Kabanata 61 May biglang gumalaw sa likod ko habang mataman na sanang nakapikit ang mga mata ko sa kadahilanang pinipilit ko na lang ang sariling matulog. Baka kung sakali ay makatulog na ako sa sandaling dapuan na ako ng antok. Nilingon ko ang likod ko nang kaagad kong nakita si Aztar na nakaupo na sa kanyang higaan. Kaya kaagad na rin akong napabalikwas ng bangon, kasi naman nagulat talaga ako dahil akala ko kanina ay mahimbing na siyang natutulog. Siya kasi ang nagsabi na kailangan na niyang magpahinga. “Teka, hindi ka pa pala natutulog?” “Hindi.” “Anong problema?” inayos ko naman ang sarili ko sa pag-upo. Inusog ko ang aking sarili. “Wala naman, pero may iniisip lang.” pansin kong hindi mapakali ang kanyang m

