Nakaabot na kami sa sasakyan at binuksan ni Lie ang pinto. Hanggang sa makapasok na kami sa loob. "Ang ganda! Mukhang bagong-bago." Bahagya akong napangiti habang pinagmamasdan ang loob ng sasakyan. “Huwag kang mag-alala, Jenn. Balang araw magkaroon din tayo ng ganito,” saad ni Lie, at natuwa ako sa sinabi niya. "Mag-ipon tayo, pangarap ko kapag makalaya na tayo pareho ay magkaroon tayo ng bahay, sariling sasakyan, at sariling negosyo. ‘Yong tipong hindi na tayo makakaranas ng kahirapan sa buhay." Napangiti ako habang ini-imagine ang mga pangarap ko pagdating ng panahon. “Matutupad ang nais mo, Jenn. Sabay nating abutin iyan,” madamdaming saad ni Lie. Hinawakan niya ang isa kong kamay at hinalikan niya ito. Hanggang sa pinaandar na niya ang sasakyan at umalis na kami. Dumiretso ka

