Hanggang sa naghanap ng simbahan si Lie, at sakto pagpasok namin ay mayroong ikakasal. Napangiti ako habang nakatingin sa ikinasal. Bigla kong nai-imagine na kami ni Lie ang nasa harap ng altar. Nagising ang aking diwa nang hawakan ni Lie ang aking kamay at dinala niya ako sa gilid kung saan walang tao at doon kami umupo. Lumuhod siya at ginaya ko naman siya. Subalit hindi ako nagdadasal, dahil nakatutok ang atensyon ko sa ikinasal. Bahagya akong tumingin kay Lie, ngunit nakapikit ang mga mata niya habang seryoso sa pagdasal. Pagkatapos niyang magdasal, umupo siya sa aking tabi. "Tapos ka na bang magdasal?" pabulong na tanong niya sa akin. "Huh! Hmm... Oo!" sagot ko, subalit nagsisinungaling ako sa kanya. Sapagkat ang totoo hindi naman talaga ako nagdasal. Hanggang sa lumabas na

