong sinasabi sa amin ngayon ni Eon. Sa Timog, ako ang naatasang maging tagabantay ng lagusan, ako rin ang nagbibigay balita sa tagapangalaga namin. ”Tagapangalaga?“ "Kung aking hahabihin, ang iilang nangunguha ng mga tagalupa na sinasabi niyong nawawala sa inyong lugar. Iyon ang mga alagad ni Lucinda, samatalang ako naman ang isa sa katiwala ng mabuting mangkukulam.” ngayon naiintindihan ko na. “Ibig mong sabihin, nagkagugulo ngayon ang mundo ng mga engkanto, dahil sa masamang adhikain ng itim na mangkukulam?  Pero, teka...Ano ba ang dahilan kung bakit nanggugulo si Lucinda? At nandadamay pa siya ng mga tao?” mahabang pahayag ni Aztar. Mataman lang siyang nakatitig ngayon kay Eon. “Hindi ko alam, mga kaibigan. Ang akin lang nasasagap na balita ay ang kagustuhan ni Lucinda na masakop ang buong kagubatan ng mga iba't ibang klase ng elemento. Mga lamang lupa, tubig, nasa himpapawid at kung ano-ano pang mga nilalang. At iyon ang ayaw naming mangyari. Kaya siguro siya naghahasik ng lagim sa mundo ng mga tao, dahil napag-alaman niyang ang pinsan niyang karibal niya sa kapanngarihan, ay nasa lupa nagtatago,  para lang maagapan ang kanyang mga plano. Nabanggit din ng tagapangalaga namin noong may makatutulong na sa aming makamit ang kapayapaan dito sa aming mundo.” nagkatinginan kaming tatlo. “Kami ba ang mga iyon?” mabagal nitong galaw sa kanyang mga sanga. Napayuko ako at napapaisip. Kung ganoon, kaya ko ba ang misyon ko na ito? Hindi ko pa alam, kasi wala pa kami sa puntong nakahaharap. Namin ang mga panibagong mundo. Sabay na sinandal ng dalawa ang kanilang mga kamay sa aking nakalaylay kaninang balikat. Inangat ko ang ulo saka salitan silang tinignan. Nginitian nila akong dalawa na parang sinasabi nilang hindi ako nag-iisa. Bakit ko nga ba ipinag-aalala ang sarili ko? Kung nandito naman silang dalawa para sa akin? “Kung sakali mang wala nang darating pa, mag-eensayo na tayo para kahit papaano ay maging maayos ang pakikipaglaban natin sa mga kalaban.” pinakita ko ang aking kamao sa kanila, sabay pakitang handa na ako sa kung anong kaakibat na misyon ang mapagdadaanan namin sa susunod na mga araw. ... “Anong ginagawa niyo?” “Nangunguha ng mga kahoy na pwede nating maggamit paggawa ng maliit na kubo.” “Paano? Wala naman tayong mga gamit pangputol ng kung ano-anong---.” bigla namang nilabas ni Aztar ang nakatagong patalim sa kanyang likod. Nalaglag ang panga ko nang ginamit niya iyon pamutol ng kahoy. “Ano nga ulit ang sinasabi mo, Deeve?” mapaglarong turan ni Hamina sa akin. Abala na kasi sila sa pangongolekta pa ng mga kahoy, habang si Aztar naman ang tiga putol, kaya nagdesisyon na rin akong tumulong. Nakatulog kasi ako kanina, kaya hindi ko alam na may ganito pala silang plano, mas mainam na ito, para may masisilungan kami kung uulan man o mainit. “Manguha ka rin ng mga maaaring maging bubong natin, Deeve. Ako na ang bahala sa mga kahoy.” sigaw na pahabol naman ni Hamina, nasa may kabilang parte kasi siya na maraming mga nagsikalat na sanga at puno. Habang ako naman ay papunta sa mga tanim na may malalaking dahon. Malapit lang ako sa nag-iisang daan, animo'y isang salamin ang nakikita ko, pero kitang-kita ko naman ang nasa kabilang parte nito. Masukal na daan, madilim at nakatatakot. Sinubukan kong ilapit ang kamay ko sa lagusan, nang biglang may pumigil sa kamay ko. “Huwag.” kunot-noo kong usal. “Huh?” Lumapit na rin si Aztar sa banda namin, nang may nagliwanag ulit na bagay sa banda kung nasaan kami kanina, nagbukas na naman ang lagusan. At katulad namin, may napadpad na namang mga katulad namin sa lugar na ito. Pero sa tingin ko, hindi lang isa, pero dalawang kasing-edad lang din namin ang dumating. “Tara puntahan natin, baka sila na naman ang bago nating makasasama.” hinigit naman ni Hamina ang kamay ko, pero nakalingon pa rin ako sa kaninang pasukan. Bakit kaya ako pinigilan nilang dalawa? Nakapagtataka. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD