Kabanata 48

1270 Words
Kabanata 48             Hindi pa nga nagpapakita ang haring araw, pero ito na kami ngayon sa kalagitnaan ng gubat, hindi na kasi namin matiis ang sobrang panlalagkit nang aming mga katawan, gustong-gusto na naming makalasap ng lamig. Nagtanong pa nga kami kagabi kay Eon, matapos niya kaming bigyan ng hapunan kung saan kami pwedeng maligo, oh, kung may madadaanan nga kaya kaming batis o ‘di kaya ay talon na maaari naming sisiran. “Naiinitan na kami sa mga suot namin, Eon, saka hindi naman sa nagrereklamo kami na mainit. Pero sadyang hindi lang kami sanay na hindi naliligo ng mahabang panahon. Saka nasanay na rin ako sa amin na kailangang maligo ako araw-araw sa tinutuluyan ko.” Pagsasabi ko ng pawang katotohanan kay Eon. “Wala namang problema sa akin iyon, Kaibigan. Saka naiintindihan din namin ang inyong mga pangangailangan.” Nakahinga ako ng maluwag sa naging tugon ni Eon sa mga pinagsasabi ko ngayon sa kanya. Habang ang iba ay tahimik lang na nakikinig. Ako kasi ang tinutulak nila na magtanong kay Eon patungkol doon, kasi nahihiya sila. “Maraming salamat, Kaibigan. Siyanga pala, saan kami dadaan kung sakaling pupunta kami sa maaari naming pagliguan?” diretsahan kong tanong. “May iisang daan lang naman ang lalakarin ninyo papunta sa dulo ng Kanluran.” May kung anong nasabi naman si Eon na nakapagpatingkad ng aking dalawang tainga. “Anong dulo? Ibig sabihin ba no’n, Eon. Ang paglalakbay namin ngayon sa Kanluran ay ang dulo na? Papunta na kami sa ibang lokasyon? Sa Silangan ba?” kita ko namang marahang itinaas-baba ni Eon ang kanyang ulo sa kabilang linya. Naririnig ko pa ang malulutong na ‘yes’ ng mga kasamahan kong nandito. Kung ako lang din ay napakasaya ko sa aking narinig. Biruin mo? Wala kaming mga nakalaban sa Kanluran, pero mukhang hindi naman kasi mga nilalang ang nakalalaban namin sa lugar na ito. Ang mga sarili namin, kung gaano katatag ang aming pagkakaibigang nabuo sa mundong ito. Kung gaano kami pagtibayin ng mga pangyayari sa amin sa misyong ito. “Hindi pa man kayo makararating sa dulo ng Kanluran, may madadaanan kayong batis doon, kailangan niyong maligo roon na hindi nag-iingay. Dahil kung maingay kayo, may mapupukaw kayong nilalang na hindi niyo alam na magpapahamak sa inyong paglalakbay.” Dahil sa naging pahayag na iyon ni Eon. Kinabahan tuloy ako. Parang ayaw ko na yatang maligo. Pero hindi naman pupuwedeng hindi kami maligo. “Salamat sa pagpapaalam mo sa amin, Eon. Paalam.” Nagpaalam na rin ang kaibigan sa amin, nang may nalaglag na aming susuotin. Kapareho lang din naman sa mga suot namin an gaming susuotin ngayon. Mukhang ang dami nilang mga kaparehong damit na stocks. Biro ko sa aking sarili. Pero siyempre sa akin na lang iyon. Habang naglalakad kami, napag-usapan din namin ang kaninang napag-usapan namin ni Eon, patungkol doon sa kung saan kami maliligo. Dapat talaga kaming hindi mag-ingay para hindi kami makagambala ng kung sino mang nakatira roon, o, baka sa kanila pala ang anyong tubig na iyon ‘di ba? Hindi namin alam, na nakatingin lang pala sila sa amin. “Nagdadalawang-isip na tuloy akong maligo.” Ani Hamina. “Ano ka ba, Hamina, ang baho mo na kaya, tapos hindi ka pa maliligo, ew.” Pangongonsensya pa ni Kith sa kaibigang babae. “Eh, hindi mo ba narinig iyong sinabi ni Eon sa kabilang linya?  