Kabanata 49
Panay lang kami buga ng hangin, lalo na ako na sobrang lalim ng paghinga ko sa tubig, naalala ko tuloy iyong pagkakataong nandoon kami sa lawa, na nakahihinga kami sa tubig.
“Ano ba ang nangyari sa inyo kanina? Saka saan ka galing, Deeve? Nag-alala kami ni Ave sa iyo, bigla ka na lang nawala.” Alalang sambit pa ni Aztar. Nilapitan naman niya ako at inusisa, ganoon din ang dalawa, nang napako ang kanyang mata sa mga binti ng dalawa na ngayon ko lang napansing namumula pala ang higpit na pagpulupot ng gumagalaw na halamang iyon sa kanila.
“Anong nangyari sa mga binti ninyo? Ba’t may mga ganitong bakas? Huh?” nakaluhod ngayon na tinignan ang mga binti at paa ng dalawa, pinaupo naman sila ni Ave sa tent. Hindi pa rin ako nakabalik sa normal na paghinga, pero nakiusisa na rin ako sa bakas ng halaman na nakikita ngayon ni Aztar.
“Hindi ko alam, saka hindi namin alam ang pumulupot sa binti namin kanina, saktong nandoon pa si Deeve kaya siya ang natawag namin kaagad nang nahihirapan kaming gumalaw na dalawa.” Si Kith na ngayon ang nagsasalita, at nasa akin naman ngayon ang mga mata nina Ave at Aztar, Naghihintay na sa maaari kong isagot sa kanila.
“Kaya hindi na kami nakasigaw kanina, kasi nga naisip namin na bawal gumawa ng ingay, kaya mas pinili naming mahinang tawagin si Deeve na paahon na sana.” Dagdag pasaring ni Hamina na ngayon ay nakatingin lang sa kanyang mga paa.
Nagbitiw muna ako ng napakalalim na hininga, sa huling buga ko ng hangin, bumalik na rin sa normal ang ginhawa ng aking baga. Sa wakas ay maayos na rin sa wakas ang pahinga ko. Kaya sinimulan kong ayusin sa isipan ko kung paano ko ba sasabihin sa kanilang lahat ang nakita ko sa ilalim. Tumikhim ako para mawala ang bara sa lalamunan.
“Kanina kasi, nang paimpit nila akong tinawag, nilingon ko kayong dalawa, kaso nakabihis na kayo, kaya hindi ko na kayo nagawang tawagin, minabuti kong sumisid na lang, kasi nahihirapan na ang dalawa sa pagkilos. At masyado na silang nasasaktan, nang sa pagkakita ko sa ilalim ng tubig, nabigla ako nan gang pumulupot pala na mga halaman ay hindi lang ordinaryong halaman na hindi sadyang napulupot sa kanilang binti. Dahil ang mga halamang iyon ay parang may sariling mga buhay.” Huminto ako saglit saka inaalal ulit ang nangyari kanina.
“Ako sana ang isusunod nilang puluputan, kaya nag-isip ako ng paraan para hindi rin nila ako mabiktima, dahil kung mabibiktima nila ako, baka hindi ko na matulungan sina Hamina at Kith. Kaya ang ginawa ko, nag-invisible ako sa ilalim ng tubig, saka ang ginamit kong pamutol ng halaman ay isang maliit na parihabang bato na ginawa kong patalim para maputol ko ang mga ito. Parehong-pareho ang galaw nila sa mga may buhay, dahil sa pagputol ko sa kanila, napabitiw lahat ng halaman sab inti nila, bago pa kami maabutan ulit, dahil nagsilabasan na nga ang iba pang mga halaman doon sa ilalim, lumangoy na kami ng mabilisan. Kaya kami hingal na hingal kanina.” Dagdag kong impormasyon sa kanila sa mga nangyari sa ilalim ng batis.
“Kaya siguro pinapaalalahanan tayo ni Eon kagabi na kailangan nating mag-ingat sa kung maliligo man tayo sa batis, dahil pala sa mayroong mga kung anong mga akala nating walang kabuhay-buhay sa ilalim ng batis, pero iyon pala ang magiging mitsiya sa kapahamakan.” Makahulugang turan naman ni Ave.
