Bigla siyang napatingin sa kanyang sapatos at dali-dali niya itong tinanggal ang sintas. Mabilis siyang tumayo kahit na nahihirapan siya, agad niyang sinakal ang kalaban at hindi na niya hinayaang makakuha ng isa pang pagkakataon na mahawakan siya. "Tama iyan, Cod016." sigaw ko. "Kill... Kill... Kill..." paulit-ulit na sigaw ng mga manonood. “Aaaaah!” Isang nakakabinging sigaw ni Oba, na tila binuhos na niya ang kanyang natitirang lakas. Halos nahihirapan na huminga ang kanyang kalaban at pilit na inalis ang sintas sa kanyang leeg, ngunit mas hinigpitan pa ito ni Oba. Hanggang sa nanghihina ito at nahihirapan na huminga, at tuluyang nalagutan ng hininga. Pumasok ang bouncer at inutusan siyang pakawalan na ang kalaban. Saka pa lang siya nahimasmasan nang hawakan ng bouncer ang kanyan

