Kabanata 62 Naabutan ko na lang ang sarili ko sa higaan na mag-isa. Ramdam ko na rin ang init ng buong tent, kaya lumabas na ako. Dito na ako sa labas ng tent nagpunas ng aking mga mata baka may natira kasing dumi rito, nakahihiya naman kung makita nila. Panay lang ang libot ko ng aking mga mata nang kaagad ko naman silang nakita na naliligo sa batis. Kaagad ko silang pinuntahan, hindi man lang nila ako hinintay na magising. Sila lang talaga ang naligo sa batis. “Grabe kayo, hindi niyo man lang ako ginising.” Bungad kong sigaw sa kanila. “Deeve! Gising ka na pala, mabuti naman.” “’Di ka na lang namin ginising kanina, sabi kasi ni Aztar na late ka na raw nakatulog kagabi. Tapos kanina rinig na rinig ka pa nga naming humihilik