Naisipan naman niyang buksan ang dala niyang libro, nang bumungad sa amin ang isang guhit na parang kami rin, ngayon lang din ito lumabas, saka abalang isinusulat sa libro ang kung ano ang nangyayari sa amin ngayon.
“Siyanga pala, Deeve. Kung sakaling matapos ang misyon natin at magtagumpay tayong lima. Anong gagawin mo sa libro mo?” ngayon ko lang sumagi sa isip ko kung ano ng aba ang gagawin ko sa libro, kung hindi pa nagsalita si Ave.
“Sa totoo lang, hindi ko pa alam. Pero kung sakali man, gusto ko sanang maisalibro iyan at maibahagi sa lahat ang karanasan ng isang limang duwag na ordinaryong estudyante na napadpad sa ibang mundo para magligtas ng buhay ng kapwa estudyanteng bihag ng isang masamang mangkukulam. Ganoon lang, saka kahit naman kasi isipin nilang fantasy lang ang libro na gawa ko, alam naman nating lima kung ano ang totoo. Na ang totoo na mismo tayong lima ang nakaalam sa nangyayari sa kung nasaan tayo ngayon, kung paano nabuo ang nobela.” Nakangiting sambit ko ng mga salitang iyon sa kanila.
Napakaseryoso pa rin ng mukha ni Aztar na nakatingi sa mga paa ng dalawa.
“Hindi na naman iyan masakit, Aztar.” Ani Kith, para matigil na ang kaibigan.
“Naiisip ko lang, mukhang ito na ang palatandaan na malapit na nating makalaban ang mga nilalang na nasa pangalawang lebel, dahil sa may mga gumagalaw nang halaman ang unang sumubok ng ating kakayahan. Sa tingin ko, ganoon ang kanilang ginagawa, bago nila tayo sinusugod, inuobserbahan muna nila tayo sa pamamagitan ng pagbibigay ng kung anong mga madadaling bagay na kalalabanin.” May punto si Aztar. Iyon pala ang iniisip niya kanina pa.
Naalala ko rin kasi noong unang beses naming may nakalaban, iyong mga hayop at insekto na akala naming iyon na ang makalalaban namin sa unang lebel, pero hindi pa pala. Katulad lang din ngayon, isang halaman na parang may buhay na gumagalaw ang humihila sa mga kasamahan namin, saka ako, may balak pa silang biktimahin ako.
Anong klaseng gumagalaw naman kaya na mga halaman ang aming makalalaban? Hindi naman siguro kami sa tubig dadaan? Kasi nga ang nakasaad naman din doon sa makalalaban namin ay mga nilalang na hinding-hindi namin aakalaing makalaban namin dahil mga anyong lupa sila habang kami ay mga tao. Saka ang mga nasabi rin naman doon na mga punong gumagalaw. Kaya hindi ng siguro kami sa tubig maglalaban. Sana nga hindi sa tubig, dahil hindi naman kami nakhihinga sa tubig.
Pero kung sakali mang sa tubig nga kami maglalaban, may pagkakataon kayang maibalik namin ang pagkakataong iyon na nasa lawa kami, na nakahinga kami sa ilalim ng tubig dahil sa may mga malaisda kaming guhit sa gilid ng aming mga leegan na nagsisilbing hingahan namin ng hangin kapag nasa ilalim ng tubig.
Kailangan naming maghanda sa gagawing laban, hindi basta-basta ang ikalawang lebel para hindi namin mapaghandaan. Kailangan naming gumawa ng planong lima. Iaayon namin an gaming mga kakayahan sa kung sino ang tuka sa lalaban sa mismong mga nilalang.
Sa tingin ko, ang lalaban sa mga gumagalaw na puno na hindi pa namin alam kung ano ang mga kakayahang nagagawa nila ay sina Ave at Kith. Habang kaming tatlo nina Hamina at Aztar sa mga engkanto na hindi rin namin alam kung anong klaseng nilalang ang mga iyon. Basta ako, salitan na lang, kung saan ako kailangan pupunta ako sa kanila. Para balanse ang laban.
Kaya namin ito!