Na may nagbabantay na kung anong nilalang sa mismong pagliliguan natin.” Mahinang garalgal pa ng kanyang boses. “Kung mag-iingay lang naman tayo, iyon lang ang sinabi ni Eon. Na kailangan nating hindi gumawa ng ingay kung sakaling lulusong man tayo sa kanilang tirahan. Kaya bago talaga ang lahat, katulad ng mga ginagawa natin sa mundo ng mga tao. Kailangan talaga nating humingi ng pahintulot kahit na hindi man natin sila nakikita, at para sa ganoon ay hindi natin sila magambala at alam nila na nandito tayo ngayon sa kanilang pook.” Espleka ko sa kanila, para maibsan ang kanilang takot. Kinakabahan man ako, hindi ko rin naman ipinapakita sa kanila iyon, para wala nang ibang mahawa sa takot-takot na iyan. “Bibilisan na lang natin ang paglusong sa tubig, para kung ganoon ay makaalis na rin tayo agad nang wala tayong nadidisgrasya.” Pasaring naman ni Aztar. Napansin na namin ang sinasabi ni Eon na nag-iisang daan. Kaya iyon na siguro ang daan papunta sa kung saan namin makikita ang batis na aming pagliliguan. Nang nakapasok na kami sa mismong gubat, namangha ako sa batis na sinabi kanina sa amin ni Eon. Akala ko talaga ay maliit lang na batis ang mapupuntahan namin. Gayong ang laki pala nito, at hindi naman gaanong malalim. Saka ang gandang pagmasdan ng tubig nito na sobrang linaw. Abala ang iba sa pagtingin-tingin sa paligid. Para kasing may nakatingin sa amin, kahit na hindi ko pansinin ang buong paligid. “Mga kaibigang hindi namin nakikita, kami sana’y inyong pahintulutan na makaligo sa inyong napakalinis at napakalinaw ninyong batis. Gusto lang namin malamigan ang aming buong katawan, kaya sana ay ayos lang sa inyo.” Matapos kong magpaalam, biglang humangin ng malakas. Gumagalaw-galaw rin ang mga dahon ng mga puno sa gubat, na para bang tumatango. Kaya iyon na ang naging tanda ko para magsimula na kaming lumusong sa batis. Sinunod talaga namin ang payo n Eon na hinding-hindi kami gagawa ng ingay para wala kaming maisturbo na kung anong nilalang na nakapaligid sa amin ngayon. Kasi naman, sila nakikita kami, at kami naman ay hindi sila nakikita. Nararapat lang talaga kami na hindi mag-ingay at gumawa ng ekstrang kilos para hindi kami makatama ng kung sino man. “Tapos na ako.” Mahinang sambit ni Aztar. Ang bilis naman yata niyang matapos. Well, hindi naman importante na kailangang magtagal sa pagligo. Kailangan din kasi naming bilisan ang pagligo para naman sa ganoon ay mahaba-haba ang oras an gaming magagamit. Dinalian ko na rin ang pagligo, nang sumunod na ring umahon si Ave. Aahon na sana ako nang napansin ko na umimpit sa kabilang banda ang dalawang dalaga. “Deeve, tulong. Hindi namin maigalaw ni Hamina ang mga paa namin, parang may kung anong naapakan kami na nagpahirap sa aming mahila ang aming mga paa.” Mahinang anas nila. Para naman hindi makagawa ng ingay. Hindi ko na nagawang lingunin ang ibang mga kasama na ngayon ay abala na siguro sa pagbibihis. Kaya wala akong nagawa kung ‘di sisirin ang hindi kalalimang batis. Hanggang baywang lang naman namin ito. Dahil sa linaw ng tubig, malinaw kong nakikita ang paa ng dalawa, kitang-kita ko rin ang dahilan kung bakit hindi sila makalakad. Nilapitan ko ang kanilang mga paa, kung saan ay may halamang nakapalibot sa kanilang mga binti. Ang nakapagtataka lang nito, napakahirap tanggalin ng halaman na ito, mukhang may sariling buhay ang halaman na ito. Sa bawat paghila ko sa halaman, may napapansin na rin akong mga ibang halamang gumagalaw sa iba’t ibang parte ng batis. Kaya minabuti kong gamitin ang kapangyarihang hindi nakikita, para sa ganoon ay hindi nila ako mabiktima. Kung nais ng mga ito na makipaglaro, pwes, pagbibigyan ko sila. Ginamit ko naman ang kapangyarihan na mayroon si Ave, kumuha ako ng baton a pahaba, saka ginawa itong maliit na patalim. Kaya iyon ang ginamit ko para maputol ang maliit na bahagi ng nakapulupot na halaman sa binti ng dalawa. Kaya sa isang saglit lang ay nakaahon na rin sila. Mabilis kaming lumangoy, sumunod lang ako sa kanila, nang sa wakas ay hindi na rin kami naabot pa ng mga halamang iyon na hindi ko alam kung anong klase. Hoo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD